Share

Chapter 11.2

IKATLONG

TAUHAN

Raziel

HINTO.

Napatigalgal siya.

Tila ba’y ipinulupot ang kanyang dila sa kanyang leeg: hindi siya makapagsalita, hindi makahinga.

Selene?

Kung si Yvonne ang nagsulat niyon, marahil ay ang kaibigan ang tinutukoy nito.

Subalit wala siyang kaide-ideya kung bakit iyon gagawin ng kaibigan kung totoo ngang nagpakamatay ito.

Ano ang kinalaman ni Selene sa nangyari?

Dahan-dahang itinagilid ng kaharap ang sariling ulo bago niya napansin ang pagkintal ng kunot sa noo nito. “Kilala mo ba kung sino ’yong tinutukoy ni Yvonne?”

Muli siyang napatigil.

Kung ang dalaga man ang tinutukoy nito, hindi niya maaaring sabihin ang totoo.

Madadawit ito sa gulo.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status