Share

Chapter 1

“AMANDO, huwag mo akong iwan. Ikamamatay ko kung mawawala ko,” pagmamakaawa ni Esmeralda sa asawa nito.

Mahigit sampung taon na silang kasal kaya napakasakit para kay Esmeralda na basta-basta na lang siya nito iwanan. Pinapahalagahan niya ang sakramento ng kasal at kung anumang pinag-isa ng Diyos ay hindi na dapat pang buwagin.

At isa pa, ano na ang mangyayari sa kanilang mga anak? Nag-aaral sa isang mamahaling eskwelahan sina Jan-Jan at Jen-Jen. Ano ang ipambabayad niya? Ni isang kusing wala siya sa kanyang bulsa. Kung mawawala si Amando sa kanya, para na ring nagunaw ang daigdig niya.

Ang asawa niya ang itinuturing niyang mundo. At wala ng iba. Kung mawawala ito sa buhay niya, para na ring nagunaw ang mundo. 

Wala siyang alam na trabaho.

Pinagbabawalan siya ng lalaki na maghanap ng trabaho. Ang gusto lang nito ay lumagi lamang siya sa kanilang bahay at alagaan ang dalawang bata.

She loved her kids but she was still longing for her freedom. Hindi niya alam kung magiging matino pa ba ng isip niya pagkatapos nito. Ang mga anak niya… Ang kaawa-awa niyang mga anak… 

Iwinakli ni Amando ang kamay ni Esmeralda.

Nanlilisik ang mga mata nito. At puno ng pagkamuhi. Na para bang nagawa niya ang pinakamalaking kasalanan sa mundo. 

Bumagsak siya sa sahig at kinagat ang labi upang hindi mapaiyak.

"Huwag mo akong hawakan. Nandidiri ako sa iyo, babae." 

Parang tinutusok - tusok ng matalim na kutsilyo ang kanyang pwet. Naupuan siguro niya ang mga bubog.

Hindi, hindi siya dapat sumigaw sa sakit. Hindi siya dapat pumalahaw. Nandoon sa kwarto ang dalawang bata dahil walang pasok dulot ng bagyo. Ayaw niyang malaman ng mga ito ang paglisan ng kanilang Papa. Mga bata pa ang mga ito at kailangan niya silang protektahan.

Esmeralda made sure that whenever they argue, their children will never know. Ngunit parang hindi siya magtatagumpay ngayon.

“Ayoko na, Esmeralda. Hindi ka na sariwa sa paningin ko. Masyado nang kulubot ang mga kamay mo.  Nasusuka rin ako sa tuwing inilalapit mo ang mukha sa akin. Maligo ka nga minsan. Alagaan mo ang sarili mo. Pupunta ako  kay Ingrid at doon na titira. Paalam.”

Hindi makapaniwala niyang tinitigan ang asawa. “Paano ko aalagaan ang sarili ko kung palagi akong nakabantay sa mga bata?” deklara niya.

Paluhod na gumapang si Esmeralda. Hindi niya ininda ang sakit.  Para sa kanyang mga anak. Kailangan niyang lumaban. Siya ang dapat na uwian nito.

“Amando, maawa ka sa amin. Hindi kami mabubuhay.”

“Bitiwan mo ako. Kung hindi-”

Sunod-sunod siyang umiling. 

“Hindi ako bibitaw. Sa amin ka lamang.”

Hindi na nakayanan ni Amando ang sarili at sinuntok sa sikmura ang asawa. “Binalaan na kita,” wika ng lalaki at saka dumura sa mukha ni Esmeralda.

“WALANG kwentang lalaki!” sigaw ni Freni at marahas na ibinato ang aklat na binabasa sa bookstore.

Habol-habol niya ang hininga. Affected pa rin sa binasa.

Random lang naman na pagpili ng mga libro ang ginawa niya kanina. Na-hook siya sa cover kaya dinampot niya. Only to find out na may domestic abuse na nagaganap.  Nakakagigil naman!

“Walang awa!” dagdag niya pa. 

Lahat ng mararahas na salita ay sinabi niya upang mapakalma lamang ang  sarili. Ang mga ganoong klaseng lalaki ay dapat putulan ng pang-ibaba upang huwag ng gumawa pa ng kabalbalan. Mga selfish. Puro sariling kaligayahan lang ang iniisip.

Men who abused women were the lowest of all the creatures. Hindi sila dapat mamuhay sa mundong ito. They needed to repeant kung gusto nilang mapatawad sa masamang gawain. 

Naramdaman niya ang kaunting kiliti sa kanyang balikat kaya, “Bakit?” pasinghal niyang wika. Biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha nang makita kung sino ang humawak sa kanya. Alangan na napangiti si Freni. “L-Lilac. Ikaw pala. Bakit?” may pahiya-hiya pa niyang wika.

Matalik niyang kaibigan si Lilac at magkaklase din sila sa ibang subjects sa Saint Benedicto University, isang prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas na pinamumugaran ng mayayamang mga estudyante. Masasabi niyang hindi niya sila ka-level sa antas ng pamumuhay at kasali na rin doon ang babaeng nasa kanyang harapan – si Lilac.

May itinuro si Lilac sa kanyang kanang balikat kaya lumingon siya.

Nagsalubong ang kilay ng isang binatilyo ng bookstore na nakatingin sa  direksyon. He looked familiar.  Saan niya nga ba ito nakita? Sa kanang kamay nito ay ang pocketbook na ibinato niya kanina.

Nag-peace sign siya rito.

Natampal ni Freni ang sariling bibig.

Naku po. Mukha atang may mahaba-habang sermon siyang maririnig nito.

Lilac folded her arms in front of her chest. 

“Hindi mo ba lalapitan si Starry? Kanina ka pa niyan pinapatay sa tingin,” parang balewalang wika ni Lilac sa kanya. Bumalik ito agad sa pag-inspeksyon ng mga pocketbooks. Kagaya niya, mahilig din ito sa pagbabasa. 

Ito na talaga ang past time nilang dalawa kapag nakapunta sa siyudad. They will visit every available bookstores. At kung kaya pa sa budget at okay naman ang plot ng story, bibilhin nila. 

Napalunok siya.

“Lapitan mo na at humingi ka ng despensa bago ka mawala sa mundong ito. Ikaw rin,” pagbabanta pa rin nito. "You knew the rumors right?" 

Parang wala ng narinig si Freni pagkatapos. She remembered that guy. Starry. That was his name. His name was all over their school Kesbook page. There were even captured photos of him. Without asking his permission. And ang nakakainis, every pictures of him look good. 

Pinanlalamigan siya. Malalapot na pawis ang dahan-dahang dumadagayday papunta sa kanyang mukha.

Napakurap-kurap siya.

Totoo ba itong nakikita niya? Tinutubuan ng mga gamot ng puno ang tenga ni Starry? And he grew some horns. At naging kulay pula ang balat nito. Kasingpula ng lupa sa bukid nila. 

Napailing si Freni.

What she saw were not true. Dinadaya lang siya ng paningin niya sa takot.

Kalat sa university nila ang chismis na ang sinumang babaeng magtangkang kumausap dito at lumapit ay bigla-bigla na lang nawawala. Usap-usapan iyon sa kanilang unibersidad  na kalimitang maririnig sa mga kadalagahan ngunit ipinagsawalang bahala ng mga kalalakihan. Umaakto ang mga ito na walang pakialam at hindi naapektuhan. Alam niya na puno ng takot ang kanilang mga puso. Takot na baka mawala ang kanilang mga nobya at takot na baka totoo ang bali-balita.

Ang nakapagtataka, puro mga babae nga ang nawawala. Walang mga lalaki. 

Freni was looking for the missing link. Or whatever na makita niyang koneksyon sa mga babaeng iyon. Ang isa pang nakakapagtataka, the school was quiet about it. Na animo may pinagtatakman. 

Some even say na nagbabakasyon lang ang mga babaeng nawawala.  

Isang palaisipan ang pagkatao ni Starry.  Maliban sa impormasyon na lalaki ito, kumukuha ng Engineering na kurso at nasa third year college gaya niya ay wala ng alam ang mga tao tungkol sa pagkatao nito. Isa rin itong transfer student mula sa ibang bansa. Iyon ang tsismis ng iba.

Though pumapasok pa rin naman ito sa mga classes nito at nag-e-excel sa mga subjects. Marami na rin ang nagsimulang mag-usisa, subalit wala ring nakukuha na iba pang mga impormasyon.

“Tumingin ka sa kanyang mga mata. Parang nanghihipnotismo, 'di ba?” bulong ni Lilac sa  tenga niya.

Tumango siya hanggang namalayan na lang niyang nasa harapan na siya ng lalaki. Kinakailangan pa niyang tumingala upang makita ang mga mata nito.

Totoo nga ang sinabi ni Lilac.

Malamlam ang mukha nito sa unang tingin subalit habang tumatagal makikita mo ang bangis roon. Para itong isang lobo na nagbabalat-tupa. Pero, hindi lobo si Starry. He was full of mystery but will bring misery sa mga taong gustong pakialaman ang buhay nito. 

Because Starry Veña was a walking mystery. And some women loved mysteries. As well as iyong may pagka-bad boy ang aura. 

He towered her. 

Marahan itong yumuko upang maging eye level silang dalawa. 

Ilang bote kaya ng pampatangkad ang binili ng ina nito para maging ganito ito katangkad? Pwede ng mag-basketball player. Tiyak na pag-aagawan ang height nito kung sasali sa mga try outs. 

“Ikaw ba ang bumato sa akin ng walang kwentang bagay na ito?” seryoso nitong tanong.

Ni isang ngiti o ngisi ay ipinagdamot sa kanya ng lalaki. Mas lalong nagsitayuan ang mga balahibo niya sa iba’t-ibang parte ng  katawan.

Noon lang nag-sink in ang sinabi nito. 

Walang kwenta? Anong walang kwenta?

At doon lang siya nakapag-react sa isipan niya tungkol sa sinabi nito. Ang aklat na binasa niya kanina? Walang kwenta?

How dare him!

Palibhasa hindi ito book lover kaya hindi nito alam ang pinagsasabi nito. Ang pocketbook na binasa niya kanina ay siya na yatang pinakamagandang romance story na nabasa niya. At sasabihan lang nitong walang kwenta? Hindi maaari!

Kailangan niyang ipagtanggol ang kaawa-awang libro na iyon. And who will defend it kundi siya lang? Hindi nito alam ang pagod ng mga writers upang makalikha lang ng masterpiece. 

Bumukas at sumara ang bibig niya. Hanggang sa nakita na lang niya ang sariling binato  niya ito ng hawak niya. 

“Huwag mong sabihing walang kwenta ang mga aklat na binabasa namin. Stress-reliever namin ang mga iyan,” asik niya. “Alam mo bang ang aklat na iyan ay ginawa para sa aming hindi pa nagkakaroon ng nobyo?” madamdamin niyang wika.

Hindi ito sumagot. Kaya nagpatuloy siya. 

“Pinapaalala sa amin ng aklat na iyan na hindi dapat pagkatiwalaan ang mga lalaki sa mundong ito dahil marami sa kanila ay mga manloloko. Katulad sila ni Amando na walang hiya!” Binigkas niya ang salitang Amando na parang may tangan-tangan na mabagsik na lason.

“Wala akong pakialam sa mga pinagsasabi mo,” sagot nito. Humakbang ito papalapit sa kanya. “Hindi ko gusto ang ginawa mo kanina. That was rude, human."

Bumilis ang tibok ng puso ni Freni. What the heck was she feeling right now? Parang may kung anong maitim na aura na bumalot sa lalaki. And all of them were directed to her.

"Human? Bakit? Alien ka ba at hindi tao? Kung makapagsabi ka ng tao parang kami lang. Hindi ka kasali." 

Humalukipkip siya.

Nagpupuyos pa rin ang kalooban niya. Ang lakas ng kabog ng d****b niya na parang sasabog na sa sama ng loob. All because of this man. For all the things he said earlier.

Hindi man lang ito marunong mag-consider ng feelings niya. Nila. At ng writer. 

At ang daming babaeng nagkakagusto rito? What the hell!

Hindi nila namalayan ang paglapit ng gwardiya sa kanila. 

“Bawal mag-away rito. Kung gusto ninyo, sa labas kayo ng mall,” sita sa kanila ng gwardiya.

Ngayon lang napansin ni Freni na halos lahat ng mga tao sa loob ng bookstore ay nakatutok ang mga mata sa kanilang direksyon.

Uminit ang kanyang  pisngi.

Ito ang pinakanakakahiyang araw sa tanang buhay niya. Ang gusto lang niya ngayon ay magtalukbong ng tela gaya ng ginagawa ng mga suspek sa tuwing alam nilang may mga camera na nakatutok sa mga mukha nito.

Bakit ba?

Gusto lang naman niyang ipagtanggol ang mga stories na pinagpupuyatan ng mga writers. Dugo at pawis ang puhunan ng mga ito makagawa lang ng de-kalidad na kwento. They even had sleepless nights crying out loud! She had so much respect for them.

Humihingi ng tulong ang mga matang tiningnan niya si Lilac sa sulok. Pero, ang babae, umaakto na hindi sila magkakilala? Kung saan-saan nakatutok ang mga mata nito at kung minsang magtama ang kanilang mga tingin, bigla na lang itong mag-iiwas. Mas lalong lumambot ang kanyang mga tuhod.

“Mga kuya, aalis na po ako.”

Laglag ang kanyang balikat. Ito na ang huling pagkakataon na makikita niya ang mundo.

 Napalunok siya nang mapadako ang mga mata sa pocketbook na hawak ni Starry. Gawa ng favorite writer niya! Gusto niya pa ring bilhin iyon! Hindi siya matatahimik kapag hindi niya nabili iyon. Kaya, pikit ang matang kinuha niya ang libro sa mga palad ni Starry.

But he whispered something in her ears. “Magpaalam ka na sa mga mahal mo sa buhay dahil ilang araw mula ngayon…iiwan mo na sila.” Hinayaan siya nitong makuha ang aklat.

Napamaang si Freni. Sinundan niya ng tingin ang palayong lalaki. Anong ibig sabihin ng lalaking iyon?

Papatayin ba siya?  Napakaraming mga tanong sa kanyang utak at sa kabila ng lahat ng iyon sigurado siya na ang mga kwento tungkol kay Starry Veña at totoo. Napatunayan niya iyon ngayon, hindi ba? 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status