Share

Chapter Four

I woke up early the next morning. I washed up and brushed my teeth before going downstairs. Nagugutom na 'ko kaya dumiretso ako sa kusina. 

"Gising ka na pala, Zeph." Sambit ni Jam nang makita niya ako. Siya pala ang naghahanda ng agahan namin. Nasa garden siguro si Nana.

"Yeah, obviously." I said, yawning. 

"It's too early for you to be grumpy." She told me before handing me a glass of fresh milk.

"Is this a low-fat milk?" I asked her. 

She looked at me before nodding. "Yes." 

"Thanks." I sat down on the chair. Nakatulala lang ako sa kisame habang uniinom ng gatas. Ganito talaga ako kapag bagong gising. 

"I'll help Nana to clean up the house." I told Jam who's busy scrambling some eggs. 

"Tutulong din ako. Si Ate Zaf naman, susunduin daw ang mga friends niya sa labas ng village." 

I raised my brow. "Her friends?"

Tiningnan ako ni Jam. "Hindi mo ba alam? Nagbakasyon din dito sa Cebu ang mga kaibigan niya."

"Wala siyang sinabi sa akin." I nonchalantly said. 

"Nagpaalam pa nga siya kay Mama kagabi kung pwede ba raw bumisita dito ang mga friends niya."

"Eh anong sabi ni Nana?" Tanong ko ulit.

"Syempre, pumayag si Mama. Alangan namang hindi?"

"Sabagay." I stood up to wash the glass I used. 

"Gusto mo ng cereals?" Jam asked me so I nodded. Nasanay kasi akong cereals ang kinakain tuwing umaga.

Jam knew that I usually eat cereals mixed with yogurt and fruits so I wasn't that surprised when she handed me the bowl full of it. Kuminang agad ang mga mata ko nang makita ito. 

"Malamig na 'yan. Nilagay ko sa fridge kanina. Alam ko kasing ganyan ang kinakain mo palagi." Jam told me. "Kumain ka na."

"Thank you, Jammy! You're the sweetest!"She's like my mom! Whenever Jam is around, she always takes care of me. 

"Kalma, Zeph. Ako lang 'to." Sambit niya kaya natawa kaming dalawa. After this, she will tease me again, nonstop. Hanggang sa pagtulog namin, aasarin niya pa rin ako.

"By the way, umalis na ba si Ate Zaf? Maaga pa ah." Tanong ko sabay tingin sa relo ko. 

"Maaga siyang nagising at nagpaalam na mag-jogging muna siya ng ilang minuto sa labas bago sunduin ang mga kaibigan niya. Mamayang hapon pa naman siguro darating ang mga 'yon." Sagot ni Jam while frying the eggs.

"Sana sumama na lang ako sa kanya."

"Ako nga ilang weeks na hindi nakakapag-exercise. Don't worry, hindi naman tayo tataba. Healthy foods naman niluluto ni Mama usually."

"Sabagay. I will just help you out." I thawed the sausages. 

Habang naghahanda ng agahan, nagkukuwentuhan lang kami tungkol sa pag-aaral namin. She talks a lot about her school and friends. She's smiling while telling me some funny stories about her life as a student. Natatawa rin ako sa mga kwento niya kasi nai-imagine ko talaga na ginagawa niya ang isang kalokohan.

"Kapag ako nakatapos na sa college at nakapag-work, pupunta talaga ako kaagad sa South Korea." Sabi pa niya habang nakakuyom ang kamay. She's so determined to visit that country someday. 

"Talaga? Bakit naman South Korea unang pupuntahan mo?" Tanong ko.

"Kasi gusto ko maranasan ang maglakad-lakad sa daan tuwing winter season! Gusto ko kasi makakita at makahawak ng snow." Kumikinang pa ang mga mata niya habang nagsasalita siya.

It's just a simple reason to other people but for those who were not born in a country with four seasons, malaking bagay na ang makakita at makahawak ng snow kahit once in a lifetime man lang. 

Napangiti ako dahil may naalala ako. "Talaga? Fall season no'ng huling punta namin doon eh. Sobrang ganda ng paligid!"

"Maganda nga rin daw doon tuwing fall at spring season pero mas gusto ko talaga kapag winter season." Sabi pa niya.

"I feel the same. I want to go ice skiing during winter season. Na-miss ko tuloy 'yong una naming punta sa South Korea. Sakto, winter season no'n. We enjoyed ice skiing. It was my first time pero nakakatuwa kapag nasanay ka na." Pagkukuwento ko pa sa kanya. 

"Mas na-excite tuloy ako dahil sa mga kwento mo." 

I smiled at her. "Nakakatuwa pumunta sa ibang countries, Jam. You will meet different people with various personalities, cultures and traditions. Maninibago ka sa environment pero you have to learn how to adapt to the changes of the temperature and seasons." 

"Buti ka pa marami nang napuntahang foreign countries! Ako, hanggang China lang." She pouted. 

"Oh, so you went with Nana to China?" I asked her, amused. I didn't knew about it. 

"Oo. Sa China... town." Humagalpak si Jam ng tawa samantalang napairap na lang ako. Kahit kailan talaga itong si Jam eh. 

"Don't worry. We're planning to visit South Korea this year. We'll celebrate holidays there! Isasama namin kayo." I smiled at Jam.

Her face brightened. "Really?! I can't wait! Akala ko after four years tsaka ko pa mabibisita ang South Korea." Tumitili pa siya kaya naiiling na lang ako. 

I can't blame her though. South Korea is such a beautiful country. You won't regret it kapag nagpunta ka ro'n with your family and friends. It's a place where you can create more memories. 

We had scrambled eggs, sausages and pancakes  for breakfast. I am already full dahil nga kumain na ako ng cereals at uminom ng milk pero gusto kong kumain ng pancake kaya walang makakapigil sa 'kin. Food is life. 

I volunteered to wash the dishes pagkatapos namin kumain. They don't trust me when it comes to washing dishes because I am clumsy and I've broke many kitchen items before already. But I insisted so they have no choice. 

"Huwag mo lang talaga basagin ang mga plato namin, Zeph! Ipapakain kita sa leon." Pananakot ni Jam sa akin pero tinawanan ko lang siya. I've improved my dishwashing skills na kaya. 

Jam and Nana were already cleaning up the house nang matapos ako maghugas. Umalis na rin si Ate Zaf para sunduin ang mga kaibigan niya. Hindi ko alam kung sino sa mga kaibigan niya ang pupunta dito pero kailangan kong mag-ready para maayos akong tingnan mamaya kapag nakaharap ko sila.

"Okay ka lang diyan, anak?" Tanong ni Nana sa akin habang nagpupunas ako ng mga bintana sa living room nila. Tapos na ako magwalis sa loob ng bahay nila kaya magpupunas naman ako ng bintana. 

Ngumiti ako. "Yes naman po!" I showed her a thumbs up. 

"Mabuti naman kung gano'n. Basta mag-ingat ka lang, ah. Hindi ka pa naman sanay sa gawaing-bahay." Bilin niya bago ako iniwan.

Nakatungtong kasi ako sa hagdan para maabot ko ang bintana. Mahirap talaga kapag kinulang tayo sa height eh. Nahihirapan ako, actually, pero nakakahiya kung nakaupo lang ako habang sina Nana busy sa paglilinis. 

I was even humming while wiping the windows. Ang sarap sa pakiramdam kapag pinagpapawisan ka habang naglilinis. 

"Hi! Nandito na ako!" Narinig ko ang boses ni Ate Zaf mula sa labasan. I was about to go down nang marinig kong bumukas na rin ang front door kasi nag-panic ako, feeling ko ang dugyot ko tingnan. Pero namali ako ng tapak sa hagdan! Sa sahig talaga ang bagsak ko! 

Napapikit na lang ako dahil kinakabahan talaga ako. Baka mabagok ang ulo ko at mawalan ng malay. Ito na talaga ang sinasabi ni Jam eh. Hindi bagay sa akin ang mga ganitong gawain lalo na at careless pa naman ako.

"Omg, Erin!" I heard my sister's voice but I don't have the guts to open my eyes. I am just so.. scared. Tinawag ko na yata ang lahat ng santo upang ipagdasal ako para hindi ako mabalian ng buto. 

It's been minutes since I've been shutting my eyes off. Pero hindi ako nakaramdam ng sakit sa katawan ko. Parang hindi rin ako bumagsak sa sahig. I can feel an arm wrapping around me! 

"Open your eyes now, lady." A familiar voice made my eyes wide open. A pair of brown and sparkling eyes welcomed me.

"Y-you?! What are you doing here? How did you even got here? Magnanakaw ka, 'no?" I yelled at the man na buhat ako!  "Put me down, you asshole!" 

"Erin, bakit mo sinisigawan ang bisita natin?" Tanong ni Ate Zaf. 

Inis kong inayos ang buhok at damit ko nang maibaba na ako ng lalaking sumalo sa akin. "Hindi mo ba siya kilala, Ate? And what do you mean, bisita natin? He's not my friend so I won't invite him to our house!" 

"This isn't your house... right?" Nagsalita pa ang g*go at ngumisi. He's annoying! 

"Shut up!" I told him aggressively. 

They were all looking at me. Napatingin na rin sa akin ang mga kaibigan ni Ate na parang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko. 

"Where's your anger coming from, Erin?" My sister raised her brow at me. "He's our visitor. Sinalo ka pa nga niya no'ng muntik ka nang mahulog. You should've thank him!" 

"You seriously don't know him, Ate?!" 

"Of course, I do!  He's my friend's cousin, Erin." Mariing sabi ni Ate sa akin. Napaawang naman ang bibig ko. I can't believe this is happening! 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status