Share

~ II

           RIGHT AFTER getting home, a big, warm, and obedient boy excitedly welcome him. He jumped into Aslan, making them both fall and licked his face. Tumawa naman ang binata at hinalikan ito sa ulo. Nag laan siya ng halos 15 minutes para makipag laro at i-belly rub si Midnight--- ang nearly 7 years old niyang Great Dane.

“Now, now, who’s the good boy?” Tumahol si Midnight bilang sagot at dinambahan ulit ang binata. Wala si Midnight kaning umaga bago siya pumasok dahil iniwan niya ito sa may ari ng condo building. Good thing about this owner is that, mahilig ito sa mga hayop kaya all kinds of animals ay puwede sa loob except sa mga deadly and dangerous.

          He stood up, leaving Midnight alone in living room after giving him his favourite toy. Dumiretso siya agad sa bathroom at naligo. After bathing, naglakad ito papuntang kusina habang nag pupunas ng buhok para mag luto ng hapunan niya at ni Midnight, nang biglang tumunog ang cellphone nitong iniwan niya sa island counter.

“Are you really calling me in the middle of your working hours?” bungad niya ng makita kung sino ang tumatawag. Inipit niya ang cellphone, at nag patuloy sa pag hihiwa ng gulay na ihahalo niya sa pagkain ni Midnight.

“Katatapos lang ng surgery ko,” Ana sigh, “Anyway, punta ako diyan. Day off ko bukas,”

“Why? I have work tomorrow, doc.”

“Parang hindi ka anak ng CEO ah!” she hissed. “Nag paalam na ako kay Mama! You know what she said?” Nanunukso ang tono ng boses ni Anastasia ng sabihin iyon sa kambal.

“Oh, my sweet angels! They’re having fun without Mama!” they said in sync while mimicking their mother’s voice. Parehas naman silang natawa.

“Be there in an hour. See you, big brat.” at binagsakan na siya ng kambal ng telepono.

          Umiiling niyang sinama ang kalahati ng gulay na hinihiwa niya kanina sa paglalaga ng pinag halong karne ng baka at baboy na pagkain ni Midnight. Dahil malaking aso ang alaga, halos tatlong kilo ang dapat na pagkain nito sa araw-araw. Ang kalahati naman ay lulutuin niya para sa hapunan nilang dalawa ng kambal. Gagawa siya ng paborito nitong ulam mula pag kabata, chop seuy.

           Buti na lamang, kahit papano bago siya bumukod sa ina at kambal natuto na siyang mag luto ng sari-saring pagkain na tinuro sa kaniya ng kasambahay nila sa bahay no’ng doon pa siya nakatira. Pagkatapos mag luto, nag lagay na siya ng plato at utensils sa lamesa. Pinauna na din niyang kumain si Midnight.

           Pumunta siya sa isa sa dalawang spare room na nilaan niya para sa ina at kambal. Inayos nito ang higaan, naglabas na din siya ng tuwalya at robe na alam niyang unang gagamitin ni Ana pag dating. Good thing, may mga damit siya ng ina at kambal na binili niya para kapag may-- katulad na lamang ngayon na si Ana ay nakaisip ng biglaang sleep over ay may extra siyang gagamitin nito.

“Home at last!” He heard foot steps and thudding sounds. Nandiyan na ang kambal.

“What do you mean?” Lumabas na siya at nag punta sa kusina habang nag pupunas ng pawis. Lumapit siya rito at pinitik ang noo pag katapos ay humalik.

“I missed you too, Kuya Jade!” she, then hug her twin brother while giggling. “Maliligo na muna ako, I had a tiring shift today.” Tumango naman si Aslan bilang sagot habang hinahain ang pagkain na niluto kanina.

          Ilang minuto siyang nag antay sa kambal habang nilalaro si Midnight. Nakuha niya ang alaga bilang regalo galing sa isa sa mga matalik niyang kaibigan noong ika-23 nilang birthday ng kambal na si Anastasia. Naghaharutan sila ng alaga ng lumabas si Ana para makisali sakanila.

“Middy!” Ana called Midnight, agad namang kumawag ang buntot nito at tumayo saka siya naman ang dinambahan. “Hindi ka sa’kin sumalubong kanina! Aunt Juju will get her revenge!” Tinapon nito kay Aslan ang tuwalya na nasa ulo at nakipag harutan sa aso.

Tumatawang tumayo si Aslan at dumiretso sa hapagkainan at nag salin ng tubig sa kanilang baso. “Stop playing with Midnight, lalamig ang pagkain.” Tinawag na niya ang kambal at niyayang kumain.

          Bago tumayo, hinimas pa ni Ana ang tiyan ni Midnight at hinayaan na itong mag laro mag isa. Sumisipol siyang umupo sa tapat ng kambal at inabot ang tuwalya na tinapon niya sa mukha ni Aslan kanina. Sinalinan na nito ang plato ng kanin, pati na din ang sa kambal.

“Labas tayo bukas.” she said before taking a mouthful of their dinner.

“Can’t. I have tons of work tomorrow,” sagot ng binata. “Alam mo naman si Mama, lahat na yata ng trabaho niya na sa akin na, e.” sabay subo ng malaki sa kanilang hapunan.

           Wala pa ngang ilang oras ng makauwi si Aslan sa condo, iniisip na niya agad ang isa pang ga-bundok na trabahong iniwan sa opisina. Ni hindi pa nga siya nakakatulog o wala pang kinabukasan, naiisip pa lang ang naiwan na trabaho ay na iis-stress na siya agad.

“Ayos lang ‘yan, big brat. Ikaw naman mag mamana ng kumpanya, e.” Tumigil si Aslan sa pagkain at tumingin sa kambal. “What’s with the look? Remember, you have no choice but to accept your inheritance.”

           Tanging kalansing ng kanilang kutsara at tinidor ang umalingawngaw sa condo. Naaninag na lang ni Ana si Midnight na papasok ng kusina papunta sa amo nitong palaging bad mood pag napag uusapan ang mamanahin niyang kumpanya.

“Ayaw mo nun, nag pa-practice kana para maging future CEO,” Nakanguso nitong sinabi sa binata. “Bakit ba kasi ayaw mo manahin ‘yong kumpanya ni Mama?” dugtong pa nito. Hindi sumagot ang binata kaya nag salita ulit siya.

“Alam mo namang main company ‘yon ni Mama, lumalawak din kaya ang business niya, ‘no? At hindi sa lahat ng pagkakataon, siya palagi ang mag ha-handle non,” sabay ubos sa natitira nitong pagkain. “Iyon ang unang kumpanyang pinag hirapan niyang ipundar,”

“Hindi naman sa ayaw, para kasing ang trabaho niya na lang ngayon ay taga tikim ng mga bagong produkto na ilalabas sa merkado, e.” he said in annoyance.

           Nang makalapit si Midnight sa amo, umupo ito at tinitigan si Aslan na nakabunsangot ang mukha. The obedient boy offer his paw to his hooman, and since he’s big, parang nakaupo na lang din ito sa upuan katapat ng dinning table. Aslan’s mood lift gently as he hold the paw of his big guy and pet him.

           Nakatingin lang sakanila si Ana ng nakangiti. Inabot nito ang cellphone na nakalapag sa island counter at kinuhaan sila ng litrato. Ipo-post ko ‘to mamaya sa i*******m, ang cute talaga nilang mag amo.

           Tumagal pa ito ng ilang minuto, at nang mag sawa si Midnight sa pag mumukha ng amo, lumabas na ito ng kusina. Nagpapahiwatig na tapusin na ang hapunan nilang dalawa. Nakangiti si Aslan ng ipag patuloy ang hapunan, habang si Anastasia naman ay nakatitig lang sa kambal na nakangiti.

“Ako ang maghuhugas,” Ana stood up and took his twin brother’s plate and put it in the sink. Nagsimula na itong mag hugas.

Nakasandal naman si Aslan sa gilid ng lababo habang umiinom ng tubig. Tinanong nito ang kambal, “Saan tayo pupunta bukas kung hindi ako papasok?”

“Nag-pareserve na ako ng ticket sa amusement park ni Tito Shin,” sagot nito sa kambal ng hindi tumitingin. Nakafocus ito sa hinuhugasan na plato. “I wo-walk ko bukas ng umaga si Middy since mag jo-jogging ako isasama ko na siya,”

“Alam kong pag wala kang pasok o nakaleave ka sa trabaho, sinusulit mo ang tulog mo kaya don’t worry,” Ana said, still focusing on washing the dishes. “Hindi kita gigisingin.”

Tumawa si Aslan at ginulo ang buhok ng kambal. Nag lakad ito papuntang living room, alam niya kasing mag aaya ng movie marathon ang kambal. “Hurry up, but careful with the sink. Baka may mabasag.” Nanunukso ang tono nitong pag kasabi kay Ana.

            Lumaki kasi ang kambal nitong si Anastasia na spoiled. No’ng college at ngayong doktor na ang kambal ay nag-aadjust pa din ito sa adulting phase na tinatahak sa punto ng buhay niya ngayon. At dahil 3 minutes and 12 seconds ang tanda niya kay Ana, ginagabayan niya ito sa adjustment na ginagawa ng kambal sa buhay since siya ang kabaliktaran ng kambal na simula pagkabata ay curious at open sa lahat ng bagay, ultimo ang maging independent at tumayo sa sariling paa.

            Busy ang binata habang nag bo-browse ng movie na alam niyang magugustuhang panoorin ng kambal, hindi niya namalayan na umupo na ito sa tabi niya na may dala-dalang isang gallon ng ice cream, dalawang kutsara, at ang lagayan niya ng treats ni Midnight. “Finally done!”

            Nang makapili, sinimulan na nila itong panoorin. Habang sumusubo ng ice cream ay sinusubuan din naman ni Ana ng treats si Midnight na nakahiga sa lap niya. Patawa-tawa silang nanonood habang kumakain ng ice cream ng may maalala si Aslan.

“Little brat,” he softly called his twin sister for attention, “Wala na bang nawiwirduhan sa’yong mga tao sa tuwing makikita nila ‘yong mata mo?” tanong nito sa dalaga habang tutok pa din sa pinapanood.

Binigyan muna nito si Midnight ng treats bago sumagot. “Sa tingin ko, wala naman na,” kumuha ito ng malaking scoop ng ice cream tsaka sinubo. Kumunot ang noo nito ng maramdaman ang pangingilo ng ngipin dahil sa lamig. “That was very cold! Brain freeze!” then she squeeze her hands.

“Anyway, madami na ang mga taong nakikipag interact at nakikipag salamuha sa’kin at pakiramdam ko naman, normal ang pakikitungo nila sa ‘kin.”

Sumulyap ito kay Aslan habang hinihimas ang tiyan ni Midnight. “Bakit mo natanong? May nawiwirduhan pa ba sa mata mo?”

Mabilis na umiling ang binata at ginaya si Ana na kumuha din ng malaking scoop ng ice cream. “Masama na bang mag tanong?”

            Nakanguso si Ana na nakatingin sa kanya ng matagal, nag kibit balikat siya pagkatapos ay sumenyas na manood ulit. Nang matapos ang movie na pinapanood nila, pumunta sa kusina ang binata para hugasan ang kutsarang ginamit at ang gallon ng ice cream bago itapon sa trash bin. Tinabi na din niya ang lagayan ng treats ni Midnight.

“So, bakit mo nga tinanong ‘yong about sa mata natin?” nakasandal sa island counter si Ana habang umiinom ng tubig. “It’s very unusual for you to ask, so something must’ve happen.”

Nag kibit balikat ulit ang binata pag tapos ay winisikan ng tubig ang kambal bago uminom ng tubig. “We just had a pair of beautiful eyes,”

Nag lakad ito papuntang kwarto at tinawag si Midnight para matulog. Mabilis namang bumangon ang aso at pumasok sa kwarto ni Aslan. Bago isara ang pinto,

“I believe in beauty of our eyes supremacy,” walang emosyon nitong pag kasabi. “Don’t forget to switch off the lights.”

Nakangiting tumango si Ana at nag isip na talagang may nangyari sa kambal nito para sabihin ‘yon. “Goodnight, Jade!” she said as she make a kissing sound.

Something is definitely off with him, I'm sure of it. Ang nasa isip ng kambal pag tapos hugasan ang baso nitong pinag inuman ng tubig at dumiretso na sa kwarto.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status