Share

:ஐ¤ꕥ LOVE IV ꕥ¤ஐ:

ღ SEXY STUDENT ღ

☆*★*♪ JHUSTINE'S LOVE ♪*★*

Nakakapagod mag shoping sobra! Grabe si Kuya Julius, ang dami kong hawak na paper bag kanina! Napagalitan na naman ako ni Mudra, dahil nga tumakas na naman ako sa trabahong bahay. Pake ko sa kanya! Nilandi niya ang tatay ko kaya nagkahiwalay sila ni Mama. I hate her! Mamatay na siya! Pero wag na natin isipin ‘yan namatay na din kasi si Papa eh, due to heart attack. Naatake siya sa puso, dahil sa sobrang galit sa kanya. May malaking kasalanan kasi si Mudra sa ‘ming dalawa ni papa, ipinang-sugal niya sa casino ang perang pinaglaanan ni Papa para sa pang tuition ko sa college.

Simula noong namatay si Papa, naging under na ako ni Mudra. ‘Di ko siya matawag tawag na mama, dahil ‘di siya karapat dapat tawagin. Maski nga si Kuya Stepherson naglayas ng dahil sa kanya. Alam niyo ba kung bakit? Hindi siya pinapasok sa college at pinilit siyang pinagtrabaho. Kaya ako ngayon nganga dito sa loob ng bahay namin. Naging alila ako nitong madrasta na ‘to…

“Hay! Nakakapagod!” I sighed, bigla na lang kasi akong nalungkot sa mga pinag-iisip ko. Kasi bukas lalayas na din ako sa bahay na ‘to. Hindi alam ni Mudra na mag-aaral ako sa Inspirit University. Bukas ang isang malaking operasyon para maitakas ako dito sa bahay na ‘to. Escaping Cinderella ba kumbaga?

Gabi na at napagod din siya sa kakadaldal. Natulog na ‘ko para bukas…

Kinabukasan, alas kuwatro ng madaling araw. Gumising na ‘ko para maligo, sinunod ko ang payo ni Kuya Julius na isuot ‘yung mga gan’on ganyan na damit. ‘Di ko nga alam kung sure na ako sa gagawin ko eh. Nakauwi kami kagabi at may nakalimutan kaming isang bagay. ‘Yung buhok ko, ‘di pa namin napapugpitan. Sinabi niya na lang na siya na daw ang mang gugupit sa ‘kin sa eskwelahan mamaya, tumungo na lang ako at sinunod ang plano.

Naligo na ako at nagbihis, nakita ko na tulog pa din si Mudra kaya nakalabas ako ng bahay ng walang kahirap hirap. SA WAKAS I’M FREE! Pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay namin, dala ko ang mga damit at gagamitin ko d’on. Sabi sa ‘kin ni Kuya din kahapon habang nag sho-shoping. Doon na daw muna ako titira bago niya ipasa ang official na pagtratransfer ko. Dahil hahanapan daw nila ako ng dorm kung saan ako matutulog at maninirahan hanggang matapos ko ang course na pinili ko.

Nakalimutan ko ang INSPIRIT UNIVERSITY ay isang arts school, kung saan makikita mo na puro Performing Arts, Theater Arts at maraming klasing arts na course ang nandidito sa paaralan na ‘to.

“Tara na bago pa magising si Mudra.” Nagmamadali kong sabi sa kanya habang sumakay kami sa kotse.

“Stop calling her Mudra, nanay mo pa din siya.” Nanay your face!

“Sige sige! Tara na excited na ako pumasok d’on.” Sabi ko, pero deep inside nako kailangan kong mag ingat. Paano na lang kung may nakadiskubre tegi tegi na! Ovaries wasak wasak nako po!

“Ahh… Ready ka na pala mag-ka-anak.” Biro niya.

“KUYA JULIUS NAMAN!” Sigaw ko… Tapos tumatawa siya, anong nakakatawa d’on, conservatice kaya ako! Hmmpp!

Nagmaneho na siya papuntang eskwelahan, wahh! First time kong makapasok at makapunta sa eskwelahan ng INFINITIZE at ‘yung dalawang rival nila. Geez I hate Z.I.P. grabe sila kung gumawa ng gulo, gumawa sila ng eksena tapos sinisisi ang INFINITIZE ng dahil doon kahit ‘di naman nila talaga ginawa.

Ilang oras na din ang nakalipas at nakarating na kami dito sa eskwelahan na ‘to.

“Ba’t ‘di tayo pumapasok?” Tanong ko sa kanya, ipinarke niya kasi ‘yung kotse niya sa tabi lang ng eskwelahan at tumingin siya bigla sa akin na siyang ikinagulat ko.

“Mamaya na tayo pumasok, kailangan mo pala basahin ‘tong mga rules ang regulation ng paaralan. Kailangan mo ding kaibisaduhin ‘to. Ah! Kahit wag mo munang kabisaduhin, kahit iiscan mo na lang. Eto din kailangan mo na ring masanay makakita ng mga lalaking half-naked, tapos binigyan niya ako ng picture ng album.” Nanlalaki ang mga mata ko sa sobrang gulat ko nang ibinigay niya sa akin ‘yung album. MY EYES! My virgin eyes? ‘Di ko ma-take ‘tong tignan… ANG SASARAP NG ABS!

“Wahh!” Napasigaw na lang ako ng wala sa oras at hinahampas hampas si Kuya Julius.

“Aray! Aray!” Sinasabi niya habang pinapalo ko sa kanya ‘yung album…

“Teka nga kasi! Ba’t mo ba ako hinampas!” Sabi niya sa akin, at tinigilan ko naman ang paghampas sa kanya. Nag stay muna kami dito ng ilang oras, matapos ang boring na pagtambay namin pumasok na kami sa gate ng school. Nakaramdam agad ako ng kaba at takot, dahil oo nga pala biglang pumasok sa isipan ko na BOY SCHOOL ‘TO! BOY SCHOOL! Sheettt! What should I do? Itinabi niya ang kotse niya sa may parking space malapit sa gate. Tapos tumingin siya ulit sa ‘kin.

“Just stay calm, walang mangyayari sa ‘yong masaya dito kong wala kang gagawing kabalagstugan. Iwasan mo din ang fraternity dito sa school na ‘to. May inimbestigahan kaming pambubugbog dito sa school namin, at kadalasan mga honor student ang mga nabubugbog. Kailangan mong mag-ingat, neither less don’t talk to strangers okay?” Tumungo na lang ako at susundin ko na lang ‘yung payo niya…

“So labas na tayo…”

Pagkalabas na pagkalabas ko ng kotse, ito ang sumalubong sa ‘kin mga nagsisi-tangkarang lalaki na may mga itsura ang nakatingin sa ‘kin. *Act normal* jusy… *Act normal*. Wala akong kibong nakatayo dito, magaling pa naman ako mag-poker face eh ahaha. Inilagay ko ang earphone sa tenga ko at nakinig muna sa music habang itinatali ang buhok ko ng papusod. ‘Di rin ako makahinga sa sobrang sikip ng pagkakakabit ng bandage ditto sa dibdib ko.

Nagkaroon ng maraming bulong bulongan dito habang papasok kami, grabe sila ngayon lang ba sila nakakita ng dyosa. Aww… Take note lalake nga pala ako dito sa school na ‘to. Let me rephrase ngayon lang ba sila nakakita ng magandang lalake? Hahaha… Huminga ako ng malalim, tapos sinabi ko sa sarili ko na…

“I will save this school for the sake of my Idol.” Sabay tingin sa malaking relo sa itaas ng eskwelahan nila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status