Share

Chapter 4

NAGISING SI FRENI SA lugar na hindi pamilyar sa kanya. Kulay abo ang pader ng silid na kinalalagyan niya. Walang bintana ang kwarto.  Hindi niya alam kung anong oras na.

Kinapa niya ng bulsa.

Nandito pa rin ang cellphone niya pero walang signal.

The floor was so cold but she didn’t even whine. Mas mahalaga naman sigurong buhay pa siya ngayon kaysa ang magreklamo.

Akala niya, pinatay na talaga siya. Starry was so determined to kill her. The thought of that man made her blood boil. Anong karapatan nito? Anong karapatan nitong gawin siyang bihag? Hindi siya ipinanganak upang maging isang bihag ng isang tao lamang.

Sumiksik siya sa malamig na pader nang marinig ang parang kinakaladkad na metal at huminto sa kanyang silid. Anong gagawin nila sa kanya? Papatayin na ba siya?

“Diyos ko…Tulungan Niyo po ako. Huwag niyo po akong iwan,” dasal niya.

Napakislot siya nang buksan ang pinto sa silid niya. Parang asido  sa mga mata niya ang liwanag na nagmumula sa labas. Humahapdi ang kanyang mga mata.

Kumurap-kurap siya.

“Buhay ka pa?” Isang bagong boses ang nagsalita.

Pinilit ni Freni na tingnan ang mukha ng bagong dating. Kulay itim ang suot nito at isang balat ng lobo ang nakapalibot sa bewang nito? Was he a werewolf?

Werewolf? Really, Freni? But who knows? A while ago, hindi siya naniniwala sa mga nilalang na nababasa niya sa paranormal romance novel. But now...everything were possible.

Gumapang ang kilabot sa kanyang katawan. Sino namang matinong tao ang ibabandera ang isang balat ng patay na lobo? The man was weird.

“Pakawalan mo ako,” utos niya sa bagong dating. Hindi siya manghihingi ng awa rito. Mamamatay siyang may dignidad sa sarili.

Umiling-iling ang lalaki habang nakangisi. At hindi niya gusto ang ngising iyon. Parang ngisi ng isang demonyo. At ilang demonyo na rito sa lupa ang kanyang nakaharap.

“Ikinalulungkot ko pero hanggang dito ka na lang at hinding-hindi na makakauwi  sa iyong lugar.”

“Saan ako?” tiim-bagang niyang tanong. Hindi niya alam kung saan niya nakukuha ang tapang niya ngayon pero nagpasalamat pa rin siya.

“Nandito ka sa Ebrosirka,” tipid nitong sagot.

Ebrosirka? Halos memoryado niya ang mga bansa at lugar sa mapa ng mundo ngunit wala pa siyang nabasang Ebrosirka. May lugar ba na ganoon? “Ibalik mo ako sa amin,” utos niya. “This is a crime! I will report you to the authorities once na makatakas ako rito.”

Tumalim ang mga mata ng lalaki at bigla-bigla na lang  tumama ang likod niya sa pader. He moved fast. Nasa magkabilang pisngi niya ang mga kamay nito. His grip was so tight that it hurt her.

“Sino ka upang utusan ako? Isa ka lamang tao na mamamatay rin ngayon.” Pilit nainaalis ni Freni ang mga kamay nito. These people were murderers! “Sa kabilang banda, hindi ka katulad ng mga babaeng ipinapadala ng hangal na pinunong iyon.” Lumuwag ang kapit nito sa kanya hanggang sa pulutin siya sa sahig. Lumayo sa kanya ang lalaki. Naglakad sa kanyang harapan at saka huminto. “Gusto mo bang  makaalis rito?”

Hindi siya naniniwalang basta-basta na lamang siya nito pakakawalan. Pero, kailangan niyang sumugal. “Ano naman ang gagawin ko?” She was still shaking. God. She just wanted to run away from this place. From these people.

Ngumisi ang lalaki sa kanya. At parang nagtindigan ang mga balahibo niya sa ngising iyon. “Matalino ka para sa isang tao.”

“Ano nga ang gagawin ko?” ulit niya.  Hindi niya hahayaang lamunin na naman siya ng takot. Lalaban siya hanggat kaya niya. Oee day, she will have her revenge. Pagbabayaran ng mga ito ang pagsakal sa kanya.

“Para huwag mong masabi na masyado akong walang puso, kailangan mong malampasan ang apat na bantay sa Ebrosirka. Lahat sila ay may pinakaiingatang mga bagay at dapat mo iyong makuha. Kapag nakuha mo ang bagay na iyon, maaari mo iyong ipagpalit sa isang direksyon na maghahatid sa iyo sa portal na magpapabalik sa iyong mundo.”

She was not in a human world? Ano itong napasok niya? Hindi na sana siya nagpaka-heroine una pa lang. But she will survive. Kailangan niyang makaalis sa lugar na ito.

“Paano ko naman sila makikita? Paano ko sila makikilala?”

“Ikaw na ang bahala.”

“Ano? Nababaliw ka na ba?” hindi makapaniwala niyang wika. “I need a clue. This is unfair.”

Biglang tumalim ang tingin nito sa kanya. “Huwag mong gamitin sa akin ang salitang iyan. May pagkakakilanlan ang bawat tao. Sa mundo mo ay may tinatawag na inhinyero, guro, karpintero, doktor at kung ano-ano pa. Ang bawat taong iyon ay may dala-dala na naghihiwalay sa kanila sa ibang tao.”

Naiintindihan na niya. Gaya nila ni Lilac. Kahit na magpaopera pa siya at gayahin ang mukha nito, malalaman pa rin ng mga magulang nito kung alin ang totoong Lilac  sa kanilang dalawa. Hindi niya magagaya ang lahat ng kilos nito, tindig, boses. Ginawa ng Diyos ang tao na iba-iba. Walang pagkakatulad. Even twins had different genes.

“Kailan ako magsisimula?”

“Ngayon na…” at pagkatapos noon, nakita ni Freni ang sarili na nasa isang palengke.

Kumurap-kurap siya. P-paano siya nakapunta rito? T-totoo ba ito? Pero paano nga nito nagawang ilagay siya sa labas?

Iginala ni Freni ang kanyang paningin sa paligid. halos lahat ay may ngiti sa labi ang mga tao. Nakasuot sila ng mga damit na hindi niya kailanman nakita sa kanyang daigdig. Para siyang nasa nakaraang panahon. Hanggang paa ang saya ng mga kababaihan. Nakasuot naman ng makukulay na pantalon ang mga kalalakihan.

Para siyang si Kagome Higurashi na bumalik sa Feudal Japan. Gaya nito, nakasuot din siya ng unipome. Pero, walang Inuyasha na magtatanggol sa kanya sa kalaunan. Walang makulit na Shippo. Walang Miruko at Sango kundi siya lamang. Mag-iisa.

“MASTER, unang beses yatang may pinakawalan kayong bihag,” wika ni Alfonso. Hindi sa kanyang Master nakatutok ang atensyon niya kundi sa screen kung saan ipinalalabas doon ang babaeng ipinadala ng Pinuno ng Kaharian ng Zantrominya. Ito ang unang pagkakataon na hindi ang palabas sa daigdig ng mga tao ang pinapanood nito.

“Nagpapatawa ka ba, Alfonso? Hindi awa ang pinanaig ko kundi ang kagustuhan kong makapanood ng kakaibang palabas.”

“Pero bakit ninyo po siya ipinadala sa apat na bantay ng Ebrosirka?” magalang nitong tanong. “Walang pag-asa ang babaeng iyon na magtagumpay dahil kilala ang apat na bantay sa pagiging marahas. Kinamumuhian nila ang taga-labas. Ang mundo ng mga tao.”

“Sakto.”

Matamang pinagmasdan ni Alfonso ang kanyang master. Ano ang naglalaro sa isipan nito? Ito ang isa sa nilalang na napakahirap basahin. May kakayahan siyang makita ang nilalaman ng puso ng bawat tao. At nakita niya sa babae ang busilak nitong puso. Kaya naawa siya sa babaeng iyon. Napakabata pa upang mamatay.

KANINA pa palakad-lakad si Freni at hindi na niya alam ang susunod na gagawin. Minsan na siyang lumapit sa mga tao upang magtanong tungkol sa apat na bantay ng Ebrosirka pero bago pa man lumabas ang mga salita sa kanyang bibig, lalayo ang mga ito na para bang may nakakahawa siyang sakit. Nagpoprotesta na ang tiyan niya pero sa kabila ng mga prutas na nakahilera sa may daan, walang sinuman ang magbibigay sa kanya. Maski sana ang mga lantang saging na tinutuka ng mga ibon ay hihingin niya. Gusto niyang mapaiyak sa kanyang sitwasyon. Daig pa niya ang isang pulubi. Bakit ba naging ganito ang kanyang buhay?

She had her money with her but these people were using different currencies.

“Ina, bili tayo ng mangga para kay Itay.”

Isang mag-ina ang papunta sa kanyang direksyon. May hawak-hawak na isang mahabang tinapay at isang kagat pa lamang ang naroroon ang bata.

Napalunok siya.

Mas lalong umalma ang tiyan niya at nagpakawala ng isang nakakahiyang dagundong. Nakuha nito ang atensyon ng mag-ina.

“M-magandang tanghali,” bati niya sa dalawa.

“Ina? Bakit iba ang kanyang kasuotan?”

School uniform pa rin ng Saint Benedict University ang soot niya na binubuo ng isang kulay itim na skirt at white na blouse. Pawis na pawis na rin ang pakiramdam niya sa walang sawang paglalakad.

She wanted to cry. She did not know where to start.

“Huwag kang tumingin sa kanya,” saway nito sa anak. “Padala na naman siya ng Pinuno ng Zantrominya. Nais niyang patayin ang Master. Bakit hindi pa siya hinuhuli ng mga sundalo?”

“Nagkakamali po kayo, Ale. Hindi po ako padala ng Pinuno ng Zantrominya.” Hindi nga niya kilala ang pinunong iyon. At ang tinatawag nilang Master? Hindi nga rin niya kilala.

“Sinungaling! Ano bang ginawa sa inyo ng Master at papatayin ninyo siya?” histerikal nitong sambit. “Isa siyang mabuting pinuno.”

“Ale, hindi po ako mamamatay tao. At hindi ko po kilala ang Master na tinutukoy niyo.”

Mahigpit nitong hinawakan ang anak. “Bakit ba ako nakikipag-usap sa mga taong tulad mo? Ayokong magaya sa iyo! Umalis ka na dito!” Tinulak siya nito.

Napaupo siya sa semento.

“Ina. Nakakaawa naman siya,” sambit ng bata. Mabuti pa ito. Nagawa siyang kaawaan.

Nalaglag ang balikat ni Freni.

Biglang uminit ang sulok ng kanyang mga mata. Bakit? Wala naman siyang nagawang kasalanan, hindi ba?

Patuloy na umalma ang kanyang tiyan at kasabay niyon ay ang pag-ikot ng kanyang paligid. Umiling siya na para bang sa ginagawa niyang iyon, mawawala ang kanyang pagkahilo. Umupo siya sa isang sulok ng iskinitang kanyang kinalalagyan. Mangilan-ngilan na lamang na mga tao ang kanyang nakita ngunit ilag na ilag pa rin sa kanya. May mga batang naaawa, tumitigil at hihilahin din ng kanilang mga magulang. Naroon ang pagkamangha sa kanilang mga mata. Pero, walang sinuman ang tumigil upang mag-abot sa kanya ng pagkain.

“Mas mabuti pang hingin mo na lang ang iyong kamatayan. It’s better that way. You will not suffer any longer.”

Si Starry.

Nakatayo ito at may hawak na prutas sa kanang kamay nito. Wala pa iyong kagat. Mas lalong sumasakit ang tiyan niya sa gutom. Ngumisi ito nang makita ang kanyang reaksyon sa pagkain. Mas may appeal pa sa kanya ang hawak nito kaysa mismong humahawak. Her mouth watered at the sight. Kung pwede lang makatikim kahit na isang kagat. Isang kagat upang maibsan ang gutom na nararamdaman niya.

“Oops. Ipagpaumanhin mo. Nalaglag ko.”

Sumunod ang kanyang mga mata sa nahulog na pagkain. Isang segundo. Dalawa. Tatlo. Sabi nila pwede pang kainin ang isang pagkain kung hindi pa iyon umaabot ng limang segundo. Sobra yatang walang puso ang lalaking iyon dahil tinapakan nito ang prutas.

Uminit ang sulok ng mga mata ni Freni dahil sa ginawa nito. “Hindi mo ba alam na milyong-milyong tao ang nagugutom?” malakas ang boses niyang sumbat. “You’re a ruthless man, Starry!”

Tumaas ang sulok ng pang-ibabang labi ng lalaki. “Hindi ba pumasok sa makitid mong utak na hindi Starry ang pangalan ko? Well, I understand. Ang tanging dumadaloy sa isipan mo ay ang sinapit ng Desa. At isa pa, ang mundo ninyo lamang ang nagugutom. Masagana ang pamumuhay ng mga tao dito sa kahariang ito.”

Masama ang tingin niya rito. “Hindi bale ng magutom doon sa amin huwag lang kaming pamahalaan ng isang walang pusong  pinuno. Kaya pala ganoon din ang ikinikilos ng mga tao rito. Kung ano ang pinuno, iyon din ang nasasakupan.” Alam niyang masama ang manghusga ng isang tao, pero patawarin sana siya ng Panginoon sa oras na ito. Hindi na niya napigil ang sarili.

“Huwag mong sabihin ang mga bagay na iyan sa aking mga tauhan!” wika ng lalaki habang hinihingal.

Nakakuyom ang mga kamao nito. Napaatras siya nang lumapit ito sa kanya hanggang wala na siyang maatrasan. Ngumisi si Starry, ngisi ng isang demonyo. Katulad ng lalaking nakaharap niya sa kanyang bilangguan.

“They love their Master that they will do everything to protect him. Whatever threat that they will get; they will crush them.”

Biglang nagising ang kakaibang kilabot sa loob ni Freni. Parang siya ang pinatutungkulan na kaaway ng lalaking ito. “Ano bang nagawa ko sa iyo? Sinundan lang naman kita dahil sa utos ni Mercy.  Iyong babaeng patay na patay sa iyo. Siya dapat ang kunin mo, hindi ako!”

Umiling-iling si Starry. “Pathetic humans…” Unti-unting lumayo ang boses nito. Tinatangay ng hangin at maging ang katawan ng lalaki ay unti-unting nawawala. “Sa susunod na lamang kita tatapusin. I still have important things to do.”

Just like that, he vanished.

Naramdaman ni Freni na may kumalabit sa kanya. “A-ate?” Isang batang nangangatog ang nasa harapan niya. May makulay itong damit na kailanman ay hindi niya nakita sa kanyang mundo. Ano bang panahon ito? The people are wearing dresses that were all unique.

Inilibot ni Freni ang kanyang paningin. Bakit walang tao?

Nagsalubong ang kilay niya. “Ano iyon, bata? Huwag kang lumapit sa akin dahil baka pagalitan ka ng Mama mo,” mahina niyang sambit. Hindi lahat ng tao sa Ebrosirka ay masama?

Imbes na sagutin siya sa kanyang tanong, mula sa likran nito ay may inilabas itong isang tinapay. Nagreklamo ulit ang  tiyan niya. “Sa iyo na po ito. Ate, nakakaawa ka kasi. Nagsasalita ka ng mag-isa.”

“May kausap ako kanina,” giit niya.

“Wala pong pumupunta sa lugar na ito. Sabi kasi nila, ito ang pook na tagpuan ng apat na bantay ng aming lugar. Sabi ni Ina, isa itong banal na lugar at ipinagbabawal nila ang pagpunta sa lugar na ito. Pero, nakita ko po kayo nilapitan kita. Ito po.” Inabot ng bata sa kanya ang tinapay at walang pag-aalinlangan niya itong kinuha. Kasabay ng paglunok niya sa malambot na tinapay ay ang paglunok niya sa hiya na kanyang nararamdaman. Ilang segundo lamang ang lumipas, naubos niya ang tinapay.

Maganda na ang nakikita niya sa paligid. “Salamat. Ano nga pala ang pangalan mo?” may ngiti sa labi niyang wika. “Nasa sampung taong gulang yata ang batang ito,” naisaloob niya.

“B-Bresa.”

“Salamat, Bresa.” Kinuha niya ang maliit nitong kamay at nakipagkamay. Pinamulahan ng mukha ang bata.

“Ano pong ginagawa ninyo?” tanong nito nang ilahad niya ang kamay.

Kumunot ang kanyang noo. “Ito? Ginagawa ito namin kapag may bago kaming nakikilala.”

Lumiwanag ang mukha ng bata. “Totoo pala iyong sinabi ni Ina at ikaw iyong tinutukoy nilang gustong patayin ang Master? Pero, mukha naman kayong mabait.”

“Iyan ang tsismis tungkol sa akin? Mali ang kanilang sinasabi. Wala akong gustong patayin. Gusto ko lamang makauwi sa amin.”

Biglang natampal ng bata ang bibig nito. “Naku, kailangan ko na palang umuwi. Siguradong hinahanap na ako ni Ina. Sige po, Ate,” paalam ng bata sa kanya.

Malungkot niya itong sinundan ng tingin hanggang mawala ang bata.

Napabuntong-hininga siya.

Nawala nga ang pagkagutom niya. Nawala naman ang kaisa-isang batang kumausap sa kanya.

Tumayo si Freni at saka pinagpag ang damit. Aalis na ba siya sa lugar na ito? Sabi ni Bresa, ito ang meeting place ng mga bantay. Kung matiyaga lamang siyang maghihintay, malamang na makita niya ang kahit isa sa mga bantay at pagkatapos sisimulan na niya ang kanyang trabaho.

Paano naman kung makita siya ng mga tao? Baka kuyugin siya ng mga ito at patahimikin ng lubusan. Hindi na maganda ang mga tinging ibinibigay ng mga ito sa kanya kanina pa lamang kaya hindi malalayong mangyayari iyon.

“Hindi ako aalis sa lugar na ito dahil natatakot ako sa kanila. Gusto ko lang makaiwas sa gulo,” wika niya sa sarili. Ngunit, hindi pa man siya nakakailang hakbang may nahagip ang kanyang tenga.

“Uha…”

Napatigil si Freni sa kanyang paglalakad.

Hindi ba siya dinadaya ng kanyang pandinig? Lumingon siya sa kanyang likuran. Nalaglag ang kanyang mata sa nakita. It was a baby with his small fist trying to reach the sky. His small feet was kicking wildly. Paano naman napunta ang isang sanggol sa lugar na ito? Tama kayang lapitan niya ang sanggol? Pero, paano kung isa pala iyong tiyanak? Iyon bang halimaw na nag-aanyong sanggol at pagkatapos kakainin nito ang sinumang taong lalapit?

Sunod-sunod na lumunok si Freni. Ano na ang gagawin niya ngayon?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status