Share

Kabanata 6

"Any updates, Amara? Ano'ng nangyari kahapon? Spill it, come on."

Tumingin ako kay Nam na halatang excited sa iku-kuwento ko. Kasama ko sila ngayon dito sa field para tumambay dahil free time naming apat.

"Masaya. 5 PM na kami natapos," tanging sagot ko.

"Tapos? Ayusin mo naman mag-kuwento, pabitin ka naman," pagsusungit ni Steph.

Bumuntong-hininga ako. Mukhang hindi nila ako titigilan hanggang sa hindi nila nakukuha ang sagot. "Ayun nga, 5 PM na kami natapos. Tapos kumain kami sa McDo. Tapos syempre kaunting usap, gano'n. Almost 7 PM na ako nakauwi sa bahay,"

"Oh, my god!" Ynna exclaimed. "Niyaya ka niyang kumain sa McDo?"

"Hindi!" Umiling ako. "Ako ang nagyaya pero siya ang nagbayad. Libre ko dapat 'yon pero hindi niya tinanggap 'yong pera ko."

"Shems, akala ko study lang. Humirit pa pala ng date," tumawa silang tatlo sa sinabi ni Steph. Hindi naman date 'yon pero natawa na rin ako.

"Tapos tinanong ko pala siya kung sino 'yong babaeng lagi niyang kasama, pinsan lang pala niya 'yon. Close lang daw talaga sila,"

Nam laughed. "Pucha, pinagselosan ang pinsan," tumawa rin ang dalawa. Hindi ko naman kasi alam na magpinsan pala sila. Kung alam ko lang ay hindi na sana ako nagselos.

"E 'di go ka pa rin kay Calvin? Tulungan ka namin, ano?" si Steph.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi pa raw siya ready mag-girlfriend. Ayokong umamin dahil ayokong ma-reject. Okay na ako sa ganitong set-up,"

Mas gugustuhin ko pang titigan siya mula sa malayo kaysa marinig sa kaniya ang mga salitang ayokong marinig. Ayoko ng sakit sa puso, hindi pa ako handa para doon.

Pagkatapos ng free time namin ay bumalik na kami sa room. Pagkaupo ko pa lang ay tumabi na sa 'kin kaagad si Jackson at nakangiti.

"Hi, Amara! Nagawa mo na 'yong pinapagawa sa atin sa Gimp?" Tanong niya.

"Hindi pa, nahihirapan pa ako. Ang pangit nga ng gawa ko doon, e! Hindi tugma ang kulay sa mismong picture," sagot ko. "Bakit? Tutulungan mo na naman ba ako?" Biro ko sa kaniya.

Ngumiti siya. "Oo sana. Kaunting ayos na lang doon ay matatapos na ako. Gusto mo palit tayo ng pwesto mamaya sa lab para gawin ko 'yong iyo?"

"Hindi na. Ako na ang gagawa para mapag-aralan ko din," nakangiting sagot ko.

Nakakahiya kung pati sa simpleng activity namin ay siya ang gagawa. Hindi nagtagal ang usapan namin dahil tinawag siya ng kaklase namin kaya nagpaalam na siya bago umalis sa tabi ko.

"Iba rin gumalaw 'yang si Jackson, e, 'no? Buti hindi ka nahuhulog? Halos ilang buwan na 'yang duma-damoves sa 'yo," bulong ni Steph.

"Mabait lang talaga 'yon," sagot ko.

Inismiran niya ako. "Gaga, kung mabait, e, 'di sana tinutulungan niya rin mga kaibigan niya. Sa 'yo lang ganyan 'yan, napapansin ko."

Hindi na ako sumagot. Walang sinasabi si Jackson pero kaunti na lang ay magco-conclude na ako na may gusto nga talaga siya sa 'kin. Ganyan naman kasi talaga ang ibang mga lalaki. Kapag may nagugustuhan silang babae, nagpapa-impress.

Well, it goes both ways. Parang ako, nagpapa-impress ako kay Calvin dahil gusto ko siya.

Pagkatapos ng one hour lesson namin sa programming ay dumiretso na kaming computer laboratory. Last subject na 'to pero 3 hours ang itatagal namin.

Hinayaan kami ng prof na tapusin ang activity last meeting. Nai-stress pa ako dahil halos hindi ko pa nakakalahati ang ginagawa ko. Matapos ang isang oras ay sinave ko na kaagad. Hindi siya kagandahan pero okay na siguro 'yon, at least may gawa.

"Napakatagal niyo naman," reklamo ni Nam at Ynna nang makalapit kami sa kanila. Uwian na kaya magkakasama ulit kami ngayon.

"Sisihin mo prof namin, 'wag kami." sagot ni Steph at umirap.

"Hayaan mo na. Tara na— Uy, bebe mo, o!" Kinalabit ako ni Ynna at may itinuro. Sinundan ko naman kung saan nakaturo ang kamay niya. Kasama ulit ni Calvin ang mga kaibigan niyang naglalakad papuntang gate.

"O, ngayon?" tanong ko.

Umirap si Nam at hinawakan ako sa kamay. Hinila niya ako at naglakad papunta sa direksyon nila Calvin na ikinabilis ng tibok ng puso ko. Ang dalawa naman ay nakasunod lang sa amin. Ito na naman sila, tinutulak na naman ako kay Calvin.

"Hi, Calvin! Uuwi na kayo?" Tanong ni Nam nang makalapit kami sa kanila. Sila naman ay napatigil sa paglalakad at tumingin sa amin.

"Oo sana, bakit? May kailangan ba ulit kayo?" tanong niya.

Ngumiti si Nam at umiling. Hinawakan niya ang braso ko at inakbayan. "May sasabihin daw itong kaibigan kong si Amara Lorraine sa 'yo."

Nanlaki ako mata ko at gulat na napatingin sa kaniya. Bwisit! Palagi na lang nilang binabanggit nang buo ang pangalan ko sa kaniya. At ano daw? Wala naman akong sasabihin. Imbento talaga 'tong mga kaibigan ko.

"Nahihiya lang siya. Sige na, Amara Lorraine, sabihin mo na," sambit ni Ynna at bahagyang hinampas ang kamay ko.

"Ha? Wala nam—" Hindi ko na natuloy sa sasabihin dahil pinandilatan niya ako ng mata.

Bumuntong-hininga ako. Wala naman kasi talaga akong sasabihin pero sasakyan ko na lang ang trip nila. "Ano... S-Salamat sa pagtuturo sa 'kin kahapon... Calvin,"

I bit my lower lip afterwards. My world stopped when he smiled genuinely at me. Ugh, my heartbeat, it's fast and too loud, making me grasp for some air. He is really driving me insane.

"Wala 'yon. Ayun lang ba?"

Umatras na ako kaunti dahil wala naman na akong sasabihin. Wala naman kasi talaga pero napilitan lang ako dahil baka balatan ako ng buhay nitong mga kaibigan ko.

"Oo, ayun lang. Sige na, go na ulit kayo," sabi ni Steph. Ngumiti siya sa amin bago umalis. Narinig ko pang para siyang inaasar ng mga kaibigan niya habang naglalakad sila palayo sa amin.

"Alam niyo, aatakihin ako sa puso sa mga pinaggagawa niyo sa 'kin. Lagi niyo akong pinapakaba sa mga ginagawa niyo," inis kong sabi sa kanila.

"Pinupush ka lang namin para naman magka-lovelife ka na. Choosy ka pa? Mabuti nga pinapansin ka na niya, e!" Nagtaas ng kilay si Nam. Inis naman akong bumuntong-hininga.

"Kawawa ka kasi tingnan na palagi kang nakatingin sa malayo, tapos minsan nagiging stalker ka pa kakasunod kung saan siya pupunta. You better make your move kasi. Wala namang mawawala if you'll give it a shot." Seryosong litanya ni Ynna. Muli akong bumuntong-hininga para pakalmahin ang sarili.

"You only live once. So, you better confess or at least make some move. Hindi manhid ang mga lalaki. Nararamdaman nila kung may gusto sa kanila ang isang tao. Kaya 'wag kang matakot. Kapag ayaw niya, e 'di stop na. Kasama talaga sa buhay natin ang rejections." si Nam.

Hanggang sa pag-uwi ko ay hindi mawala sa isipan ko ang mga sinabi nila sa 'kin. Give it a shot? Siguro naman ay kaya ko 'yon, natatakot lang talaga ako sa thought na baka he won't like me back.

I'm not afraid make the first move. I'm just afraid of making him uncomfortable.

Ugh! Happy crush ko lang dapat kasi siya, e! Bakit ganito na ang nangyayari? Puwede bang turuan ang puso na huwag lalong mahulog sa kaniya para hindi gaanong masakit kapag ni-reject?

Inis kong binagsak ang sarili sa kama pagkatapos mag-shower. Ilang oras ko nang iniisip kung ano ang dapat kong gawin, kung ano ang una kong step. I even searched online para may idea ako kahit papaano kung paano magustuhan ng isang lalaki.

I inhaled a large amount of air and slowly exhaled it. Fine, it's now or never. I nervously grabbed my phone that was rested on my bed. I opened it and went to Calvin's number on my contacts.

"Baka kasi tulog na 'yon, e!" Bulong ko sa sarili. It's 9 PM already. Gusto ko siyang itext pero baka tulog na siya. Tsaka hindi ko rin alam ang sasabihin ko.

Inis kong ginulo ang aking buhok. Sana lang ay magreply siya kasi kung hindi, baka hindi ko siya kayaning harapin. Binago ko muna ang name niya sa contact ko. Gusto kong pangalan niya ang makikita ko kaya 'yon ang pinalit ko.

To: Calvin

Hi

Pikit mata akong nagdadasal na sana ay magreply siya. Abot-abot pa ang kaba ko habang naghihintay. Halos magsa-sampung minuto na ay wala pa rin siyang reply, siguro ay tulog na.

Napanguso ako at humiga na. Nakatitig lang ako sa kisame habang malalim ang iniisip. Ano kayang ginagawa niya ngayon?

Napabalikwas ako nang biglang tumunog ang phone ko. Dali-dali ko pa itong kinuha at napangiti ng malapad nang makita ang pangalan niya.

From: Calvin

Hello. Bakit?

Almost 20 minutes akong naghintay para lang dito. Mukha akong tangang nakangiti habang nakatitig sa reply niya.

To: Calvin

Masyado ka yatang kinilig sa text ko. Tagal mong nagreply eh :)

Agad kong binura iyon dahil nakakahiya, baka sabihin pa niyang ang assuming ko. I typed my reply again.

To: Calvin

Patulong naman sa Physics.

I smiled nervously when my message was sent. After 10 minutes of waiting, he replied again.

From: Calvin

Sure. Tell me about it.

To: Calvin

Here's the problem: If car A and car B left at the same time with car A at 160kph and car B at 180kph, how long do I have to wait for you to be with me?

Humiga ako sa kama pagka-send at gumulong-gulong doon habang tumitili. Nagmumukha na akong siraulo dahil sa sinabi ko.

From: Calvin

You can be with me tomorrow if you want.

Hindi ko na naiwasan kaya napatili na ako ng malakas at gumulong ulit sa kama dahil sa sobrang kilig. Shet, hindi ko inaasahan 'yong reply niya. Akala ko kasi ay tatawanan niya ako, bumabanat lang naman ako, e!

To: Calvin

Joke ba yan? I don't like you messing around with me.

From: Calvin

Okay? What do you want, then?

I smiled and bit my thumb nail.

To: Calvin

I want you to be serious with me lol

Five minutes na ay hindi pa rin siya nagrereply. My god, don't tell me kinilig siya sa sinabi ko, ha? Nakakabaliw pala ka-text 'tong si Calvin.

From: Calvin

Smooth hahaha. Anyway, I have to sleep now. Good night!

To: Calvin

Okay! Good night :)

Hindi man nagtagal ang usapan namin sa text ay abot-langit na ang tuwa ko. Muli kong binasa ang convo namin. Pati pag-type niya ay ang linis. Kumpleto sa punctuations, akala mo naman ay nagsusulat ng email o essay.

Nakangiti lang ako hanggang sa pagtulog. Pagkagising ko ay pakiramdam ko kumpletong-kumpleto ako sa tulog dahil agad akong bumangon na kinakatamaran ko noon. Naligo na ako kaagad at nag-ayos bago bumaba.

"Ang aga mo naman,"  komento ni Mama pagkaupo ko sa harap ng mesa.

Ngumiti ako. "Wala lang, nae-excite lang akong pumasok,"

"Sus, dahil sa crush mong Engineering na naman ba 'yan?" Tanong niya habang nagtitimpla ng kape para sa aming dalawa.

"Oo, Ma! Nakatext ko siya kagabi. O, 'di ba, pinansin na niya ang ganda ko. Sabi na, e, it takes time," nakangiting sabi ko.

Nakangiting umiling si Mama. Nilagay na niya ang kape sa harapan ko kaya nagsimula na akong kumain. Nakaka-excite talaga pumasok kapag may inaabangan kang makita sa school. Ilang minuto pa ay umalis na kaagad ako ng bahay para maagang makarating sa school. Inspirado ako ngayon.

"Good mood, ah? Saya 'yan?" Tanong ni Steph pagkaupo ko sa tabi niya.

"Hindi lang masaya, sobrang masaya. Hulaan mo kung bakit,"

Umirap siya. "Hindi ako manghuhula,"

"Kj mo. Ganito kasi 'yon, nakatext ko si Calvin kagabi," proud na sabi ko.

"Okay? Tapos?"

Ngumiti ako at pinabasa sa kaniya ang conversation namin kagabi. Halos mapunit naman ang labi niya habang binabasa 'yon.

"Kaya mo naman pala lumandi, e! Tingnan mo nga, oh, nakuha pang bumanat," natatawang saad niya.

I proudly smiled and crossed my arms. "Na-realize ko lang kasi 'yong sinabi ng dalawa kahapon kaya ayan, kinapalan ko ang mukha ko para i-text siya."

Hindi na kami nakapag-usap pa ulit dahil dumating na ang prof namin for our first subject. Napatigil siya sa pagdi-discuss nang may kumatok sa pinto. Bumukas iyon at lumuwa ang gwapong mukha ni Calvin.

"Mr. Villanueva, what brings you here?"

Lumapit si Calvin sa kaniya at may inabot na papel. Hindi naman magkamayaw sa pagtibok ng mabilis ang puso ko dahil sa hindi inaasahang makikita ko siya nang ganito kaaga. Lumingon siya sa paligid at nagtama ang tingin namin kaya bahagya akong nagulat. Ngumiti lang siya ng tipid pero umiwas ako ng tingin.

Lumabas na siya room kaya nagpatuloy ang prof namin sa pagtuturo. Parang ang sarap tuloy mag-aral sa araw na 'to.

Nang matapos ang klase ay dumiretso na kaagad ako ng library. Ayaw akong samahan ni Steph dahil hindi na raw kaya ng utak niyang mag-aral ng codes. Hindi ko na pinilit dahil gusto ko rin namang tahimik na mag-aral. Kailangan kong aralin ng maigi ang mga lessons namin these past few days.

Umupo ako sa kabilang table katabi ang ibang students. Marami-rami ang estudyante ngayon kumpara noong nandito kami ni Calvin. Inilapag ko ang bag ko bago kinuha 'yong book na itinuro niya sa akin noong nakaraang araw. I want to study more dahil nangangamote na talaga ako sa activities namin. Three months na lang ay matatapos na ang school year pero wala pa rin akong natututunan.

Ibinuklat ko ang libro kung saang page kami huling nag-aral. Tahimik akong nagte-take down notes nang may nagsalita sa tabi ko. Nagulat pa ako kaya dumulas ang ballpen ko sa notebook.

"Ano ba— Calvin," gulat na tawag ko sa kaniya. 

Tumabi siya sa akin at ngumiti. "Sorry, nagulat kita. Himala yata at nandito ka," napatingin ako sa likuran niya. Kasama niya 'yong babaeng pinsan daw niya at nakangiti siya sa akin.

Nahihiya akong ngumiti. "Uh... Eh... Oo, gusto ko kasing humabol sa lessons namin,"

Umupo ang babae sa harapan namin habang nakangiti pa ring nakatingin sa amin. Hindi siya nagsasalita pero mukha namang mabait.

"By the way, she's Beatrice, my cousin. Beatrice, this is Amara Lorraine," he introduced. Fuck! Nakakakilig naman na binanggit niya ng buo ang first name ko.

"Oh, right! So, she's the one you've been—"

"Go get your books so I can teach you now," pagputol niya sa sasabihin no'ng babae. Ngumisi naman ito sa kaniya bago tumayo.

"Gusto mo bang turuan na rin kita ngayon?" mahinang tanong niya sa 'kin.

Umiling ako. "Hindi na. Siya na lang muna ang turuan mo, next time na ako." Ngumiti ako at tumayo. "Wait lang, huh! May kukunin pa akong isang libro." palusot ko.

Agad akong tumayo at naglakad papunta sa shelves sa dulo ng library. Hawak ko ang aking dibdib habang habol ang hininga. 

Lord, wala man lang warning. Binibigla mo rin ako, e!

"Amara, are you okay?" Gulat akong napatingin sa likuran ko at nakitang naroon si Calvin. May kukunin rin ba siyang libro?

Napalunok ako. "Uh... O-oo naman," Hilaw akong ngumiti at kunyaring may hinahanap sa book shelf. Nang makita ang medyo makapal na libro ay pilit ko itong inaabot pero 'di ko kayang abutin. Bigla akong nanlamig nang lumapit si Calvin sa likuran ko at siya ang kumuha no'ng libro.

"Physics?" he chuckled. "Ito ba 'yong gusto mong ipa-tulong sa akin kagabi?" Nakangiting tanong niya. Sa dinami-rami ng libro dito, bakit Physics pa ang nakuha ko?

Dumaloy lalo ang kaba sa akin. "H-Ha? Ano... Uh..."

Bahagya siyang tumawa at humarap sa 'kin. "I already helped you to your question about Physics last night, right?"

"Ha? A-Ano ba 'yon?" Maang-maangan kong tanong na parang wala akong sinabi sa kaniya kagabi.

He leaned forward a bit to equalled my face. "You asked if how long do you have to wait to be with me, right? I'm here, you're with me now." Lalo pa niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin kaya napaatras ako. "And I'm not messing around, Amara. I'm serious!" He uttered before leaving me here, not able to say anything.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status