Tuluyan na ngang napahagulhol ng iyak si Mama. Niyakap ko siya ng mahigpit. Nasasaktan ako para sa kanya. Hindi madali ang pinagdaanan ni Mama. Alam ko dahil pinagdaanan ko narin iyon. Nangyari narin sa akin na nasaktan ako ng pisikal ni Noah.
“Tahan na, Mama...” I rubbed her back to calm her.
“No, I’m okay... I want you to know what happened also...” inilayo nito ang sarili sa akin at binigyan ako ng isang matipid na ngiti, “Nagtiis ako. Akala ko kasi, magiging maayos din kami. Kasi, hindi naman siya ganun nung nagkakilala kami. He’s a very sweet and caring man. He loves me so much. Sabi ko sa sarili ko, hindi iyon si Jude. Hindi niya kayang gawin sa akin ang mga bagay na iyon. Pinaniwala ko ang sarili ko na magiging maayos kami muli. Kaya mas pinili ko parin mag-stay kahit binubugbog na niya ako ng paulit-ulit. Hanggang sa nag away na naman kami. Sinuntok niya ako sa sikmura. Alam mo kung ano ang
“Handa na ang pagkain...”Napalingon kami ni Mama Diwa sa tawag ni Dakila. Ang cute nitong tingnan sa suot nitong pink apron na galing sa akin. Ibinigay ko iyon sa kanya after kong makuha ang aking luggage bag. Noong una, ayaw niya pang tanggapin pero napilit ko rin kalaunan.“Kumain na muna tayo ng hapunan, Inang...” napakamot ito sa kanyang ulo at palipat-lipat ang tingin sa amin, “Nakadisturbo ba ako?”Mukhang napansin yata nito ang namamaga naming mga mata dahil sa naging iyakan namin kanina.“Tapos na kaming mag-usap, halika na Amara. Masarap iyong mga dala ko. Magugustuhan mo panigurado”Tumango ako kay Mama at saka magkasabay kaming naglakad patungo sa loob ng bahay. Nakasunod naman sa amin si Dakila na tahimik lang. Pagdating namin sa kusina ay nabungaran kaagad namin si Makisig na may malaking ngiti sa labi habang namimilog ang mga m
Nagising si Amara dahil sa nakakasilaw na sikat ng araw. It's almost 12 in the afternoon. She forgot to close the curtain behind the terrace door of her condo last night, because of too much drinking. Bakit nga ba siya naglasing at hinayaan ang sarili na magwalwal kasama ang dalawang kaibigan na sina Cora at Faye? Simple lang naman ang dahilan. She caught her man; The love of her life making out with her close friend na inaanak ng Daddy niya! They were on a relationship for almost 8 years at tinapon lang na parang basura ng lalake ang lahat. Ilang beses na nga ba itong nangyari sa kanya? Her 5 exe's, lahat sila,nag-cheat sa kanya at ngayon naman, ang ika-6 na si Noah, na akala niya na siya na talagang binigay ni Lord sa kanya ay ganun din ang ginawa. They all have the same reasons; Kasalanan daw niya dahil hindi niya maibigay ang mga hinihiling nito sa kanya which is Sex.
"Tapos?" tanong nito na inilapit pa talaga ang mukha sa kanya."Hayun, binuksan niya ang ilaw then gulat na gulat nang makita ako"Muli niyang binalikan ang nangyari kagabi. Kung paano sila nagkagulatan ng nobyo. Akma pa siya nitong lalapitan nang mabitawan niya ang cake na dala-dala. Napaatras ito at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya. Habang siya naman ay nanginginig ang buong katawan at parang binuhusan ng napakalamig na tubig. Ni hindi nga niya maibuka ang sariling bibig. Parang may nakabara sa lalamunan niya at hindi siya makapagsalita.Tahimik lang siyang lumuluha habang papalit-palit ng tingin sa nobyo at sa matalik na kaibigan na nakahubo't hubad. Walang imik siyang humakbang papalayo at sumakay ng kanyang kotse. Lutang na lutang siyang nagmaneho.Kalaunan ay napagpasyahan niyang itigil ang kotse sa gilid ng kalsada sa pangambang baka maaksidente pa siya. Doon na niya ibinuhos ang natitir
Tuluyan namang naglandas ang mga luha niya dahil sa sinabi ng kaibigan. Sinabi niya sa sarili na magsi-celebrate siya ngayong gabi dahil single na ulit siya pero heto't umiiyak na naman siya. Wala na yatang katapusan ang pag-iyak niyang ito.Sakto namang pagdating ni Faye bitbit ang drinks nila. Kinuha niya kaagad ang tequila at diritsong nilagok ito. Mabuti nalang at maraming inorder ang kaibigan. Mukhang malalasing talaga siya ng bongga ngayong gabi."Hey... anong problema mo ha beshy? Parang tubig lang ang tequila ah? Broken ka ano?!" tanong nito sa nang- aasar na tono.Sopistikada itong umupo sa tabi niya at may kinawayan pang mga kalalakihan sa kabilang mesa."Don't get me wrong, ganyan na ganyan din kasi ako dati noong na-heartbroken ako nung letcheng lalake na iyon!" dagdag pa nito.Hindi niya ito sinagot. Pinagpatuloy lang niya ang pag-inom ng alak na parang wala ng bukas.
Humigit-kumulang isang daang isang milya, pa-Hilagang Luzon at isang daan at siyamnaput kilometro sa gawing Timog ng Taiwan.Matatagpuan sa Kanlurang bahagi ng Sabtang Island na pinaghihiwalay ng isang malalim na karagatan, na halos dalawang kilometro kalapad. Makikita ang isang mala-paraisong Isla na malayo sa kabihasnan.The government declared that the island was uninhabitable. Ibig sabihin, imposible itong tirhan ng mga tao dahil sa mapanganib ang lugar. Later on, the government revoked and declared that it is now habitable. Ngunit, lingid sa kaalaman ng lahat ay may isang pangkat na ng mga tao ang matagal ng naninirahan sa Isla. Sila ay binubuo ng isang tribo. Ang tribong Itbayat. Sila ang namamahala at pumoprotekta sa Isla. Pinamumunoan sila ng isang Datu na may nasasakupan na halos 250 katao.Mahigit apat na libong taon na ang nakakalipas, sa panahon ng Neolithic. Nanirah
Nilunok muna niya ang kinain at uminom ng tubig bago sumagot sa Ama."Ou nga pala. Sa susunod na buwan na iyon Ama diba?""Oon... (Ou) kaya kailangang ma-plano ng maiigi ang mga gagawin para sa araw na iyon. Seguradong may mga turistang dadagsa rito sa Isla"Nanumbalik tuloy sa kanyang alaala ang mga pangaral ng Ama noong bata pa siya tungkol sa kahulugan ng selebrasyong Vakul-Kanayi.Ang pagdiriwang ng Vakul-Kanayi ay simbolo ng kanilang dignidad. Ipinapakita rin nito ang diwa ng mga tribong Itbayat. Ang bawat detalye ng kanilang buhay ay nakasentro sa kaligtasan. Mula sa pagtutuyo ng mga isda, para mayroon silang makain kapag ang alon ay hindi mapagkatiwalaan. Hanggang sa pagtatayo ng mga bahay na gawa sa soledong mga bato. Na nagsisilbing pananggalang nila laban sa matinding bagyo. Sinasalamin din nito ang pagiging simple a
Napakamot naman ang kaibigan sa ulo nito at natawa nalang na humabol sa kanya. "Ngay"(okay) sagot pa nito, "Eto naman, sobrang seryoso. English is the universal language, kaya okay lang na gamitin natin ito. Isa pa, halos mga dayuhan ang mga turista sa kabilang Isla. Gamit na gamit ito para sa akin Amigo" Tinapik pa nito ang balikat niya at nauna nang naglakad habang pasipol-sipol. Nagkatinginan nalang sila ni Alab na nagkibit-balikat lang. "Balita ko, kinasal na raw si Kora" Napahinto ito sa paglalakad at napayuko. Si Kora ay matagal ng kasintahan ni Makisig pero biglang nagpakasal sa isang taga Maynila. "Iyon din ang alam ko. Hindi pa naman kami nagkakausap. Biglaan lang ang lahat. Ni wala manlang siyang sinabi. Sana, nakapaghanda ako" sagot nito na may matigas na ekspresyon sa mukha. "Kamusta ka naman? May palek (alak) ako sa bahay. Baka gusto mo
Napatango naman siya sa sinabi nito. Tama nga naman ang kaibigan. Sa totoo lang, hindi niya inaakala na sa kanilang tatlo, ito pa ang makakapagpayo ng may katuturan kay Makisig. Tahimik lang kasi ito. Napakadalang magsalita at parang may sariling mundo.Nakilala nila si Alab noong nag-aaral pa sila ng High school. May nakaaway si Makisig sa kanilang paaralan. Dalawa lang sila noon at pinagtutulungan ng isang grupo ng kalalakihan. Hindi pa sila maalam noon sa pakikipag-away.Biglang dumating si Alab at sinita ang mga nambugbog sa kanila. Nang makita ito ng grupo ay bigla nalang ang mga itong namutla at nag-atrasan. Inalok sila ni Alab na sumali sa Taekwondo at Eskrima, na kaagad nilang sinang-ayonan. Simula noon, sabay na silang tatlo na umuuwi sa Isla tuwing bakasyon. Napag-alaman din kasi nila na ang Ina nito ay nakapag-asawa ng ka-tribo nila at doon na nanirahan."From your experienced