The days went on and as usual, busy parin si Amara sa trabaho. Lalo na ngayon at may hinahanda silang event to launch their new product. Hindi na rin nangulit pa sa kanya si Noah na ipinagpasalamat niya. Abala siya sa pagbabasa ng mga dokumento nang tumunog ang kanyang cellphone. Itinigil na muna niya ang pagbabasa at tiningnan ito. Kaagad siyang napangiti sa nabasa.
Beshy Faye:
Let's chill! I miss you guys. 🥺
Kitakits sa Royal Night Club @6pm sharp. Wag kayong mali-late. Labyu! 😘
Kaagad naman siyang nag-reply.
To Beshy Faye:
G...
Then sent. Ganun lang siya mag-reply. Gets na 'yon ng kaibigan niya. Mas maigi ng nag-reply siya keysa tadtarin siya ng text ng kaibigan. Loka-loka pa naman iyon kapag di napansin.
At exactly 5 pm ay umuwi na siya. She needs to prepare for their bonding. Seguradong lasing na naman ang kaibigan na si Faye pagkatapos. She took a quick shower and picked her outfit.Napili niyang suotin ang black backless printed bandana top and paired it with bandana skirt na may slit sa gilid. He tied her hair into a messy bun, put some light make up and a peanut shade of lipstick. Then she matched it with statement hoops earrings. Hindi na siya nag-abala pang palitan ang low-heel ankle boots na sinuot niya kanina while working. She took a glance of herself in the mirror before going down to the lobby then took her mini-shoulder bag.
Susunduin siya ng kaibigan na si Cora kaya doon nalang siya maghihintay. She texted her na ready na siya while she's in the elevator. Pagkababa niya, nakita niya si Cora na nakaupo sa couch. Kaagad niya itong nilapitan at niyakap.
"Kanina ka pa Mars?" tanong niya rito at nakipag beso-beso sa kaibigan.
Cora is wearing black and white blink top selftie croptop and paired it with mid waist tattered denim jeans. She's also wearing a long and thin dangling earrings. Matched it with a 4 inches red stiletto high heels. Ang buhok nito ay naka-double dutch fishtail braid.
"Nope, kararating ko lang din. Sakto naman na na-received ko ang message mo" sagot nito sa kanya.
"shall we go?" iginiya na siya nito palabas ng hotel.
Paglabas nila ay natanaw niya kaagad ang sasakyan nito na Red Bugatti Chiron Sport Noire. Ito ang iniregalo ni Faye kay Cora habang Blue Koenigsegg Regera naman sa kanya noong friendship anniversary nila.
"Ginamit mo na pala..." aniya at sumakay na sa sasakyan nito.
"Ou, kararating lang niyan kanina sa bahay. Baka magtampo si Faye kaya ginamit ko na agad" nakangiting wika nito.
"Magtatampo talaga 'yon. Mabuti naman at ginamit mo kaagad. Ang sa akin, hindi pa dumarating kaya safe pa ako" natatawang wika niya sa kaibigan.
Gano’n kasi ang ugali ni Faye. Kapag nag-regalo ito, gustong nakikita na ginagamit mo talaga. Babayaran nga sana nila ni Cora kahit half of the original price ang sasakyan na binigay nito sa kanila pero sasama raw ang loob nito kapag pinilit pa kaya tinanggap nalang nila. Galante rin kasi ang kaibigan kung magbigay sa kahit na sino kaya minsan, naaabuso.
Sa kanilang tatlo, silang dalawa ni Faye ang matagal ng magkaibigan. Childhood friends kasi sila then same pa ng school nung nag-aral. Klasmet din sila. Matalino din si Faye. Competitive itong tao pero kung titingnan mo, parang walang pakialam sa mundo. 'Yon bang, mahilig sa YOLO. Ginagabayan ito nila ni Cora palagi. Na kung minsan, nauuwi sa debate ang dalawa at siya ang palaging tumatayong referee. Faye has this attitude na kailangan mo munang maglatag ng kahit 10 facts na mali talaga siya bago pa siya sumunod sa'yo, ngunit kahit ganun ang kaibigan, ito naman ang pinakamalambing sa kanilang tatlo.
Kaya nga nitong lambingin si Cora kahit pa mukha ng bulkang sumabog ang kaibigan at siya lang ang may kaya iyon. Siya kasi, tumatahimik lang sa isang sulok. Mahina siya sa mga gano’ng bagay. Maya-maya pa ay dumating na sila sa club. Nang biglang tumunog ang cellphone niya.
Beshy Faye:
3rd table from left. 2nd floor 🍻
Hindi na siya nag-abalang mag reply pa. Alam na niya iyon. Location iyon kung nasaan nakaupo ang kaibigan nilang si Faye. Bumaling siya kay Cora na kabababa lang ng sasakyan. Nasa parking lot pa kasi sila.
"Nag-text si Faye. As usual, nauna na naman" wika niya na napailing nalang.
"Iyon pa? Eh suki iyon ng Royal Night Club" natatawang sagot nito sa kanya.
Naglakad na sila papasok sa club. Kilala na sila ng bouncer dahil madalas sila ditong magkakaibigan.
"Good Evening po ma'am Cora, ma'am Amara" bati ng bouncer sa kanila na may mga ngiti sa labi.
"Good Evening" sagot naman ng kaibigan na si Cora. Siya naman ay tumango lang sa bouncer.
Umakyat na kaagad sila ni Cora patungong 2nd floor. Nakita naman nila agad si Faye na sumisimsim na ng tequila. Seryoso lang ito. Mukhang may problema ang kaibigan. Nagbeso-beso na muna silang tatlo bago naupo sa couch.
"Nag-order na ako ng drinks natin. Kaya, sit back and relax nalang kayo d'yan okay?" matipid itong ngumiti sa kanila ni Cora.
"Hmm... What's the problem Beshy?" nakakunot-noo niyang tanong dito.
"Is there anything that you want to talk about?" dagdag naman ni Cora.
Sakto naman na dumating ang waiter at inilapag ang order nila. May pulotan pang inorder si Faye. Mukhang magwawalwal talaga silang tatlo ngayon.
"Nakita ko siya" bumuntong-hininga ito at kumuha ng stallion then tinungga kaagad.
"Sino? Sinong siya?" nagtatakang tanong niya sa kaibigan.
"I think, she's talking about her man" sabat ni Cora while sipping her tequila drink.
"Wait... Totoo ba Beshy?!" gulat na gulat niyang tanong dito. Nabitin pa sa ere ang pag-inom niya ng tequila.
Hindi pa nila nakikilala ang lalakeng nanloko sa kaibigan nilang si Faye. Ayaw din pag-usapan ng kaibigan nila. Kitang-kita nila kung paano nasaktan ang kaibigan dahil sa lalake. Kaya nga naging mapaglaro na ito. They would give her some advice pero matigas ang ulo ng kaibigan nila. Ang magagawa nalang nila ni Cora ay paalalahanan ito palagi.
"Yes. Siya nga. He tried to reach out pero ayokong makinig" sagot nito at nangalumbaba.
"Sapat na ang isang beses na niloko niya ako"
Nagkatinginan naman sila ni Cora sa sinabi ng kaibigan."Naku! Mas mabuti pang sumayaw nalang tayo. Hindi ba sabi mo, nakapag-move on ka na dun?" wika niya na hinila na si Faye papunta sa dance floor.Nagpaiwan naman si Cora para bantayan ang mga gamit nila. Lumapit pa sa DJ si Faye para mag-request ng sasayawin nila na agad namang pinatugtog nito. They dance seductively at sinabayan ang ritmo ng musika. Aliw na aliw sila sa pagsasayaw nang may mabangga sa likuran si Faye."Ano ba!" sigaw ng babae.Napalingon naman silang dalawa ni Faye sa sigaw nito. Nakatalikod ang babae kay Faye at medyo nahihilo pa siya sa ilaw ng disco club, kaya hindi niya ito namukhaan agad."Ooppsss... I'm sorry miss–" nabitin sa pagsasalita si Faye nang lumingon sa kanila ang babae."Long time no see my dearest friends..." the girl smirked at them then flip
Tawang-tawa naman si Cora sa sinabi niya. Nag-usap pa sila about kay Noah bago siya naihatid nito sa condo niya at umalis na rin. Pagkapasok, dumiritso na siya sa kama para mahiga. Salamat sa binigay ni Cora kanina, hindi na siya masyadong nahihilo."Ano naman kaya ang mangyayari bukas?"Napatitig siya sa kisame. Hindi niya maiwasang balikan ang mga napagdaanan niya. Ilang beses na ba siyang na-inlove pero palaging nauuwi sa break-up? Lahat ng lalake na dumaan sa buhay niya ay nambabae. Palagi naman niyang binibigay ang best niya. Maswerte nga seguro siya sa ibang bagay subalit, mailap naman ang pag-ibig sa kanya."makakapag-asawa pa kaya ako? Magkaka-pamilya?"Bumangon siya at pumunta sa kitchen. Kumuha ng tubig sa refrigerator at uminom. Napatitig siya sa kawalan."Kung sakali man, kung may darating pa sa buhay ko...Sana, sana talaga siya na"B
After 3 months...Nakahanda na si Amara para lumipad sa bansang Denmark. Her medication went well at binigyan na siya ng go signal ng kanyang gynecologist na magbuntis. Sinabi niya rin kasi rito na gusto niyang sumailalim sa Artificial Insemination. Samantala, wala namang nagawa ang mga kaibigan niya sa kanyang desisyon.She's very thankful that her friends, understand her decision. Sila na muna ang bahala sa maiiwan niyang trabaho rito sa Pinas at dahil nga high-tech na ang panahon, zoom meeting nalang ang gagawin niya palagi upang magampanan parin ang responsibility bilang CEO.Nag-iyakan pa muna sila ni Faye bago siya pumasok sa kanyang private plane. Matagal-tagal din bago sila magkitang muli."Don't forget to communicate with us ha? You take care of yourself doon. Wala pa naman ang magaganda mong mga Beshy na inaalagaan ka palagi" yumakap si Faye sa kanya habang umiiyak.
Pumapatak ang malakas na ulan mula sa madilim na kalangitan. Ang hangin ay humahampas sa kakahoyan. Sarado na lahat ng bahay pero heto siya at nasa labas. Nagmamasid sa karagatan. Siya ang nagbabantay ngayon upang seguraduhin ang kaligtasan ng tribo. Inilibot niya ang paningin."Mukhang may bagyo nga..." bulong niya sa sarili at tumalikod na upang umalis.Subalit, hindi pa man siya nakakahakbang palayo nang may narinig siyang pagsabog mula sa kalangitan. Napatingala siya. Kasabay ng kulog at kidlat ay ang pagkahulog ng isang bagay na parang isang bulalakaw. Bumagsak ito sa dagat. Dali-dali niyang inobserbahan kung ano ang bagay na iyon. Nang bigla niyang maalala ang sinabi ni Apo Milda sa kanya."Umiiyak ang kalangitan, galit na galit ang mga alon. Sa anyo ng isang bulalakaw, mangyayari ang nakatakda!" mariin nitong wika."Anong ibig niyong sabihin, Apo Milda?" nakakunot-noo niyang tanong at umayos ng upo
Isinandal niya ang ulo sa matitigas at bato-bato nitong dibdib. Ang mga kamay niya ay nakayapos sa batok nito. Ramdam niya ang mainit nitong hininga na tumatama sa leeg niya. "Bakit ako kinikilig sa lalakeng ito?!" Nahawakan na siya ng mga naging nobyo niya noon at hindi ito ang unang beses na may lalakeng kinarga siya. May mga kilig moments naman sila ng mga naging boyfriend niya pero hindi umabot sa puntong naghalikan na sila o higit pa. Ngunit, ang lalakeng ito na hindi naman niya kilala ay nagawa niyang halikan ng walang pag-aalinlangan. Hindi rin siya nakaramdam ng pagkailang dito. Para bang, matagal na silang magkakilala. O baka naman, epekto lang ito ng aksidenteng natamo niya. Baka ito na ang sign na dapat siyang lumandi? "Why not? Hindi naman ako lugi sa lalakeng ito and I'm sure, papatulan ako nito. Sa ganda kong ito, choosy pa ba siya?" Pinagmasdan niya ang lalake na seryos
"Nasa Isla ako?!" napasigaw siya at napahampas sa lamesa sa sobrang gulat, "Paano ako makakauwi nito? I'm sure, walang signal dito. I watched documentaries about ethnic groups, wala raw signal kapag nasa isa kang Isla" Natampal niya ang sarili. Nakalimutan niya yatang inaasahan na niyang sa isang Isla siya mapapadpad. Diba nga’t panay hanap niya ng Isla kanina habang palutang-lutang sa dagat? "Kapag humupa na ang bagyo, pwede kang maihatid ni Mang Isko sa kabilang Isla, sa Sabtang. May signal sila roon" sagot nito saka sumandok muli ng kanin. "Hindi mo ako sasamahan?" tumingin siya rito ng seryoso. "Sasamahan kita... Huwag kang mag-alala" nilagyan siya ng binata ng binalatan nitong hipon. "Segurado ka d'yan ha?" aniya na sumubo na ng ulam. "Oo, segurado..." "Seguradong-segurado?" Natawa naman si Dakila sa
"Pwede mo ba akong..." napalunok siya bago nagpatuloy, "Bunti– ayy!"Naputol ang dapat sanang sasabihin niya nang biglang kumulog ng malakas. Kasabay nun ay ang pagkawala ng kuryente."Dito ka na muna, Amara. Sisindihan ko lang ang mga lampara para may ilaw tayo"Tumango lang siya rito at malungkot na napasandal sa higaan niya."Ang malas naman! Wrong timing eh!"Napabuntong-hininga nalang siya sa kama. Baka nga, hindi pa oras para sabihin ko kay Dakila ang sitwasyon ko. Ang tanong, papayag din kaya ito sa alok ko?Sa konting oras na nakasama niya ang binata ay nakita niya kung gaano ito kainosente at kabuting tao. Parang lumalabas na ako ang bad influence sa kanya kapag ako ang nag-initiate ng alam mo na...“Sana nandito si Cora... Miss ko na sil
Isinarado na ni Dakila ang pintuan at nagsimulang baybayin ang tirahan ng kaibigan niyang si Makisig. Ito ang papupuntahin niya sa nayon upang sunduin ang Inang niya. Kailangan niya kasing balikan si Amara kaagad upang malinisan ang mga sugat nito sa paa. Alam niyang naguguluhan ang dalaga sa naging reaksyon niya sa sinabi nito kanina.Naalala niya bigla ang pinagsaluhan nilang halik sa tabing-dagat nang makita niya ito sa unang pagkakataon. Mukhang nakalimot siya sa panata."Hindi dapat nangyari iyon! Isang malaking pagkakamali ang lahat!"Humugot muna siya ng malalim na hininga bago kumatok sa pinto ng bahay ni Makisig."Oh, Dakila! Imu sawen (ikaw pala) Anong atin?" mukhang nagulat yata ito sa pagdating niya, “Sumdep ka, maywayaw ka... (tuloy ka, maupo ka)Ara u maisidung ku jimu? (may maipaglilingkod ba ako sa'yo?)"Hindi