Share

Chapter 2

TATLONG araw na ang nakalilipas magmula nang marinig ni Freni ang banta sa kanyang buhay at sa loob ng tatlong araw na iyon, hindi na siya mapakali. Todo - iwas ang ginawa niya kay Starry. Sa tuwing may nakikita siyang kahawig ng postura at buhok nito, parang hihiwalay ang kanyang espirito sa katawan niya.

Wala pa namang nakakapagbigay ng ebidensya na tunay nga ang mga usap-usapan tungkol kay Starry. Pero, hihintayin niya pa bang mapatunayan ang tsismis na iyon bago siya kumilos? Syempre hindi. Ngayon palang, mag-iisip na siya kung paano niya masosolusyunan ang problema.

I-report na lang kaya niya sa pulis? Magpa-blotter siya. Death threat din ang ginawa nito sa kanya.

He should be punished. Kaya namimihasa ito dahil walang gustong kumalaban. He spread fear among the students.

Magandang ideya ba na i-report niya ito? Why not magsimula muna siya sa school? I’m sure papanigan siya ng guidance counselor.

Ipinagpatuloy niya ang pagmumukmok sa sulok ng kwarto library. Anong malay niya? Baka bulungan siya ng mga alikabok ng isang magandang solusyon.

Ilang sandali lamang, parang nagliwanag ang buong paligid. She had an idea. Agad siyang napatayo sa kinauupuan sabay wikang, “Aha!” Alam na niya.  

Nag-peace sign siya sa mga estudyante na kasama niya sa silid nang makitang nakatingin sila sa direksyon niya. Nakalimutan niyang guwardiya nila ngayon ang mga aklat.

“Be quite,” saway sa kanya ng librarian. Nakayuko ang ulong bumalik ng upo si Freni na may ngisi pa rin sa mga labi. May itatalino pa talaga siya.

Uuwi siya sa Pampanga sa Barangay San Juan Baño at hihingi ng kapatawaran sa nakagalitan niyang ina. At kung suswertehin, papatawarin siya ng kanyang nanay at doon na siya maglalagi. Since walang nakakaalam ng kanyang tirahan maski na ang matalik niyang kaibigan na si Lilac.

Bakit hindi? Bakit nga ba?

Bingo!

Walang makakatunton sa kanya kahit na ang Starry na iyon. Napangisi siya.

Kapag nandoon na siya at pinatawad na ng kanyang Inay Adelia, maglalagi siya sa Mount Arayat National Park at bubusugin niya ang baga sa mga sariwang hangin  na malapit nang maging itim dahil sa mga lason na usok na nagmumula sa mga sasakyan. Makiki-join na rin siya DENR sa pangangalaga at pagprotekta sa Mount Arayat.

Nakapagdesisyon na siya. Iyon na ang gagawin niya. Ngayon pa lang, magisisimula na siyang magpaalam kay Lilac. Bukas na bukas rin ay aalis na siya. Last day na naman ng klase. Finals na. After that bakasyon nila.

Goodbye, college. Goodbye, terror teachers.

Nagpalinga-linga siya sa silid-aklatan.

Kumunot ang noo niya nang hindi makita si Lilac. Nasaan ba ang babaeng iyon? Kanina pa iyon lumabas, ah? Ang sabi, magbabanyo lang, pero bakit ang tagal?

Maingat niyang ibinalik kung saan niya nakuha ang mga aklat. Magpapakabait muna siya at tutulungan ang Student’s Assistant sa trabaho nito. Aalis din naman siya.

Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi nang makitang organisado na ang lahat ng aklat sa bookshelves. Nakikinita na niya na luluha sa pag-alis niya ang mga aklat na sa napamahal na sa kanya. Bukod kay Lilac, ang mga aklat na ito ang nagpapangiti sa kanya sa tuwing kinikilig siya sa mga eksena sa nobela.

Hay. Hinalikan niya ang mga aklat sa huling pagkakataon. “Paalam mga kaibigan. Alam kong magkikita pa rin tayo,” maluha-luha niyang wika.

HINDI pa man nakakalapit nang husto sa banyo para sa mga babae si Freni, ay parang gusto na niyang umatras. Kumunot ang kanyang ilong sa tindi ng amoy. Nagrarambulan ang ihi at pabango.

Una niyang pinuntahan ang girls comfort room. Baka nandoon ang kaibigan niya. Mahilig din kasi itong mag-retouch ng make up.

Napakatapang talaga ng amoy ng ihi.

Para namang walang disiplina ang mga babaeng ito. Hindi ba nila kilala ang tubig? Oh sadyang mga kambing lamang sila at natatakot mabasa? Hindi man lang nahiya. Mga kababaing tao, hindi marunong ng konsepto ng kalinisan sa paligid?

Pikit-mata siyang pumasok sa banyo.

Siya na nga lang ang maglilinis. Nakakahiya naman sa mga estudyante riyan na walang ibang ginawa kundi mag-lip tint at mag-make up. Nahihirapan pang huwag itapon ang mga tissue na ginamit sa bowl. Though hindi naman lahat.

“Ginagawa mo ba ang pinag-uutos namin sa iyo?” Ito ang una niyang narinig na mga salita pagkapasok pa lamang niya. Agad nagkubli si Freni sa isang pintuan. Limang kwarto ang mayroon. “Isang linggo na namin iyang sinabi ha? Ano? Gagawin  mo ba o hindi?”

Kilala niya ang boses ng babaeng iyon. Si Mercy Capricanio. Si Mercy lang ang taong walang awa. Kilala ito bilang pinakamayaman sa kanilang unibersidad at may angkin din itong utak. Hindi tago sa kanya ang pagkahumaling ng mga lalaki rito dahil ganoon naman talaga. Kapag maganda, mayaman, at matalino, kinakapitan ng mga lalaki.

“Mercy, natatakot ako. Paano kung totoo na pinapatay ni Starry ang mga babaeng nakausap at lumalapit sa kanya? Gusto ko pang makapagtravel kami ni Daddy sa America. Iba na lang ang iutos mo. Promise, gagawin ko.”

Si Lilac iyon. Ano bang kasalanan nito kay Mercy?

Kaya pala ganoon ang ikinilos nito noong nasa bookstore sila? Kaya pala umakto itong hindi siya kilala dahil natatakot din ito kay Starry?

“Sabihin mo lang kung ayaw mong gawin, Lilac. Hindi ako bobo para hindi makaintindi. Kung ayaw mo, alam mo na naman ang kaya kong gawin.”

“No! No!” Na-iimagine na ni Freni ang pag-iling nito. “Huwag mong ipagsabi ang sikreto ko, Mercy. Papatayin ako ni Daddy.”

Isang tawang nakakakilabot ang pumailanlang sa buong banyo. “Kung ayaw mong sabihin ko sa buong estudyante rito na may sex video kayo ni Richard na nakalagay sa aking flash drive, mabuti pang kumilos ka na. Hindi ako pasensyosa, Lilac.”

Humikbi si Lilac.

Totoo ba ang narinig niya? May nobyo si Lilac at may nangyari na sa dalawa? Minsan lang niya nakita ang Richard na iyon nang minsang mapadaan siya sa likod ng kanilang classroom sa Physics. May hitsura naman ang lalaki pero wala siyang tiwala rito. Nakita na rin kasi niya itong nakipaglandian sa IT student.

Paano nagawa iyon ni Lilac? Kilala sa pagiging istrikto ang ama nito at mahigpit na pinagbabawalan ang anak na huwag muna pumasok sa isang relasyon habang nag-aaral. Dahil na rin sa hindi madali ang kursong Medisina, ayaw ng Daddy nito na may balakid sa pag-aaral ng anak. Pinayagan naman nito ang anak na pwede na makipagrelasyon pagka-graduate na. Hindi naman kasi biro ang gasto kapag kumuha ng Medisina.

Natutop niya ang bibig.

Kailan pa nagawang suwayin ni Lilac ang Daddy nito? At ang pinakamasakit pa, pumasok sila sa isang pre-marital sex. She was too young. Pinilit ba ito ni Richard? Kung ganoon, malalagot sa kanya ang lalaking iyon!

“Mercy, maawa ka…”

It hurts to see Lilac begging. She was a proud woman who never backed down to life challenges.

Wala talagang awa si Mercy.  Ngayon lang niya nakitang magmakaawa ng ganoon ang kaibigan. Palagi kasi itong nagmamaldita sa kanya. But she still loved her. Unconditionally.

Bigla na lang kumulo ang dugo niya. Sino bang tao ang hindi maaawa kay Lilac sa kalagayan nito ngayon? Nagtatalo na tuloy ang kanyang isipan kung aalis siya o hindi.

“Aray!” hiyaw nito.

That's it. Hindi na niya kayang manood na lang. Kaibigan pa rin niya si Lilac at ang mga kaibigan, nagtutulungan.

Lumabas siya sa pinagtataguan. “Bitiwan mo ang kaibigan ko!” may diin ang bawat salita niyang wika. No one messes with them.

Nagtatagis ang kanyang bagang sa nakitang eksena.

Nakamudmud sa bowl ng cr si Lilac at kulang na lang ay halikan nito ang malamig na bato. Kapwa napalingon sa kanyang direksyon sina Mercy at Lilac.

Agad niyang dinulugan si Lilac. Tinulungan niyang makatayo ang kaibigan na ngayon ay hilam ang mukha sa mga luhang patuloy na umaagos. Matalim niyang tiningnan si Mercy. Kinabig niya si Lilac papunta sa kanyang dibdib at mahigpit itong niyakap. Si Lilac lamang ang hindi nagmata sa kanyang katayuan sa lipunan. Kung hindi sa sariling sikap at paggamit sa kanyang utak, hindi siya makakatuntong sa kolehiyo. Magkaganoon man, ang babae pa ang unang nakipag-kaibigan sa kanya.

At anong karapatan ng kontrabidang babae ito na saktan ang kaisa-isa niyang kaibigan? Naging mabagal ang kanyang paghinga kasabay ng pagkuyom niya sa kanyang kamao.

Hindi.

Hindi siya natatakot kay Mercy. Ngayong may banta na ang kanyang buhay dapat matuto siyang lumaban. “Layuan mo na si Lilac at ako na mismo ang gagawa ng ipinag-uutos mo. Gusto ko huwag na huwag ka nang lumapit sa kanya. Or else, isusumbong ko ang pambu-bully mo sa kanya. Dean’s lister ka pa naman. Bigay mo sa amin ang flash drive, Mercy. Kung ayaw mong isumbong kita sa guidance counselor,” banta niya. She hated people who bullied the weakness of some individual.

Naningkit ang mukha ng kontrabidang babae bago tumaas ang pang-ibabang sulok ng labi. “Kung nasaan ang amo, nandoon din ang tuta,” pagpaparinig nito sa kanya.

“Mabuti pa ang aso mahal ang amo kaysa ahas diyan na nanunuklaw.”

Lumaki ang mata nito. Halatang hindi inaasahan ang kanyang pagsagot.

“Another comeback or else I will upload the video.Do you think na papanigan ka ng guidance counselor? She’s my aunt. ”

“Please, Freni. Huwag ka ng sumagot.”

“Lilac, do you want your videos to be uploaded or you will do what I want. I don’t have time for nonsense. Follow my boyfriend. Ibigay mo sa akin ang lahat ng impormasyon na nakuha mo mula sa pagsunod sa kanya. Binibigyan lamang kita hanggang bukas. Remember, I can spread the video.”

Mas lalo lamang napaiyak si Lilac. “Huwag kang mag-alala. Ngayon din ay susundan ko na iyong boyfriend mo.” Ang boyfriend na tinutukoy nito ay Starry. Pero, hindi siya naniniwala na boyfriend nito ang lalaki. Sadyang ilusyunada lang talaga si Mercy. Bad boy pala ang tipo nito? Fine. Magsama sila ng Starry na iyon.

Mas mahalagang magawa niya ang pinag-uutos nito bago pa man malagay sa kahihiyan ang kaibigan niya. Imagine the trauma she will encounter because of those videos. Then her parents. They would be disappointed in her.

Tama naman itong ginagawa niya, hindi ba? Tama lamang na saluhin niya ang problema ni Lilac? Ilang beses na siyang tinulungan ng babae kapag nagigipit siya sa tuition o kaya'y wala siyang pambili ng materials para sa project niya. Walang alinlangan din nitong pinapahiram ang laptop nito kapag kailangan niyang mag-research.

Pero...the mere fact that she will stalk that man gives her creeps. Hindi magandang ideya ang gagawin niya. Baka malaman ng lalaki ang pagsunod niya at ipakulong siya.

Ano na kaya ang mangyayari sa buhay niya ngayon? Ang taong parang may ketong na nakakahawa ay susundan na niya. Si Starry…

Nagsitayuan ang mga balahibo niya sa braso.

Makikita na naman niya ang nakakamatay nitong mga tingin. Ano kayang nakita ng mga babaeng kaklase niya para ma-inlove sa lalaking iyon?

“Maipapangako mo bang ibibigay mo sa akin ang video maging ang flash drive kapag may maireport ako sa iyo?” tiim – bagang niyang wika.

Mercy flipped her hair. “Oo naman. Maayos naman akong kausap.”

Humigpit ang hawak ni Freni kay Lilac. “Siguraduhin mo lang dahil kapag nawala ako sa mundong ito at nakita kong hindi mo tinupad ang usapan, mumultuhin talaga kita.”

Tumigil ang paghinga ni Mercy at lihim siyang napangiti. Takot pala sa multo.

“Freak!” sigaw nito bago umalis.

Napangiti siya.

“Bakit mo ginawa iyon? Ako ang dapat mag-stalk kay Starry.” baling ni Lilac nang sila na lang dalawa ang naroroon. Kumalas siya rito at ni-lock muna niya ang main door ng banyo. Hayaan mong maghintay ang mga babaeng iyon.

Umupo siya sa iredoro.

Nagkibit-balikat siya.

“Hindi ka ba natatakot sa maaring mangyari? Paano kung matulad ka rin ng mga babae rito?” wika nito. Namumula pa rin ang mga mata nito sa pag-iyak kanina.

“Tinaningan na ang buhay ko,” parang walang pakialam niyang wika ngunit sa loob, natatakot na siya subalit hindi niya iyon pwedeng ipakita kay Lilac. Baka mas lalo itong ma-guilty.

"Bakit hindi mo sinabi? Kailan nagsimula?” Nataranta ito. .Marahas nitong inalog ang katawan niya na kulang na lang malaglag ang baga niya.

Ibinaling niya sa ibang direksyon ang paningin. “Tatlong araw na mula ngayon.”

Nanlambot ang tuhod ni Lilac Sinuportahan niya ito.  Sa sandaling iyon, parang ito pa ang mamamatay.

“Hoy, ano ka ba. Ayos lang iyon. Hindi ba dapat matuwa ka pa nga dahil naging matapang ako? Handa ako sa anumang mangyari sa akin. At ang pinaka-importante sa lahat, handa akong humarap kay Lord.” Pilit niyang pinasisigla ang kanyang tinig. Para kay Lilac kahit hindi na para sa sarili niya.

Walang ano-ano ay niyakap na lang siya ni Lilac. Hinayaan niya ang sarili sa ganoong posisyon. At dinulugan niya ang kaibigan sa pagluha. Pagluha para sa mangyayari mamaya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status