Share

~ III

          NAGISING SIYA dahil sa sinag ng araw na tumapat sa kaniyang mukha. Dahil nga pala hindi makatulog si Aslan kagabi ay binuksan niya ang kurtina ng bintana at nakalimutan na itong isara, marahil ay nakatulugan niya na lang ito. Pinakiramdaman niya ang paligid, nang walang marinig na ingay ng kambal o ng alaga, humihikab itong bumangon at nag suot ng shirt. Dumiretso ito sa banyo at nag toothbrush. Tinignan niya ang oras sa kaniyang cellphone at ng makitang alas ocho pa lang ng umaga ay lumabas na siya para mag luto ng umagahan nila ng kambal at Midnight. Tumawag siya kagabi sa ina na hindi siya papasok ngayon dahil day off ng kambal at nag-aya itong lumabas, pumayag naman ito ngunit labas naman sa ilong ang pagpayag at tila nagtatampo pa.

          While he's busy brewing two cups of coffee, bumukas ang pintuan ng condo at pumasok si Ana ng nakangiti habang si Midnight ay hinihingal. Nang bitawan ng kambal ang leash ni Midnight, dumiretso agad ito sa kaniya at dumamba. Tumatawa ang binata ng binigyan ito ng halik sa ulo.

“Good morning, big brat!” Bati sakaniya ni Ana habang nag pupunas ng pawis. “Aga natin today, ah..” tuloy pa niya bago umupo sa hapag kainan.

          Nag kibit balikat lang si Aslan at hinandaan si Midnight ng dog food na may halong iilan na prutas para sa umagahan nito dahil alam niyang gutom na ang alaga. The big guy was obediently waiting for his breakfast, ng ilapag ng amo nito ang kainan niya ay hinantay niya munang makaupo si Aslan sa dinning table bago kumain.

“What a good boy, Middy.” Nakangiting sabi ni Ana habang sumisimpleng kumuha ng bacon sa niluto ng kambal. Nilapag naman ni Aslan ang tasa ng kape nilang dalawa bago pitikin ang kamay ng kambal. “Ouch!” sabay himas nito sa kamay habang nakanguso.

“Good morning din, Juju.”

          Anastasia rolled her eyes and filled her plate with fried rice, pati na din ang sa kambal ay nilagyan niya na din. Sumimsim naman muna si Aslan sa kape niya bago sumubo sa pagkain. Tahimik silang kumakain habang tumutugtog sa living room ang ginamit ni Ana na cellphone kanina habang nag jojogging na kino-nect niya sa speaker. Naunang natapos si Midnight kumain kaya dumiretso ito sa living room para mag pahinga at matulog.

          The background music was gentle enough to make Midnight fall asleep easily while Anastasia, that was now done eating her breakfast hum while her eyes is close. Habang si Aslan ay patuloy pa din tinatapos ang umagahan habang ine-enjoy ang kapeng tinimpla. The mood suddenly changed when Ana's phone rang. Tumayo ito para tanggalin sa connect sa speaker ang cellphone nito at sinagot ang tawag.

“Good morning, Ma!” she smiled. “How was your sleep?” Napatingin naman ang binata sakaniya na ngayon ay ubos na ang kape at tapos na din mag umagahan. Dinala nito ang mga pinag kainan nila ng kambal sa sink para hugasan habang si Ana ay sumisim-sim pa din sa kape niya.

“Great! Katatapos lang namin mag breakfast ni Jade, kakauwi ko lang din nag jog kasi ako.” tuloy pa nito. “Yeah. Kasama ko si Middy, tulog mantika naman si Jade, e. Laman nga ng gym tuwing weekends, tamad naman mag jogging.”

          Ramdam niya ang titig sakaniya ng kambal. When he was about to done washing the dishes, inabot naman ni Ana ang tasa nito ng kape para hugasan. Winisikan ng binata sa mukha ng tubig si Ana, nagulat ito sa ginawa ng kambal kaya nilakihan niya ito ng mata at sumenyas na ‘wag makulit.

“Yeah. We have plans Ma,” Kinamot nito ang kilay at tinuloy ang sasabihin. “What? No, Ma.  Date namin ‘to ni Jade, kung gusto mo sasabihin ko sakaniya na lumabas din kayong dalawa,” Dali-daling lumingon si Aslan sa kambal at mabilis na umiling. Ni-loud speaker nito ang cellphone,

“Sweet, kailan mo ulit ilalabas si Mama? College kapa yata nong huling kumain tayo sa labas, e.” he heard his mother on the phone, may himig ng pag tatampo ang boses nito. “Dinner tayong tatlo mamaya..”

“Ma, Jewel already told you that we have plans for the day, ‘diba? Besides, madami pa akong trabaho na naiwan sa opisina,” he emphasize the word ‘trabaho’. “Mag se-set nalang ako ng dinner date nating tatlo kapag may free time na ako at si Doc Jewel, okay? Love you. Mag aasikaso pa si Jewel,”

“Love you, my sweet angels! Enjoy.” may himig pa din ang tampo ng ina, binaba na nito ang cellphone.

     Natapos na maghugas si Aslan kaya parehas sila ng kambal na nag-surf muna sa kanilang social medias sa living room to kill some time dahil medyo maaga pa naman. Lumipas ang almost 2 hours, tumayo na si Ana para mag-asikaso, habang si Aslan tinawag si Midnight at kinuha ang leash para sana iwanan ulit ito sa may ari ng condo building. Pagbalik niya sa sariling unit galing sa unit ng may-ari, naririnig niya na ang blower ng kambal. Pumasok na siya sa sariling kwarto at naligo.

     After a minute or two, he wore a black roll neck jumper, pair with maroon trench coat. As for the pants, he wore a cropped trousers and black leather shoes. Pinarisan niya din ang suot ng 24k gold necklace at Rolex 1990's pre-owned Day-Date 36mm. Suot na din niya ang salamin dahil hindi siya komportable na malabo ang mata. Then he sprayed himself a Mr. Burberry Eau de Parfum pagkatapos ay lumabas ng kwarto.

Naabutan niya ang kambal na nag aayos ng hikaw. “Looking good today, huh.” Nang mapansin siya ni Ana ay ngumiti ito.

“Hey, handsome.”

         Ang kambal niya ay nakasuot ng pantaas na black slim-fit vintage shirt na inipit nito sa ilalim ng hapit niyang mini skirt sa bewang, revealing her right leg full of tattoos na pinarisan niya ng black boots at gucci sling bag na binagayan naman ng kaniyang hoop earrings. Suot din nito ang niregalo sakanya ng kambal na 18k gold necklace and bracelet.

“Why did you wear contacts?” Nagtatakang tanong ni Aslan sa kambal ng mapansin ang parehas na kulay ng mata. Nagkibit balikat si Anastasia at sumagot.

“I just feel like it,” sagot nito. “Besides, my heterochromia eyes doesn’t fit my outfit, you know.”

Umiling nalang si Aslan at ngumiti. “Tara?” he offer his hands to Anastasia.

“A minute,” Kumuha ito ng scrunchie at tinali ang buhok ng messy bun tsaka inabot ang braso ng binata. “Tara.”

          Lumabas sila ng condo unit at dumiretso ng elavator. Ilang minuto silang nag antay para bumukas ito ng maramdaman ni Anastasia na may tao pala sa likod nila kaya umusog ito sa gilid.

“Thank you.” the guy said while his hands are inside of his pocket. Tumango si Anastasia at kinawit ulit ang kamay sa braso ni Aslan habang ang binata naman ay busy sa hawak nitong cellphone.

Bumakas ang elavator at hinila ni Anastasia ang kambal na busy pa din sa kaniyang cellphone. Pumasok na din ang lalaki kanina, “Ni hindi pa nga tayo nakakalabas ng building, trabaho nanaman ‘yang ginagawa mo.” she, then cross her arms and rolled her eyes.

“Si Rosee, nag-send ng documents na to be printed. Kailangan daw ng pirma ko,” sagot ng binata na hindi pa din tumintingin sa kambal. “Nag sabi naman ako sakanya kagabi na hindi ako tatanggap ng trabaho kapag di ako papasok.” still focusing on his phone, Anastasia rolled her eyes again then snatched his phone and put it inside of her sling bag.

“For now, your attention is all mine. Okay?” Ngumiti ito ng matamis. Nakabusangot ang mukha ni Aslan na sumandal sa hamba ng elavator at bumuntong hininga.

“Defeated.” bulong nito. Enough para siya lamang ang makarinig ng mapansin niya ang pamilyar na lalaki na kasama nila sa elevator.

          Tumingin ito sakanya habang ang dalawang kamay ay nasa loob ng bulsa. Tumunog ang elavator na sinasakyan nila at bumukas. Naunang naglakad ang lalaki palabas ng elavator pero bago ito diretsong makalabas sa mismong building, naglabas ito ng sigarilyo at inipit sa labi. Sumulyap ito sa kanila ng kambal na kakalagpas lang sakaniya at saktong narinig niya ang mga sinabi nito.

“Seriously, that pair of eyes are fucking beautiful.”

          Huminto siya sa paglalakad at naramdaman ang pamilyar na lamig na bumalot sa kanyang katawan. Nag tataka namang tinignan siya ng kambal at nag tanong.

“What’s wrong? Halika, past 12pm na. Mali-late tayo sa amusement park.” Anastasia snap her fingers. “Mag lu-lunch pa tayo. Earth to Jade!”

          Aslan, once again, scratched his head out of annoyance and smile to his twin sister. Umiling siya at niyaya na ito sa kaniyang sasakyan.

“Wala. Tara na nga.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status