Share

CHAPTER 2

"Tapos?" tanong nito na inilapit pa talaga ang mukha sa kanya.

"Hayun, binuksan niya ang ilaw then gulat na gulat nang makita ako"

Muli niyang binalikan ang nangyari kagabi. Kung paano sila nagkagulatan ng nobyo. Akma pa siya nitong lalapitan nang mabitawan niya ang cake na dala-dala. Napaatras ito at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya. Habang siya naman ay nanginginig ang buong katawan at parang binuhusan ng napakalamig na tubig. Ni hindi nga niya maibuka ang sariling bibig. Parang may nakabara sa lalamunan niya at hindi siya makapagsalita.

Tahimik lang siyang lumuluha habang papalit-palit ng tingin sa nobyo at sa matalik na kaibigan na nakahubo't hubad. Walang imik siyang humakbang papalayo at sumakay ng kanyang kotse. Lutang na lutang siyang nagmaneho.

Kalaunan ay napagpasyahan niyang itigil ang kotse sa gilid ng kalsada sa pangambang baka maaksidente pa siya. Doon na niya ibinuhos ang natitirang sakit na nararamdaman. Umiyak lang siya ng umiyak. Kasabay ng ilang ulit na pagtunog ng kanyang cellphone. Tumatawag si Noah pero hindi niya ito magawang sagutin. Nang huminto na ito ay saka lang siya medyo nahimasmasan. Pinulot niya ang cellphone, hindi para tawagan ito. Tatawagan niya ang kaibigang si Cora. Ito ang madali talagang takbuhan nilang magkakaibigan.

Alam na alam din nito ang mga dapat sabihin kapag may problema ka. Cora will listen to you without judgement at fair ito kung magbigay ng advice. Sa kanilang apat na magkakaibigan, tanging si Layla lang ang hindi makasundo ni Cora. Palaging nagbabangayan ang dalawa. Kapag tinanong naman niya ang mga ito, ang palaging sagot lang sa kanya ay "She's a Bitch".

Nagkakasama nga lang ang dalawa kapag nandyan siya o si Faye.

"Hello? Mars..." kaagad na sabi niya at bigla nalang napahagulhol. Hindi na niya nasabi pa ang dapat sabihin at umiyak na naman ng umiyak.

"You don't have to say anything. I'll track your GPS. Wait for me there. Susunduin kita okay?"

Tumango lang siya kahit hindi naman ito nakikita ng kaibigan. Nagtapos si Cora sa kursong Computer Engineering pero nagpasyang sumali sa Navy. Ayaw pa nga sana ng mga magulang nito dahil ito nalang ang natitirang anak nila. Nasawi sa giyera ang kuya nito, ilang taon narin ang nakakalipas. Kahit pa nga noong nangyari yon ay ni minsan, Hindi niya nakita ang kaibigan na lumuha. Naka-poker face lang ito sa whole duration ng misa hanggang sa mailibing na ang kanyang kuya. After that, nakapag-decide ang kaibigan na umalis na ng tuluyan sa Navy at nagtayo silang tatlong magkakaibigan ng small business. Na kalaunan ay naging patok din at naging successful. Nagkakilala lang naman sila noong sumali siya bilang cheerleader ng school.

Magaling na dancer si Cora at hangang-hanga siya sa walang takot nito na pagtalon sa ere at pag-backflip ng ilang beses. Cora also has a unique pair of eyes.

Mayroon kasi itong Heterochromia. Her two eyes have a set of different colors. The right one is hazel and the left one is blue. Dagdagan pa ng pagiging natural champagne blonde nito. There's no doubt na maganda ang matalik na kaibigan. Iyon nga lang at parang man-hater ito.

Ilang beses nga ba itong umuwi sa kanila ni Faye na may pasa sa mukha at labi? 9th Degree Blackbelter din ang kaibigan. Kaya nakapagtataka na nagalusan ito.

Seguro ganoon talaga kapag lapitin ng away. Hindi palaging swerte. Para rin itong lalake kung kumilos at wala talagang kaartehan sa katawan.

Maya-maya pa ay natanaw na niya ang Black Ducati nito na sa tingin niya ay pina-customized pa ng kaibigan. Lumapit ito sa sasakyan niya at marahan na kinatok ang front door window.

Pinagbuksan niya ito at nang makapasok na ay dali-dali niyang niyakap ang kaibigan. Hinagod lang nito ang likod niya at tinapik ng tatlong beses. Hinintay na kusa siyang tumahan.

"Ang sakit Mars... parang binibiyak ang puso ko sa sobrang sakit. Hindi ko matanggap. Bakit ganun? May kulang pa ba sa'kin?Naging mabuti naman akong girlfriend ah? Never akong naging nagger. Hindi ko nga rin siya pinagbawalan sa lahat ng mga lakad niya. I'm always the supportive girlfriend. Wala akong matandaan na naging pagkukulang ko sa kanya. Minahal ko naman siya ng lubusan at alam ko sa sarili ko na naiparamdam ko iyon sa kanya, even in my own ways" sumbong niya sa kaibigan.

Hinarap siya ni Cora at tinitigan sa mga mata.

"You've done your part. You have already given your best. It is not your fault that he wasn't contented. Ang dapat mong isipin ngayon ay kung paano ka magsisimulang muli. It's not easy to move forward. But like what the songs say, there's a rainbow always after the rain. You can make it through. Nandito lang kami ni Faye para sayo. Hayaan mo lang ang sarili mo na magluksa dahil normal lang naman iyon. Wala naman segurong break-up na masaya diba?"

Umiiyak siyang tumango sa kaibigan. Tama ang lahat ng sinabi nito. Lilipas din ang lahat. Makakapag-move on din siya. Kahit para na siyang mamamatay sa sobrang sakit.

"Pero Mars, hindi pa kami nagkakausap ni Noah about break up. We need closure right?"

Ngumiti lang ito ng tipid sa kanya at kinuha ang cellphone saka may tinawagan. Lumingon pa ito sa kanya muli bago kinausap ang kabilang linya.

"You know what? Having no closure is a closure already" sagot nito sa kanya.

Napabuntong-hininga nalang si Amara at isinapuso ang mga payo ng kaibigang si Cora sa kanya. Tama ito. Well, palagi naman itong tama kapag nagbibigay ng payo sa kanilang magkakaibigan. Mabuti nalang talaga at mayroong Cora sa buhay niya.

"Nasa club si Faye as usual. Pinapapunta tayo. Walwal daw. E-celebrate natin ang pagiging single mo. Na naman" pang aasar pa ni Cora sa kanya pero wala namang expression ang mukha, " I've tried to call her kanina para sana, mabigyan ka rin niya ng payo. Alam mo naman na masayahin ang babaeng 'yon. She would definitely lighten the mood. Kaso nga lang, nandoon pala sa club at nagchi-chill daw siya. She invited us there, Ano G?"

Sanay siyang uminom ng alak pero hindi siya nagyo-yosi. Hindi rin naman kasi siya ang klase ng taong iinom hanggang sa hindi na kaya. She can handle herself very well pero simula noong naging sila ni Noah, itinigil niya ang bisyo. She became a firm and proper lady for him.

Pagbibigyan niyang magwalwal ang sarili kahit ngayon lang. She would definitely celebrate herself being single again.

Pagdating nila sa Royal Night Club, kaagad nilang nakita ang kaibigan na si Faye. Nagsasayaw ito sa dance floor while she's holding her drink. Hinagod pa nito ang katawan at gumiling ng dahan-dahan.

Ang mga lalake sa paligid nito ay parang mga lobo na handa siyang kainin ng buhay. Malagkit na malagkit ang tingin sa kanya. Kulang nalang, tumulo ang mga laway. Well, she can't really blame them. Faye has the looks. Balingkinitan na katawan, malaman na puwetan. Ang mga mata rin nito ay kakaiba. She had this unique sets of eyes, her iris have different colors. Gray with a touch of blue. Yes, she also had this condition of Heterochromia Iridis.

For her, asset niya ang mga mata. Nang makita sila ni Faye ay tumigil kaagad ito sa pagsasayaw at bumaba ng stage pero bago iyon, nag-flying kiss pa muna ito sa mga kalalakihan na hibang na hibang sa kanya.

Kung isang kurso lang seguro ang pang-aakit, masteral na ang kaibigan niyang si Faye. Sa dami ba naman ng pinaiyak nitong mga lalake. Isang beses lang itong nagseryoso pero naloko at hindi na talaga umulit pa.

"I'll order you guys a drink. You just set down na muna there okay?" Ani Faye sabay turo sa bakanteng mesa sa unahan nila.

Tahimik lang silang naglakad patungo sa kanilang pwesto at hinintay ang drinks na inorder ng kaibigan nilang si Faye. Inilibot niya ang paningin. Ganoon parin naman ang club. Walang nagbago.

May mga mag-syota na naghahalikan sa gilid at halos doon na rin mag make-out. Naalala na naman niya ang kababoyan ng ex-boyfriend at ng matalik na kaibigan. Tumingala siya para pigilan ang mga luhang handa ng pumatak.

"Iiyak mo lang yan..." wika ni Cora sa kanya, "Ilabas mo lahat ng hinanakit mo ngayong gabi para bukas, konti nalang ang luha na i-iiyak mo"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status