Share

Kabanata 5

KABANATA 5

❝Hangal❞

Akhira's POV

"Nagawa natin! Nahanap natin!"

Hindi ko napigilang huwag mapatili. Abot-abot ang tahip nang dibdib ko sa tuwa habang pinagmamasdan ang hinulmang pintuan na bigla nalang tumuhaw matapos tadyakan nang bruhang si Khione.

"We did it again! Nahanap natin!" I screamed happily. Nag-uumapaw ang saya ko kaya maligaya kong nilapitan si Arza at pinagkukuyog ang balikat.

Ngumiwi siya sa ginawa ko. Pero hindi naman nagreklamo kaya niyugyog ko pa siya.

"Shall I do the pleasure?" Darius asked. Lumipat kay Prudence ang paningin ko at hindi ko naiwasang mamula nang masilayan ko na naman ang gwapo niyang mukha. Tipid lang siyang naglahad nang kamay kaya humakbang na si Darius.

Pigil ang hininga naming lahat nang iangat niya ang kamay na dapat sanang bubukas sa pintuan pero hindi pa man nakakadikit ang kamay niya, biglang umilaw ang nakaukit sa puno ng acacia at nag-iwan ng isang sanaysay.

Namutla ako.

"Tanging nasa bingit lang nang kamatayan ang makakabukas ng pintuang ito."

Sa buong buhay ko, ito na siguro ang unang beses na tiningnan ko ang maraming tao nang mabilisan. Tumungo kay Arza, kay Khione, Dare, Leviticus, Darius, Prudence, kay Gihon at hanggang kay Rithius ang paningin ko sa loob nang isang segundo. Lahat sila'y laglag ang panga at gulat ang mga mata sa nakita.

"Shit," Gihon murmured. Nasapo ni Arza ang noo at suminghap. Ganoon din ang ginawa ko.

Bakit pa ba kami pinapahirapan? Nalaman na nga namin ang daan patungong Lostrous, kailanman pang may mamatay para lang makapasok?

Anong paglalaro ba ang ginagawa sa amin nang panahon? Why do we need to suffer this much? This is frustrating! Darn it

"Anong gagawin natin? We can't just sacrifice one life here!" Gihon growled at problemadong sinipat nang tingin ang pintuan.

I bit my lowerlip. Hindi ko na rin alam ang gagawin. Kung labanan lang ito ay hindi ako magdadalawang isip na lumaban. Pero hindi e. This damn three don't require skills but courage and sacrifices!

Putang-- natigilan ako. Natutop ang aking labi sa naisip. Agad akong lumingon sa kanila.

"Courage!" I shout.

They all looked at me problematicly. Para bang nasa isang mali akong eksena dahil sumama ang tingin nila sa akin ng sila'y tawagin ko.

Mariin akong umiling.

"Listen people, I think the tree wants to measure our courage. This challenge is all about braveness to face death! We can just wound ourselves and heal after we entered this tree!" I said. Inasahan kong mangingiti sila pero mas lalo lang sumama ang kanilang ekspresyon.

"Seriously? Are you even thinking?" Khione said sarcastically and laughed at me. My mood immediately changed and I can't help but to glare at her.

"Maari ngang tama ka, Akhi. Pero hindi lang basta-basta ang hinihingi ng puno. Taong nasa bingit nang kamatayan. Ibig sabihin humihingi siya ng taong mamamatay na." Arza said problematicly.

Well, they all look problematic aside from Rithius who's still blank. That's always him. Always blunt pero ang galaw niya'y nagpapakita rin nang kainipan. Siya lang ata ang hindi apektado. Palibhasa mas mahalaga ang sarili niya kaysa sa amin. Well, lahat naman kami pero misyon ito, dapat muna naming kalimutan ang pagiging selfish at isa-alang-alang sa lahat ang gagawin.

"Kaya nga susugatan lang natin ang ating sarili. May dinala akong medicine kit galing sa Norm. Maaari natin itong gamitin pagkatapos." Paliwanag ko ng aking balak. Malaki ang aking ngiti. Pakiramdam ko, may dulot na ako sa paglalakbay na ito.

"We can't just let anyone sacrifice. Hindi natin hawak ang buhay ng bawat isa. Maaring malagay tayo sa alanganin." Sabat na rin ngayon ni Prudence kaya umigkis ang bagang ko.

Tama nga naman. Pero hanggang ganito na lang ba kami? Naiinis ako sa kanila.

"So hanggang dito na lang ba tayo?" tanong ko.

"Ang dami na nating pinagdaanan para makarating dito. Susuko na lang kayo nang ganu'n-ganu'n lang?" I asked critically.

Ang hina naman nila kung ganoon. Susuko na lang sila nang ganoon na lang?

"That's not the point. Magpapatuloy pa rin ang misyon. But we're not rushing time to decide such dangerous way." Rithius intruded now.

"There must be another way." Even Dare joined their cult.

I can't help but to laugh. Lalo pa't natahimik sila pagkatapos.

"We need time to decide what we're going to do. This is not a joke." Prudence said.

Nanliit ang mata ko habang nakatingin sa kaniya. Mas natahimik pa ang iba at nakikiramdam na lang sa maaring suhestiyon ng iba.

Pumayag ako sa sinabi nila. I let myself shut, waiting for their idea but nothing came after one hour of brainstorming silently.

"Come on! Are you giving up now? Where's your courage?" inisa-isa ko silang tingnan at inangatan nang kilay. Nainip na ako. Nang madapo kay Arza ang tingin ko, umiwas siya at suminghap.

"Wala ba kayong maisip na paraan? We can find substitute sacrifice!" nangangati na akong pagsisigawan sila dahil hindi naman sila nagsasalita at umiiwas lang nang tingin sa akin.

Akala ko nakakastress na ang paglalakabay namin, mas nakakastress pala sila! Parang kumakausap ako nang mga bingi at hindi makapagsalita!

"Oh my god! Huwag n'yo sabihing natatakot kayo sa hinihingi ng puno? Takot kayong masugatan?" wala ba silang mga tapang sa katawan? Bakit takot na takot sila sa inukit na salita ng puno?

Naghintay ako nang sagot pero nanatiling tikom ang kanilang mga labi. Marahas na akong napasinghap.

"Seriously, people? Are we even a group here?"

Still, no one speak. Naubos ang pasensiya ko. I scowled at padabog na tumalikod sa kanila dahil mas naiinis akong tingnan ang kanilang mga reaksiyon. Para silang mga batang takot. Nakakainis!

Tumayo ako sa tabi ng kabayo ko at humalukipkip. Gusto kong sumigaw sa inis at gagawin ko na sana kung makita ko lang na wala pa rin silang ginagawa pero nang lumingon ako ay nakatipon na sila at nag-uusap without calling me.

I rolled my eyes. They're talking now huh? Doon pa nang nagwalk out ako. Insulto ba 'yan? Well, wala rin naman akong planong makisali sa kanila dahil baka may masapok lang ako sa inis.

Maarte kong hinaplos ang buhok ko at sinikop para itali. Nakakaramdam na ako nang init kahit pa natatabunan nang malalaking dahon ng evergreen trees ang kinaroroonan ko.

"Mag-usap lang kayo mga hangal." I murmured. I am really pissed at the moment. Wala akong ginawa at hinimas ang likuran ng kabayo ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status