Share

Chapter Three

Naguguluhang tinignan ko ang kamay niya na nasa braso ko. Naramdaman niya siguro ang pagkailang ko kaya binitiwan niya ako agad.

Nilingon niya ng may seryosong tingin si Aling Marites. "By the way, isn't it illegal to rent out a property na hindi mo naman pag-aari?" tanong niya kay Aling Marites habang tinititigan niya nang masama ito at ang anak nitong lalaki.

"Ano ba'ng pinagsasabi mo? Amin itong lugar na 'to!" sagot niya na hindi man lang natinag kay ni Mr. Walton.

"The house, maybe. But as far as I know, WW Estate Holdings owns the land," sagot niya pa na ang tinutukoy ay ang kumpanyang pinagtatrabahuan ni Papa. "That only means, you're an illegal settler na pinagkakaperahan pa ang lupang hindi naman sa'yo. What a scam," sabi niya na nginingisihan lang si Aling Marites.

Nanggagalaiti si Aling Marites at namumula na rin sa kahihiyan. Marami na kasing tao sa paligid at narinig lahat nang sinabi ni Mr. Walton.

"Gusto mo bang idemanda kita sa sinasabi mo? Hindi mo ba alam na pwede kitang ipakulong dahil sa mga paratang mo sa'kin? Sino ka ba sa tingin mo, ha? " aniya.

Mas laling napangiti si Mr. Walton sa tanong niya. Ngiting nakakakilabot.

Ipaalala niyo po sa akin na huwag na huwag gagalitin si Mr. Walton kung gusto ko pa masikatan ng araw.

May dumating na isang itim na kotse sa tapat nang bahay. Ang assistant niya. Lumapit ito sa amin at ipinakita ang ID niya kay Aling Marites.

"He is Mr. William James Walton, CEO of WW Estate Holdings. Technically, the owner of this property," confident na sabi niya sabay pakita nang document na katibayan na sila ang may-ari.

Halos mawalan nang kulay ang mukha ni Aling Marites sa narinig.

Nanginginig pa rin ako sa galit dahil naatim ng konsensya niya na paalisin kami kahit alam niya ang sitwasyon namin.

"Tara na," sabi ni Mr. Walton sabay hila sa'kin. Nakailang hakbang pa lang kami nang magsalita ulit siya. "By the way," nilingon niya si Aling Marites. "See you in court, " sabi niya.

Nakasakay ako sa kotse niya sa may passenger seat. Nakaharap ang ulo ko sa bintana. Mabigat ang loob ko dahil sa nangyari. May mas titindi pa ba sa problema namin ngayon?

Sumisikip ang dibdib ko. Gusto ng kumawala ng mga luha ko. Bumibigat ang bikig sa lalamunan ko. Titingala na sana ako para pigilan itong mahulog.

"Here," sabi ni Mr. Walton sabay abot ng panyo sa'kin.

Tinignan ko siya na puno ng pagtataka.

"Cry. I won't judge you. I won't look at you. And I won't tell a single soul that you shed a tear," Pagkatapos kong marinig ang sinabi niya ay oarang sirang gripong mabilis na bumuhos ang mga luha ko.

Ilang minuto rin akong gano'n. Inubos ko lahat. At totoo nga, gumaan ang pakiramdam ko. Lumakas na ulit ang loob ko. Nakarating kami sa ospital na parang walang nangyari. Ikinuwento ko kina Mama ang nangyari sa bahay at hindi sila makapaniwala na nagawa ni Aling Marites 'yon. Pero mas nag-aalala sila kung saan na kami titira.

"Sa' n na tayo titira?" tanong ni Amir na may himig ng pag-aalala.

"We have a housing program for our eligible employees. And isa si Mr. Flores sa mahahalagang empleyado ng kumpanya. We are already preparing your house for transfer. As of the moment, kinukuha na nila ang mga gamit niyo sa bahay," ani Mr. Lewis na iniwan ni Mr. Walton rito para i-assist kami.

Napatingin si Mama sa kanya. Maamo siya nitong tinignan. "Nagpapasalamat kami sa ginawa niyo para sa'min. Pero hindi po namin matatanggap ang alok niyo," malungkot na sagot ni Mama.

Hindi man ako gano'n kasang-ayon sa desisyon niya pero naiintindihan ko.

"Pero dahil dinala na nila ang mga gamit namin do'n ay maari bang do'n na muna 'yon hangga' t makakakita kami nang malilipatan?" tanong niya.

"Wala pong problema. I'll inform Mr. Walton about your decision," sagot niya at kinuha ang cellphone sa bulsa.

Lumabas siya ng kwarto para tumawag at lumapit ako kay Mama. "Ma, magsesem break na rin naman. Siguro pwede muna akong magtrabaho?" tanong ko sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko at malungkot akong tinignan. "Anak, 'di mo kailangang gawin 'yan. Ako na muna ang magtatrabaho," sabi niya.

Alam kong nahihirapan na siya. Idagdag pa at wala pang improvement kay Papa.

"Kailangan po kayo ni Papa rito. Isa pa po, need ko rin nang experience kaya sana payagan mo na 'ko, " pagmamakaawa ko sa kanya.

Nilingon ko si Ambrose na umaasang tutulungan niya akong kumbinsihin si Mama. Tumango siya at lumapit.

"Ma, hayaan mo na si ate. Mahihirapan si ate makapagtrabaho in the future pag wala siyang experience," kumbinse pa niya kay Mama.

Tinignan ako ni Mama at kalaunay sumuko na rin. Tumango siya at niyakap ako. "Basta siguraduhin mo lang na kaya mo. 'Pag nahihirapan ka, pwede kang huminto anytime," sagot niya.

Napagaan ng sinabi niya ang loob ko. Sa wakas ay makakatulong na rin ako sa kanila kahit kaunti.

Napalingon kami sa sliding door na bumukas at pumasok na ulit si Mr. Lewis.

Napakamot siya sa kanyang ulo nang tumingin sa'min.

"I didn't mean to eavesdrop but I heard, you're looking for a job?" tanong niya sa'kin.

Nahihiyang tumango ako.

Lumapit siya sa'kin. "I have a favor to ask," medyo napangiwi siya sa sinabi niya. "I'm looking for a secretary. Pwede ka ba?" tanong niya na medyo nag-aalangan.

Hindi ako nakasagot bigla. Wala akong alam sa pagiging secretary. Baka pumalpak pa ako.

"Don't worry, I'll train you myself," sambit niya pa.

"Secretary niyo po ba?" tanong ko. Dahil kung kay Mr. Walton, nakakahiya. Hindi ako mapakali 'pag nandiyan siya. Nakakailang!

"Actually, it's for Mr. Walton," direktang sagot niya. "You'll be his seventh secretary for this month pa lang, " sabi niya na ikinagulat ko. "Medyo mainitin kasi ang ulo ng amo ko kaya alam mo na. Nahihirapan na akonb humanap ng kapalit dahil nagagalit na ang papa niya," dagdag pa ni Mr. Lewis na halatang desperado na.

"Seventh?" paniniguro ko.

"Yes. He's not as simple as you think he is. You haven't seen him yet in the office. He's a monster. That's why, I'm asking you for a favour. Sa'yo lang siya medyo mabait,"  mahabang sabi niya.

Habang nag-uusap kami ay nag ring na naman ang phone niya. Napabuntong-hininga siya habang pinakita sa'kin kung sino ang tumatawag.

"See? Napaka clingy na niya sa'kin. Lagi niya akong tinatawagan," biro niya pa. "You can think about it while I accept his call," sabi niya at lumabas na nang kwarto.

"Mas makakampanti ako kung sa kanya ka magtatrabaho anak," sambit ni Mama nang wala na si Mr. Lewis. Sinang-ayunan naman siya nina Ambrose at Amir.

May magagawa pa ba ako? Nakakahiya rin namang tumanggi.

Agad kong sinabi kay Mr. Lewis ang napagdesisyunan namin nina mama. Nasiyahan naman siya sa aming naging pasya. Anya ay hindi na siya mahihirapan pang maghanap. Umalis naman siya agad-agad at sinabing may aasikasuhin.

"Ma, bibili muna ako nang kape," pagpaalam ko sa kanya. Tinignan niya lang ako at tumango. Halatang pagod na siya dahil halos hindi siya nakakatulog.

Lumabas ako ng kwarto suot-suot ang itim na baseball cap at scarf na nakatali sa leeg ko para medyo natatakpan rin ang may bahagi nang bibig ko. Mainit sa labas kaya kadalasan ay ganito ako magtakip nang mukha. Dahan-dahan akong naglalakad papasok sana ng elevator nang may marinig ako. Patay-malisya akong huminto at kinakapa ang bulsa.

"He haven't woken up yet," rinig kong mahinang sabi niya.

Napahinto ako at kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Pinaglalaruan ko ito at nilagay sa tenga ko. 'Pag may nakakakita sa' kin ay iisiping may tinatawagan ako. Pero ang totoo, masama ang kutob ko sa lalaking nakatayo malapit sa'kin.

Sa pagkakaalam ko, si Papa lang ang pasyenteng hindi pa nagigising sa floor na 'to. Minsan kasi ay nakakausap ko ang mga resident nurse sa floor na' to. Kung ikukumpara sa hotel ay isa itong executive suite. O mga mahahalagang tao lang ang nacoconfine sa floor na 'to. Bukod kay papa, ay isang celebrity ang naka occupy sa isang kwarto rito na kasalukuyang nagtatago lang sa media.

Nakakasuspetsya rin ang kanyang porma. Kagaya ko ay nakusot rin ito ng itim na sombrero at lagi siyang nakayuko.

Hindi ko masyadong makita ang mukha niya.

"Yes, boss," sabi niya na may nakakakilabot na ngiti sa pisngi at bago binaba ang tawag. Napalingon siya sa gawi ko kaya tumalikod ako at nagkunwaring may kausap.

"Yes, Ma. Babalik ako agad," sabi ko sabay pindot ng elevator. Pagkabukas nito ito pumasok na ako. Nakaharap na ako sa lalaki. Nakapako rin sa akin ang tingin niya kaya nakikita ko na ang kanyang itsura.

Sa tant'ya ko ay nasa late twenties o early thirties na siya, matangkad, seryoso ang mukha at may tattoo na cross sa bandang kanan ng leeg niya.

Kumakabog ang dibdib ko sa kaba dahil sa presenya niya. Iniwas ko ang tingin ko at buti nalang ay pasara na ang elevator.

Akala ko'y makakahinga na ako nang maluwag ngunit bumukas ulit ang elevator. Nakaharang ang isang kamay niya sa bukana nito kaya bumukas ito ulit. Nakangisi siya habang dahan-dahang humahakbang papasok at ni hindi man lang ako nilubayan ng tingin.

Gumagapang ang sobrang kaba sa dibdib ko at nanlalamig na rin ang buo kong katawan. Napaatras ako at ngayo'y nakasandal sa isang sulok.

Umikot na siya at humarap na sa bukana ng elevator. Narinig ko pa siyang mahinang tumawa.

Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil halos naririnig ko na ang tambol ng dibdib ko. Nararamdaman ko na ring nanginginig ang kamay ko kaya tinago ko ito sa aking likuran.

Nararamdaman ko pa rin ang mga titig niya mula sa repleksyon ng elevator.

Bakit parang mas matagal yata makarating sa ground floor?

Nangangatog na ako sa takot.

Bumukas ang elevator at nilingon niya ako. Walang sabi-sabi ay itinukod niya ang isa niyang kamay sa dingding malapit kanang tenga ko.

"Breathe," malamig na sabi niya sabay alis.

Muntik na akong mabuwal sa pagkakatayo ngunit may mga kamay na umalalay sa'kin.

"Are you okay, Miss?" nag-aalalang tanong ng lalaking naka uniporme pang doctor.

Pinilit kong tumayo. "Thank you," sabi ko at humakbang na palabas ng ospital.

Tumakbo akong lumabas nang ospital at hinanap sa paningin ang lalaking nakasabay kanina. Napahinto ako ng makita ko sa harap ng entrance ang isang lalaking nakasakay sa isang bigbike na itim at naka suot ng black leather jacket at helmet.

Tinted ang helmet kaya hindi ko maaninag ang mukha niya. Pero napansin ko ang tattoo niya kaya alam kong siya 'yon. Sumenyas siya sa' kin na naka salute at mabilis na pinaharurot ang motor.

Tinitigan kong maigi ang plate number at pilit na kinakabisado. Malakas ang kutob ko na may kinalaman siya sa nangyari kay Papa.

Pero bakit siya nandito? Anong plano niya?

Nang mahimasmasan ako ay dumiretso ako sa labas ng gate at humanap ng convenient store kung saan makakabili ng instant na kape. Nagmadali akong bumalik sa kwarto ni papa.

Bago ako pumasok ay inikot ko muna ang paningin sa mga taong nakapaligid. Tinitignan kung may kahinahinalang tao pa bang umaaligid.

Napagdesisyunan kong huwag ito sabihin kay mama. Pero kailangan kong balaan sina Amir at Ambrose.

Mga alas singko ng hapon habang nakahiga ako sa sofa ay nag ring ang phone ni Ambrose. Pagsagot niya ay nalaman niyang si Mr. Lewis 'yon at hinahanap ako.

Binasa niya sa'kin ang kontrata at marami itong kondisyon. Isa na rito na kailangan naming i-occupy ang bahay na pinapatirhan ng kompanya hanggat ako ang sekretarya ni Mr. Walton. Pangalawa ay may service phone na kailangan kong gamitin. Pangatlo ay may ibibigay na mga damit ang kompanya na kailangan kong gamitin. Mga corporate attire ito at ilang formal dress na magagamit ko sa mga events at meeting. At kailangan akong sunduin araw-araw ng driver nila. Bawal akong mag commute kung papunta sa trabaho.

Ayaw talaga sana tanggapin ni Mama ang offer ni Mr. Walton. Kaya lang ay isa ito sa kondisyon para makapag trabaho sa kanya. Sinabi ko kay Mama na isipin nalang namin na nangungupahan kami rito habang wala pa kaming malilipatan. Isa pa ay benepisyo ito dahil sa kumpanya nila ako nagtatrabaho. At ako ang secretary nang CEO.

Iniwan muna namin si Ambrose sa ospital at kami naman nina Mama at Amir ay pumunta sa bagong bahay kasama si Mr. Lewis.

Malaki ito at may apat na kwarto. May kalakihan rin ang front yard nito at may garahe.

"If you need anything, please feel free to inform me," sabi niya sabay bigay nang susi kay Mama.

"Sobra-sobra nga po 'to. Salamat," nahihiyang sagot ni Mama.

Umakyat na sila Mama at Amir para ayusin ang mga gamit. Halata ang pagkasabik sa itsura ni Amir. Ngayon lang kami nakapasok sa ganito ka garang bahay. At ngayon, dito na kami pansamantalang titira. Nagpaiwan naman ako rito para samahan si Mr. Lewis.

"Heto, bigay ni Mr. Walton," sabi niya sabay abot nang paper bag na may nakalagay na brand nang phone. "You need that for your job. It's registered under the company kaya you can call or message us anytime," dagdag niya pa.

Ayoko sanang tanggapin pero dahil nasa kontrata ay hindi ko na tinanggihan. "Thank you," sinserong pagpapasalamat ko.

Umatras siya nang bahagya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Napahawak siya sa baba niya na tila may iniisip. "Magkakasya naman siguro sa'yo 'yong mga pinamili nang staff na mga damit. Kailangan mo' yong suotin araw-araw since minsan may mga emergency meeting na kailangan kang sumama. You have to look your best all the time," paliwanag niya pa.

"I understand, Mr. Lewis," sagot ko naman sa kanya.

Maya-maya lang ay dumating ang isang van na kulay red at lumabas galing ro'n ang babaeng on her mid-thirties.

"I have brought everything. That's a total of twenty coordinate clothes, ten dresses and twenty heels, as what Mr. Walton requested," seryosong saad niya pa kay Mr. Lewis. She turned to greet me and introduced herself.

"I'm Merlinda Ibaya, Mr. Walton's personal assistant," magalang na sabi niya sabay ngiti.

"Hi po. I'm Amber Flores," pakilala ko rin sa kanya.

"Good luck sa'yo, hija," sabi niya pa bago bumalik sa van para kunin lahat nang nabili.

"Bago ko makalimutan, may susundo sa'yo rito at exactly eight am," paalala ni Mr. Lewis sa'kin.

Natulog ako nang maaga dahil unang araw ko sa trabaho bukas. Alas singko palang ay naghanda na ako. Ako lang naman ang natulog rito sa bahay kaya gumawa lang ako ng sandwich at nagkape.

Suot ko ang isang peach blazer na may katernong slacks. Pinaresan ko naman nang isang plain white blouse sa loob. Naka high pony tail lang ako at naglagay nang nude lipstick. Makapal na ang kilay ko kaya hindi ko na ito inayos. Nilagyan ko rin lang ng kaunting blush on sa pisngi ko at ready na ako.

Mukha na kaya akong secretary? Naaaliw na tanong ko sa sarili ko. Nakaharap ako sa salamin at sinipat ang sarili.

Mga seven thirty na ng umaga ng bumaba ako. Hinihintay ko dumating ang sundo ko sa harap ng gate. Nang dumating na ang driver ay sinabihan niya akong dadaan kami saglit sa starbucks para bumili ng kape na utos ni Mr. Walton.

Nang nakarating na kami sa office ay nauna akong dumiretso sa opisina niya dahil dumiretso sa basement ang driver para pumarada.

Dala ko ang kape na utos ni Mr. Walton. Nasa harapan ako ng opisina niya kaya kumatok ako ng tatlong beses.

Wala pa siguro siya.

Napagdesisyunan kong ilagay nalang sa loob ang kape niya ng wala pa rin akong narinig na sagot mula sa loob. Dahan-dahan kong inikot ang door knob para buksan ang pinto. Humakbang na ako papasok at sinipat muna saglit ang suot ko kung hindi ba ako natapunan ng kape. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko harap para sina tignan kung sa'n ang mesa ni Mr. Walton.

"Ay! Naku po!" gulat na sabi ko nang mabitawan ko ang kapeng dala ko dahil sa pagkagulat.

Nakita ako ni Mr. Walton na pareho ko ay gulat ring napatingin sa'kin.

Papasok na sana ako nang makita ko ang mga bagay na hindi ko dapat makita. Nabagsak ko ang kapeng dala at napatalikod ako nang wala sa oras.

"What the fuck?!" rinig kong mura ni Mr. Walton.

Matatanggal ba ako sa unang araw ko?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status