Share

Kabanata 24

❝Attack❞

Arza's POV

Lahat kami ay nagulat nang matumba si Akhira at mawalan ng malay. Bago pa man ako makatakbo, naramdaman ko nang may kung anong tumama sa leeg ko dahilan para mapaluhod din ako sa lupa at tuluyang bumagsak.

Biglang umikot ang paligid sa paningin ko at bago tuluyang mawalan ng malay, nakita kong bumagsak din ang mga kasamahan.

Sa isang nakakasilaw na liwanag, namulat ang mata ko ngunit nang bumalik ang aking paningin, bumungad sa akin ang madilim na paligid.

Napahawak ako sa dibdib sa unti-unting pagkabog ng dibdib ko.

Nasaan ako?

"Panahon na..."

Napaiktad ako nang marinig na may bumulong sa aking tenga. Nanindig ang balahibo ko sa boses nitong may nakakahindik na misteryo.

"Parating na..."

Kumunot ang aking noo. Isang malamig na hangin ang dumapya sa katawan ko kaya niyakap ko ang sarili
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status