Share

Kabanata 17

"Happy 8th months, baby!"

Napatakip ako ng bibig sa gulat nang makapasok sa kusina. Hawak-hawak ni Calvin ang cake habang si Mama ay nasa tabi niya, malapad ang ngiting iginawad habang nakatingin sa akin. Kakauwi ko lang galing school at 'di ko inaasahan na may pa-ganito si Calvin. Kaya pala hindi siya nagrereply sa mga texts ko dahil dito.

"Hindi ka ba masaya? I made this for you." Inilapag niya ang cake at lumapit sa akin.

"Baliw, masaya ako, siyempre! Hindi... Hindi ko lang inasahan na... may pa-ganito ka," nakangiting sambit ko. Inalalayan naman niya ako palapit sa mesa.

"Kinuntsaba pa talaga ako ni Calvin, anak, para gawin 'to. Mabuti na lang ay mamaya pa ang lakad ko kaya nakatulong pa ako kahit papaano," masayang usal ni Mama.

Ngumiti ako. "Thank you, Ma! Hinayaan mo na lang sanang mag-isa si Calvin tutal ginusto naman niya," biro ko, mahina naman akong hinampas ni Mama sa balikat.

"Puro ka kalokohan. O siya, Calvin, umupo ka na para

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status