Share

Kabanata 20

Warning: R-18

"Saan kayo this Christmas?" tanong ko sa tatlo kong kaibigan. Nakatambay lang kami ngayon sa gazebo dahil break time. Masarap din ang simoy ng hangin dahil napapaligiran ng puno ang paligid.

"Japan kami," sagot ni Ynna.

"As usual, ikaw lang naman ang nangingibang-bansa sa ating apat kapag holiday," sarkastikong saad ni Steph na ikinatawa namin. That's true! Si Ynna lang ang galante ang bakasyon sa aming apat dahil mayaman.

Uminom ako sa aking tubig bago sumagot. "Hindi ko pa sure kung saan kami. Kayo, Nam?"

Nagkibit-balikat siya. "Uuwi kaming Batangas."

Pagkatapos nang usapan namin ay bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming room. Last two subject na lang ay matatapos na ang klase. Gusto ko nang magbakasyon at ipahinga ang utak at katawan ko.

Pagkabalik namin ng room ay tamad kong inilapag ang aking bag at umupo. Wala pa ang prof kaya naman kaniya-kaniyang grupo ang mga kaklase kong nagkukwentuhan.

"May kasabay ka

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status