Share

Desiring David
Desiring David
Author: MagicSarap

~ I

          ISA LAMANG hamak na empleyado sa kumpanya ng kaniyang ina si Aslan Jade Lopez na hindi niya ninanais na manahin dahil bukod sa hindi siya rito interisado, alam niyang pipilitin siya ng ina kaya wala din naman siyang ibang choice kundi tanggapin nalang ito. Since makapag tapos ng kolehiyo, mas pinili nitong bumukod sa ina at kakambal at tumira sa sarili nitong condo na simula highschool ay pinag iipunan niya dahil sa sobra sobrang allowance na ibinibigay sakanila ng kanilang ina.

          He wanted to be independent and walk in his own path. Aslan actually wanted to persue medical, but unfortunately, her twin sister-- Anastasia Jewel already took the course and didn’t have any other option that is why he took business instead, far from his passion which is to hold a scalpel and stethoscope.

          Sa isip niya, mas okay na ang kambal niya ang mag tuloy sa kaniyang pangarap. Dahil sa pananaw ng binata, atleast masaya ito sa tinatahak na landas. At the same time, hindi mamamatay ang pinangarap niyang kurso sa linya ng kanilang pamilya.

          Ala-sais y media ng umaga ng mag alarm ang kaniyang alarm clock kaya’t bumangon ito at dumiretso sa bathroom para mag handa sa kaniyang pag pasok sa opisina. Pag tapos nito maligo at mag bihis ng damit pang opisina, inabala naman nito ang sarili sa pag gawa ng umagahan. Fried rice, isang tasa ng kape, bacon at hotdog. Kumakain na ito ng tumunog ang cellphone,

“Good morning, big brat!” ani ng nasa kabilang linya kaya napalayo agad ang binata ng cellphone sa kaniyang tenga.

“Maingay na boses mo agad ang bungad ng umaga ko.” Patuloy nito sa pagkain niya. “So, good morning, Juju.” Humagikgik naman ang kausap nito.

          Ganito palagi ang routine nilang dalawa ng kambal since bumukod si Aslan sakanila. This was the longest time that they had to be away from each other ever since they have been born. Hindi sanay si Ana na malayo sa kambal, pero dahil nag desisyon itong bumukod, alam niyang hindi niya na mapipigilan ang kambal. Buti na lamang at hindi naiirita si Aslan sa 'kin sa tuwing tumatawag ako, good thing that it has been normal for us-- ang nasa isip ng dalaga.

“Papasok kana ba?” tanong ni Anastasia sa kabilang linya.

“Nag be-breakfast pa ako pero patapos na din,” sagot nito habang inuubos ang pagkain sa kaniyang plato. “Bakit? Nakaalis na ba si Mama?”

“Hindi pa naman. Alam mo naman ‘yon, aabutin ng ilang oras bago makapili ng outfit for the day niya.” sabay tawa nito. Napangiti nalang din si Aslan sa sinabi ng kambal dahil totoo nga naman.

“Ikaw kumain kana ba?”

Naramdaman niyang gumalaw ang kambal sa kabilang linya, mistulang lumipat ng higa. “Oo, nag drive thru ako,” humikab ito.

“I had 3 surgery yesterday, ‘yong huli, inabot ako ng halos 7 hours.” Ramdam ang pagod sa boses nito habang kausap si Aslan. Natapos naman itong kumain kaya nag punta ito sa lababo para hugasan ang pinagkainan. “Well, atleast successful..Masarap kaya sa pakiramdam ibalita sa mga kamag anak ng pasyente ko na nag-aantay sa labas ng O.R. na successful ang operasyon ng kapamilya nila.” may himig ng tuwa ang boses ni Anastasia.

“Yeah. Good job to you, little brat.” Inipit ni Aslan ang cellphone sa pagalitan ng kaniyang baba at balikat. “Kuya’s so proud of you.”

Tumahimik ang kabilang linya. Sa puntong ‘yon, alam na ni Aslan na nakatulog na ang kambal. Napangiti nalang siya at bumulong, “Sleep and rest well now, Juju. I gotta go. I love you.” Aslan made a kissing sound then hang up.

          Nang matapos ang hugasan, inayos ulit nito ang kwelyo at neck tie at saka kinuha ang bag at nag handa na para pumasok sa opisina. Sigurado siyang nakatambak na naman ang trabaho na dapat ay sa ina. Iniisip niya pa lang ang ga-bundok na papel sa kaniyang lamesa ay napapabuntong hininga na lang siya.

          Hawak-hawak ang susi ng kotse, nasa loob na siya ng elevator nang may nakita siyang humahangos na sumesenyas sa kaniya na gagamit din ng elevator. Confused, mas pinili na lamang ni Aslan na ‘wag pansinin ang lalaking humahangos. Pasarado na ang pintuan ng elavator nang maswerteng nakahabol ang lalaki.

          Hinihingal ito sa tabi ni Aslan. Hindi niya naman inalintana ang ingay ng paghingal ng lalaki, pero napansin niya ang suot nito. Tipikal na damit para matawag na myembro ng isang ‘mafia’. Black suit, pants, and shoes. Maputi, matangkad, probably like 6 footer kumpara sa 5’9 niyang height, has a broad shoulders na sa paningin niya ay mas malaki pa kesa sakaniyang balikat, magulo ang nag aagaw na kulay abo at brown na buhok na parang kagigising lang, a perfect jawline, manipis at mapulang mga labi, and his chinky amber eyes. A fancy gold necklace and Michael Kors Bradshaw--- not bad for a mafia member.

          Tahimik silang nag aantay habang bumababa ang elevator na sinasakyan. Sumandal si Aslan sa hamba nito at tumingin sa orasan. Nang marinig ang tunog ng elevator hudyat na nasa groundfloor na sila, nagsalita bigla ang lalaki.

“You actually had a beautiful pair of eyes,” Dire-diretso itong lumabas sa elavator, “Given the fact that you’re a guy.” saka ito sumulyap ulit sa kaniya at umalis.

          Aslan didn’t know what to react. As a guy, he must felt disgusted and embarrassed knowing that a GUY praise his eyes but rather he felt chills run down to his spine. Natulala lamang ang binata at paulit-ulit na nag re-rewind sa utak ang sinabi ng nakasabay nito sa elevator.

          He annoyingly scratch his head and sigh. Lumakad na ito palabas ng building at dumiretso sa parking lot. Dahil medyo maaga pa naman, nakahinga siya ng maluwag ng makarating sa A&J Beverage--- ang pangalan ng kumpanya ng ina.

          Sinalubong naman siya ng mga ngiti at pag bati ng ‘good morning’ ng mga empleyado. Ni hindi pa nga nakakapasok sa pintuan ng sariling opisina, nasa tabi niya na agad ang sekretarya na nakangiti ng pilit at may hawak na ga-bundok na papel.

“Good morning, Sir Aslan!” his secretary, Rosee. Inangat nito ang mga papel na hawak, “Good morning, papers!”

          Aslan made a face then offer his help. Ngumiti naman ang sekretarya at inabot sakanya ang mga papel. Sa limang taon ng pagiging sekretarya niya, alam niya na ang ugali ng boss. Once he offer his help, you need to accept it. No matter what. Bumuntong hiniga si Aslan pag lapag ng mga papel sa desk niya, sa tabi ng isa pang ga-bundok na trabaho.

“Iniwan ko ‘to kahapon ng walang laman, ngayon ito na naman.” Pabagsak itong umupo sa swivel chair. “How could my mother gave me this mountain of works,”

Tumawa naman si Rosee. Nilapag nito ang bag sa sariling desk sa tabi ng pintuan ng office ng boss. “I believe, you will be the next CEO of A&J Beverage, Sir.”

Nag paikot ikot ang binata sa swivel chair at marahas na bumuntong hininga ulit. He clasps his hands onto the table, “Alam mo naman na hindi mangyayari ‘yon, Rosee,”

His secretary laugh once again and walked towards him. Suot na nito ang glasses at tumayo ng tuwid sa harap ng boss. “Sino naman, kung hindi ikaw?”

“Who knows,” sagot ng binata. “Go, have a breakfast first, Rosee. Early bird is good, but to eat nothing every morning, ayoko ng umaabsent dahil sa nag kasakit.”

          Tumango ito at nagpaalam na. Ganito palagi ang scenario nilang mag boss. Kailangan kumain muna ang sekretarya, habang ang boss ay mag sisimula ng mag trabaho. Umunat muna si Aslan bago mag simula, kinuha nito ang ballpen at unang papel na dapat niyang reviewhin at aprubahan.

          Lumipas ang oras, hindi na namalayan ng binata ang pagpasok ulit ni Rosee sa opisina. Hawak nito ang iilan sa dagdag na papel para sa kaniyang trabaho.

“Lunch na sir,” ani ni Rosee sabay pinatong ang hawak na mga papel sa halos kalahati na nitong trabaho. “Pipirmahan niyo nalang po ‘yan sir,”

          Tumigil sa pagbabasa si Aslan at binaba ang reading glasses. Hinilot nito ang sintido at sumandal sa swivel chair saka halumbaba.

“Dalhan ko nalang po ba kayo ng lunch?”

“Can you do that?” Hinilot ng binata ang sintido. Tumango si Rosee.

“5 minutes sir.”

          Bumuntong hininga ang binata, tumayo at lumabas ng opisina para magpunta sa ina. Ang office of CEO. Kumatok muna siya bago pumasok, nang makapasok nadatnan nito ang inang may hawak na baso na may laman na wine. Nakapatong dito ang hindi sakaniya pamilyar na bote ng wine. Probably a testing product. Sa isip ng binata.

“Ma’am,” bungad nito sa ina. Sumandal ito sa hamba ng pintuan at nag cross arm.

“Jade! My lovely boy!” bati sakaniya ng ina. “Halika, tikman mo ‘tong bagong product na ilalabas natin!” tumayo ito at kumuha ng isa pang wine glass. Nag salin ito ng alak at inoffer kay Aslan.

Lumapit ito sa ina at kinuha ang wine glass saka tinungga. Pagkatapos, pinunasan nito ang bibig at kinuha ang hawak na alak at wine glass ng ina.

“Lunch time, Ma. Balak mo nanaman sigurong ubusin ‘to,” at saka nilapag ng binata ang hawak, malayo sa ina. Ngumiti naman ito at tinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko sabay umiling. Nag kibit balikat nalang si Aslan tsaka lumapit sa ina. “I bet, kakarating mo lang tapos ‘yong wine agad ang inuna mong tikman kesa kumain,”

Yumakap sakanya ang ina. “Stop nagging your mom, sweet.” Kumalas ito sa yakap at tinuro ang wine. “And that thing over there, ‘yan ang mga produkto natin na pinag hirapan kong ipundar. Na mamanahin mo naman.”

“Ma. Lunch time. Babalik na ako sa opisina, sa ’kin nakatambak lahat ng trabaho ng CEO.” Humalik ito sa pisngi ng ina at lumakad na palabas. Tumawa naman ang ina. “Like I would agree to inherit your business,” He murmured to himself.

“Love you, Jade!” Narinig niyang sigaw ng ina.

“Yeah, yeah. I love you.”

          Nasa bulsa ng pants ang kaliwang kamay, umupo siya sa desk na may pananghalian na niya. Wala sa opisina ang sekretarya, siguro inaasikaso ang iba pa niyang pipirmahan. Nagsimula na siyang kumain ng mabilis para matapos na niya agad ang trabaho. Nang matapos, sinuot niya ulit ang glasses at nagpatuloy sa ginagawa.

           Alas singko na ng hapon ng matapos si Aslan para mag review at pirmahan ang isa sa dalawang ga-bundok na trabaho. Ang isa pa naman ay pinatabi muna niya kay Rosee kanina at mas piniling ituloy kinabukasan. Umunat ito at nagpunta sa sariling bathroom ng kwarto sa loob ng kanyang opisina. Inayos niya ang buhok, hindi na siya nag abalang tanggalin ang reading glasses.

          Nang makalabas, kinuha nito ang susi ng kotse at nilock ang opisina. Naabutan naman nito si Rosee sa labas na may hawak na kape. Tinanggal niya sa ang suot na suit at sinampay ito sa braso.

“Hindi na kita inabala kaninang meryenda, kasi alam ko po na hindi na kayo mag papaistorbo,” ani ni Rosee pag abot nito ng kape sa boss. Tinggap naman ito ni Aslan.

Habang nag lalakad, may naalala ang binata. “Rosee?” tawag nito sa sekretarya. Nakasakay na sila ng elevator pababa.

“Yes, Sir?” sagot sakaniya ni Rosee ng nakangiti.

“What if some random guy in elavator, like this,” At mwinestra ang kamay sakanilang dalawa. “Notice your eyes and praise it?”

Nagulat si Rosee sa sinabi ng boss. Tumingin ito sa mga mata niya at ngumiti. “Random guy?” Tumango si Aslan at sumimsim sa kapeng inalok sa kaniya ng sekretarya.

“Well, how did this guy notice your eyes?” Tanong ni Rosee. “I mean, it depends on how he praise you,”

“He said that I had a beautiful pair of eyes,” Kibit balikat nitong sagot.

Natawa naman ang sekretarya. “And indeed you had a beautiful eyes, Sir.” at saka tumunog ang elavator at naunang nag lakad palabas si Rosee. “Ingat, Sir!” Kumaway ito at pumara ng jeep pauwi. Naglakad na din ang binata papuntang parking lot.

Bago makapasok sa kotse, tumingala ito sa papalubog na araw. He tilted his head and scratch it. “Hindi pa nga tapos ang tanong ko,” Hawak nito ang kape na bigay ng sekretarya at sumimsim hanggang sa maubos.

“Isn’t it weird, Rosee?” Tanong nito sa hangin. “He did say that my eyes were beautiful,” Tuloy niya pa na animo’y may kausap,

“Isn’t it weird that I felt chills run down through my spine?” Aslan unconsciously caress his heterochromia eyes that both he and his twin sister, Anastasia Jewel had.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status