Share

Kabanata 4

Pagkapasok nila sa lobby ng hotel, nakita nila na ang maayos na mga mesa ng hapag kainan na nakahelera.

Ang mga tao na dumating at umalis ay nakadamit ng mga marangya at may magagarang alahas.

May hawak din silang baso ng alak habang masayang naguusap.

Inakay ni Emma si Thomas sa isang mesa sa gitna ng hall at ngumiti habang kausap ang isang matandang lalaki. "Lolo!"

Ang matandang lalaki ay kasalukuyang pinuno ng pamilya Hill, Richard Hill.

Pinaliit niya ang kanyang mata. “Hello, Emma. Bakit ngayon ka lang dumating? Naghihintay ako sa iyo kanina pa. Halika’t umupo ka. "

Nang siya ay lumingon, nakita niya si Thomas sa tabi ni Emma. "Sino ito?" naguguluhan siyang nagtanong.

Ibinaba ni Emma ang kanyang ulo at tumugon nang may kawalan ng kumpiyansa, "Siya ang aking asawa, si Thomas Mayo."

"Oh?"

Hinusgahan na ni Richard si Thomas bago sinabing, “Narinig kong sumali ka sa militar. Hindi ko inaasahan na babalik ka ngayon. Upo ka. "

"Salamat, Lolo."

Pagkaupo pa lang ni Thomas, sarkastikong tinanong siya ng Harvard Hill mula sa kabilang mesa. "Thomas, nagkaroon ka ba ng magandang buhay sa nakaraang limang taon na nandoon ka?"

"Di ko masabing maganda pero hindi rin pangit."

"Talaga? Mayroon bang isang espesyal na kotse na sumundo sa iyo nang babalik ka na? "

"Hindi ako isa para sa red tape, kaya't tinanggal ko ito."

Tumawa si Harvard. “Red tape? Haha, wag kang magtanga-tangahan. Hindi ka naman siguro pinaalis dahil sa kawalan ng kakayahan, 'di ba? "

Ang bawat miyembro ng pamilya ay tumingin kay Thomas ng may pagkutya, at ang kanilang mga titig ay napuno ng paghamak.

Walang sinabi si Thomas.

Maling akala ni Harvard na ang mga pag-iisip ni Thomas ay nakalantad at hindi siya maaaring magbigay ng paliwanag. Samakatuwid, si Harvard ay nagpatuloysarkastikong nagsabi, "Ngunit, ayos lang. Ang pamilyang Mayo ay may-ari naman na ng Shalom Technology. Kahit na wala kang magandang buhay, hindi ka naman gutom sa oras na bumalik ka. "

Nang banggitin ito ni Harvard, medyo nagbago ang ekspresyon ni Thomas.

Lalong nagalit si Emma.

Pinag-usapan ng bayan ang Shalom Technology, kaya imposibleng hindi malaman ni Harvard na nagpakamatay si Scott. Pinag-usapan niya ito sa harap ng lahat dahil gusto niyang mapahiya si Thomas.

Ang iba ay mabait na nagpaalala sa kanya. “Harvard, anong kalokohan ang sinasabi mo? Si Darcy Davis ang nagmamay-ari ng Shalom Technology ngayon. May kinalaman ba ito sa pamilyang Mayo? "

"O, tama ka." Napatingin si Harvard kay Thomas. Meron siyang malamig na ngiti habang sinabi, "Paumanhin, wala akong magandang alaala. Nakalimutan ko."

Tinapik niya ang kanyang dibdib at idinagdag, "Huwag mag-alala. Kahit na wala kang magandang buhay, at nawala ang iyong kumpanya, hindi ka mamamatay sa gutom. Bilang pangalawang kapatid, tiyak na aalagaan kita. Sa palagay ko mayroon kang magandang pangangatawan. Bakit hindi ka pumunta sa aking kumpanya at magtrabaho bilang isang security guard o doorkeeper? Pwede kitang pasahurin ng anim na libong dolyar sa isang buwan. Ano sa tingin mo?"

"Itigil mo yan!" Sigaw ni Richard sa mahinang boses, at napasara nito ang bibig ni Harvard.

"Kami ay isang pamilya. Mag-ingat ka sa mga sasabihin mo.”

Tumingin ulit siya kay Thomas. "Thomas, ang sitwasyon mo ngayon ay hindi gaanong maganda. Sana masipag ka para makasabay ka sa amin. Kung hindi man, sa palagay ko mas makabubuting hindi ka muna dumalo muli sa piging ng pamilya. "

Ang ibang kasama ni Harvard ay masayang tumingin dahil napahiya si Thomas.

Namutla ang kutis ni Emma. Hindi pa siya napahiya ng ganito dati.

Samantala, si Thomas ay kumalma nang matagal na. Ang mukha niya ay hindi na nagpakita ng anumang galit at kalungkutan. Para bang wala sa kanya ang sinabi ng ibang tao.

Nakita ni Richard Hill ang kanyang mukha, at nagalit siya kaya't hinampas niya ang mesa. "Hindi ka karapat-dapat turuan!"

Sa pagkakataong iyon, ilang mga busina ang naririnig sa labas ng hotel.

Mahigit sa sampung puting mga BMW ang nakahanay habang humihinto sila sa harap ng hotel. Mayroong isang kulay-pilak na Bentley sa gitna, na pinahiran ng higit sa isang milyong dolyar, at ipinakita nito ang marangal na katayuan ng may-ari nito.

"Narito sina Jade at Donald!" Masayang tumayo si Harvard. Sa parehong oras, hindi niya nakalimutan na bumalik sa sarcastic na pananalita kay Thomas. "Thomas, ngayon ka lang bumalik mula sa militar. Tingnan ang kanilang kagarbuhan at asal. Pareho kayong umalis sa militar hindi ba, pero bakit ang laki ng pinagkaiba niyo sa isa’t isa? Sinabi mo na hindi mo gusto ang red tape? Haha, kahit na nagustuhan mo ito, tingin mo mabo-bother mo ang isang tao, lalo ang isang pangkat ng mga kotse?! "

“Huwag ka nang magsalita ng kung anu-ano pa diyan. Sumama ka na at kailangan nating salubungin ang iyong kapatid na babae at bayaw. "

Bumangon si Richard at naglakad papunta sa pintuan. Tumayo din ang iba at sumunod sa kanya. Kung ang mga taong iyon ay maaaring gawing personal na malugod ang pagtanggap sa kanila ni Richard, halata kung gaano sila katayohg sa buhay.

Pagdating ni Richard sa entrance ay tumayo siya ng diretso.

Matapos mabuksan ang pinto ng Bentley, hinawakan ni Jade Hill ang asawa niya, ang braso ni Donald Brick habang palabas na sila ng kotse.

“Lolo, bakit ikaw mismo ang dumating at sinalubong kami? Nakakaflatter naman. "Nagsalita si Donald sa isang mabangis na boses.

"Hoy, ikaw ay isang deputy commander sa war zone. Hindi ba dapat isang ordinaryong tao na tulad ko ang dadating at sasalubong sa iyo?"

"Lolo, wag mong sabihin iyon. Pumasok tayo sa loob nang mabilis dahil baka lamigin ka."

"Halika, pumasok na tayo sa loob."

Pinalibutan ng mga tao si Donald habang masigasig nilang tinanggap siya sa silid.

"Halika, Donald, Jade, halika at umupo ka sa tabi ko."

Masayang inihatid ng matanda sa tabi niya sina Donald at Jade. Nakangiti siya ng buong oras, ganap na naiiba sa pag-uugali niya kay Thomas kanina.

Mayroong sampung upuan sa isang mesa. Hindi nila inaasahan ang pagbisita mula kay Thomas sa simula, kaya't may isang upuan na kulang.

"Hoy, kailangan natin ng isa pang upuan," sabi ni Harvard.

Kaswal na sumulyap sa paligid ni Richard bago niya sinabi ng walang kabuluhan, “Thomas, tumayo ka muna sandali. Kukunin ko ang waitress na magdadala sa iyo ng upuan mamaya. "

Kalmado ang kanyang tono, at hindi man lang niya pinansin si Thomas.

Sa tabi, galit na galit si Emma ngunit sinarado na lang niyang maigi ang kanyang kamay pakamao dahil wala siyang magawa.

Mapait na ngumiti si Thomas bago siya bumangon at tumayo sa tabi ng lamesa.

Masayang nag-usap sina Richard at Donald, at patuloy na tinatanong ni Richard si Donald tungkol sa kanyang kasalukuyang sitwasyon. Gayunpaman, halatang hindi niya ipinapakita kay Thomas ang kahit kaunting pag-aalala.

Ang pagkakaiba ay lubos na halata.

Matapos silang mag-usap sandali, tinuro ni Jade si Thomas at sinabi, "Emma, ​​ito ba ang iyong asawa na sumali sa army, Thomas Mayo?"

"Yeah."

"Oo nga, ito ang unang pagkakataon na nakilala ko siya. Bakit hindi mo siya ipakilala sa amin?”

Tumawa si Harvard at sinabi, “Bakit niya siya ipakikilala? Ang kanyang pamilya ay bumagsak, hindi siya nagtagumpay sa army, at wala siyang trabaho. Bukod dito, umaasa siya sa pamilyang Hill. Bakit niya ipapakilala ang naturang basura? Natatakot akong madumihan niya ang iyong mga mata, Jade. "

"Oh? Masama ba yun?"

Nakaramdam ng tuwa si Jade. Mula pa noong siya ay maliit, wala siyang anumang bagay na mas mahusay kaysa kay Emma.

Ang kanyang mga resulta ay hindi maaaring ihambing sa kay Emma, ​​at ang kanilang mga hitsura, pati na rin ang mga numero, ay ganap ding magkakaiba. Palaging siyang na-outshone ni Emma sa lahat ng aspeto. Ngayon, sa wakas ay nakakita siya ng pagkakataong bitawan ang kanyang mga hinaing.

Hawak niya ang braso ni Donald at sinabi sa isang maaliwalas na paraan, "Mahal, hindi ka rin ba sumali sa militar? Dahil pareho kayong sumali, bakit hindi ninyo siya gawan ng trabaho sa war zone? "

Sumimangot si Donald. "Nagbibiro ka ba? Maaari bang may pumasok sa war zone? Hindi ka kwalipikadong pumasok kung wala ka sa isang tiyak na antas, lalo na pagdating sa aming giyera."

Bumalik si Donald para maliitin si Thomas. "Ano ang ranggo mo sa militar?" tanong niya.

"God of War," walang pakialam na sinabi ni Thomas.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status