Share

:ஐ¤ꕥ LOVE VIII ꕥ¤ஐ:

ღ MORNING KISS ღ

☆*★*♪ JHUSTINE'S LOVE ♪*★*

Kalahating oras ko ng hinahanap ang dorm na tutulugan ko, grabe talaga ang lawak ng school at ang daming dorm houses sa dorm area nila. 'Di ko naman nakikita na may financial problem itong school na 'to eh.

"AYON!" Nakita ko bigla 'yung dorm ko at tumakbo ako sa sobrang saya ko. Tapos ng makarating ako sa harapan ng pinto, ako ay hingal na hingal. Sino ba kasi nagsabi na tumakbo ako. Binuksan ko 'yung pinto ng dorm at nagulat ako sa nakita ko...

DORM 'TO NG INFINITIZE HAH!?

"IKAW?!" Nagulat ako ng may sumagaw, napatingin ako kung sino at manulat ang mata ko nung nakita ko si J.J. na tinuturo ang kanyang daliri sa kin. "ANONG GINAGAWA MO DITO?!"

"Sorry, mali atang dorm ang pinasukan ko? Dorm 2A?" Tumingin ako sa dorm label sa labas, 'di ako namamalik mata ito nga dorm nila gosh... Tumalikod ako at naglakad, palabas lilipat na lang ako ng dorm. Tapos may biglang bumuhat ng bag ko, at hinatak ako papasok sa loob.

"Yes! May bago tayong ka dorm mate!" Natutuwang sabi ni Edwin, tapos si J.J. nakabusangot lang sa tabi.

"Yah! Ba't mo ba siya sinigawan, natakot tuloy sa pagmumukha mo!" Biro ni Marko, si Mint naman kinuha 'yung bag ko at inilagay sa tabi.

"Tsk..." Sabi ni J.J. at ako naman anong problema nito, mahirap ba akong pakisamahan? Ang ganda ganda ko kayang lalake!

"Hey! You owe me right? Maglilinis ka sa kuwarto ko, para matanggap kita dito sa loob ng dorm." Paratang sa 'kin ni J.J. tumungo tungo na lang ako.

"WAHHH... Wala akong masabi sa mukha mo? Ba't mas mukha ka pang maganda kaysa sa mga babaeng nakilala ko? At ang haba ng buhok mo? Matanong lang no offense? Bakla ka ba?" Tanong ni Edward sa 'kin, nakow! Patay kang bata ka! I'm sorry for being pretty and attractive, hindi inaakila ng iba na mukha akong babae, patay ang plano at wasak ang sinapupunan ko nito.

"AH... May chromosome abnormality kasi ako eh, mas marami ang Y chromosome ko kaysa sa X chromosome ko kaya mukha akong babae, at mabilis humaba ng buhok ko. Don't worry if I don't look like pleasing, magpapagupit ako." Alibi ko sa kanila, buti pala nakinig ako sa klase ko sa biology.

"Ah... okay wala akong naintidihan, pero bayaan na 'yan ano name mo?" Biglang tanong sa 'kin ni Zeyan.

"Jhustine." Maikli kong sagot sa kanya.

"Ako pala ang magiging ka room mate mo simula ngayon." Masayang sabi niya. Tumungo tungo na lang ako at ininterview nila ako, syempre lahat ng sagot ko puro kasinungalingan alangan naman magsabi ako ng totoo na babae ako? 'Di ba?

Matapos ang ilang oras ng pagkukuwentohan, napagod din kami at oras na pala maglunch. Magla-lunch eh anong oras na? 2 p.m. na kaya, may sarili silang kusina at may mga gulay at mga puwedeng iluto dito sa kanilang refrigerator.

'Yung feeling na nakatira ka sa dorm ng bias mo! Wah! Maraming salamat kay kuya Julius, dahil sa kanya makakasama ko sila. Pero wait napagtanto ko nga pala! Lalaki sila paano ko matatago 'tong identity ko sa lagay na 'to? Wait...

Kinuha ko 'yung bag ko kung saan tinabi ni Mint. Binuhat ko ito at pumasok sa kuwarto ni Zeyan. Grabe, ang linis niya sobra! Sa sobrang linis ang daming nakakalat na damit. 'Di man lang maayos, nagkusang loob na ako para ayusin ang mga gamit niya. Nakakahiya kasi sa asawa ko eh, joke haha. After ng ilang oras na nasa loob ako, bigla na lang akong sinumpong ng antok. Napansin ko na iisa lang ang kama dito sa loob ng kuwarto niya pero malaki. 'Di ko na lang namalayan napahiga na ako kama at nakatulog na agad ako.

Makalipas ang buong araw, 'di na ako nakakain ng gabihan at matamihik pa ding akong nakatulog.

At ang resulta, ako ay inumaga na. 

Umaga na at kaya idinilat ko ang aking mga mata, pagkadilat na pagkadilat ko nanlaki ako sa nakita ko. Nakaharap sa akin ang mukha ni Zeya, as in sobrang lapit ng kanyang mukha na halos maghahalikan na kami.

Napatayo agad ako ng higaan at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, ako ay 'di makahinga. Jusko lord! Di ko na 'to kaya ang guwapo baka ma-rape ko siya ng wala sa oras.

Biglang nag ring 'yung alarm clock at pinatay ko na muna 'to. Tapos may biglang pumasok sa loob ng kuwarto.

"Oh? Gising ka na pala, 'di ka nakakain ng gabihan at tanghalian kahapon hah?" Tanong sa 'kin ni Edward, 'di ko maalis ang tingin ko sa kanya. OMG! He's naked! Nakaboxer lang siya at bakat ang nota niya. Napahiga ako at nagkumot.

"Oy! Anong problema nitong lalaking 'to? Makaalis na nga... Pero! HOY JHUSTINE! Malalate tayo sa klase, kung 'di kayo gigising ni Zeyan. Pakigising na lang siya ha? Okay? Mahirap gisingin 'yan kaya good luck na lang" Sumilip ako sa kanya at nakita ko siyang tumatawa tapos isinara niya ang pinto.

Napabangon ako bigla, dahil, okay na... Wala na siya, grabe pinag-pawisan ako d'on. ABS?! Chocolate abs ni Edward wahh!! Ang sarap kainin este ang sarap hawakan. Ay ang bastos ko talaga haha. Pinili kong pumasok dito pero 'di ko ineexpect na nasa heaven na pala ako. Pero not for long, as long na ma-diskubre ang gandang 'di nila inakala, mamatay na ako sa sarap ng bayo nila. Ay tae ano ba itong pinag-iiisip ko.

Tumingin ako kay Zeyan tapos, inalog-alog ko siya para gumising.

"Hoy! ZEYAN! GISING NA!" Sigaw ko habang inaalog-alog ko siya, naka-sampung beses na akong gising sa kanya 'di pa din siya nagigising.

"5 more minutes pa." Nakapikit niyang sabi, tapos bigla na lang niya ako hinila palapit sa mukha niya at niyakap. Nanlaki ulit ang aking mga, walang kataposang panlalaki ng ang nangyari sa 'kin hah? Grabe lang talaga, ang lapit ko na sa kanya hinigpitan niya pa 'yung pagkakayakap niya sa 'kin nasusuffocate ako sobra. Halos 'di na ako makahinga, tapos bigla na lang nagkadikit ang mga labi dahil iniusog niya ang mukha niya patungo sa 'kin. Nang dahil doon 'di na lumiit ang precious eyes ko, lalo pa siyang nanlaki sa ginawa niya.

'Di ako makapagsalita o 'di man lang makakibo dahil sa ginawa niya. What the heck was that? After ng isang minuto, nakadikit pa rin ang mga labi ko, then bigla na lang siyang humiwalay at tumingin sa kabilang side. At ako nakatulala pa din sa ginawa niya, walang kibo at kung anu ano ang iniisip ko.

Grabe lang, isang 'di inaasahang pangyayari sa 'kin ang nangyari dito sa eskwelahan na 'to.

Paano na kaya ang mga sumusunod na araw? Buhay pa ba ako noon?

Mukhang 'di na!

Mamatay na ako sa ginagawa nila sa 'kin, pero pinili ko 'to...

Anyways...!

MY FIRST KISS KO GALING KAY ZEYAN! OMG...!!!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status