Share

Memories of the Past [COMPLETED]
Memories of the Past [COMPLETED]
Author: Demie

Kabanata I: Isang Pagtitipon

Nang huling araw ng Oktubre, ipinahayag ni Don Gregorio De Quintos na lalong kilala sa tawag na Gobernador Gregorio na nag-iimbita ng mga panauhin sa isang hapunan sa kaniyang bahay. Ang balitang ito ay tila apoy na kumalat sa buong panig ng San Lorenzo. Kakaiba ang pag-uugali ni Gobernador Gregorio kagaya ng pagiging mapagparaya at madaling lapitan sa panahon ng kagipitan, bagama't ayaw niya ang mga taong mapaghimagsik at nangangalakal. Ang mga tanod ay tiyak na dadalo kahit hindi naimbitahan ni Gobernador Gregorio. Ang lahat ay nagnanais makarating sa pagtitipon kaya't abalang-abala sa paghahanda ng sarili at sa mga sasabihing kadahilanan.

Matatagpuan ang malaki bagama't mababang bahay ni Gobernador Gregorio malapit sa pampang ng Ilog ng Pag-ibig ang bahay ni Gobernador Gregorio na di gaanong maayos ang pagkakagawa ng arkitekto at maaaring maapektuhan ng lindol, bagyo at iba pang kalamidad. Ang Ilog ng Pag-ibig ay nakahalintulad din ng iba pang ilog sa San Lorenzo na ginagamit bilang paliguan, labahan at igiban ng mga mangingisda upang may ikabuhay.

Ang mga maliliwanag na ilaw, mga magagandang palamuti at masisiglang tugtuging orkestra ay naglalarawan ng isang napaka sayang handaan sa tahanan ni Gobernador Gregorio. Ang mga kalansing ng mga kubyertos at pinggan ay nagpapahiwatig ng lubos na kasiyahan sa mga panauhin sa napakaraming pagkain sa mahabang hapag-kainan sa gitna ng bulwagan. Ang mga pangkat ng mga kalalakihan ay hiwalay sa mga kababaihan gaya ng nakagawian sa loob ng simbahang Katoliko na maaaring dulot din ng mga larawan ng mga birheng nagpapagunita ng wastong pagkilos bilang Kristiyano.

Si Tiya Flora ay ang pinsang babae nina Gobernador Gregorio at Amelia na may edad na subalit nababakas pa rin ang maamong mukhang dulot ng kagandahang angkin. Matiyaga itong sumasalubong sa mga panauhing babae at namamahagi ng mga sigarilyo sa mga dayuhang babae. Ang mga Pilipina ay humahalik sa kamay ni Tiya Flora tulad ng karaniwang ginagawa ng mga tao sa mga prayle bilang paggalang. 

"Mga walang ingat! Ano ba ang nangyari?" ang wika ni Tiya Flora habang patungo sa kusina upang alamin ang tunay na naganap. 

Mapupuna ang mga pangkat ng kadete na masayang nag-uusap na nakatingin sa iba pang bisita. Ang ilan sa mga bisitang nasisiyahan sa handaan ay ang mga prayle, mga sundalo at karaniwang mamamayan dahil sa ang mga nakalapag sa mesa ay mga alak.

Ang matandang tenyente ng guwardiya sibil ay matangkad at tuwirang mangusap sa kausap. Naroroon si Padre Martin, ang Dominicong prayle sa San Lorenzo. Pormal makitungo sa mga kahalubilo at maingat sa kaniyang pananalita, bagama't bata pa ay mahusay na sa pakikipagtalo na naging guro sa Kolehiyo sa San Juan de Letran. May isang matandang Franciscanong prayle na maliksi sa pagkilos at ito ay si Padre Ignacio. Kausap niya ang isang binatang bagong dating sa San Lorenzo na may madilaw na buhok. 

"Mababatid ninyo na kakaiba ang pamamahala rito sa San Lorenzo kung ihahambing sa ibang lugar dito sa Asya at sa Madrid," ang pahayag ni Padre Ignacio.

"Sa tatlumpu't pitong taon kong pamamalagi rito sa San Lorenzo nasanay na akong kumain ng patatas at kanin, punung-puno ng maraming karanasan kaya't lubusang pinaniwalaan ng maraming tao," ang pagpapatuloy ni Padre Ignacio.

"Kilala ko ang mga taga-rito sapagkat nakasama ko sila nang tatlumpu't pitong taon sa isang maliit na bayan ng San Lorenzo na may pitong libo na populasyon na pagsasaka at pangingisda lamang ang kanilang ikinabubuhay." dagdag na pahayag ni Padre Ignacio. "Nalungkot ang mga taga-rito nang lisanin ko ang lugar na nailipat sa isang mas malaking bayan."

"Ngunit, ano ang ibig ninyong patunayan?" ang wika ng binata. "Sandali! Patapusin ninyo muna ako, mas naibigan ng mga tao ang paring pumalit sa akin kaya't mas lalo silang nagpighati," ang pangangatwiran ng prayle. 

"Ano po ba ang kaugnayan niyan sa pag-aangkat ng mga produkto mula dito?" ang tanong ng binata.

"Ang repormang ginagawa ng ministro ay hindi tama," ang tugon ng prayle. 

Humingi ng paumanhin ang binata upang makibahagi ng kanyang paniniwala. 

"May katotohanan ba na ang mga taga-rito ay mangmang na walang pinag-aralan kaya't ito ang nagdulot ng mabagal na pag-unlad ng kanilang bayan?" ang sabi ng binata. 

"Hindi itinuturing na mangmang si Gobernador Gregorio katulad ng mga nakatira rito," anang binata. 

"Natitiyak kong mababago ang inyong paniniwala kapag nasanay na kayong magdadalo sa pista at makakain ng tinola."

"Ang tinola ay ginisang manok na may upo. Kailan pa ba kayo mamalagi rito sa bayan ng San Lorenzo?" ang sambit ni Padre Ignacio.

"Limang araw na ako rito sa San Lorenzo at sariling pera ko ang ginastos para makarating dito." sagot ng binata.

"Tanungin ninyo si Ginoong Carlito kung may tatalo pa sa kamangmangan ng mga taga San Lorenzo."

"Ibig mong sabihin nagbiyahe ka sa walang kwentang layunin samantalang maririnig mo naman sa mga usapan ng tao ang tungkol sa lupaing ito," ang nangungutyang sabi ni Padre Ignacio.

"Ayon sa inyong pahayag, tatlumpu't pitong taon kayo namalagi sa San Lorenzo. Hindi ba kayo nasiyahan ng pananatili rito?" ang tanong ni Padre Martin.

"Hindi," wika ni Padre Ignacio.

"Nalungkot ako ng lubusan nang umalis ako sa Sta. Clarita na ilang buwan ko lang pinanahan, samantalang kayo ay tatlumpu't pitong taon na tumigil sa San Lorenzo at halos kilalang-kilala na ninyo ang lahat ng tao roon tulad ng inyong abito na araw-araw suot. Ako ay lumipat ng ibang pamayanan para sa kabutihan ng lahat," ang salaysay ni Padre Martin kay Padre Ignacio na napasuntok sa lamesa.

"May relihiyon ba? May kalayaan ba ang mga prayle?" ang mariing sabi ni Padre Ignacio na ikinagulat ng apat na dayuhang naglalakad. 

"Ano ang ibig ninyong ipakahulugan?" pagtatanong ng Tenyente at Dominico. 

"Sinasang-ayunan ng pamahalaan ang mga kumakalaban sa Diyos kaya maraming sakunang nagaganap dito," ang tugon ng Franciscano.

"Kapag ang prayle ang nagpahukay ng nakalibing na bangkay ng isang kalaban ng Diyos, kahit hari ng España ay walang karapatang makialam rito," ang malakas na sigaw ni Padre Ignacio.

"Padre ang kanyang kamahalan, ang Kapitan Heneral ay siyang Vice-Real Patrono na pangalawang tagatangkilik ng Hari ng España," ang pagsigaw sa galit ng tenyente.

Tumindig ang Franciscano at sumagot, "Anong Vice-Real? Kung naganap ito noon, siguradong kinaladkad na sa hagdan tulad ng kay Gobernador Delos Reyes sapagkat may tunay na pananampalataya noon."

"Bawiin ninyo ang inyong sinabi at kundi ay makakarating ito sa kaniyang kamahalan," pananakot ng Tenyente kay Padre Ignacio.

Namagitan si Padre Martin sa away ng Tenyente at ni Padre Ignacio.

"Si Padre Ignacio ay wala sa San Lorenzo at ang katulong na paring Pilipino ay siyang nagpalibing sa bangkay ng isang marangal na ginoo. Ano ang masama kung hindi siya nangumpisal? Kahit ako hindi rin nangungumpisal sa pari. Hindi nagpakamatay ang ginoo sapagkat may isang anak siyang mahal na mahal na pinag-aral sa Paris. Inalipusta ang paring Pilipino na tumulong sa kura sa simbahan at nag-utos na ipatapon sa ibang lugar ang bangkay. Nang malaman ng Kapitan Heneral ay inilipat niya si Padre Ignacio sa ibang bayan," ang pagpapaliwanag ng militar kay Padre Martin at lumisan upang makiumpok sa ibang pangkat.

Dumating pa ang maraming panauhin, isa na rito si Don William na isang Kastila na sunud-sunuran sa asawa at si Doña Beatrice na isang Pilipina ngunit Europeo ang kasuotan. 

"Sino, G. Carlito, ang may-ari ng bahay na ito?" tanong ng binatang madilaw ang buhok. "Hindi pa ako naipapakilala sa kanya."

"Hindi na kailangan dito ang pagpapakilala," sagot ni Padre Ignacio.

Ang magandang pag-uugali sa pagtitipon ay kailangan sa lahat ng pagkakataon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status