Share

Kabanata 4

Kyle's POV.

"Pssst! Zhyrah, bakit nga parang walang lalake sa lugar na 'to?" muling tanong ko kay Zhyrah pagkaalis na pagkaalis ni Secret.

S'yempre, gusto ko talaga malaman kung bakit parang ako lang ang lalake dito. Malay ko ba na baka sadyang wala talagang lalake sa lahi nila. Baka naman mayro'n, pero nagmukhang lalake lang? 

"Eh? Akala ko ba hindi ka na magtatanong katulad ng sinabi mo kay Secret?" Nag-aalangang tumingin sa 'kin si Zhyrah.

Waah! Bakit ba ayaw nilang sabihin sa akin ang dahilan? Sasabihin lang naman eh. Ang daya naman!

"Huwag kang maingay. Wala naman si Secret eh. Sabihin mo na. Tsaka pangako ko, hindi ko sasabihin sa kanya na sinabi mo sa 'kin. Sabihin mo na kasi."

Sa ilang minutong pangungulit ko kay Zhyrah ay napailing na lang siya at napahawak sa kanyang noo. Pagkatapos ay bumuntong hininga siya ng malalim. 

Yes! Mukhang sasabihin na niya.

"Pasensiya ka na ha. Malalagot kasi ako kay Secret kapag sinabi ko sa 'yo eh. Baka kung ano pang gawin sa 'kin." 

Napasimangot ako sa naging sa ni Zhyrah sa 'kin. Tsk. Akala ko pa man din ay sasabihin na niya. Pati pala sa lugar na 'to ay may paasa. Bumuntong hininga ako ng malalim.

Napangiti ako bigla, pero hindi dahil sa sinabi ni Zhyrah. Kundi dahil may naisip ako bigla.

"Zhyrah, takot ka ba kay Secret kaya ayaw mong sabihin? Takot ka pala sa kanya." Tumawa ako ng tumawa para mas maasar pa siya lalo katulad ng aking plano.

Tumingin ako sa direksyon niya para makita ang kanyang reaksyon, pero sa halip na maasar ay sumeryoso pa siya lalo.

Mukhang mali yata ang nagawa ko. Patay na ko!

"Hindi mo kasi alam kung anong kaya ni Secret. Bata pa lang kami ay kaibigan ko na siya, pero masasabi kong malayo ang agwat ng kapangyarihan naming dalawa. Iniidolo ko simula nang mga puslit pa lamang kami at hanggang ngayon. Yon ay marahil kaya niyang maging matatag at tumayo mag-isa kahit sa harapan pa ng mga kalaban. Hindi siya basta-basta nagpapatinag at higit sa lahat, kaya niyang ipagtanggol ang mga nilalang na mahalaga sa buhay niya. Kahit na kailan ay hindi ko siya nakitang yumuko o sumuko lalo na sa harapan ng kaaway."

Hindi na ko naka-kibo sa sa paliwanag ni Zhyrah. Mukhang seryoso siya sa sinabi niya at kung gano'n nga, mukhang may magandang dahilan pala para manatili ako sa lugar na 'to.

Hindi 'yon dahil may feelings na ko kay Secret! Parang gusto ko lang malaman ang sekreto ng lugar na 'to pati na ang sekreto ng mga tao rito. Hahaha. 

Sa ngayon, ni hindi ko pa alam kung gaano kalawak ang lugar nila. Puro puno, halaman at hayop ang paligid at hindi ko pa nakikita ang hangganan ng  lugar nila. 

Isa pang napansin ko sa lugar na ito, pare-pareho sila ng damit. Bakit kaya? Hindi kaya uso sa kanila ang magsuot ng ibang damit? Buti hindi sila nagkakapalit ng suot. Hahaha. 

Pero infairness, kahit puro kulay white ang suot nilang damit ay hindi ito madumi at mukhang araw-araw nalalabahan. Ano kayang sabon ang gamit nila sa paglalaba? Baka p'wede ko pa mauwi sa bahay. Hahaha.

"Zhyrah, bakit parang iba yata ang tingin sa 'kin ng mga nakakasalubong na 'ting babae? Parang ngayon lang sila nakakita ng lalake kung maka-tingin 'tapos parang gusto pa kong patayin sa bawat titig nila," pagbibiro ko sa kasama ko at tumawa ako ng mahina. 

Huminto kami sa paglalakad at umupo sa mahabang upuan na gawa sa kahoy. Parang nasa park kami ngayon, pero walang laruan ng mga bata na makikita. Ang inaapakan namin kanina pa ay puro maliit na damo. May ilang tao na nakaupo rin sa kahoy na upuan at masayang nagkukuwentuhan at sa tuwing mapapalingon sila sa direksyon sa direksyon ko ay titignan nila ko ng masama. 

"Akala mo lang 'yon. Teka, sandali. Nabanggit mo na ba sa akin kung ano ang 'yong ngalan?" 

Umiling ako kay Zhyrah. Ngayon ko lang din naalala. Maging kay Secret ay hindi pa ko nagpapakilala. 

Sinapo ko ang sarili kong noo. Sa dami kong p'wedeng makalimutan ay ang guwapo ko pang pangalan.

"Ako si Kyle Joseph Alonzo." Iniabot ko ang kamay ko sa harapan ni Zhyrah bilang tanda ng pakikipag-kaibigan, pero nagtataka niya lang akong tinitigan. 

"Bakit? Anong gagawin ko d'yan sa kamay mo?" 

"Shake hands?" Nag-aalangan kong sagot sa kanya. 

"Shake hands? Ano 'yon?" Magkasalubong na ang dalawang kilay ni Zhyrah dahil sa pagtataka. 

"Huh? Pati ba naman shake hands ay hindi ninyo alam?" 

Gusto kong  matawa, pero pinipigilan ko lang dahil baka magalit pa siya sa 'kin. Seryoso ba siya? 

Siguro ay isa sila sa mga indigenous people sa Pilipinas, pero wala namang pinag-aralan sa school tungkol sa mga tao na naninirahan sa Pilipinas na may ganitong damit at wala ni isang lalake. 

Pft. Paano kaya sila nabuhay sa mundo at nagpakarami? Hahaha.

"Oh, sige. Ano na lang tawag sa pangkat ninyo?" 

Bumuntong hininga ng malalim si Zhyrah at inilipat ang kanyang paningin sa ibang direksyon. 

"Totoo nga ang sinasabi ni Secret. Sadya ngang mahirap kausap ang mga katulad mong taga-ibang mundo." 

Sumimangot ako sa sinabi ni Zhyrah. Grabe naman siya! Sa tono ng pananalita niya ay parang naubos na lahat ng lakas niya dahil lang sa pakikipag-usap sa 'kin.

"Zhyrah, anong ibig sabihin nito?" 

Sasagot pa sana ako kay Zhyrah, pero may biglang humintong dalawang babae sa harapan namin. 

Simple at bilugan ang kanilang mukha. Nakasuot din sila ng puting bestida at pareho rin silang nakayapak lang. 

Umurong ako ng husto sa tabi ni Zhyrah dahil sa sobrang sama ng tingin nila sa 'kin. 

Kay Zhyrah sila may galit, pero bakit sa akin sila tumitingin ng masama? Wala naman akong ginagawa! 

"Nevana, hindi ako ang nag-desisyon. Si Pinuno." 

Hindi ako gaanong makasunod sa pinag-uusapan nila, pero sa tingin ko ay ako talaga ang problema nila. 

"At sino ang nagdala sa Pinuno?" 

Napansin kong parang biglang nag-alangan sumagot si Zhyrah bigla. 

"Si... Secret."

Palingon-lingon lang ako sa kanila dahil may napansin akong isang bagay na ngayon ko lang napag-tuunan.

Ang hugis ng tainga nila ay parang sa isang duwende. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status