Share

Kabanata 3

6:30 PM pa lang ay nakapag-ayos na ako. Hindi naman sa excited ako, 'no! Ayoko lang magbago ang isip ni Mama. Gano'n pa naman 'yon, pabago-bago ng isip. 

"Siguraduhin mo lang na makakauwi ka bago mag-alas dose, huh!" sabi ni Mama habang inaayos ko ang buhok kong kinulot ko na. 

"Alas dose daw po kami uuwi, e! Ihahatid naman ako ni Ynna," sagot ko. 

"Kapag ikaw umuwing lasing, makikita mo. Kukurutin ko talaga 'yang singit mo, Amara Lorraine." 

Napangiwi ako. "Oo na." 

Nang marinig ko ang busina sa labas ng bahay ay alam kong nand'yan na si Ynna. Siya palagi ang nagdadala ng kotse kapag ganitong may ayaan dahil siya lang ang hindi nalalasing. 

"Nand'yan na po si Ynna. Alis na 'ko, Ma!" paalam ko.

"Sige, ingat kayo!" Ngumiti ako sa kaniya at nagmamadaling lumabas ng bahay. Pagkabukas ko ng pinto ng kotse ay kumpleto na silang tatlo sa loob. 

"Gara ng suotan, ah? Mukhang lalandi mamaya," komento ni Nam nang masilayan ang suot ko. I was wearing black sequin dress partnered with black stilletos. Hindi naman masyadong maiksi, sakto lang. 

"Hindi, baliw. Ngayon ko lang kasi 'to nasuot. Bigay pa 'to sa 'kin ni Ate last month," sagot ko at umayos na nang upo.

Nagsimula nang mag-drive si Ynna habang nagku-kwentuhan kaming apat. Nahirapan pa siyang maghanap ng pagpaparking-an nang makarating kami sa bar dahil halos mapuno na ang parking area. Pagkapasok namin ay agad na bumungad ang malakas na music at magulong crowd. Umupo kami sa couch malapit sa stage. 

"Just wait for me here. Ako na o-order," sigaw ni Steph para marinig namin. Umalis kaagad siya at ako naman ay inayos ang sarili. 

"Hanggang alas dose lang tayo, huh! Bawal akong tumagal magagalit si Mama," sigaw ko kay Nam, sakto lang para marinig niya.

"Oo. Kung lumampas man, ako nang bahala kay Tita." Sagot niya na parang gano'n lang 'yon kadali. Hindi na nadala nang sinabihan siya ni Mama dati. 

Nakangiting dumating si Steph habang nasa likuran niya iyong dalawang lalaki na may dalang alak. Umalis naman kaagad 'yong dalawa kaya nagsimula na kami sa pag-inom. 

"Let's dance later," sigaw ni Ynna. Tumango lang kami dahil 'yon lang talaga ang gusto niya kapag nasa ganitong lugar kami. Hilig niya kasing sumayaw. 

"No boys for tonight, huh! Pass muna tayo," si Steph. 

"Bakit? Nadiligan ka na ba?" Ngising tanong ni Nam. 

"Hindi, gago! Gusto kong tayong apat muna. Next time na tayo mag-boy hunting." Pinanlisikan pa niya ito ng mata na ikinatawa ni Nam.

Nagpatuloy kami sa pag-inom. Panay din ang baba ko sa suot kong dress dahil palaging umaangat. Sana pala ay hindi ito ang sinuot ko. Ang uncomfortable tuloy. 

After hours of drinking, medyo lasing na 'yong dalawa dahil nagsisimula na silang mag-ingay. Ako naman ay tahimik lang na pinagmamasdan ang paligid. Medyo may tama na rin kaya nagsisimula nang umikot ang paningin ko. 

Nang may nakita akong lalaki na naka-specs na dumaan sa puwesto namin ay biglang sumagi sa isip ko si Calvin. Paniguradong nag-eenjoy silang dalawa ng babae niya sa bahay nila. Ano kayang ginagawa nila ngayon? Or magkasama pa rin kaya sila nang ganitong oras?

Fuck! 

"Sayaw na tayo," sigaw ni Ynna na ikinabalik ng diwa ko at pinilit kaming tumayo para pumunta sa dance floor. May iilang nagsasayawan doon kaya nakihalo kami sa kanila. Hindi ko na ininda ang sikip dahil nag-eenjoy naman ako. 

Ynna started swaying her hips seductively. Hindi 'yan lasing, huh! Ganyan lang talaga siya sumayaw. Tuloy ay may mga lalaking nagsisilapitan sa amin. 

Siniko ko ang lalaking pumwesto sa likuran ko dahil naramdaman kong dinidikit niya ang ari niya sa likuran ko. Nang hindi siya natinag sa ginawa ko ay nagpaalam muna ako sa kanila bago pa uminit ang ulo ko. Gusto ko lang namang sumayaw, bakit kailangang may ganoon pa?

"CR lang ako," paalam ko kay Steph. 

Nakisiksik ako sa mga tao para makarating sa CR. Pagdating ko doon ay inayos ko lang ang buhok kong medyo magulo na. Pinakiramdaman ko rin ang aking sarili dahil para akong nasusuka, but thank God hindi natuloy. 

Lumabas na ako ng CR. Dumodoble pa ang paningin ko dahil sa hilo kaya pumikit-pikit ako at bahagyang umiiling. Tuloy ay nahihirapan akong maglakad pabalik sa puwesto namin, ang layo pa naman.

Napahinto ako sa paglalakad nang biglang may lalaking humawak sa braso ko. I wanted to shout at him but I don't have much energy to waste. Nanghihina na ako dahil sa tama ng alak.

"Do the dare, pare! Huwag KJ," rinig kong sigaw ng lalaking nasa likuran niya. Nakatingin sila sa amin na ipinagtataka ko. 

Magsasalita pa lang sana ako pero agad akong nagulat nang bigla akong hinawakan ng lalaki sa aking batok at walang pasabing hinalikan ako sa labi. Nanlaki tuloy ang mata ko sa ginawa niya. Dampi lang iyon pero potek, kumabog ng malakas dibdib ko. 

But, fuck! That was my first kiss. I lost my first kiss just because of this damn guy. Fuck!

Titingnan ko sana ang mukha no'ng lalaki at handa na akong sigawan at sampalin siya pero agad siyang tumalikod at umalis. Tinatawag pa siya ng mga kasama niya pero hindi niya ito pinansin.

Masama kong tiningnan ang mga kasama ng lalaking humalik sa akin. Agad naman silang umiwas ng tingin na parang walang nangyari. Wala na rin naman akong magagawa dahil nangyari na kaya padabog akong naglakad pabalik sa puwesto namin.

"Ang tagal mo namang mag-CR," sabi ni Ynna nang makaupo ako sa couch. 

I brushed my hair and blew a loud breath, feeling annoyed. "May epal lang doon sa dinaanan ko kaya natagalan ako," inis kong sabi. "Ayoko nang uminom baka magsuka na naman ako. Kadiri!" dugtong ko.

Tumawa lang siya. Kami lang dalawa dito sa table namin dahil nasa dance floor pa rin 'yong dalawa. Kinuha ko ang phone ko sa 'king bag para tingnan ang oras dahil ayokong malagot sa nanay ko.

10:45 PM na. 

"Tawagin mo na 'yong dalawa do'n. Malapit na mag-alas dose," utos ko kay Ynna.

Tumayo naman siya para sunduin 'yong dalawa. Ilang minuto pa ang lumipas bago ko sila nakitang naglalakad papunta rito sa table namin.

"Tuwang-tuwa ang mga gago," natatawang bulong ko sa sarili. Tawa kasi sila nang tawa nang makabalik sila dito sa table. 

"Ubusin niyo na 'yang mga alak para makauwi na tayo," si Ynna. 

Agad naman na nilagyan ni Steph ang baso ko ng alak kaya napangiwi ako. Ayoko nang uminom pero kailangang maubos na 'to dahil tumatakbo ang oras. 

"Let's go! Kaya niyo bang maglakad?" nag-aalalang tanong ko sa dalawa nang maubos na namin ang alak. Mukhang hindi nila ako narinig kaya nanghingi ako ng tulong kay Ynna para alalayan 'yong dalawa. Halos hindi na sila makalakad dahil sa sobrang kalasingan. 

"Kaya ayokong hinahayaan kayong pumunta ng bar nang wala ako, e! Tingnan mo 'yong dalawa, mukhang patay." sambit ni Ynna nang maipasok ang dalawa sa passenger's seat, ako naman ay umupo na sa shotgun seat. Pareho pa kami ni Ynna na hinihingal dahil sa pag-alalay sa dalawa.

Sinimulan na niyang mag-drive. Ako lang ang hinatid niya dahil sa condo niya daw patutulugin 'yong dalawa para maalagaan niya. 

"Thank you! Ingat kayo, huh! Sabunutan mo 'yang dalawa kapag nahimasmasan na," sabi ko nang makarating sa tapat ng bahay. 

Tumawa si Ynna. "Naku, baka batukan ko pa." 

I chuckled. "O sige na, papasok na ako sa loob. Ingat ulit." Lumabas na ako ng kotse at pumasok na nang bahay. Nakita ko si Mama na tahimik na nanonood ng movie pagkapasok ko ng pinto.

"Napakatagal mo," reklamo niya. Tiningnan ko ang wall clock, 12:15 AM na. 

Ngumiti ako. "15 minutes lang naman akong na-late, e! Tara na, matulog na tayo." 

Umirap siya pero pinatay na rin ang TV at sinamahan pa ako papasok ng kwarto. Hindi naman ako lasing pero inaalalayan niya ako. Pinilit kong mag-shower dahil ang lagkit na nang katawan at mukha ko, hindi ako sanay matulog nang hindi naglilinis ng katawan.

From: Ynna 

Got home. 

Napangiti ako sa text ni Ynna. Panatag na ang loob ko kaya pabagsak akong humiga sa kama at natulog. 

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil naamoy ko 'yong luto ni Mama na tocino at fried rice. Panay din ang kalansing ng mga kutsara kaya napabangon ako. Nakahawak ako sa 'king ulo habang naglalakad pababa dahil sa sakit ng ulo. 

"Buti naman at gising ka na, aakyatin na sana kita para kumain, e!" sambit ni Mama habang nilalagay sa plato ang niluto niya. 

"Ang sakit ng ulo ko, Ma!" reklamo ko. 

"Deserve mo. Sige, alak pa!" 

Ngumuso ako at lumapit sa lababo para mag-toothbrush. Kumain na kami kaagad at umakyat ako ng kwarto ulit para kumuha ng damit at towel. Maliligo na ako baka sakaling mawala ang sakit ng ulo ko kahit papaano. 

"Magwalis ka sa labas, 'nak. Ang dami nang dahon na nagsisipag-lagasan doon," utos ni Mama matapos kong maligo at magbihis. Tumango lang ako at lumabas na. Marami-rami na ngang dahon sa bakuran. Hindi ko tuloy alam kung saan mag-uumpisa. 

"Amara!" Napatalon ako sa gulat nang may biglang malalim na boses ang nagsalita sa likuran ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya hinarap ko ang lalaki.

"Jusko, Adler, nakakagulat ka naman. Ano'ng sadya mo?" Napaayos ako ng tayo at nilapag ang hawak kong walis. 

"May dala akong breakfast para sa inyo ni Tita Mylene," nakangiti niyang inabot sa akin ang platong may takip. Binuksan ko ito na champorado ang laman. 

"Salamat! Pasok ka muna sa loob. Ilalapag ko lang din 'to, mainit, e!" Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. Sumunod naman siya sa akin papasok ng bahay. 

"Ma, nandito si Adler," sigaw ko. Nadatnan ko siyang nasa kusina, nag-aayos ng stocks ng pagkain. Mabilis niyang iniwan ang ginagawa para lapitan si Adler.

"O, Adler. May kailangan ka?" tanong ni Mama. 

Umiling si Adler at ngumiti. "Wala po, Tita! Nagdala lang po ako ng champorado para sa inyo ni Amara. Ako po ang nagluto niyan." 

Ngumiti si Mama at lumapit sa akin. Binuksan niya naman ang mangkok na may lamang champorado. "Naku, nag-abala ka pa. Salamat, huh! Sakto, hindi pa kami nag-aalmusal." 

Kumunot ang noo ko. "Ma, kakakain-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil pinandilatan niya ako ng mata. 

"Dito ka na muna, Adler, hanggang tanghalian. Ipagluluto kita," Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bahagyang tumawa si Adler at tumingin sa akin. 

"Hindi na po, Tita! Mukhang ayaw ni Amara, e! Next time na lang po," magalang na sabi niya. 

Unti-unti tuloy nawala ang ngiti ni Mama at sumama ang tingin sa akin. "O sige, hijo! Salamat ulit sa pagkain." 

Hinatid namin si Adler sa gate hanggang sa makalabas siya. Masama naman akong tinitigan ni Mama na parang may ginawa akong masama. 

"Sayang 'yon. Magkakausap na sana kayo kung 'di mo pinairal 'yang kasungitan mo," sabi niya. 

"Hindi nga kasi ako interesado sa kaniya, Ma! Tsaka na, malay mo magbago ang isip ko," sagot ko. 

Depende kung magbabago. Malalim ang pagkakagusto ko doon sa Calvin na 'yon, e! Lakas ng tama ko do'n. Dalawang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon ay siya pa rin ang nagugustuhan ko.

Our semi-finals exam came. I spend my weeks reading my notes kaya sana naman ay umayos ang score ko this time. Sana hindi ako ma-brainwash habang tinitingnan ang exam paper.

"Mabuti na lang at P.E ang unang subject na ite-take," sambit ni Steph. 

"Sa last day pa ang major subjects," sagot ko. 

Ganoon nga ang nangyari. We spent 3 days to finish our semi-finals examination. Hindi naman ako masyadong nahirapan dahil pinahiram sa akin ni Jackson ang notes niya na malaki ang naitulong sa akin.

"Good luck kapag binigay na ang grades," sambit ni Steph pagkalabas namin ng room. "Parang mas gusto ko pang mas mataas ang grades ko sa laboratory kaysa sa discussion."

Mas malaki magbigay ng grades kapag sa activity ang mga prof. Pero mas maganda kung pasado kami pareho sa lab at discussion. 

"Si Calvin," bulong ni Steph na ikinalaki ng mata ko. Tinuro niya sa kaniyang daliri kung saan kaya sinundan ko ito ng tingin. "Mag-isa lang siya, o! Moment mo na 'to."

Agad na dumaloy ang kaba sa dibdib ko. Halos isang linggo ko siyang hindi nakikita, hindi ko rin naman siya hinahanap dahil bitter ako sa kanila ng babae niya nitong nagdaang araw. 

Tinutulak-tulak ako ni Steph na ikinainis ko. "Ano ba, 'wag kang nanunulak," sigaw ko. 

"Bilisan mo kasi, palabas na siya ng gate, o! Dali na moment mo na 'to, para mabigay mo na rin 'yong hindi mo mabigay-bigay." 

Inirapan ko lang siya. Umirap din siya pabalik at hinatak ko. Muntik pa akong matumba dahil bigla siyang tumakbo kaya nadamay ako. 

"Calvin," sigaw niya. Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niyang 'yon. Bumilis ang tibok ng puso ko nang lumingon siya sa amin. Hinatak ulit ako ni Steph para makalapit sa kaniya. 

"D'yan din kasi ang way ng kaibigan ko. Puwede bang samahan mo siya? Masama kasi ang pakiramdam niya, e! Hindi ko naman masamahan dahil may pupuntahan pa ako." Para siyang kawawang tuta nang sabihin niya 'yon.

Gusto kong saktan 'tong bruhang 'to dahil nakakahiya. I'm all well for Pete's sake. Kumunot ang noo ng lalaki at halatang naguguluhan. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mahihiya. Hindi niya kami kilala pero itong bruhang 'to ay ang kapal ng mukhang manghingi ng favor.

Tumalon ang puso ko sa gulat nang makita ang pagtango niya. So, payag siya?!

"Omg! Thank you!" Steph smiled to Calvin. Ang lalaki naman ay matamang nakatingin sa amin. "By the way, her name is Amara. Amara Lorraine Hermosa. BSIT student. Best friend ko." 

"Ah!" tanging sagot niya.

"O, sige na alis na kayo. Paki-ingatan siya, ha? Una na ako. Babye!" Pinigilan ko siya at pinandilatan ng mata. Nakangiti lang siya sa akin at inalis ang kamay kong nakahawak sa kaniya bago umalis. Walang hiya! 

"Let's go!" aya ni Calvin na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

Nauna siyang naglakad. Ako naman ay mabagal na naglalakad sa likuran niya dahil sa kahihiyan. Bukas ka sa akin, Steph! Masyado mo akong pinahiya sa kaniya ngayong araw. 

"Nahihirapan ka bang maglakad? Puwede kang sumakay sa likuran ko," saad niya nang lingunin niya ako na ikinabigla ko.

Agad akong umiling. "Hindi! Kaya ko!" Natatarantang sagot ko. Tumabi siya sa akin at sinabayan ako sa paglalakad. 

"Sorry! May sakit ka pala. Hindi kasi ako sanay na mabagal maglakad," aniya. 

"O-Okay lang. Puwede ka namang mauna. K-Kaya ko sarili ko," nauutal kong sabi. Naramdaman ko namang lumingon siya sa akin kaya yumuko pa ako lalo. 

"No, I can't leave you here. Hinabilin ka sa akin ng kaibigan mo, baka hanapin ka sa 'kin bukas. Mag-kaklase ba kayo?" Tanong niya, tanging tango lang ang naisagot ko. 

Nang makarating sa bus stop ay pinaupo niya ako habang naghihintay. Grabe pa 'yong kaba ng dibdib ko dahil kasama ko siya ngayon. Ang tagal ko 'tong hinintay. Kahit papaano pala ay maganda rin itong ginawa ni Steph.

Sapo-sapo ko ang aking ulo dahil nag-iisip ako nang kung anong magandang sasabihin. Hindi ako puwedeng mautal dahil baka mainis siya sa 'kin. Kailangang makausap ko siya dahil once in a blue moon lang ito mangyari.

"Okay ka lang? Masakit ba ulo mo?" Nag-aalalang tanong niya at umupo sa tabi ko. 

Napalingon ako sa kaniya. Shit, ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin. Hihimatayin na yata ako. 

"Hindi! Ano... okay lang ako. May iniisip lang," sagot ko. 

"I don't think you're okay. Namumutla ka ,o!" Tumingin siya sa labi ko. "Wait me here, bibili akong tubig. Dito ka lang, 'wag kang aalis." 

Tumango ako. Agad naman siyang tumayo at bumili ng tubig sa kiosk na nasa gilid ng bus station. Pinagmasdan ko siya habang hindi siya nakatingin sa akin. Kahit papaano pala ay dapat kong pasalamatan si Steph. Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ko siya makakasama ngayon. Nang makitang nakabili na siya ay mabilis kong iniwas ang tingin sa kaniya.

"Here! Wait lang, 'yong gamot." Binuksan niya ang kaniyang bag at kumuha ng isang tableta ng biogesic. Kinuha niya sa akin ang bottled water para buksan iyon bago binigay sa akin ang gamot. Mukhang palagi siyang may dalang gamot sa bag niya, ah?

"Salamat!" Sabi ko pagkainom, ngumiti lang siya nang kaunti sa akin na ikinapula ng pisngi ko. Ngiti pa lang niya kinikilig na ako. Malala na yata tama ko sa kaniya. May dumating na na bus pero hindi kami nakasakay dahil puno na kaya naghintay ulit kami ng kasunod.

Lord, habaan niyo pa po sana 'yong oras na kasama ko siya ngayon.

"May ibibigay pala ako," pagputol ko sa katahimikan. Lumingon siya sa akin kaya umiwas ako at kinuha ang panyo sa bag. 

"Ito na panyo mo. Sorry, matagal kong naibalik. Nakalimutan ko kasi, e!" pagdadahilan ko. 

Kinuha niya iyon sa kamay ko nang nakakunot ng kaunti ang noo. "Thanks! Ikaw pala 'yong nabigyan ko ng panyo. Dahil sa ulan 'yon, 'di ba? Last week?" 

Mapait akong ngumiti sa kaniya. Sabi na, e! Hindi niya maaalalang ako 'yon. "Oo! Pasensya na wala kasi akong dalang payong no'n," 

"Ngayon may dala ka na?" 

Umiling ako. "Wala pa rin." 

He laughed a bit. Ayokong nagdadala ng payong kasi dagdag bigat sa bag. Kaya ko naman kasing tiisin ang init ng araw. 

"You should always bring an umbrella. Magkakasakit ka lalo niyan kapag naulanan ka ulit," he sounds concerned that made my heartbeat doubled. How thoughtful of him.

I bit the insides of my cheeks to suppress a smile. Concern siya sa akin! Jusko, huwag kang ganyan, lalo akong nahuhulog. 

"Next time magdadala ako," nahihiyang sabi ko. 

He smiled. "Yes, you should para hindi ka na magkasakit," he uttered before looking away.

Fuck! Ayoko na, kinikilig na ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status