Share

Chapter 3

PIGIL NI FRENI ang kanyang hininga habang nagtatago sa isang puno ng nara. She must admit na isa rin sa dahilan kung bakit tinanggap niya ang utos ni Mercy ay dahil gusto niyang patunayan na tinatakot lang siya ng Starry na iyon. There was no way the rumors around him were true. If those were true, matagal na sana itong nakulong. 

The police would do their investigations. At hindi rin naman siguro mananahimik lang ang university nila. 

If there were serial killings na nangyayari sa school nila, the university would tell their students na huwag magpagabi. 

Sa kabilang banda, maybe Starry was using his connection upang pagtakpan ang mga nagawa nito. Ganoon naman talaga, hindi ba? Iyon ang palaging uso sa tuwing nanonood siya ng mga palabas na may ganoong tema. 

Everything will be about connections. And sad to say, connections occur when you wanted to apply for a job. 

Sumasayaw ang mga dahon sa indayog ng musikang ang mga ito lamang ang nakarinig. Malakas ang huni ng mga ibon. Nag-aawitan. Ang iba naman ay nangunguha ng mahahabang dahon na pwedeng gawing nest nito bilang paghahanda sa pangingitlog ng mga ito. 

Mahigpit niyang niyakap ang sarili.

Kailangan niyang magtagumpay. Para kay Lilac. Para sa ikakapanatag ng kalooban niya. Para sa kanilang dalawa na rin. Maaapektuhan din naman siya kung may problema ito. 

She just hoped na hindi totoo ang mga balita. 

Mabuti na lang at bakasyon na bukas. Pero hindi lahat ng mga estudyante umuwi na sa kanilang mga probinsya. Ang iba ay may mga requirements pang tinatapos. At mga remedial exams. Ang iba ay nag-e-enrol para sa summer nila. 

“Hindi pa muna ako uuwi riyan. Nawiwili pa ako rito.  Ikawna muna ang bahala riyan. I-contact mo ako kapag may problema. Or if something urgent needed my attention.”

Napahinto siya. 

Hinanap ni Freni ang pinanggalingan ng boses. Hindi siya nagkakamali. It was him! Si Starry. She found him leaning on the back of the classroom while smoking. Nakatalikod ito sa kanya.

Nagbibisyo pala ito? Hindi niya nahalata dahil hindi naman nangingitim ang mga labi nito.  Baka nagsisimula pa lang ito? Pero paano nito nagawang ipuslit ang mga sigarilyo? Gayong mahigpit ang university nila sa pagpapatupad ng mga rules and regulations. Kasali na riyan ang bawal na pagdala ng mga alak na nakakalasing maging ng mga sigarilyo. 

Sino naman ang kausap ng Starry na iyan? Mukhang seryoso ito. 

Hindi niya makita kung may kausap ba ito sa cell phone o wala. Baka kasi umaakto lang ito na may kausap. Iyon naman pala ay wala. Iyon kasi ang palagi niyang nakikita sa television. 

Malamang sa cell phone dahil sila lamang ang tao sa likuran ng kanilang classroom. May last subject pa sana siya kaso nag-inform ang professor nila na wala ng klase. Mag-enjoy na lang daw sila sa bakasyon. Tapos na rin naman ang final exam nila sa subject na iyon.

Mabuti na lang at may mga prof pa rin na nag-iisip sa mental health ng ibang estudyante. May iba pa rin naman. Kaso kaunti lang. Anyways, wala rin naman siyang magagawa. Since estudyante pa lang siya. 

Binugaw ng mga yabag ng sapatos ni Starry ang katahimikan ng paligid. Mas isiniksik pa niya ang sarili sa puno. Kung nagsasalita lamang ang puno, malamang kakasuhan siya nito ng harassment.

Malakas ang kabog ng d****b niya. What if mahuli siya nito? Will he do something to her?

Wala pa naman siyang kahit na anong dala to protect herself. Hindi siya nakapaghanda. 

Papalapit nang papalapit ang mga yabag sa kanyang pinagkukublian. Huwag naman sanang malaman ni Starry na nagtatago siya. Huwag naman sana. 

Alam ni Freni na hindi maganda ang ginagawa niyang ito. But what choice did she have? Kung hindi niya gagawin ito, kakalat ang video ng kaibigan niya. And it will ruin her not only on the physical aspect but also on the emotional and mental one. As well as her reputation. Ang mmasikinatatakot niya ay ang maaring gawin ng daddy nito. 

Malapot ang pawis na tumutulo sa katawan niya. Base sa lokasyon niya, direktang tumatama sa kanya ang sinag ng araw.

Freni should have chosen a spot na hindi siya masyadong maiinitan. Subalit hindi na niya naisip iyon kanina. 

Tumigil si Starry sa paglakad.

Nakatalikod ito sa kanya nang sumilip siya.

“Hindi maaari iyang sinasabi mo. May isang oras pa ako upang maglagi dito. Mamaya na lang.” May himig ng inis sa boses ng lalaki. "Minsan lang ako makapasyal dito. Gusto kong sagarin."

Bakit naman ito maiinis? Kausap kaya nito ang girlfriend nito?

May girlfriend ba naman ang Starry na iyan?

Hmm. May mai-re-report na siya kay Mercy. Paniguradong iiyak ang babaeng iyon. Mabuti nga. Pwede naman itong mamili sa mga lalaking nagkakandarapa rito.

Marahas na napabuntong-hininga si Starry. Problema ng lalaking iyon? Brokenhearted? Parang brokenhearted, eh. 

“Anong problema riyan?” Tensyonado ang mga balikat ng lalaki. "Sinabi ko na sa iyo hindi ba na kung pwedeng ikaw na muna ang lumutas ng problema, gawin mo muna. Babalik naman ako riyan."

Nag-monologue lang ba ito? Because it looked like one. 

Ano ba kasi ang pinag-uusapan ng mga ito? Hindi siya maka-catch up.  Wala siyang maintindihan.

Tinapos nito ang paninigarilyo. Itinapon nito ang upos ng sigarilyo sa lupa. At inapakan. “Wala na akong magagawa. Pupunta na ako riyan." Humarap ang lalaki at naglakad. "Maghintay lang kayo. Masosolusyonan din iyan. Tawagin mo na rin ang apat na bantay. Tell them to prepare for an upcoming war. That foolish king needs to know his place."

‘DINALA’ ni Starry si Freni sa isang lugar na pinalilibutan ng mga puno. Hindi niya alam kung nasa school campus pa ba sila or nasa kabilang mundo na. She was just following him. Blindly.

It was like she was on daze. Sunod lang siya nang sunod dito. Hindi niya alam kung saang parte na sila ng Pilipinas dahil kung siya ang tatanungin, nasa A****n Forest na sila.

Hindi pa kasi siya nakakarating sa parteng ito ng university. Kung hindi siya tambay sa library, doon siya nagkakalat sa classroom ni Lilac. 

Umaawit ang mga ibon sa kakahuyan na para bang ikinalulugod ng mga ito ang pagsunod niya kay Starry.

Krak.

Lumagitgit ang mga tuyong dahon na kanyang natatapakan.

Nagpalinga-linga si Freni. Bigla siyang kinabahan. 

Narinig kaya iyon ni Starry?

Bigla siyang dinamba ng nerbiyos. Patay na talaga siya nito. Oras na malaman nitong sinusundan niya ito, malilintikan talaga siya. 

Teka. Nasaan na ba ang lalaking iyon? Bakit biglang nawala?

Nilibot niya ang paningin.

Wala talaga, eh. Nasaan ba iyon nagpunta?

“Hinahanap mo talaga ang kamatayan?” Isang  boses ang bumulong sa kanyang tenga. Sapat na ang mainit nitong hininga na dumampi sa kanyang balat upang mas mabaliw ang kanyang puso.

Nanlaki ang mga mata niya. "Starry?" bulong niya. 

Paano siya nito nahuli? She was too careful not to be caught. She made sure of that. Mas maingat pa siya sa mga ninja. 

Bigla siyang pinanlamigan. Katapusan na niya. Katapusan na niya.

Nanginig ang buo niyang katawan at hinahabol niya ang hangin. Tigang  na ang kanyang lalamunan.

Tumaas ang sulok ng labi nito. “Hindi ka ba natatakot?” tanong ni Starry sa tonong nang-iinsulto. “Sinusundan mo ang taong hindi mo man lang kilala. Paano kong isa akong serial killer or rapist? Kaya mo bang proteksyonan ang sarili mo?”

Hindi. Hindi niya kayang proteksyonan ang sarili, but she will fight. For herself. 

Ipinangkrus niya ang magkabilang kamay sa d****b.

She should have been extra careful. Pero kahit anong pagsisi niya, huli na ang lahat. 

Umikot sa kanya si Starry at kitang-kita sa mukha nito ang pagkaaliw. Pagkaaliw sa kanyang pagkatakot ngayon.

Huminto ito at bago pa man niya malaman ang sunod nitong gagawin, nasa lalamunan na niya ang  kamay ng nito.

Starry was trying to kill her!

Totoo ang mga balita na kumakalat dito. He was the reason why girls suddenly vanished. She should report him to the authorities! He should be punished, and should not roam free. 

The situation she was in suddenly sank in.

She was in danger! He could be a potential murderer! At pwede siyang dumagdag sa mga biktima nito. 

Napaigtad siya.

Isang butil ng luha ang kumawala sa mata niya. Kinuha iyon ni Starry sa pamamagitan ng daliri nito at saka inilagay sa bibig.

“Natatakot ka na ngayon? Hmm. Nalalasahan ko ang takot mo." Napakislot siya nang amuyin nito ang leeg niya. Bampira ba si Starry? "Naisip mo bang sa pagsunod mong ito, kaya na kitang patayin? Akala mo hindi kita namalayang sinusundan ako? May gusto ka bang hilingin bago kita patayin? Walang sinuman ang makakakita sa malamig mong bangkay. Ako lang… Ako lang ang may alam ng lugar na ito.”

Naiihi siya.

Then he was choking her. She wriggled.

Nasunog ang lalamunan niya sa higpit ng hawak nito sa lalamunan. Nahihirapan na siyang huminga. The rumors around this man were true, after all! The students need to know! They were in danger!

Ganito ba magwawakas ang buhay niya? Mamatay siyang si Starry ang kasama? Mamamatay siyang hindi man lang nasasabi sa Inay niya ang mga salitang "Mahal kita?"

Pilit niyang inaalala ang matamis na ngiti ni Lilac sa tuwing nakakakuha sila ng mataas na mga marka sa mga pagsusulit. Ang kanyang Inay na matatamis ang mga ngiti sa tuwing sinusunod niya ang ipinag-uutos nito.

Hanggang dito na lang ba talaga siya? Pagkatapos niyang mamatay, tatanggapin kaya siya ng Panginoon sa langit? O, itatapon siya sa impyerno. Napakarami pa naman niyang kasalanan. Isang beses pa lang din siyang nakapagkumpisal sa pare.

“Shhh… Mabilis lang ito. Sa muling pagdilat ng mga mata mo, nasa ibang mundo ka na.”

One..Two…three… Hangin. Gusto niya ng hagin. Nagdidilim na ang kanyang paningin. Hindi na niya kaya…

“Patawad sa pag-iistorbo…”

Bumagsak siya sa lupa. Nilunok niya ang lahat ng hanging kayang ipasok ng baga niya. Nasusunog ang lalamunan niya.

Mamamatay tao ito!

“Pinapauwi na po kayo ni Master.” Isang lalaking nasa singkwenta anyos ang bigla na lang sumulpot.

She looked at him, pleading. 

“Hindi pa ako tapos sa babaeng iyan,” ani ni Starry.

“Sino po ba ang babaeng iyan?”

“Baka pinadala siya sa mundong ito sa pinuno ng kabilang kaharian. Bago pa makagawa ng gulo, pinapatahimik ko na. Hindi rin ako nasisiyahan sa ginawa mong pang-iistorbo sa kasiyahan ko.”

Nagtama ang paningin nila ni Starry.

Nakakapaso ang tingin na ipinaparating nito sa kanya. Ano ba ang nagawa niya at ganoon na lang ang galit na makikita nito sa mga mata nito? Ano pa nga ba?

Sinundan mo siya.

Tumalikod si Starry. “Dalhin ang babaeng iyan. Mamaya ko na siya tatapusin.”

Nag-aalinlangan ang matanda. Nakita niya ang awa sa mga mata nito.

Yumuko ito. “Mahigpit pong ipinagbabawal ang pagdadala ng hindi natin kauri sa Ebrosirka. Magagalit po si Master.”

“Wala akong pakialam. Basta dalhin mo siya.”

Yumuko ang matanda at napaatras si Freni. "Manong, huwag po kayong maniwala sa kanya. Wala po akong ginagawang masama.  Inutusan lang po ako ni Mercy.”

Napabuntong-hininga ito.  “Accusare nemo se debet nisi coram Deo.” Pinagdikit nito ang mga kamay at nararamdaman na lang niya ang unti-unting pagbigat ng talukap ng mga mata niya.

Nanlaban siya ngunit animo may kung anong pwersa ang nagpatulog sa kanya.

Anong nangyayari?

“Magpasalamat ka dahil hindi mo na mararamdaman ang kamatayan.”

Gusto niyang sumigaw at ipagtanggol ang sarili ngunit wala siyang magawa. Walang makakarinig sa kanya. Walang makakatulong sa kanya. Walang sinuman ang makakaalam kung sino ang nagpatay sa kanya at ang totoong nangyari. Mawawala na lang at makakalimutan ng mga tao ang pangalang Freni sa Saint Benedicto University. At hindi nila malalaman ang saktong araw ng pagkamatay niya…

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status