Share

Chapter 12.1

IKATLONG

TAUHAN

“Selene”

PABAGSAK niyang sinara ang pinto nang makapasok.

Nagmamadali niyang tinungo ang malaking aparador at nagsimulang maghalungkat doon. Ilang damit ang naihagis niya sa lapag bago matagpuan ang kulay puti’t mahabang tela.

Naupo siya sa kama, inilagay sa ibabaw ng kanyang hita ang nanginginig niyang braso.

Ipinulupot niya roon ang tela: ilang beses na inikot-ikot sa malaking hiwa sa palapulsuhan.

Kaagad na nagmarka roon ang malapot na dug na dahilan ng kanyang pagpikit.

Ilang malalim na paghinga ang ginawa niya, pinipilit burahin ang larawang iyon sa kanyang isipan.

Hinga.

Kalma.

Kaya niya . . . kakayanin niyang h’wag pansinin ang pula.

Kulay lamang iyon.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status