Share

CHAPTER 4

Humigit-kumulang isang daang isang milya, pa-Hilagang Luzon at isang daan at siyamnaput kilometro sa gawing Timog ng Taiwan.

Matatagpuan sa Kanlurang bahagi ng Sabtang Island na pinaghihiwalay ng isang malalim na karagatan, na halos dalawang kilometro kalapad. Makikita ang isang mala-paraisong Isla na malayo sa kabihasnan.

The government declared that the island was uninhabitable. Ibig sabihin, imposible itong tirhan ng mga tao dahil sa mapanganib ang lugar. Later on, the government revoked and declared that it is now habitable. Ngunit, lingid sa kaalaman ng lahat ay may isang pangkat na ng mga tao ang matagal ng naninirahan sa Isla. Sila ay binubuo ng isang tribo. Ang tribong Itbayat. Sila ang namamahala at pumoprotekta sa Isla. Pinamumunoan sila ng isang Datu na may nasasakupan na halos 250 katao.

Mahigit apat na libong taon na ang nakakalipas, sa panahon ng Neolithic. Nanirahan ang tribong Itbayat sa isang bundok ng Vohas Island na tinatawag nilang idjangs. Ito ay isang burol na ginawa nilang kuta at tirahan. Matarik ito at mahirap akyatin.

Sinadya itong hubugin ng mga Itbayat upang maging mahirap sa mga mananakop na umatake. Dahil narin sa istraktura ng burol, mas madali para sa mga taga-tribo na maipagtanggol ang kanilang sarili mula sa mataas na posisyon. The hills were selected due to their location and then improved by making it steeper and adding rock formations on the sides to improve its defensibility.

Sa pagdaan ng panahon, maraming mga Itbayat ang nakapagtapos ng pag-aaral at naging mga ilustrado, na nagdala sa kanilang tribo ng mga rebolusyonaryong ideya ng katipunan. Sa kabila noon ay nanatili parin ang kanilang kultura at mga paniniwala ngunit mas malawak na ang kanilang kaalaman na pinanghahawakan. Kung kaya ang kanilang tribo ngayon ay may pamamalakad batay sa modernong panahon.

They already have access to electricity and water. They also build their own schools and churches. But still, their language is preserved. Marunong din naman silang magsalita ng Tagalog at Ingles pero hindi nila nakakaligtaan na magsalita ng kanilang sariling wika. Marami na rin sa kanila ang nagpabinyag bilang Katoliko, habang ang ilan ay nananatili sa sinauna nilang paniniwala at kasali na siya roon.

"Dakila!" sigaw ng isang bata sa may kalayuan.

Lumingon ang isang binata na may mga tattoo sa katawan at kumaway dito. Katatapos lang nito sa pag-aararo sa bukid upang taniman ng mga kamote,ube,cassava,gabi, at bawang. Pangingisda at pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay nilang mga Itbayat. Kinuha niya ang nakapatong na tela sa balikat at ipinampunas sa pawis na pawis na mukha dahil sa maghapong pag-aararo. Inalis niya muna ang suot na salakot na tinatawag nilang talugong, pati narin ang kanayi (woven vest) na suot. Gawa ito sa ginutay-gutay na dahon ng isang puno na tinatawag nilang Voyavoy o Date Palm. Lumalaki ito hanggang apat na metro ang taas. May matigas at magaspang na katawan at matutulis na mga dahon. Isinampay niyang muli ang tela sa balikat at mabilis na naglakad patungo sa batang tumawag sa kanya.

"Anong sadya mo sa'kin Banoy?" Aniya na kaagad nagtungo sa lilim ng punong akasya.

Kinuha niya ang lagayan ng tubig at kaagad na uminom. Ngayon palang niya naramdaman ang pagod sa buong araw na pagtratrabaho sa bukid. Kinailangan niya kasing bilisan ito bago pa man dumating ang panahon ng tag-ulan.

"Pinapatawag ka ni Datu Kidlat at may pagpupulong daw na gaganapin sa nayon kasama ang lupon ng matatanda" sagot nito at umupo katabi niya.

Kaagad na inilabas nito ang isang supot na may lamang mangga.

"Makaintindi ka su Ivatan?" (nakakaintindi ka ba ng Ivatan?) tanong niya rito at kumuha ng isang kapirasong mangga.

"Machinanawu aku su Ivatan" (nag-aaral ako ng Ivatan) sabay thumbs up nito sa kanya.

"Hindi naman porke't nanirahan kami ni Ina sa Maynila ay kakalimutan ko na ang wika natin kaka" (kuya) dagdag pa nito sabay ngiti ng malawak.

Ngumiti lang siya sa naging tugon ni Banoy. Sampung taong gulang na ito. Ang Ina nito ay nakapag-asawa ng taga-Maynila noong minsang may bumisitang mga Archaeologist sa Isla. Sa kasamaang palad, hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama at naghiwalay. Bumalik ang Ina ni Banoy sa Isla at dito na ulit nanirahan.

"Okay ah!" (mabuti naman) Aniya at kumuha pa ulit ng mangga.

"Makey aku nu mangga. Manawnas iya" (Gusto ko ang mangga. Matamis) tumayo siya at pinagpagan ang suot na bahag.

"Naging maaga ang anihan ng mangga kaka. Sa katunayan, ito ang mga hindi nakapasa para maibenta sa kabilang Isla. Kaya hiningi ko. Ibibigay din naman nila ito sa mga ka-tribo diba?"

Tumango siya at ginulo ang buhok ng batang lalake na ikinatawa nito.

"Mahep dana, mangay tana..." (pa-gabi na, tara)

Tumayo narin ito at sabay na silang naglakad pabalik sa nayon para dumalo sa gaganaping pagpupulong. Malayo-layo pa ang kanilang lalakbayin pababa pero hindi naman mahirap ang daan. Kasabay kasi ng modernisasyon ay naging maunlad na rin ang kanilang Isla. Naipaayos nila ang mga daan at ginawang sementado.

"Sumavat aku na sichanguryaw kaka, mirwa ta an kadwan, babay!"(uuwi na'ko ng bahay kuya, magkita nalang tayo sa susunod, paalam!) sigaw ni Banoy sa kanya na naglakad na papalayo papunta sa ibang direksyon.

Tumango lang siya rito at tipid na ngumiti. Binilisan narin niya ang mga hakbang pauwi sa kanilang tahanan.

"Ina?... Ara yu taw?" (Nay?... May tao ba?) Aniya at mahinang kumatok sa pintuan ng kanilang munting tahanan.

Ang mga bahay sa Isla ay karaniwang gawa sa apog,bato,kahoy at kati. Binubuo ito ng tatlong istraktura. Sala,kwarto at kusina, na kadalasan ay ginagawa nilang imbakan tuwing may bagyo.

Ang loob ng bahay ay maaliwalas at may malaking espasyo, kung saan pwedeng magtipon ang mga ka-tribo kapag may idinaraos na okasyon. Ang bubong ay gawa sa lime material at cogon grass. Idinesenyo ito upang maprotektahan sila laban sa malakas na hangin. Their island is known to be typhoon destination in the Philippines that's why they built their houses made of stones.

Maya-maya pa ay may lumabas na babaeng may katandaan na pero maliksi paring kumilos. May malaki itong ngiti sa mga labi at nakabuka ang mga braso para yakapin siya.

"Imu sawen,Dakila! Sumdep ka" (ikaw pala, Dakila! Halika) kaagad siyang niyakap nito at hinagkan sa pisngi.

Niyakap niya pabalik ang ina. Minsan lang kasi siya kung umuwi sa kanila. Masyado siyang abala sa bukid at nakabukod na rin. Sa edad na 30 ay may sarili na siyang bahay at doon na namamalagi. Bumisita lang siya ngayon dahil may pagpupulong at nami-miss narin niya ang ina.

"Kumninan ka na?" (kumain ka na ba?) tanong nito sabay hila sa kanya papunta sa kusina.

Umiling lang siya sa tanong ng Ina.

"Kuman ta na sichamguryaw? Angu uyaven ta?"(kakain na ba tayo?anong hapunan natin?) nakangiti niyang tanong sa Ina, "Nandito ang Ama mo. Ayun, nauna nang umupo. Kakain na sana kami kanina. Mabuti nalang at sakto kang dumating. Nakahabol ka pa sa hapunan" sagot ng Ina sabay turo sa Ama niyang tumayo sa kinauupuan at niyakap din siya.

"Dakila! Ara ka manguh?" (kamusta ka?) hinila na siya ng Ama paupo sa isang silya.

"Mapya Ama,imu?" (maayos lang ako Ama,ikaw?) sagot niya at kumuha na ng plato at kutsara, "Medyo naging abala lang ako sa bukid kaya ngayon lang nakabisita"

"Mapya... (okay lang) masdep sa u kanekanen. Kuman ta na (Masarap ang ulam. Kumain na tayo) Nagluto ang Ina mo ng piniritong dibang" sabay abot sa kanya ng ulam.

"May pagpupulong mamaya... Makangay ka? (Makakadalo ka ba?) Mapya siguro an myan ka dawri (Mas maigi kung naroon ka) pag-uusapan ang tungkol sa nalalapit na pagdiriwang"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status