Share

:ஐ¤ꕥ LOVE VII ꕥ¤ஐ:

ღ TROUBLE MAKER ღ

☆*★*♪ JHUSTINE'S LOVE ♪*★*

Tumingin ako sa orasan at nakita ko kung anong oras na, oras na para pumasok sa loob. Tapos nakaramdam ako ng pagkalam ng aking sikmura, napatakbo tuloy ko sa banyo ng wala sa oras. Ang sakit na talaga! Natatae na ako sa sobrang kaba, nang nakarating ako sa banyo. Napatakip ako ng aking mata! My virgin eyes nakakita ng malaking matigas na birdie! OMG! Nagmadali akong pumasok sa cubicle ng wala sa oras. Namumula ako ng wala sa oras, I forgot! Panglalaki nga pala 'tong school na 'to ibig sabihin bihira lang makakita ng girl comfort room.

'Di ko talaga matanggap promise, why? Eh, birdie ang laki laki, eh! Nasa pugad pa omg! That boy! Wah!! My eyes talaga, napahawak ako sa pisngi ko at ngayon pinagpapawisan na ako ng malagkit. Ilang oras ang nakalipas, after kung tumae... Nagmadali akong maghugas ng kamay at lumabas hinawakan ko ang dibdib ko, dahil ang lalagkit ng tingin sa 'kin ng mga tao sa loob ng banyo para bang wah!!! Ayuko ng isipin!

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko, ang bilis ng tibok ng puso ko kailangan ko ng pagpacheck up promise.

"Ayos ka lang?" May biglang nagsalita sa tabi ko, nanlaki ang aking mata at lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko! Pumutok na siya na parang bulkang pinatubo! GOSH! Si J.J.! Wala akong nagawa kundi! Mapapasigaw ng Darna...! 

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang makalayo ako sa kanya, sa kakatakbo ko 'di ko na namalayan kung sa'n lupalop ako ng mundo dinala nang biglang may nabunggo ako at natapakan ko ang sapatos niya.

"Aray!" Napasigaw siya dahil sa sobrang lakas ng impact. Napatingin ako bigla at pagtapos... S-si K-kevin! OMG! Si Kevin ng ng Z.I.P. patay na talaga ako dito alam ko 'di na virgin lahat ng ka-date nitong lalaking 'to! Baka rapin niya ako ngayon! Wait?? Lalaki pala ako ngayon? Malay natin baka pumatol 'to sa lalaki, haha... Mapang-asar much?

"Hoy! Ano ka ba?" Sigaw niya sa 'kin. Tumingin lang ako sa kanya at nag-sorry... Nag sorry ako ng nag sorry sa kanya...

"Anong sorry..." Isang iglap, bigla na lang siyang nanuntok omg! wah!! Ilag ako ng ilag sa suntok niya at nagsisigawan 'yung ibang mga papables dito sa mga tabi ko. Sinusupportahan pa talaga kami 'di ba nila alam na mabubugbog na ako! Huhuhu! Help me please, walang kataposang pag-ilag ang ginagawa ko.

Nang may biglang dumaang janitor at dinakmak ko ang toilet plug. Tapos ipinakita ko sa mukha niya yung toilet plug na hawak. Napapaurong silang lahat at nagtatakip ng ilong, ang baho kaya! 'Di ko din matiis nasusuka ako, teka oo nga pala. Buntis ako at tatay ang INFINITIZE, haha joke lang? Syempre hindi no? 'Di ko kayang ihandle ang pitong lalaki eh mababaliw lang ako. Okay, back to action!

Habang siya'y suntok ng suntok nakakailag pa din ako, dahil 'di talaga sumusuko 'tong lalaking 'to. Kaya walang choice kundi lumaban ako. Mataas kaya pride ng dyosang ito no? Lumaban ako gamit ng pag-wasiwas ng toilet plug. Basta 'yun... Nang may biglang dumating na hamster in shining armor. Este, my saviour!

"MGA TUKMOL! TIGILAN NYO NA 'YAN!?!" Sigaw niya, nakatulala na lang ako dito bigla at napatingin sa kanya ang lahat. Totoo ba 'to? AM I DREAMING!? Si J.J. pumunta lang dito para iligtas ako? Gosh, napaka-suwerte ko! Promise! Peksman mamatay ka man!

After ng karumaldumal na pangyayari sa 'kin, napatingin sa 'kin si J.J. na sobrang galit.

"AH..." Magsasalita sana ako para magpasalamat sa pagliligtas niya sa 'kin.

"Sumama ka sa 'kin." Sa kuwarto ko. Ano daw? Sumama daw ako sa kanya? God! Kill me now, masaya na ako 'di lang 'yun hinawakan niya yung kamay ko at tinignan niya ako. Not once but twice! Oh! Heaven talaga dito haha, inggit kayo no? Pa drop na kayo at transfer na kayo dito haha.

Hinigit niya ako at dinala ako sa park, pagtapos inihiga sa damuhan at nagstart na kami naghalikan. Pero joke lang. Imahinasyon ko lang 'yun. Nang nakarating na kami sa park bigla bigla na lang sumigaw.

"What the hell are you thinking? Ba't mo pinatulan 'yung lokong 'yun? You put yourself in danger you know that? You even just transferred today, and now what? You are making a fuss in the University, you don't know that you are really, really in big trouble!" Sino may gamot sa nosebleed dyan give me a tissue please, umiiyak ng dugo 'yung ilong ko. 'Di kinaya beh ang inglesh ng mukhang hamster na to.

Dinala lang naman ako ni hamster dito para sermonan. Akala ko papaligayahin niya ako, asaness much. Kalandi ko talaga haha. Pagtapos ng ilang minuto aming pag-uusap, binigay niya sa 'kin 'yung number niya magdadate daw kaming dalawa bukas. Joke lang ito-tour niya daw ako dito sa eskwelahan namin. Date na din 'yun kasi kaming dalawa lang. Ang e-epal sasabunutan ko sa hair, or kakalbuhin ko!

Matapos ang ilang oras ng aking paglilibot dito sa eskwelahan. Biglang nag-ring ang aking pinakamamahal na Nokia 3210.

"Hello sino 'to?" Tanong ko.

"Hey! Na 'san ka na ba? Pumunta ka na dito kanina pa kita hinihintay!"

Nagmadali akong pumunta sa office, para puntahan si Kuya Julius at tapos nang nakarating ako ang sakit ng tenga ko sa kakasigaw nitong ni Kuya Julius. Kung ano ang pinagsasabi, sinabi ba naman sa 'kin na... "Kakapasok mo pa lang dito nanlalandi ka agad"

"Di ako pumasok dito para maglandi remember?" Para mang-seduce lang. Wala eh, gan'on talaga kaming mag-pinsan.

"Sabi ko sa 'yo wag kang gagala ng mag-isa, baka may makasalubong kang fraternity!" Sermon niya...

"Actually muntikan na nga akong ma..." 'Di ko na natuloy 'yong sasabihin ko dahil nag-react na naman siya. Face palm muna tapos tumingin siya sa 'kin.

"The heck! Hinayaan mong mabunyag ka kaagad?!" Sigaw niya, naka-poker face na lang ako sa kanya tapos...

"'Di mo kasi ako pinatapos! Matapilok!" I pouted, tapos nag-pipigil siyang tumawa, tapos... tapos... Itinawa din naman.

Tumawa sya ng malakas "LALAMPA LAMPA KA KASI!" Buset lang! Talaga...

"Ito talaga 'yung room mo, 'di ba sabi mo ililigtas mo 'tong paaralan na 'to. Good luck na lang sa 'yo at kahit anong mangyari wag mo akong isasabit kung ayaw mong masabit ng matiwarik. okay?!" Sigaw niya, tumungo tungo na lang ako at umalis sa baliw na 'yon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status