Share

Mi Amor, Mi Tesoro
Mi Amor, Mi Tesoro
Author: Selenophile 🌜

CHAPTER 1

Nagising si Amara dahil sa nakakasilaw na sikat ng araw. It's almost 12 in the afternoon. She forgot to close the curtain behind the terrace door of her condo last night, because of too much drinking. Bakit nga ba siya naglasing at hinayaan ang sarili na magwalwal kasama ang dalawang kaibigan na sina Cora at Faye?

Simple lang naman ang dahilan. She caught her man; The love of her life making out with her close friend na inaanak ng Daddy niya!

They were on a relationship for almost 8 years at tinapon lang na parang b****a ng lalake ang lahat. Ilang beses na nga ba itong nangyari sa kanya? Her 5 exe's, lahat sila,nag-cheat sa kanya at ngayon naman, ang ika-6 na si Noah, na akala niya na siya na talagang binigay ni Lord sa kanya ay ganun din ang ginawa. They all have the same reasons; Kasalanan daw niya dahil hindi niya maibigay ang mga hinihiling nito sa kanya which is Sex.

Ang gusto lang naman niya ay maikasal muna bago pumasok sa bagay na iyon. Ayaw niyang ma-engaged sa premarital sex. Gusto niyang mabasbasan muna ng simbahan. Kahit naman na mukha siyang liberated na babae, may mga prinsipyo parin siya sa buhay at isa na nga iyong ibibigay lang niya ang virginity niya sa lalakeng mapapangasawa niya.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. She blink her eyes multiple times bago niya tinungo ang banyo para maghilamos ng mukha. Nakatulala niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin.

"Ano pa ba ang kulang?"

She's a young billionaire at the age of 26. Owner and CEO ng Zevk Corporation at isang sikat din na model dati ng Victoria's Secret.

Kung tutuusin, nasa kanya na ang lahat. She have two sets of beautiful and rare green eyes, na namana niya sa kanyang mommy na half-german.

Natural auburn hair na namana naman niya sa kanyang daddy.

She also had this heart-shaped face, pouty small lips, long eye lashes, katamtaman na taas ng ilong at mga dibdib na panglaban talaga kahit sa pagent and she would always win.

Vital statistics: 38-24-36 plus 5'6 height. Summa Cum Laude sa UP Diliman sa kursong Business Administration. She have true friends, a cool parents and a loving boyfriend. Wala na nga siyang mahihiling pa.

Seguro, noong nagpasabog si Lord ng kagandahan, gising na gising siya at sinalo niya lahat.

Subalit, gumuho ang mundo niya nang makita mismo ang pagtataksil ng nobyo at doon pa talaga sa malapit na kaibigan niya. Na halos tinuring na niyang kapatid. Unti-unting naglandas ang mga luha sa pisngi niya nang maalala ang nangyari kagabi. Nagtatago siya sa loob ng kwarto ng boyfriend niya habang nakapatay ang mga ilaw, para sana sorpresahin ito dahil 8 years na sila.

Yes, nakakatawang isipin na anniversary nila pero hindi manlang naalala ng nobyo. Nakahanda na ang mga regalo niya sa kama at may nakadikit na red balloons sa wall na "Will You Marry Me?" habang hawak-hawak ang isang chocolate customized cake na paborito mismo ng boyfriend niya. Take note, with cupcakes pa iyon na siya lahat ang nag-baked. Ganyan siya magmahal. Todo!

Sabi nga ni Faye, Parang bakla raw siya. Anong gagawin niya? Eh inlove na inlove siya kay Noah. Sa simbahan lang din naman ang tuloy ng relationship nila kaya siya nalang ang magfi-first move. For her, wala namang masama kung siya na ang mag initiate, total naman 8 years na sila.

Ipinikit niya ang mga matang hilam ng luha at ilang beses na napabuntong-hininga. Tiningnan niyang muli ang sarili sa salamin at inilabas ang isang larawan sa wallet. Tinitigan niya muna ito pagkatapos ay idinikit sa vanity mirror at nanlilisik ang mga mata sabay sabing;

"Ang pangit mo!"

Kinuha niya ang lahat ng mahawakan at pinagbabato ang picture na nasa salamin.

"Ang pangit mo! Tapos ang ganda-ganda ko then sasaktan mo'ko? How dare you!"

Nagwala siya sa banyo at nagsisigaw sa sobrang galit na nararamdaman. Hindi niya matanggap na kaya siyang lokohin at ipagpalit ng nobyo sa ibang babae.

"Mahal na mahal kitang hayop ka! Bakit mo'to ginawa sakin? Ano pa bang kulang ha?!" padausdos siyang napaupo sa sahig ng banyo habang walang sawang umiiyak.

Pakiramdam niya ay hinihiwa ng paulit-ulit ang puso niya sa sobrang sakit. Parang may punyal na sumasaksak sa kanya.

"Ang sakit-sakit! "

Sinuntok niya ng paulit-ulit ang sariling dibdib. Umaasa na kahit papaano, maibsan manlang ang nararamdamang hinagpis.

Maya-maya pa ay narinig niyang may tumatawag sa kanyang cellphone. Patakbo niyang kinuha iyon sa pag-aakalang si Noah ang tumatawag.

Kung hihilingin ng nobyo na maging sila parin ay tatanggapin niya ito ng walang pag-aalinlangan.

Tanga na kung tanga!

"Hello?, Noah? Hihingi ka ba ng tawad? Punta ka dito sa bahay. Pag-usapan natin. Mahal mo parin naman ako diba? Nagkamali ka lang talaga. Ganun naman yun diba? Tao ka lang, nagkakamali rin" sunod-sunod na wika niya habang umiiyak.

Matagal bago may sumagot sa kabilang linya.

"Mars, ako ito si Cora..."

Inilayo niya ang cellphone sa tenga at muling tiningnan nang malapitan. Hindi nga pala niya binasa kanina kung sino ang caller. Disappointed siyang napabuntong-hininga.

Kaagad siyang nagtungo sa pintuan at binuksan iyon. Kilala na niya ang mga kaibigan. Alam niyang nasa labas na ang mga ito ng condo niya and as what she expected, nasa labas nga sina Faye at Cora. Malamlam ang mga mata ni Faye, naiiyak din ito na nakatingin sa kanya. Samantalang si Cora naman ay seryoso lang ang mukha habang hawak-hawak ang isang paper bag na alam niyang para sa kanya. Kaagad na pumasok ito sa condo niya at inilapag ang bitbit na paper bag sa lamesa.

May mga laman itong grocery items. Si Faye naman ay kaagad siyang niyakap at dalawa na silang umiiyak ngayon sa sala.

"Mag-iyakan lang muna kayo dyan. Magluluto lang ako ng food natin. Alam kong may hang-over padin kayong dalawa" sigaw ni Cora sa kanila sa kusina habang isinusuot ang brown na apron at nagsisimula ng maghanda ng lulutuin para sa lunch nilang tatlo.

"Ano? Kamusta ka beshy?" tanong sa kanya ni Faye. Nagre-retouched ito sa nabura niyang make up dahil sa iyakan nila kanina, "Ang bobo ko talaga, bakit ko pa ba tinatanong eh nag-iyakan na nga tayo kanina!"

"Ano ba kasi ang nangyari? Iyak ka lang ng iyak kagabi habang nagwawalwal tayo doon sa club. Hindi ko tuloy nabigyang-pansin yung new bartender doon. Ang gwapo pa naman beshy! Naku! Next time, wala na talaga 'yong kawala sa'kin. Baka siya na pala si The One" kinikilig pa na wika nito at ang mga mata ay parang nangangarap.

"Lahat naman ng lalake na nakikita mo ay itinuturing mong si The One" she emphasize the word "the one"  sabay irap ng mata sa kaibigan, "At isa pa, paano naman ako magku-kwento eh ang sakit-sakit nga!"

Akma niyang tatalikuran si Faye sa sobrang inis nang yakapin siya nito ng sobrang higpit.

"Ikaw naman beshy,Di na mabiro. Sorry na..." lambing nitong wika sa kanya, "Ano nga ba kasi talaga ang nangyari?"

Umayos siya ng upo pero pinahiga siya ni Faye sa mga hita nito habang sinusuklay ang kanyang mahaba at medyo curly na buhok gamit ang mga kamay. Nakahiga siyang nagkwento tungkol sa nasaksihan niyang pagtataksil ng nobyo sa kaibigan.

Gusto pa nga niyang matawa nang makita ang facial expressions nito na parang mangangain ng tao sa sobrang galit. Ang hitsura ngayon ni Faye ay larawan ng isang babae na handang makipagbasagan ng bungo at walang sasantuhin na kahit sino.

"Mga walang-hiya! Mismong sa harapan mo pa talaga nakuhang mag make out!" galit na galit pa nitong sabi.

"Eh hindi nga nila alam diba na naroon ako" mahinang bulong niya.

"Eh bakit naman kasi di ka nag-react?! Sana,yung cake, isinampal mo sa ingratang Layla na iyon!" umarte pa ito na may sinasampal sa hangin.

"Wala eh... Hindi na ako nakagalaw sa sobrang gulat. Parang nag-shutdown bigla ang katawan ko pati braincells ko, hindi na gumana noong moment na iyon" naalala pa niya kung gaano kalakas ang halinghing ni Layla. Mukhang sarap na sarap ito sa kababoyan nila, "Doon lang sila natigil nang masagi ni Noah ang isa sa mga regalo ko para sa kanya na inilagay ko sa kama"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status