Share

When the Shooting Stars Fall (Filipino)
When the Shooting Stars Fall (Filipino)
Author: Ashanti Everly

Prologue

Tahimik na pinagmamasdan ni Master ang nangyayari sa mundong iyon. Sa mundo ng mga tao. Ginagawa na niyang pampalipas-oras ang pagmamasid sa mga tao upang patayin ang pagkabagot niya. Hindi pa siya nakakapunta sa mundong iyon, at nagkasya na lamang sa pagmamasid. Subalit hindi niya gustong hanggang doon na lang. Balang-araw, kapag nakaluwag ang schedule niya, bibisita siya roon. Iba pa rin kasi ang aktwal kaysa virtual.

This world seemed interesting. Sobrang liwanag pa rin ang mga siyudad kahit gabi na. Para bang hindi marunong matulog ang mga taong iyon. And their politics. The people were divided. Binigyan ng kulay ang bawat kampo. Asul. Pula. Asul laban sa pula. Kapag kampi ka sa taga-kabila, tatawagin kang asulan. kapag sa isa naman, pulahan. Everything seemed to have their own label. Minsan natatawa na lang siya. Ang dapat sa kanila ay magkaisa para sa ikabubuti ng kanilang bansa.

Hindi katulad ng kaharian niya.

Tahimik ang nasasakupan niya. Nobody wanted to mess with him. Or else, they will suffer his wrath. Everyone bowed down before him. They cower in fear.

They shook before his presence. 

The world he was looking at amazes him. People killed each other. They robbed the powerless. Some rulers were corrupt which made people suffer even more. Mga pangyayaring parang sirang-plaka na palagi niyang napapanood. Parang pinapalitan lang  ang lugar at mga tao, subalit pare-pareho ang laman niyon.

How interesting.

If that was his, none of those things would take place. 

“Pinapanood niyo na naman sila,” wika ni Alfonso, ang kanyang kanang kamay.  Nasa gilid niya ito, nakatayo. Gaya niya, tahimik din nitong pinapanood ang kanyang nakikita mula sa screen sa kanilang harapan. 

“Hindi ko maintindihan ang daloy ng pag-iisip ng mga tao,” wika niya kay Alfonso. 

Napabuntong-hininga ito. “Sa tuwing pinapanood ninyo sila, ganoon din ang aking ginagawa. Isa lang ang napansin ko sa kanila. Mas binibigyan nila ng importansya ang salapi. Ang mga pinunong inihahalal ng mga taong iyon, kundi sinungaling ay magnanakaw ng mga salaping hindi sa kanila. Kaunti na lamang ang mapipili sa kanila. At sa kaunting taong iyon, sila pa ang pinapatay. Wala ng pag-asa ang mga nilalang sa mundong iyan, Master. Ikinagagalak ko po na ikaw ang aming pinuno dito sa mundo ng Ebrosirka. Ang kaharian niya. Panatag po ang mamamayan sa inyong pamumuno,” puno ng pagmamamalaking wika ni Alfonso.

He smirked at his remarks. He was the only one who was fit to rule this world. Nothing else. 

“Ano na ang balita?” pagpapalit niya sa daloy ng kanilang usapan. Hindi basta-basta pumapasok ang lalaki sa kanyang silid kapag wala itong importanteng sasabihin.

Napalunok ito. “Nagpadala na naman po ng sulat ang pinuno sa kabila. Isa na naman pong regalo ang ibinigay sa inyo.”

Ngumisi siya. “Hindi talaga tumitigil ang hangal na lalaking iyon.” He was referring to the other ruler of the other kingdom. King Lochan. The foolish ruler of the Kingdom of Zantrominya. How foolish, indeed.

Ipinilig ni Alfonso ang ulo nito. “Kasintigas po ng bakal ang ulo ng pinuno sa kabila, Master. Ano po ang gagawin ko sa regalo?”

Nag-isip siya. “Simula ngayon, ang bawat regalong ipapadala ay papatayin.”

Nanlaki ang mga mata nito. Batas ang kanyang bawat salita. Sinusunod ng mga nasasakupan niya ang mga gusto niya. “P-pero, ilan po sa kanila ay inosente. Ang iba ay mga aliping hindi nakapagbayad ng utang kaya ginawang alipin. Pinuwersa ang ibang pumunta sa kaharian natin. Hindi sa tinatanong ko ang inyong desisyon, Master pero sana pag-isipan ninyo iyang mabuti.”

Talamak sa kabilang kaharian ang bentahan ng mga taong ginawang alipin. At ang iba ay ginagawang koleksyon ng mga babae nito. 

Tumayo si Master. Dumungaw siya sa bintana ng kanyang silid. Tahimik sa labas. May ilang sundalo ng kaharian ang umiikot. “Pinili nilang pumanig sa pinunong iyon kaya nararapat lamang sa kanila ang parusang kamatayan.”

Yumuko si Alfonso sa kanya. “Masusunod po, Master,” tugon nito bago umalis.

No. 

Hindi siya nakaramdam ng kahit na kaunting awa sa mga regalo. At nakita niyang kailangan niya iyong gawin upang protektahan ang kaharian niya. Kung magpapakampanti siya, baka mapasok ng kung sino ang kastilyo at maagaw ang pinaghirapan niya.

Master had endured great hardships upang tumayo sa sarili nito ang kahariang ito. And he will not allow na basta-basta na lang ito maagaw ng kung sino-sino.

That bastard Lochan. 

Naikuyom niya ang mga kamao.

What a coward.

Nagtatago ang haring iyon sa mga ragalo nitong padala. Na animo matatalo siya sa pamamagitan ng mga ito. Foolish. Kailangan nitong mas mag-isip pa ng effective na plano upang mapabagsak siya. 

One day, magtatagpo rin ang dalawang landas nilang dalawa. And he will crush that foolish king. 

Ibinalik ni Master ang atensyon sa mundo ng mga tao. It seemed like that world was calling him. And what if puntahan niya ang mundong iyon? And learn something from them? Nababagot na rin naman siya minsan sa palasyo. 

Kailangan niya ng bagong mapag-aabalahan.

Tumayo siya. At tinungo ang closet niya. 

Bumulaga kay Master ang iba't-ibang klase ng damit sa iba't-ibang okasyon. Kinuha niya ang isang kulay itim na t-shirt at maong. At nagpalit. 

He scanned himself in the mirror. Hmmm. He looked...old. Maybe he needed to shave his beard to look way younger than his real age. 

That he will do.

Master went to the bathroom of his room, picked the shaver while putting some shaving foam sa balbas niya. And he started shaving.

Ilang saglit ang lumipas, natapos na rin siya. Muli niyang sinuri ang sarili sa salamin. Hmmm. Now, he really looked like a college student. 

Excellent. 

Lumabas siya sa bathroom and teleported to the human's world. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status