Share

Simula

SIMULA

❝Mission❞

"Nervana El Rius,"

We all listened to what our professor said while walking back and forth with the thick leather book in his right hand, strictly looking wearing his thick glasses.

"A once called pieceful realm with high and supreme Gods living together with humans," lumapit siya sa empty board at sumulat gamit ang malaking chalk. Hugis bilog ito kaya kapansin-pansin at kataka-taka talaga kung paano naging manipis ang sulat nito sa board. Mahika. Hindi na kagulat-gulat dahil nanggaling siya sa Kaharian ng Norm, kung saan dominyo nila ang Teknolohiya at Mahika.

Binasa ko ang sinulat niya.

NERVANA EL RIUS

Ang mundong tinitirhan namin ngayon. Ang mundo nang mga tao. Ang mundong tinawag na bukod-tangi sa ibang mundo dahil minsan namuhay ang mga Diyos kasama ang aming mga ninuno noon. Our world was once called 'The favored realm' because of this privilege thousand years ago. Gods and Goddesses favorer us. Of course, I would know that. We've tuckled it countless times sa loob nang apat na taong pag-aaral sa El Rius Ludimier Academy. Hindi na ako mamamangha o magugulat.

"A world where equality is always practiced and observed," ibinaba na ngayon si Professor Gauther ang hawak na libro at inilapag sa mesa niya. Nabigatan siya siguro. Sobrang bigat talaga nang libro namin at laking pasasalamat ko dahil may mesa kami na pinaglalagyan nito habang nagbabasa. Kung hindi ay baka matagal nang nawala ang mga braso ko.

"A world where privileges are always given without exchange," siniyasat niya ang bawat isa sa amin. Batid kong malinaw niya kaming nakikita kahit sa malayo with our rounded and rising row of chairs.

"A world once full of joy, contentment, success and peace,"

Hindi man igalaw ang leeg, alam kong sira na ang ekspresyon nang katabi ko sa topiko ngayon. Kahit ako nga rin. Pero dahil mahal ko ang kasaysayan, kailanman ay hindi ako nagsawang makinig kay Prof. Gauther sa paulit-ulit niyang discussion tungkol sa sinaunang Nervana. Eversince our freshman year, hindi na mabilang kung ilang beses namin itong narinig mula sa kaniya. None of us asked why he repeatedly discussing it because we're all afraid of how he might. He's strict and mean. Mas mabuti na lang maburyo kakapakinig kaysa ang magreklamo at makakuha ng singkwentang grado sa History.

Pero naiintindihan ko rin ang kaibigan at mga kaklase. Hindi sana sila nakakaburyo kong hindi namin ito alam nang mga bata pa lang kami. Pero hindi e. Namulat kami sa kasaysayang ito mula pa pagkabata. Araw-araw kinikwento sa amin nang mga magulang ang katulad na kwento, ang mga naririnig mo sa labas o daan. Pare-pareho lang hanggang sa ikaw na lang ang susukong makinig.

"But goodness always comes with evilness. Nervana, the chosen world, became cursed when greed took over and empowered human to do unacceptable things in the sight of the Gods and Goddesses. Because of greediness and extreme want of power, human betrayed the unity between Gods and human,"

Suminghap na ang katabi ko.

"And it caused battle between the two race." I can't help but to bite my lowerlip when Akhira uttered the same familiar words, synchronized to Professor Gauther.

"Hays, alam na namin 'yan. Wala bang bago? Parati na lang." Inip niyang usal at humalukipkip habang matalim ang tingin sa aming guro sa unahan.

"Nakakaumay na talaga ah." Dagdag pa niya at sinarado na ang makapal na libro namin sa history. Wala siyang pake kung pagalitan man siya ni Guro.

"Ikaw naman, don't act like you're not sanay to him. Alam mo namang it's Professor Gauther's favorite topic. Duh!" and another lady intruded in her silent whimps.

"Pake ko ba sa opinyon mo? Ikaw ba kinakausap ko?" masungit na sagot nang kaibigan kaya mas ngumuso ako. Tiyak mapapagalitan na naman sila kung marinig ni Prof. Gauther ang kanilang pagtatalo. Palagi naman.

"Yuck, you should thank me for talking to you 'cause nobody wants to listen. I'm just concern you would look baliw in your seat while murmuring." Khione rolled her eyes in Akhira kaya agad umakyat ang dugo niya sa ulo. Mas nainis siya. Kaya bago pa man niya patulan ang sosyal at maarte naming kaklase ay pinigilan ko na. Hinawakan ko ang kamay niya at nilingon.

"Kalma." Pagpapakalmang bulong ko. I suppressed my smile by a serious and concern look.

"Tss. Naiinis ako. Ang epal nang Professor's pet." She glared kaya humigpit ang hawak ko sa kaniya.

"Shhh, huwag ka nang magalit. Alam mo namang gan'yan talaga si Khione e. Huwag mong bigyan ng atensiyon dahil maiirita ka lang talaga." Ani ko pa, pabulong pa rin. Mahirap na at baka marinig kami ng aming striktong guro.

Hindi nagtagal, napakalma ko rin si Akhira at nakumbinseng makinig muli. Mahaba pa ang ni-discuss namin tungkol sa history ng Nervana El Rius. Tungkol na naman ito sa kung paano nagsimula ang gulo.

Ang aming mundo'y minsan ng naging tirahan nang mga Diyos at Diyosa. Magkaisa ang bawat lahi. 

Kwento sa akin ni Ina, noong unang panahon, bumaba ang mga Diyos at Diyosa mula sa kalangitan para tumira kasama ang mga mababang nilalang na tulad namin. Sila'y nasayahan sa pagtanaw mula sa langit kaya ginusto na rin nilang bumaba at makihalubilo.

Sila'y mababait at matulungin at hindi nagpakita nang dahas at pagkasamok sa mga tao kaya agad nasanay ang aming ninuno sa kanilang presensiya. Sila'y mga anyong tao lang din. At tulad nang alam na nang lahat tungkol sa kanila, sila'y makapangyarihan. Sila'y may kakayahang baguhin ang ikot nang mundo, ang ayos nang kapaligiran o baguhin ang panahon ayon sa kanilang lakas.

At dahil sa malugod na pagtanggap nang mga tao sa kanila, biniyayaan nila ng mahabang buhay ang mga tao. Namuhay nang ilang daang taon ang mga ninuno namin. Naging masaya ang lahat. Naging matiwasay. Walang turing nang mataas at mababa dahil mismong mga Diyos ang nag-utos sa mga tao na ituring silang mga kapantay lamang nila.

Nagkaroon nang kasunduang taknain ang pinuno nang bawat lahi at ang mga tao'y magkaroon nang isang hari, ganoon din ang mga Diyos, na tinawag na Pinakamataas na Diyos. 

Nagkasundo sila at pinag-igting ang relasyon sa bawat lahi. Dahil sa relasyong namuo sa mga lahi, naging malapit na magkaibigan ang dalawang pinuno. Katulad nang inanasahan, naging mabuti ang kinahantungan nang sumunod pang ilang daang taon.

Lahat masaya at hindi nakakaramdam nang lungkot o pighati. Ngunit ang hari nang mga tao ay humingi nang kapangyarihan sa Pinakamataas na Diyos para mapamunuan nang mabuti ang kaniyang mga katauhan. At lugod itong binigay nang Pinakamataas na Diyos.

Humingi ulit siya at binigay muli ito nang Pinakamataas na Diyos. Humingi siya nang humingi at binigay ito nang Pinakamataas na Diyos. Pero ginamit niya lang ito sa kasamaan, naghasik nang lagim hanggang sa pati ang kapangyarihan nang Pinakamataas na Diyos ay inaasahan na niya. Kahit minsan, hindi nagkwestiyon ang Pinakamataas na Diyos dahil may kasunduan sila. At matalik na kaibigan niya ito. Ang mga Diyos at Diyosa ay nagtaka na pero inintindi ito nang Pinakamataas na Diyos. Dahil dumaan lang daw sa mahirap na pagsubok ang Hari nang mga tao at malalampasan niya ito. Buo ang tiwala niya.

Siya'y walang kapantay sa lakas, sa tikas at sa ugali. Siya'y mabait at ito'y inabuso lang nang Hari nang mga tao.

Lumipas pa ang mga taon, naging sakim ang Hari at inasam ang maging mas malaking kapangyarihan pa higit sa Pinakamataas na Diyos. Nakarating ito sa Palasyo nang mga Diyos. Sila'y lubos na nagalit dahil ito'y kalapastanganan sa batas na pinagkasunduan nila. Pero ang pinakamataas na hari ay hindi pa rin nagalit at inintindi ito.

Likas at kahanga-hangang pinuno ang Pinakamataas na Diyos. Binalanse niya ang mga naririnig at komento nang ibang Diyos pero hindi pa rin siya gumawa nang hakbang dahil inakala niyang mabuting tao ang kaibigan niya at babalik ito sa pagiging mabuti at takos na hari. Umaasa siya.

Pero hindi ito nangyari. Lihim na kaalam nang mga Diyos at Diyosa, nagbuo nang lihim na alyansa ang Hari nang mga tao para patalsikin ang mga Diyos sa kanilang posisyun at ni-planong kunin ang kanilang kapangyarihan. Maging sakim sila. Naging gahaman sa kapangyarihan. Ngunit ang nakakalungkot, nanatiling may tiwala ang Pinakamataas na Diyos sa Hari nang mga tao dahil kaibigan niya ito at hindi siya naniniwalang kaya niya itong gawin sa kaniya.

Ngunit nagtapos ang lahat.

Isang gabi, nang mahimbing nang natutulog ang mga Diyos at Diyosa at ang Pinakamataas na Diyos sa palasyo, sinalakay nang Hari at nang kaniyang ilang libong batalyon ang walang malay na mga Diyos.

Sila'y lubos na nalagas dahil hindi nila batid na gagawin iyon nang Hari. Hindi sila nakapaghanda. Maraming namatay sa mga Diyos at Diyosa. Nagdusa ang lahat at inalipin nang Hari ang mga taong nanatiling tapat sa mga Diyos. 

At ang kawawang Pinakamataas na Diyos, pinahirapan nang walang tigil nang inakala niyang kaibigan.

He was disappointed, broken and angry. Due to his extreme atrocity, with just a single nap of his eyes, the whole chains around him broke and leashed him.

Nang oras na nakawala siya, taglay ang sakit nang pagtatraidor nang isang kaibigan at pagkamatay nang kaniyang mga kauri, sumigaw siya nang isang sumpa.

Ang sumpang kikitil sa ilang daang taong buhay nang mga tao. He cursed human to live shorter and suffer long. At iikli pa ito sa paglipas nang mga henerasyon. Galit na galit siya. Matapos niyang isigaw ang sumpa, lahat nang mga sundalo ay biglang tumanda at ang Hari nang mga tao ay ibinalik sa kaniya ang pagpapahirap niya sa Pinakamataas na Diyos hanggang sa ginusto na lang nito ang mamatay.

Mula nang araw na 'yun, bigla na lang naglaho ang Pinakamataas na Diyos at ang Diyos at Diyosa at hindi na kailanman nakita pa sa lupa. They disappeared like a wind.

Iyon na ang simula nang walang tigil sa away sa pagitan nang mga tao. At hanggang ngayon, hindi na ito matigil-tigil.

Their history remained until now. Pero ang bersiyong ito ay hindi lang nag-iisa dahil sa lumipas na mga taon, maraming nabuong mga kwento at binigyan din nang bersiyon ang Hari na sa puntong hindi mo alam kung anong paniniwalaan mo. Ayun sa isang bersiyon, ang Pinakamataas na diyos ang nagtaksil sa Hari at matapos nitong makuha ang gusto niya, naglaho ito kasama ang mga kapwa diyos.

Ito ang parating dinidiscuss ni Professor Gauther sa amin. Ang iba't ibang kwento nang sinaunang Nervada. Pero ano mang bersiyon, isa ang siyang nanatiling sigurado, ito'y nangyari at totoo.

Ang pag-asam sa kapangyarihang hindi pinagkaloob sa 'yo ay magbibigay  nang kalaglagang hindi mo aasamin.

"Ngayon, makinig kayo sa akin." Kinuha muli ni Professor Gauther ang aking atensiyon nang malakas siyang pumalakpak.

"I will group you into three groups and each group will have a different missions."

Doon ako mas maging interesado. Misyon? Ito ata ang unang beses na magkakaroon kami nang misyon sa ilang taong pag-aaral sa akademya kaya hindi lang ako ang nagulat. Naging atentibo silang lahat at halata ang gayak sa misyong sinabi ni Guro.

"This mission will be your final requirements to graduate. Remember, this is a must." Ani niya at pumalakpak muli kahit nasa kaniya naman ang atensiyon naming lahat.

"Yes! Sa wakas. Makakalanghap na rin ako nang sariwang hangin," Akhi murmured beside me na nakikinig na rin pala.

"What mission is that, Professor?" tanong isang kaklase namin, si Prudence. Ang pinakamatalino sa batch namin.

"Magandang tanong, Mr. Viscondo," Professor acknowledged.

"A historical mission regarding what we discussed about. Ang tatlong grupo ay magkakaroon nang kanya-kanyang misyon at hindi ko iyon sasabihin ngayon sa harapan. Just wait for your group and I'll give you the task." Aniya.

"Alalahanin n'yong dito nakasalalay ang in'yong kinabukasang makapagtapos sa akademyang ito." Aniya at lumapit sa kaniyang mesa para kunin ang kaniyang lista nang mga pangalan namin. Ito isang transparent na papel.

Nauna nang tawagin ni Professor Gauther ang iba naming kaklase at palihim silang napasinghap. Ang iba ay hindi ka-grupo ang kanilang mga kaibigan kaya halata ang lungkot sa mga mukha.

"Ikalawang grupo. Prudence, Gihon, Akhira, Khione, Arza at..." nangiti ako nang marinig ang pangalan sa huli. At kasama ko si Akhi! Nasa amin din ang pinakamatalino kaya tiyak hindi kami mahihirapan sa misyon namin.

May kung anong sinuri si Prof. Gauther sa kaniyang listahan bago tapunan nang tingin ang isa sa mga kaklase namin.

"Rithius. Kayo ang ikalawang pangkat."

Tiningnan ko ang tinukoy ni Professor Gauther. Ang tahimik na si Rithius na hindi manlang mukhang interesado sa pinagsasabi nang guro sa unahan. Wala siyang reaksiyon at tulad nang parati niyang ekspresyon, blanko ang mga mata at tahimik. Minsan lang siyang nagsalita at sa tuwing nangyayari 'yun, doon lang natatalo sa patalinuhan si Prudence.

Imbes na bigyan pa siya nang matagal sa pansin ay umiwas na ako dahil nasa kaniya na rin naman ang atensiyon nang lahat. Wala rin akong mapapala sa kaniya kun'di ang malamig niyang ekspresyon.

"Okay na sana but why do Akhira need to be in the same group as mine?" reklamo ni Khione. Umirap si Akhira sa kaniya.

"Sayang, sana naging ka-pangkat kami ni Rithius. Matagal ko na sanang hiling 'yun eh!" rinig kong reklamo nang isa sa unahan naming mesa.

Umugong ang bulungan sa loob nang kwarto kaya umangat na naman ang kilay ni Prof. Gauther.

"Tahimik!" saway niya.

Natahimik naman ang lahat.

"Ang ingany n'yo. Para kayong mga bubuyog, nagsisibulungan!" aniya pa kaya mas tumahimik ang lahat.

"Guro," nahihiyang kumaway nang kamay si Gihon na siyang kaibigan ni Prudence.

"Ano?!" halos mapaiktad ako sa pagsigaw ni Prof. Gauther. Nainis na naman kase siya kaya mataas na naman ang boses.

Kumamot nang batok si Gihon at nagtanong.

"Ilang araw po ba ang misyon namin?" tanong niya. Nagsang-ayon ang lahat. Ilang araw nga ba? 'Tsaka hindi ako kailangang malayo kay Ina nang matagal dahil wala siyang katulong sa bahay. Si Lola lang.

"Sino bang magsabing araw ang aabutin nang misyon nin'yo?" Professor Gauther blunted kaya mas tumahimik ang lahat. Sa loob, parang binunutan nang tinik dahil hindi naman pala aabot nang ilang araw ang misyon.

Kung ganu'n, madali lang.

"Hindi po ba, Guro?" si Gihon na naglakas loob magtanong ulit.

Halakhak ang naisagot ng tagapagturo kaya nagtaka kami at naweirduhan. May isang bulto nang ngisi sa labi niya kaya naabot kong hindi ito maganda.

"Tatlong buwan. Tatlong buwan ang aabutin nang misyon nin'yo at depende pa 'yan sa gawaing ibibigay ko."

Nalaglag ang panga naming lahat, maliban lang kay Rithius na seryoso pa rin. Wala talagang pakealam.

"H-ha? Sir?" hindi makapaniwalang tanong naming sabay kaya muling natawa si Prof. Gauther nang nakakahindik.

"Don't act like you're all shock, ladies and gentlemen."

He smirked.

"You're grades will base on the accomplishment of your mission."

Muli pa siyang ngumisi. Napasinghap na ako.

"Don't expect me to give you an easy mission because this will make you all dountless. In this mission, your Intelligence, courage and virtue will backfire you. Even your mate."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status