Share

Chapter 13.1

IKATLONG

TAUHAN

Raziel

TILAMSIK ng ulan ang tanging mababakas sa paligid.

Kita niya ang pagdausdos ng mga butil niyon sa harapang bahagi ng kanyang motor. Basang-basa iyon: tila’y pinaliguan.

Patuloy na umaakap sa kanyang balat ang malamig na simoy ng hangin. Bawat segundong lumilipas ay ang higit na paglamig ng paligid.

Tinapunan niya ng tingin ang relos na nasa kanyang kaliwang palapulsuhan.

Alas dies ng gabi.

Inilibot niya ang kanyang paningin sa mahamog na kapaligiran.

Ilang oras na siyang sumisilong. Maghahating-gabi na lang, nandoon pa rin siya.

Kung iisipin, maaari naman siyang magpakabasa na lamang para lang makauwi. Subalit hindi niya maaaring itaya ang kanyang kaligtasan sa basang kalsada ng siyudad.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status