Share

:ஐ¤ꕥ LOVE VI ꕥ¤ஐ:

ღ FROM OUR FANS ღ

☆*★*♪ JJ'S LOVE ♪*★*

Habang nagbabanyo ako. "Alam mo bang? Ang dami ng lilipat ng school?" Sabi ng isang lalaki.

"Oo, at alam ko na bukas na lilipat ng school ang Z.I.P. at DeathLordz, sabi sabi na lilipat daw ang Z.I.P. sa Starlight University at 'yung DeathLords unofficial pa daw eh." Sabi noong kausap niya. What? Ibig sabihin maraming lilipat ng school at kung gan'on?! Mawawalan na talaga ng pag-asa upang mabuhay 'tong paaralan namin. Ewan ko kung matutuwa ako dahil mawawala na ang Z.I.P. at DeathLordz dito sa school namin, dahil marami ng tsismis na favoritism daw kami ng school na 'to kaya kami lagi ang isinasali sa IDOL BATTLE.

Matapos ang maikling pagtitipon walang violent reaction at nararamdaman nila na 'yung nararamdaman ko ngayon. We don't like this school getting demolish or closed down. Marami kaming masasayang alala dito sa paaralan na 'to. 'Dito kami unang nagkakila-kilala, at naging magka-kaibigan. Kaya sinabi ko sa kanila gagawin namin ang lahat para maisakatuparan ang aming mga mithiin.

Kaya nga INSPIRIT UNIVERSITY ang pangalan ng paaralan namin dahil ang ibig sabihin ng 'IN' sa INSPIRIT UNIVERSITY ay INFINITE DREAM o walang katapusang pangarap. At ang 'Spirit' naman ay, will of the mind. That's why this school called INSPIRIT University. Nagreact si Edward pala sa diniscuss ko. Sinabi niya na... "Akala ko pinang casino ng president 'yung mga pinang-tuition natin ahhaha" Baliw talaga 'tong lalaki na 'to.

"Buksan muna natin 'yung site natin baka ang dami nating message na hindi mabasa kyahahahhah." Natatawang sabi ni Marko. Pero lahat kami masayang nagbabasa ng mga message galing sa mga fans ko. Isa isa kaming nagsasabi ng mga message sa 'ming lahat para ma i-share namin sa isa't isa kung ano ang mga iniisip ng mga fans namin.

"Natatawa ako sa mga message ng fans... ang kukulit nila... *Tweet Back* -> Mahal ko 'din kayo sino single d'yan free ako sa linggo date tayo INFINITE" Masayang sabi ni Edward sa kanyang sarili.

"From Luxie Miranda: Hi Edwin, hope you're in good condition always. Remember that I love you so much. Now and forever. Okay okay, itatake care ko ang sarili ko pati namin... ang cute naman n'ong nag-tweet nito." Sinabi ni Edwin sa kanyang sarili na hindi mapigilang ngumiti.

"Ay gosh! Ang kyut ng mga fans natin... mas kyut pa ako sa kanila." Nagulat na lang kami ng biglang tumili si Mint, ang sakit sa tenga.

"Eh? Mukha ka kasing babae kyayaahahahhahaha" Basag trip na sabi ni Marko at nagtawanan kaming lahat.

"From Coleen Louella Dela Peret: Tayumi. Di ko alam, di ko alam kung bakit ba kita minahal. Anong meron sayo? Anong meron sayo na wala si J.J.? Tayumi, kailan mo ba ako mapapansin? Kailan ba yung araw na maririnig ko kahit simpleng 'Hi' lang mula sayo? Ah ewan. Ewan. Di ko alam kung mangyayari pa yun. Sige sasabihin ko na sayo. I'M DEEPLY IN LOVE WITH YOU. Di ko kailangan ng sagot mo. Malaman mo lang yun, okay na eh. Kaso malalaman mo pa kaya yun?" Binasa ni Tayumi 'yung kanyang fan message 'di niya maiwasang ngumiti at namumula na siya d'on. Nag-iinit po siya mga kababayan, nag-message back siya 'di ko alam kung anong sinabi niya. "I'm deeply in love with you too <3 thanks for supporting us." Sinabi niya habang tinatype niya sa laptop niya. Buang no? Nagsasalita habang nagta-type haha.

May binasa akong isang message, galing kay Jillian Abilaine Pelonio. JJ-yah ang gwapo mo talaga. Ano bang gayuma ang ginamit mo sa akin para magustuhan ko ang hamster like face mo? Yun lang! Love you! XD

Anong HAMSTER LOOKING?! Nahawa ba kayo saka-greasihan nitong Bunny Looking na 'to. Tumingin kay Edward, nag heart sign lang siya. Nag-status ako...

[JARREDJAYD: We will save this school no matter what will happen to us. We sure will...] Post

Pagkapost na pagkapost ko ang daming nag-reply sa status ko.

[Mitch Francisco: J.J for me ur a great leader lalo na siguro sa Infinite University... U know how to handle and take good care of ur groupmate. U know how to share ur talents... Sobrang naka2proud...]

[Sean Louise Torreon: Jarred jayd ..alam mo gwapo kna sana ee...kaso ung mata mo..hihi di ko malaman kng gising ka ba o tulog, hahah. Pero kahit gnun lablab pa rin kita at sana magtagumpay kayo sa pagligtas sa Inspirits University. Payting!!! Hahaha..sensya nmn po..inatake ko ngaun sa pagiging bully eh!]

[Marie Magaling: j.j pala , uhmmmm alam mo kahit maliit yan mata mo love parin kita . hahaha makulit ka tska bgay talaga sayo maging leader nila . hehehe khit si Zeyan bias ko ikaw pa rin love ko :)]

Biglang nasalita si Zeyan para maputol ang katahimikan...

"Ito galing kay [Joville Loren Datuin: Zeyan. Alam naman ng lahat na gwapo ka HAHAHAHA. Maligo ka naman ha. Kahit seven times a week lang naman LOL, but anyways, kahit ganun gwapo ka pa rin Saranghaeyo Zeyan.] Guys?" Tinawag niya kami. "Ano ibig sabihin ng Saranghaeyo? Ang daming nag-twetweet sa 'kin eh... 'Di ko alam..." Tanong niya sa 'min after niyang basahin sa 'min 'yung message niya, at habang nangangamot siya ng kanyang ulo.

"Ito ibig sabihin niya... 'Sa' ay MAG, 'rang' ay TOOTH, 'hae' ay BRUSH, 'yo' ay KA... Sinasabi sa 'yo ng mga fans mo na MAG-TOOTH BRUSH KA? 'Yan ang meaning ng saranghaeyo! OKay?" Sure akong maniniwala siya sa pinost ko wahaha.... SARANGHAEYO ay MAHAL KITA or I LOVE YOU. Bahala siya, haha.

"Hoy! Wag mo ngang turuan ng kung anu-ano si Zeyan. Ang ibig sabihin niyan I LOVE YOU." Sagot ni Mint sa tanong niya.

"Ano? Mahal mo 'ko?" Tanong ni Zeyan na nang-aasar.

"Leche! Ikaw na nga tinuturuan! I hate you!" Maarteng sabi ni Mint.

"Tama na nga 'yang landian niyo!" Suway sa kanila ni Edwin.

"Tama na 'yan bukas na nating ipagpatuloy 'tong pagbabasa natin ng message galing sa mga fans natin." Sabi ko sa kanila, bago kami tumayo may biglang kumatok. Isang lalaking mukhang babae... Nagulat ako bigla at lumaki ng kaunti 'yung mata ko, KAUNTI lang...

"IKAW?! ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Nasigaw na lang ako ng wala sa oras...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status