Share

Chapter 11.1

IKATLONG

TAUHAN

Raziel

NANGINGINIG niyang mga daliri ang nararamdaman niya sa gilid ng kanyang bibig.

Dahan-dahang nginangatngat ang dulo ng mga kuko; maliliit na mga parte niyon ang nagsimulang pumondo sa kanyang mga labi bago marahang idinura iyon.

Nang matapos sa kanyang palasingsingan, sinunod niya ang sa kanyang hinliliit.

Nagpatuloy siya sa pagkagat, pinipilit gawing perpekto ang kurba ng kanyang mga kuko.

Kagat.

Ngatngat.

Dura.

Kumusta na kaya ito?

Si Selene . . . kumusta na ito?

Huling beses niya itong nakita ay noong nagkasama sila sa panonood ng mga ilaw sa plasa. Saka niya ito inihatid sa bahay sa tulong ng isang lalaking nagboluntaryo, nang bigla na lamang itong bumagsak sa pu

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status