Share

Chapter 10.3

IKATLONG TAUHAN

“Yvonne”

MASYADONG madali—masyadong madali ang gawaing iyon para sa kanya. Higit pang kapaki-pakinabang kaysa pagiging buntot ni Lickesia.

Sana noon niya pa nakilala ang ina ng kaibigan.

Hindi niya napigilan ang mapatalon mula sa pagkakaupo sa lababo.

Wari’y may dumaang bagyo sa paligid: ramdam niya ang pagyeyelo ng kanyang mga palad. Ang dating galak na bumabalot sa kanyang sistema ay mistulang natunaw.

Tila’y napalitan iyon ng takot.

Kung kanina ay langitngit lamang at walang katiyakan ang kanyang mga hinuha, iba na ngayon. Hindi na siya maaaring magkamali.

[ hinuha - deductions ]

Nakasisiguro na siyang . . . hindi siya nag-iisa sa lugar na iyon.

Nanatiling nakapako ang kanyang mga paa sa kanyang kinalalagyan: tila’y tinapalan ng pandikit ang mga suwelas ng k

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status