Buwan ng Oktubre noon, malamig ang simoy ng hangin dahil nalalapit na ang kapaskuhan. Hindi ito alintana ni Francisco sa kanyang marahang paglalakad na waring walang tiyak na patutunguhan.
Marami siyang sasakyang nasasalubong, mga paupahang kalesa, mga Pilipino at dayuhang naglalakad. Nakarating siya sa Sitio Tondo, inilibot ang paningin sa buong paligid, wala pa ring pinagbago. Naroon pa rin ang mga dating daan at mga bahay na may pintang puti at bughaw, iyon pa rin ang puting pader. Ang lumang orasan ay naroon pa rin sa kampanaryo ng simbahan.
"Anong bagal ng pag-unlad?" bulong sa sarili bago nagtuloy sa Kalye Clark.
"Sorbetes! Sorbetes!" sigaw ng mga sorbetero.
Naiilawan pa rin ng huwepe o sulong yari sa sasa ang mga tindahan at tindera ng iba't ibang kakanin.
"Diyos ko!," naibulong niya. "Diyata't parang pangarap lamang ang pamamalagi ko sa Paris sa loob ng ilang taon. Wala pa ring pagbabago rito. Narito pa rin ang puwesto ng mga tindera at tindero at ang matandang lalaking iyon ay maaaring siya pa rin."
Ang batong ito na natatanggal sa kanyang dating kinalalagyan ay di pa rin naaayos.
Habang pinagmamasdan niya ang mga bagay na ito, isang marahang tapik sa balikat ang kanyang naramdaman. Bahagya siyang nagtaka nang malingunan niya ang tenyente ng mga guwardiya sibil.
"Mag-iingat kayo binata! Sana'y huwag ninyong sapitin ang naging karanasan ng inyong ama."
"Ipagpatawad ninyo... ang pakiramdam ko'y kilalang-kilala ninyo ang aking ama, maaari bang malaman ko kung ano ang tunay na kanyang sinapit?" sagot ni Francisco.
"Kataka-taka... Ibig ninyong sabihin ay hindi ninyo alam."
"Iyon po ang totoo. Nag tatanong ako kay Don Gregorio at siya'y nangakong bukas niya sasabihin. May nalalaman po ba kayo?"
"Opo, tulad ng alam nang marami, ang inyong ama ay namatay sa bilangguan!"
"Ano! Namatay ang aking ama sa bilangguan? Kilala ba ninyo kung sino ang aking ama?" Sunud-sunod na tanong ng binata sabay sunggab sa militar.
"Hindi po ako nagkakamali. Siya'y po si Don Alonzo Lorenzo, hindi po ba?"
"Siya nga po at wala ng iba!" himutok ng binata.
"Ang ibig ninyong sabihin wala kayong nalalaman tungkol sa nangyari sa inyong ama!" may pagkaawa ang nadama sa tinig ng tenyente. "Maging matatag sana kayo. Dito po sa San Lorenzo ay hindi magiging marangal ang isang tao kundi nabibilanggo. Ang ipinagtataka ko po lamang ay bakit hindi nakarating sa inyo ang balita tungkol sa inyong ama, ang tungkol sa inyong pamilya."
"May isang taon na nang matanggap ko ang huling liham ni ama sa akin. Sinabi niya na huwag akong labis na mag-alala kundi ako tatanggap ng liham mula sa kanya dahil marami siyang pinagkakaabalahan. Benindisyunan niya ako ay pinayuhang pagbutihin ang aking pag-aaral."
Tatangu-tango ang militar. "Maaring iyon ang huling liham na kanyang ginawa bago siya namatay. May isang taon na namin siyang nailibing."
"Ano po ang dahilan ng pagkakabilanggo ng aking ama?"
"Sumabay po kayo sa akin papunta sa kwartel at ikukwento ko kung bakit siya nakulong sa isang marangal na dahilan, at kung anong nangyari sa inyong ina at mga kapatid."
Matagal bago binasag ng tenyente ang namamayaning katahimikan habang sila'y sabay na naglalakad.
"Ang lahat ay nakakaalam na ang inyong pamilya ang pinakamayaman sa ating lalawigan. Ang pamilya ninyo ay mabait at pinalaki kayo ng maayos ng inyong mga magulang, marami rin ang may kimkim na galit at pagkainggit sa inyong pamilya; karamihan ay mga Kastila na may mga masasamang pag-uugali. Kung tutuusin kasalanan ito ng pabagu-bago ng mga ipinadadala rito para mamahala, pagkawalang-disiplina ng mga opisyales ng pamahalaan; ang pag-aaruga ng Kastila sa kapwa Kastila. Kay daling makarating ng mga Kastilang walang kabuluhan sa España rito sa San Lorenzo dahil mura ang pamasahe nang paglalakbay dito. Maraming Kastila rito ay may mga masasamang ugali, ang mga mabubuti ay hindi nagtatagal at sumasama na rin kaya nagkaroon ng maraming kaaway ang iyong pamilya. Isa na rito si Padre Ignacio."
Panandaliang tumigil sa pagsasalaysay ang militar.
"May ilang buwan pa lang kayong nakakaalis sa San Lorenzo nang magsimulang pumait ang dating matamis na pagtitinginan ng inyong ama at ni Padre Ignacio. Sa anong dahilan ay walang nakakaalam. Pinagbintangan ng hindi pangungumpisal ni Padre Ignacio ang inyong ama na dati naman niyang hindi ginagawa kahit noong sila'y magkaibigan pa. Napakabuti ni Don Alonzo Lorenzo kaya mas banal pa siya kaysa sa maraming nagpapakumpisal. Madalas pinasasaringan ni Padre Ignacio ang inyong ama kung nagsesermon sa pulpito. Bagama't hindi niya tuwirang binabanggit ang pangalan ng inyong ama, alam ng lahat na si Don Alonzo Lorenzo ang kanyang tinutukoy. Naisip ko na hindi magtatagal ay may mangyayaring hindi kanais-nais."
Sandaling tumigil ang tenyente.
"Noon ay may isang Kastila na mangmang at may masamang ugali ang natanggal sa trabaho bilang artilyero ng hukbo. Upang mabuhay siya ay pumasok na kolektor ng buwis. Nahalata agad ng mga taga San Lorenzo na ang kolektor ay walang pinag-aralan. Para sa mga taga San Lorenzo, pambihira sa mga Kastila ang hindi marunong sumulat at bumasa. Dahil dito madalas siyang niloloko. Binibigyan ng mga papeles at dokumento na pabaligtad na kunwari'y kanyang binabasa at saka pipirmahan na parang kinahig ng manok. Nililibak siya ng mga taga San Lorenzo bago magbayad ng buwis. Nilulunok na lamang ng artilyero ang mga pahamak sa kanya. At bilang ganti minumura niya at pinagsusupladahan ang mga sinisingil niya. Minsan ang ama mo mismo ang kanyang nakasagutan."
"Nag-away si ama at ang tagasingil ng buwis," patlang ni Francisco.
Tumango ang tenyente, "Ganito po ang pangyayari. Isang araw habang kunwari'y nagbabasa ng papeles ang tagapaningil ng buwis napansin ng isang grupo ng mga bata na pabaligtad niya itong binabasa. Nagtawanan ang mga iyon na ikinagalit ng tagapaningil ng buwis at sila'y hinabol. Nagtakbuhan ang mga nanunuksong bata habang sumisigaw ng a-e-i-o-u. Sa galit ng lalaki pinukol niya ng baston ang mga iyon. Tinamaan ang isang batang lalaki at nawalan ng malay. Hindi pa nasiyahan, nilapitan ng Kastila ang bata at pinagsisipa. Marami ang nakakita pero walang mangahas magtanggol sa bata. Sa daraan noon ang iyong ama. Sinugod niya ang tagapaningil ng buwis at hinawakan niya ang kamay nito. Nagtangkang lumaban ang Kastila ngunit higit na malakas ang iyong ama. Marami ang nakakita na ito ay sumuray bago bumagsak sa kalye pero sa kasamaang palad ay nabagok ang ulo nito sa isang nakausling bato, sumuka ng dugo at hindi na natauhan. May nagsasabi na pinalo ng iyong ama ang Kastila, sabi ng iba ay itinulak, hinuli ang iyong ama at ibinilanggo. Tulad ng dapat asahan naglabasan ang kanyang mga lihim na kaaway. Pinagbintangan din ang iyong ama na nagbabasa ng babasahin mula sa ibang bansa. Nag-iingat ng mga larawan at mga sulat ng isang Pilipinong pari na binitay dahil sa pagkakasangkot sa rebelyon. Maging ang pagsusuot nito ng barong Tagalog ay isa raw malaking kasalanan dahil ang iyong pamilya ay may lahing Kastila. Siguro kung hindi dahil sa kanyang mga kaaway marahil siya ay pinawalang sala. Ayon sa isang doktor ang ikinamatay ng tagapaningil ng buwis ay alta presyon. Ginawa ko ang lahat para matulungan siya. Mabait si Don Alonzo Lorenzo at ang buo ninyo pong pamilya. Bukas ang inyong tahanan, mahirap man o mayaman. At ang ama niyo po ay may dugong Kastila. Nanumpa ako na wala siyang kasalanan, itinaya ko ang aking buhay at karangalan bilang militari. Sa halip na pakinggan, siya'y ipinagtabuyan at tinawag na baliw."
"Sa kahilingan ng inyong ama, pinakialaman ko ang kanyang usapin hanggang sa hukuman. Lumapit ako sa isang abogadong Pilipino upang tulungan ang iyong pamilya pero ako ay kanyang tinanggihan dahil sa takot na siya'y mademanda at makulong. Sa payo ng manananggol na Pilipino ako ay lumapit sa isang abogadong Kastila. Ang abogadong nabanggit ay marami nang pinanalong kaso."
"Ipinagtanggol ng naturang abogado ang iyong ama nang buong husay. Pero kayraming kaaway ng iyong ama. Marami ang mga saksing sinungaling. Kung mapawalang-bisa ang isang kaso ay panibagong bintang ang lulutang. Naging komplikado ang kaso hanggang pagkaraan ng isang taon, hindi na maintindihan kung ano ang puno't dulo ng kasalanang ibinibintang sa iyong ama."
Ang mga problema, sama ng loob at paghihirap sa loob ng bilangguan ay unti-unting nagpahina sa kanyang pangangatawan nang lumaon siya ay dinapuan ng karamdaman hanggang mamatay nang nag-iisa sa kulungan... Nang malapit na sana siyang mapawalang-sala sa paratang na sedisyon at pagpatay. Inabot ko pa siyang buhay bago siya malagutan ng hininga."
"Ngunit anong nangyari sa aking ina at mga kapatid na babae nang mamatay si ama?"
"Nang mamatay ang iyong ama ay walang habas na pinatay at ginahasa ang iyong ina at mga kapatid na babae, may nakaligtas man ay pinapatay din ng hindi pa nakikilalang tao."
Saglit na namayani ang katahimikan, sabi ng tenyente sa gumagaralgal na tinig, "Nakita ko ang bangkay ng iyong pamilya."
Dumating sila sa kwartel, huminto ang matanda at mahigpit na kinamayan si Francisco, "Mag-ingat ka Ginoo sapagkat maraming tao ang nagkalat na kaaway ng iyong pamilya, nadamay ako at ngayon ay namamahinga na."
Marahan siyang tumalikod at pinara ang isang nagdaraang karwahe.
-mahirap man o mayaman hustisya ay iagawad.
Pagod na dumating si Francisco sa kanilang tahanan; agad na pumasok sa silid at namintana. Pinagala ang paningin sa kalawakan.Nasa tabi ng Ilog ng Pag-ibig ang silid ng kanyang tinutuluyan at tanaw na tanaw niya ang bahay na iyon at naririnig niya ang masaya at malambing na tugtugan. Ang bahay na iyon ay kay Gob. Gregorio, sa kanyang guniguni, sana'y naroon siya at kasama sa kasayahang iyon, dangan nga lamang at masyado siyang abala at may dapat asikasuhin.Nakita sana niya ang wari'y malikmatang kagandahan ng isang diwata sa gitna ng kaakit-akit na bulwagan.Ang diwatang iyon ay walang iba kundi si Felicidad de Quintos; ang diwa't buhay ang nag-iisang babaeng minamahal ni Francisco na kararating lamang mula sa kumbento.Subalit kay daling naparaan ang magandang gunita, humalili ang kalunus-lunos na tanawin na nakapanunuot ng sarili. Ang naglalaro sa kanyang gunita ay isang madilim na silid na napaliligiran ng pader. Sa napaka ruming se
Si Gobernador Gregorio ay bata sa tingin sa tunay na gulang. Parang edad niya ay nasa pagatin ng trenta at trenta'y singko. Siya'y pandak na mataba at kanyang kulay ay kayumangging-kayumanggi.Sabi ng kanyang mga kaibigan: "Pinagpapala siya ng Panginoon kaya siya'y malusog."Sabi naman ng kanyang kaaway: "Tumataba siya dahil sa pagsipsip ng dugo ng mahihirap."Maliit na hugis-almond ang kanyang mga mata. Pango, bilugan na katamtaman ang laki ng kanyang ulo. Ayon sa iba ito raw ay punung-puno ng katalinuhan. Guwapo sana siya kaya lamang ang kanyang mga labi ay pinaitim ng kanyang paninigarilyo at pagnganga ng hitso na laging nakabukol sa kanyang pisngi. Mapuputi ang kanyang mga sungki-sungking ngipin na dalawa niyon ay pustiso.Si Gobernador Gregorio ay itinuturing na pinakamayaman sa Sta. Clarita isang lugar sa San Lorenzo. Ang pinanggalingan ng kanyang yaman ay ang kanyang mga lupain sa Pampanga at sa Nueva Ecija lalo na sa San Lorenzo. Madal
Umagang-umaga sina Tiya Flora at Felicidad ay nagtungo sa simbahan upang magsimba.Pagkatapos na pagkatapos ng misa, nagyaya na si Felicidad sa pag-uwi. Takang-taka si Tiya Flora kung bakit nagmamadali si Felicidad, galing ito sa kumbento kaya inaasahan ni Tiya Flora na dapat lamang matulad si Felicidad sa isang mongha.Habang may kasabay na lumalakad palabas ng simbahan, sinabi ni Tiya Flora na tila nangangaral, "Katatapos lang ng misa ay nagyaya ka na. Bakit ka naiinip sa loob ng simbahan?"Nasabi na lamang ni Felicidad sa sarili, "Patawarin ako ng Diyos, alam ng Diyos ang damdamin ng isang dalagang tulad ko. Anong malay ninyo sa niloloob ng isang dalagang tulad ko?"Pagkatapos mag-agahan, wari'y naiinip si Felicidad na may hinihintay. Abala ang kanyang isap sa kung anong bagay. Iniisip niya ang tahimik na buhay sa kumbento. Parang ibig niyang magalit kung dumaraan ang alin mang sasakyan ay makalagpas iyon nang hindi humihinto.Si Gobernador Greg
Ang kalungkutang nadarama ni Francisco ay bahagyang naibsan habang ang karuwaheng kanyang sinasakyan ay naglalakbay sa isang bahagi ng magulong kalye ng San Lorenzo.Nakalilibang panoorin ang mga kalesang nagpaparoo't parito. Ang mga Pilipino, Europeo at iba pang dayuhan ay nakikilala lamang sa kanilang mga kasuotan. Hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin amg naglalako ng iba't ibang prutas at kakanin. Ang mga karitong hila ng mga kalabaw at ng hilera ng mga tindahan ay mga alaalang muling nagpapasariwa ng kahapon.Napansin ni Francisco na wala pa ring pagbabago sa mga dating lansangan. Hindi pa rin ito nalalatagan ng bato. Kapag tag-init ang kalye ay punong-puno ng alikabok na naninikit sa balat at kung humahangin ito ay nagiging libreng pulbos na nagpapaubo at humihilam sa mga mata ng mga naglalakad. Kung umuulan, ito ay nagmimistulang ilug-ilugan. Kaya kaawa-awa ang mga nagdaraan dahil nagtitilamsikan ng marumi at nagpuputik na tubig.Habang binabagta
Si Francisco ay hindi nagkamali sa kanyang hinala na si Padre Ignacio, na sakay ng isang magarang sasakyang Victoria ay papunta kay Gobernador Gregorio. Pagbaba ni Padre Ignacio ay paalis naman sina Felicidad at Tiya Flora. "Mukhang may pupuntahan kayo," ang bati ni Padre Ignacio sa magtiya. "Kukunin po namin sa kumbento ang aking kagamitan," ang sagot ni Felicidad.Nabigla ang pari sa sagot ni Felicidad at pabulong sa sarili lamang sinabi, "Tingnan nating kung sino ang masusunod, kung sino ang higit na makapangyarihan!"Napansin ni Tiya Flora ang pabulong-bulong ni Padre Ignacio, kaya naisip niya."Siguro ay may sinasaulong sermon si Padre Ignacio," ang wika nito at inutusan si Felicidad."Sige sumakay ka na at tatanghaliin tayo."Tuluy-tuloy na pumanhik sa bahay ni Gobetnador Gregorio si Padre Ignacio. "Gregorio, may pag-uusapan tayong mahalaga sa iyong tanggapan," pasigaw at pagalit na sabi ni Padre Ignacio.Nang makita ang pari, ma
Ang bayan ng San Lorenzo ay saganang-sagana sa biyaya ng lupa, tulad ng tubo na ginagawang asukal, palay, kape, mga gulay at bungang-kahoy na ipinagbibili sa iba't-ibang bayan lalo na sa mga mapagsamantalang Instik. Ang bayan ay nasa baybay lawa na napapaikutan ng malawak na bukirin.Ang buong kabayanan ay tanaw sa simboryo ng simbahan ng San Lorenzo. Ang mga kabahayan ay nakatumpok sa pinakagitna ng malawak na kabukiran. Ang mga bahay ay karaniwang may pawid na bubong na sinalitan ng mga kabunegro, yero at tisa. Mula pa rin sa tuktok ng simbahan ay kitang-kita rin ang mala ahas na ilog sa gitna ng bukid na kumikinang sa tama ng sikat ng araw. Sa di kalayuan ay may isang dampa na nakatayo sa gilid ng isang talampas na nakabukod sa karamihan.Ang gubat sa gitna ng sakahang lupa ay kapansin-pansin para sa lahat. Ang mga puno rito ay masisinsin na malalaki at maliliit, kayat kahut ang sikat ng araw ay maramot na palaganapin ang liwanag sa loob ng gubat. Ang lugar ay pinan
Sa patuloy na pagsulong at paglaki ng bayan ng San Lorenzo, hindi kataka-takang lumitaw ang mga taong maghahari-harian at hahawak ng renda ng kapangyarihan.Sinu-sino ba ang mga ito?Si Don Lorenzo, masasabing pinakamayaman sa San Lorenzo. Kanya ang pinakamalawak na lupain. Siya ang takbuhan ng mga taong nagigipit. May mababang-loob at hindi mahilig sa kapangyarihan. Siya ay iginagalang at hindi naman kinatatakutan. Sa kabila nito, siya ay hindi kabilang sa makapangyarihan ng San Lorenzo.Si Gobernador Gregorio ay mayaman din. Nagkukusa nang sumasalubong sa kanya ang mga may utang at sila ay nagreregalo ng kung anu-ano sa hangad na magpalakas kay Goberanador Gregorio. Pinakamasarap na prutas ang inihahandog sa kanya. Kapag may nagustuhan si Gobernador Gregorio kahit ang magilas na kabayo, siya ay hindi nagdadalawang salita, tiyak na maipagkakaloob sa kanya. Sa kabila ng lahat, kung siya'y nakatalikod, siya ay pinagtatawanan at kung tawagin ay Sakrist
Tuwing unang araw ng Nobyembre, ipinagdiriwang ng sambayanang Pilipino ang Araw ng mga Patay o Todo Los Santos sa Espanyol. Ang kaugaliang paggalang at pagalala sa mga yumao ay atin nang nakagisnan.Sa gawing kanluran ng bayan ng San Lorenzo matatagpuan ang sementeryo. Ito ay nababakuran ng bato at kawayan. Ang landas patungo rito ay maalikabok kung tag-araw at matubig kung tag-ulan. Malaki ang loob ng sementeryo na may panandang isang malaking krus na kahoy na makikita sa pinakagitna ng libingan. Nakasulat ang hindi na halos mabasang INRI sa isang yerong niyupi ng bagyo sa pinakatuktok ng krus.Ang loob ng libingan ay nagsisilbing galaan ng mga alagang hayop tulad ng manok, bibe, baboy o kalabawa. Pero nang araw na iyon ang mga galang hayop ay binulabog ng dalawang lalaki. Ang isa sa mga lalaki ay hindi mapalagay. Tumatagaktak ang kanyang pawis, walang tigil ang paghithit sa kangang sigarilyo habang dura nang dura. Binabantayan niya ang kanyang kasama na k