Share

:ஐ¤ꕥ LOVE IX ꕥ¤ஐ:

ღ FAN VISIT ღ

☆*★*♪ JHUSTINE'S LOVE ♪*★*

'Di ako makapagsalita sa ginawa niya, napahawak na lang ko dito sa bibig ko habang nakatingin sa kanya habang sya ay nakatalikod matulog. Nagmadali akong bumangon at napatakbo agad ako papuntang banyo, tumingin ako sa salamin at nakita ko ang sarili kong maganda pa rin. Nakita ko ang sarili kong namumula at sa parehong panahon, naaasar na kinakabahan.

Bakit? Tae! Peste! Diss! Nakaka-diss talaga that's my first at 'di ko inaakala na isang iglap napunta sa kanya ang pinaka-iingatan kong first kiss ko. What's next? Nako po! Baka pati viginity ko mawala ng parang bula dito...

GOD! I need your help! 'Di ako mapakali sa kinakatayuan ko at nakahawak lang ako sa pisngi ko. Shemay, pinili ko 'to. I shake my head and look at the mirror, and I wash my face. Pagtapos ko maghilamos.

"WAH!" Nagulat ako ng biglang bumungad sa 'kin si Zeyan, tapos nagtataka siya eh ako naman 'di ako mapakali dito. Stay calm magandang Jhustine, baka magkatotoo ang mga sinabi ko kanina.

"Oh? Ayos ka lang? Para kang nakakita ng poging multo hah?" Natatawang sabi ni Zeyan, seriously wala siyang natatandaan. And thank goodness wala siyang natatandaan... Pagnakataon, magiging erotic na 'tong kuwento ko. Hmmp.

"Ah... Oh.. Ayos lang ako." Nauutal kong sabi first time niya akong kinausap hehe.

"Ah... okay wait lang iihi lang ako." Pagkasabi na pagkasabi niya n'on binuksan niya ang kanyang zipper at siyang nanlaki ang aking mga mata, napatakbo ako ng wala sa oras dahil baka 'di na ako virgin pagkalabas ko ng banyo.

"Ouch!" Aray ang sakit, nakabangga tuloy ako ng tao. Nakita ko si Tayumi ang nabangga ko.

"Oh? Ayos ka lang?" Tanong niya sa 'kin, tumungo tungo na lang ako. "Ah wait! Tinatawag ka pala ni Jarred, may sasabihin sa 'yo at mukhang naiinip na siya d'on." Utos niya sa 'kin.

"Oh... Okay." Sabi ko na lang at pumunta na 'ko sa kinaroroonan niya, pagdating ko d'on nakaramdam ako ng kaunting kaba.

"Bakit?" Feeling close no? Haha...

"Ah, tulungan mo nga ako dito?" Tanong niya sa 'kin, at ipinakita niya sa 'kin ang isang plan. Isang plano para sa isang party at para daw 'to sa mga fans nila na sumusuporta sa kanila. Kahit na mawawala na ang school namin, tinulungan ko na rin siya dahil ito rin ang paraan para gumaan ang kanilang loob. Masaya ko siyang tinulungan, and as of now... 'Di ko makalimutan ang first kiss ko kaya move on na muna.

"Dapat may mga balloons at DJ tayo? Para mas maganda ang fan meeting ninyo." I suggested.

"For a weakling, your quite good!" Bati niya sa 'kin, at ngumiti lang ako. Bigla akong naramdam ng init at itinali ko muna 'tong buhok ko. 'Di pa kasi ako nagpapagupit eh haha. Ilang oras ang nakalipas, natapos din ang plano niya at wala din silang planong pumasok ngayon sa klase nila. Dahil kaka-transfer ko lang kahapon, and I need to attend class, nagpaalam ako sa kanila at nagmadali na akong pumunta sa klase ko.

Isang mahabang habang takbuhan ang ginawa ko, dahil d'yan pagdating ko sa classroom namin pinagpapawisan ako. Pumasok ako sa room, kasi wala pa naman 'yung teacher na magtuturo sa 'min. Tumabi ako sa isang lalaki at pero tulog siya. Nagkibit balikat na lang ako, tapos pinunasan ko na lang ang mga pawis ko. Ilang minuto ang nakalipas, dumating na ang guro namin at nagturo na siya agad.

Matapos ang kanyang pagtuturo hanggang maglunch break, lumarga na kaming mga magkaklase. Buti naman at walang introduction na naganap at ako ay ligtas. After noon nagutom ako bigla at nagmadali na akong pumunta sa kainan dahil gutom na gutom na 'ko.

Bago ko maitapak ang aking mga paa sa canteen may biglang tumawag sa 'kin.

"Jhustine!" Napalingon ako ng wala sa oras, tapos may biglang umakbay sa akin na kung sinong guwapong nilalang. Si Edward ang kumapit sa 'kin.

"Libre na kita, tara!" Inalis ko 'yung pagkakaakbay niya sa 'kin, baka kung ano ang isipin ng mga estudyante dito.

"Ba't mo tinanggal?" Tanong niya sa 'kin.

"May phobia ako sa mga taong umaakbay sa 'kin eh, sorry hah?" Nakangising sabi ko sa kanya.

"Ah, gan'on ba? Sorry 'di ko alam at welcome pala dito at dahil d'yan ililibre kita ng pagkain." Masaya niyang sabi sa 'kin, tumungo tungo naman ako at nakangiti.

"Ey... Ey! Ba't siya lang ililibre mo ako din!" Bigla na lang lumitaw si Mint kung saan.

"Oy, Mint! 'Di ba inuutusan ka ni Jayd?" Tanong niya kay Mint, tapos si Mint naman nag-pout lang.

"Tse! Wag mong banggitin 'yung pangalan na 'yun." Nagdadabog na sabi ni Mint, may nangyari kaya sa kanila ni J.J. Kanina?

"Nakabusangot ka na naman, siguro nabubog na naman 'yung si Teddy no?" Natatawang sabi ni Edward. "Sige sige halika na nga, tara pasok na tayo sa loob. Yaya niya sa 'min. Marami siyang biniling pagkain para sa 'min, tig-isang slice ng chocolate cake. Tigsampung macaroons at drinks. Grabe nabusog ako sa binili niya, at halos 'di ko na nga kayang ubusin 'yung macaroons eh. Tapos siya na mismo ang nag-ubos ng tira tira namin ni Mint.

"Dapat kumain ka ng marami, ang payat payat mo na eh. Oo nga pala, kaka-transfer mo lang kahapon right? I will give you a tour here!" Masayang sabi ni Mint sa 'kin, ngumiti lang ako sa kanya.

"Sige i-tour mo siya dito, babalik na 'ko doon para tulungan sila Jayd." Paalam niya sa 'ming dalawa.

"Anong tutulungan?" Dahil sa curiousity ko, napatanong agad ako ng wala sa oras.

"Ah, 'di ba nabanggit sa 'yo ni kuya Jarred na may Fan Visit na magaganap?" Ay oo nga! Bakit ko nakalimutan engot-engot din ako.

"Wala na akong klase, tara tulungan na natin sila doon saka na 'yang tour na yan marami pang araw para d'on." Palusot ko kay Mint, nakita ko ulit siyang nag pout ang kyuttt! Tapos naglakad na kami papuntang auditorium habang nagdadabog si Mint.

"Hoy!" Maka-hoy wagas haha, tinawag ko 'yung hamster este si Jarred para sabihin ko sa kanya na tutulungan ko siya.

"Saaan ka ba nagpupunta hah? Kanina pa kita hinahanap!" Sigaw ni Jarred, nagulat na lang ako at bilang tumakbo ang mga tenga ko sa sobrang lakas ng sigaw niya. Akala ko nga ako 'yung sinigawan niya eh, si Mint lang pala. Si Mint naman nag pout lang, tapos ginawa niya na 'yung trabaho niya taga sulat lang naman ng mga kung anu ano ang pinagawa sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status