Share

Pahina 5

It's been a week since nag simula ang klase.

Masaya kasi madali akong naka catch up sa mga lessons pero nakakabwesit kasi mas nadagdagan ang responsibilidad ko bilang class President.

"Eh ano ba kasi dapat idikit dito?" Tanong sa akin ng nakakairitang si Demus.

"Kanina ko pa tinuturo sayo yan. Tanginang buhay 'to." Pagmamaktol ko habang kinukuha ang mga papel nakakagunting ko lang kasama ng glue na nasa kamay niya.

"Epe-present na 'to bukas Demus, Pwede ba." Iritado ko pa ding saad.

Ganito nalang lagi araw-araw.

Naging ka group mates ko siy sa Statistics at maglalast iyon hanggang katapusan ng klase at halos everyday binibigyan kami ng task at ngayon ay gunagawa kami ng visual aid.

Kung sana Kasi napunta sa'kin si Aki eh. Nandoon Kasi siya sa kabilang grupo na enjoy na enjoy niya naman kasi madami daw 'pogi', kinginang Yan.

"Sorry." Tugon ni Demus at bigla ng natahimik.

Ganito lang lagi. Madalas pa din kaming magtalo dahil grabe siya kung mang-asar at tatawanan lang ako sa dulo pero pag dating sa tasks sa School sobrang pabaya niya, bwesit na yan.

Dinikit kong mag-isa lahat ng ginupit ng isa pa naming member, walang tulong ng tahimik na si Demus.

Ng matapos ang mga ginagawa ay nag presenta siyang siya na ang maglilinis para may ambag naman daw siya kaya ganoon nga ang nangyari.

Binuhat ko ang mga upuan at inayos habang panay ang pulot ni Demus sa mga nahulog na papel habang may hawak-hawak siyang walis.

Naiwan kami sa classroom dahil marami pa kaming lilinisin ng mga kagrupo ko.

Nauna na ding umuwi si Aki dahil sumama siya sa mga ka groupmates niya.

"Claude natapon ko na iyong trash can, mauuna na ako ha? Bibili pa akong materyales sa project natin dadalhin ko na lang bukas." Ani Kendra, isa sa mga kagrupo ko kaya tinanguan ko lang agad siya.

Nilingon ko ang tahimik at nagwawalis na si Demus.

Kami nalang pala ang natira dito.

"Ako na diyan Demus. Pwede ka ng maunang umuwi." Pagkausap ko sa kaniya pero hindi siya sumagot kaya bahagya na akong lumapit.

"No, I'll do this."

"Ikaw bahala." Tugon ko at bahagyang tumango.

"Are you mad?" Tanong ko pero tahimik pa din siya.

"Sorry."

"For what?" He asked.

"I think na offend Kita kanina. Right?" 

Tumayo siya ng maayos at hinarap ako.

"No it's okay. I'm not really good when it comes sa study ko. Boring." Aniya at dinampot ang trash can na nasa harapan at inilagay Ito sa lalagyan.

"Tss, because you're not trying." Sambit ko.

"Nah, told you it's boring." 

"Boring na boring ka sa pag-aaral pero pag inaasar moko abot-abot tenga iyang ngisi mong bwesit ka." I said to lighten up the conversation between us.

"School isn't cute, unlike you." Tugon niya bago isinabit ang kakadampot niya lang na bag sa balikat niya.

"Let's go." 

"So I'm cute?" Nakangisi kong tanong at dinampot na din ang bag ko bago isinara ng tuluyan ang classroom gaya ng bilin ng teacher namin.

"Not really." Tugon niya habang naglalakad na palayo sa gawi ko pero bumalik rin agad siya at hinila ako.

"Tara na magsabay na tayo." 

"At bakit naman ako sasabay sayo?" Tamad kong tanong sa kaniya.

"Aba swerte mo't may gwapong sasabay sayo." Tugon niya naman.

"Tss kapag sumabay ako sayo masasapawan yang kagwapuhang sinasabi mo na parang hindi naman din totoo." Pang-aasar ko sa kaniya pero hinarap niya lang ako at sinamaan ng tingin.

Inirapan niya lang ako at mas binilisan ang paghila sa akin.

Kaniya-kaniya kaming sumakay sa bisekleta namin at sinabayan niya ang pagpapaandar ko.

"Naalala mo ba noong araw na una tayong nagkita?" Natatawang tanong niya sa akin.

"Ah, noong ninakaw mo ang bisekleta ko?" Sarkastiko kong sambit.

"Tss, Laughtrip kaya iyon." Natatawang aniya.

"Eh anong nakakatuwa doon. Mukha nga akong tanga kakahabol sayo." Inis kong saad.

"Kaya nga nakakatawa kasi mukha kang tanga!" Aniya tiyaka humagalpak ng tawa.

"Tss, Kingina ka sana mabaog ka! Panget! Itakwil ka sana ng pamilya mo dahil siraulo ka!" Singhal ko sa kaniya habang tawa naman siya ng tawa.

"Anong itakwil? Di ko naman kailangan ng pamilya eh." Simple niyang sagot at nagpokus sa daan.

"Gago, Kahit anong mangyari pamilya ang takbuhan natin. Lakas natin sila." Pangaral ko sa kaniya na para bang makikinig naman siya.

"Pamilya? Takbuhan? Tanginang yan! Baka tali. Sila iyong tali na hinding-hindi tayo hahayaang gawin ang gusto natin kaya mapipilitan tayong putulin iyon." Aniya habang binabagalan ang bisekleta niya.

"Taling sasakal satin hanggang di na natin kayanin. Taling hindi Tayo hahayaang sumaya." Seryusong aniya kaya natuon ang atensiyon ko sa kaniya.

"Ang panget naman ng paniniwala mo sa buhay. Kung walang pamilya tangina sana di nalang tayo nabuhay, sila ang dahilan kung bakit ako nanatiling malakas." Pagkontra ko sa kaniya pero tumawa siya ng peke at umiling-iling.

"Pamilya? Sila ang dahilan kung bakit muntik na din akong sumuko." 

"Bulag ka." Simpleng sagot ko dahil totoo naman. Bulag siya. Siguro galit lang siya, pero balang araw pag naghilom ang kung ano mang galit na mayroon siya siguradong makikita niya ang ibig kong sabihin at depenasyon ng Pamilya.

"Panget ka." Pang-aasar niya na para bang iniwawala ang usapan.

"Tangina mo talaga." Iritado kong saad.

"Dahan-dahan sa pagmumura Claude baka ako mismo luminis niyang madumi mong bibig, masiyadong malutong eh." Natatawa at Sarkastiko niyang saad kaya napairap nalang ako.

"Nalilinis ba iyon?" Napapairap pa ding tugon ko.

"Oo, lilinisin ko yan gamit ang bibig ko." Nakangisi niyang sagot.

"Dugyot mo!" 

"Pogi lang." Natatawang sambit niya.

"Yabang!"

Ilang minuto pa ang lumipas ay nag kaniya-kaniya na kami ng liko. Hindi ko Alam Kung nasaan ang bahay nila pero bahala na siya sa buhay niya.

Napabuntong hininga ako ng 

"Buti nalang talaga hindi connected sa mga mayayamang Alvarez si Demus ano?" Nakangiting sambit ni Aki ng mag lunch break kami.

Hindi ko na lamang siya pinansin pa sa mga pinagsasasabi niya at hinayaan siyang magdadadaldal habang papunta kaming Canteen.

Bumili kami ng makakain at gaya ng kanina ay maingay padin si Aki.

"Alam mo sayang talaga siguro if ever connected si Demus sa mayayamang Alvarez ano?" Sambit niya na naman eh kanina niya pa nga paulit-ulit na sinasabi 'yan eh.

"Alam mo tigilan mo na 'yan kakabanggit sa kaniya okay? Hindi ako interesado." Sambit ko at biglang tumayo sa pagkakaupo.

"Hoy, sa'n ka pupunta? Galit agad?" Pahabol na tanong sa'kin ni Aki.

"Cr lang muna ako, okay?" Sambit ko at tuluyan muna siyang iniwan doon.

Naglakad ako papuntang CR. Inisip ko ang sinabi kanina ni Akishia.

Paano kung relatives niya at konektado nga siya sa mga Alvarez? Magiging mabait ba ako sa kaniya? Pero hindi naman din tama kung pakitaan ko siya ng mali diba pero kahit konektado man siya o hindi mukhang mabubwesit naman din ako sa lalaking iyon ng kusa eh.

Bumuntong hininga ako at hinugasan ang kamay ko bago naghanap ng bakanting cubicle.

Ngunit laking gulat ko pagkatapos kong itulak ang pinto ng isa sa mga pinto.

Bumungad sa akin ang lalaking si Demus habang nakahawak sa noo niya.

"Argh!" Usal niya dahil mukhang napalakas ata ang tulak ko sa pinto.

"Nakanang! Ano ba kasing ginagawa mo diyan?" Natataranta kong tanong sa kaniya habang nanatili siyang nakahawak sa noo niya.

"Kinginang yan, malamang nagsi-CR ako. Peeking through the door huh?" Sambit niya kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Baliw ka ba? Bakit naman Kita sisilipan ha? At tiyaka bakit ba kasi di ka nagla-lock ng CR?" Iritado kong tanong sa kaniya.

"Eh kung kumatok ka kasi muna. Kakatanggal ko lang ng lock dahil lalabas na ako. Hindi ko alam na sumisilip ka pala riyan." Nakangisi at nakapang-aasar niya ng sambit ngayon.

"Anong sinasabi mong naninilip?" Iritado ko na talagang sambit at bahagya siyang tinulak para makadaan ako.

"Tabi nga riyan." Saad ko ngunit bago pa ako makadaan ay gulat ako ng bigla niya akong hilahin at iharap sa kaniya.

"Ang sungit mo naman, pero ayos lang babaguhin ko din iyan balang araw." Nakangising sambit niya bago binitawan ang kamay ko at umalis.

Umirap ako at pumasok na ng cubicle habang iniisip ang sinasabi niya.

Yabang talaga!

Inis akong bumalik sa lamesa namin ni Aki kaya panay ang tanong niya pero binalewala ko na lamang siya.

"Alam mo huwag ka na masiyadong magsungit Klawde nababawasan kapogian mo, okay?" Saway niya sakin pero umiling-iling lang ako.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na agad kami sa mga classroom namin at nagpokus sa klase.

Nagkaroon din ng election of officers sa loob ng classroom ngunit agad akong nainis ng i-nominate ako ng pisteng Demus na iyon at nanalo naman ako ng iboto ako ng mga kaklase. He even Selected himself as a Secretary. 

Anong trip niya sa buhay, hindi niya ba naisip na hindi bagay sa lalaki ang magsekretarya sa Klase. Tss.

Pinatayo kaming lahat sa harapan ng classroom at inisa-isa ang posisyon namin.

"So Mr. Claude is our new President. So Mr. President starting tomorrow you'll always remind Mr. Secretary para mailista lahat ng mga Activities na ipapalista ko araw-araw." Iyan ang naging bilin saamin ng Advicer namin na mas lalong nagpabanas sa akin.

Bwesit na yan. Ayoko ng dagdagan pa obligasyon ko, Hays busy akong tao, okay? Ano ba namang buhay 'to.

"Hoy, ikaw talaga bwesit sa buhay ko kahit kailan!" Iritado kong singhal sa nakatalikod na si Demus sa gawi ko.

Hawak-hawak niya ang bisekleta niya dahil kapwa kaming pauwi na dahil tapos na din ang klase.

Hinarap niya ako at binitawan niya sandali ang bisekleta niya at dahan-dahang naglakad sa gawi ko.

"What's wrong lil' boy?" Tss akala niya ba bagay sa kaniya ngumingisi pa na halos labas na ang gilagid niya.

''Ano ba talagang problema mo sa'kin? Ayokong mag officer sa classroom!" Sigaw ko dahil naiinis na talaga ako sa pambubwesit niya sa'kin eh kakakilala lang namin puro kamalasan na dala niya sa'kin

"Talaga? Ngayon mas nakakatuwa kasi effective pala ang ginawa ko pero ayos lang, mas madalas mo akong makakasama. Ang swerte mo, Mr. President." He said sarcastically then smirked.

"F*ck you Demus! F*ck you!" Galit ko ng sigaw sa kaniya. Iritang-irita na ako, kutang-kuta ka na sa araw na 'to. Kapag bukas ay ginulo mo pa araw ko, sasamain ka.

 ang sinabi niya tungkol sa pamilya.

Demus, hinding-hindi talaga magkakasundo ang mga prinsipyo natin sa buhay.

Marahil kulang ka lang sa pagmamahal at dahil siguro sa mundo kung saan ka lumaki pero sasabihin ko Mahal na Mahal ko ang pamilya ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status