Share

Chapter 15.2

IKATLONG TAUHAN

“Dra. Suarez”

NOONG tiyak na saglit na iyon, mistulang nakikipagkarerahan ang lakas at bilis ng pagtibok ng kanyang puso sa pagbaha ng mga isipin sa kanyang ulo.

Napabitiw siya mula sa pagkakahawak doon nang maramdamang unti-unti nang nagsisimulang mangatal ang kanyang mga daliri.

Agaran niyang ibinalik ang kumpol ng susi sa bag na nakakabit sa kanyang balikat.

Hindi na maaaring nagkataon lamang ang lahat ng iyon.

Ang bukas na kandado sa harapan.

Bukas na ilaw sa loob ng kanyang mismong opisina.

Maging hanggang sa mga gasgas na kanyang natagpuan sa hawakan.

Hindi na—hindi na maaaring nagkataon lamang ang mga iyon.

Hindi maaari. Marami siyang mahahalagang mga dokumento.

Ano . . .

Ano ba’ng nangyayari?

Bagsak.

Kanyang dinako ang parihabang bintana sa kanan. Lilinga-linga; pilit na hinahagilap ang lugar ng pinanggalingan ng kanyang narinig.

Nanlalaking mga mata.

Malakas na tibok ng puso.

Hindi pa man niya tuluyang naiproseso sa kanyang utak ang lahat, nagkukumahog na siya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status