Share

Tugging at your Heartstrings
Tugging at your Heartstrings
Author: jvstbeingmae

Kabanata 1

Do you know what's weird about crushes?

You're 99% sure that your crush doesn't like you, but that 1% keeps you going.

And why do they call it a crush?

Because that's how you feel when they don't feel the same way in return.

I also read online that when you like someone, you notice every single detail about them no matter how small it is. And when they do something for you, you feel so touched even if it was the most simple thing in the world.

"Hoy, umikot na siya sa kabilang building nakatitig ka pa rin d'yan!" Napakamot ako sa aking ulo nang bigla akong sinabunutan ni Steph, kaibigan ko.

"Ang cute niya talaga, 'no?" I asked and smiled dreamily, ignoring her pulling my hair.

"Suplado naman, tsaka mahaba ang pila, girl! Wala kang chance d'yan," she really made it sound that I should stop admiring him.

I pouted. Alam ko naman 'yon. Tsaka hindi naman siya suplado, e! Hindi lang talaga siya approachable, but I know he's nice. I've been secretly stalking him for a year now.

We walked straight to the computer laboratory dahil major subject ang next. Dala-dala ko rin ang aking jacket dahil kung malamig sa room, triple no'n sa laboratory. Mas kaya kong tiisin ang aircon sa room.

"I want you, class, to make a periodic table using Notepad only. We'll spend our 3 hours for you to finish that." Our prof explained.

I took a deep breath. Alam ko namang walang course na madali, pero pakiramdam ko ay nagsisisi akong Information Technology pa ang kinuha kong course. Hindi ko rin alam kung bakit ba ito ang kinuha ko. Hindi ko kasi alam ang course na kukunin noong high school ako kaya sa I.T ako bumagsak. 

"Email mo sa 'kin ang code mo, huh!" Bulong ni Steph na katabi ko, halatang nahihirapan na naman sa pinapagawa sa amin.

"Boba, kokopya nga ako sa 'yo, e!" I said in between my gritted teeth and glared at her.

We started coding. Mabait naman ang prof namin. Kapag hindi ito natapos ay puwedeng ituloy na lang next meeting. Mabuti na lang ganoon dahil kung hindi, pakiramdam ko ay magkakasakit ako sa kakatutok sa PC.

I stretched my back after an hour of focusing on our activity. Eight months na ako as 1st year I.T student pero hindi pa rin ako sanay na tumatagal sa computer. Humahapdi ang mata ko kapag tumatagal. I closed my eyes for a minute to let it rest.

I clicked my inbox on my email when Jackson, my blockmate, sent his codes to me. My gaze turned to him but he was focusing on his computer. I copied it and paste on mine.

It worked.

I also emailed it to Steph because by judging to her look, halatang nangangamote at nangangapa siya.

"Perks of being maganda, 'no? Tinutulungan sa codes," bulong ni Steph na halatang nang-aasar matapos niyang makita ang sinend kong email.

"Hindi ko kasalanan na nagagandahan sila sa 'kin. Ano ka ba, ako lang 'to," I playfully flicked my hair to tease her.

"Oo ikaw lang 'yan, 'yong maganda pero hindi napapansin ng crush niya. Does he even know that you exist?" She smirked and continued coding. Gusto ko siyang sabunutan dahil wala man lang siyang support sa love life ko.

After our 3 hours in laboratory, finally ay uwian na. Nag-inat-inat pa ako dahil sumakit ang likod ko sa lamig. Napatigil ako sa ginagawa nang makitang papalapit si Calvin sa akin. Nanlaki ang mata ko at agad na dumaloy ang kaba sa akin.

"He's looking at me! He's looking at me!" Bulong ko sa kaibigan habang kinikilig. "Palapit na siya, oh my god!"

I fixed myself and cleared my throat. I was about to wave at him nang bigla niya kaming nilampasan. Binuksan niya ang glass door ng laboratory at doon ay kinausap ang prof namin.

"O, gaga! Assume pa more," she teased.

My smile faded. Halos gusto kong pasukan ng papel ang bunganga ni Steph dahil panay siya asar sa akin. Kasalanan ko ba? Paano kasi, nakatingin siya sa akin kanina kaya akala ko ako ang pakay niya. Akala ko pa naman mapapansin na niya ako.

Sinilip ko sila sa glass window. Hindi kami umalis doon dahil gusto ko siyang hintayin na lumabas. Gusto kong sabay kaming lalabas ng building na 'to.

"Tara," Hinawakan ko ang palapulsuhan ni Steph nang lumabas na si Calvin. Mabagal lang kaming naglalakad sa likuran niya, nagmumukha tuloy kaming spy.

"Napakahina mo naman kasi, galaw-galaw din. Paano ka mapapansin niyan?" Umirap si Ynna sa akin bago humigop sa kaniyang kape. Nandito kaming magkakaibigan sa coffee shop malapit sa school, tumatambay dahil wala pa kaming balak na umuwi.

"Gusto ko nga sana, kaso nakakahiya kaya. Paano kung mainis sa 'kin? Nakakahiya 'yon," nakangusong sagot ko. "Tingnan mo 'yong umamin sa kaniya dati parang wala lang sa kaniya. Palibhasa sanay na siya na maraming nagkakagusto sa kaniya."

"Ang nega mo. Hindi mo pa nga nasusubukan, e. Paano mo malalaman?" si Steph.

"Reject rejections. Kapag ayaw sa 'yo, kidnappin mo," walang kwentang sagot ni Nam na ikinangiwi ko.

Halos tungkol sa akin lang umikot ang usapan namin dahil sa pagkabaliw ko kay Calvin. Matapos naming tumambay sa coffee shop ay dumiretso na kami ng uwi. Bigla pang bumuhos ang ulan habang naglalakad ako papuntang bus stop kaya napatakbo ako.

"Bwisit naman," mahinang sambit ko habang pinapagpagan ang sarili. Inis akong tumingin sa paligid pero bumilis ang tibok ng puso ko nang makita si Calvin. Nandito rin siya nag-aabang ng bus. Shocks!

Nagtama ang tingin namin kaya naman nanlaki ang mata ko at mabilis na umiwas ng tingin. Naramdaman ko na lang na nasa harapan ko siya nang may nakita akong puting panyo.

"Here, help yourself," Inabot niya sa akin ang panyo. Ako naman ay nakatitig lang doon, nagdadalawang-isip kung kukunin ko ba o hindi.

"Just take it. It's clean," dugtong niya, nahihiya akong ngumiti at kinuha iyon. Pasimple ko pa itong inamoy kaya narinig ko siyang natawa kaunti. "You're soaking wet. You didn't have an umbrella?"

Umiwas ako ng tingin nang tumingin siya sa 'kin. Dahil sa taranta ay pinunasan ko ang aking mga braso habang ang puso ko ay naghuhuramintado sa kaba. Fuck! He's talking to me. Sana man lang ay binalaan niyo ako, Lord, para nakapag-ready ako.

"Uh.. W-Wala, e! Hindi ko alam na u-uulan," nauutal na sagot ko.

Napahinto ako sa pagpupunas nang dumating na ang bus. Pinauna pa niya akong umakyat bago siya na ikinakilig ng buong sistema ko. I sat on the two-seated chair beside the window. Nanlaki naman ang mata ko nang tumabi siya sa 'kin.

"I-Isasauli ko na lang 'tong panyo mo kapag nalabahan ko na," saad ko, tumingin siya sa akin at tipid na ngumiti.

"Okay!" maikling sagot niya.

Tumingin na ako sa bintana at lihim na ngumiti. I can't believe that this day happened. Ito na yata so far ang masayang araw ko as college student.

"Saan ang baba mo?" Biglang tanong niya matapos ang ilang minutong katahimikan.

"S-Sa North Avenue. Ikaw ba?"

"Sa Ayala lang." He replied. Tumango-tango ako. Okay lang kahit maiksi ang mga sagot niya, at least nakakausap ko.

Halos 20 minutes ang byahe bago huminto ang bus sa Ayala. Lihim naman akong sumimangot dahil bababa na siya. Kung bakit naman kasi taga-Makati siya, e! Ang layo-layo sa QC.

"Ingat ka!" Habol ko nang makatayo na siya, nakapila dahil may taong bumababa sa harapan niya. Ngumiti lang siya sa akin at tuluyan nang bumaba. Tuloy ay mukha akong tangang nakangiti habang nakatingin sa bintana.

Ang hirap ng in love.

Pagkauwi ay kinikilig kong inaamoy ang panyo ni Calvin bago labhan. May rason tuloy ako para makausap ulit siya bukas. Ano kayang magandang puwedeng sabihin?

'Thank you! Ang bango ng panyo mo.'

I shooked my head.

'Ito na ang panyo mo, Calvin! Treat kita ng lunch mamaya, okay lang?'

I closed my eyes and shooked my head again. Ugh, nababaliw na ako! Bakit ba pinaghahandaan ko ang sasabihin, e, ibabalik ko lang naman ang panyo?

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil excited akong pumasok. Duh, inspirado kaya 'to. Niligo ko pa 'yong Chanel perfume ko na tinitipid ko para lang mabanguhan siya sa 'kin.

"Samahan niyo na kasi ako sa Engineering department. Saglit lang, may ibibigay lang ako sa kaniya," pagmamakaawa ko sa mga kaibigan ko. Magkakasama kaming apat dahil lunch break.

"Ano ba kasi 'yon? Ang layo-layo kaya ng building nila sa 'tin. Kung love letter na naman 'yan, iwan mo na lang ulit sa desk niya kagaya nang palagi mong ginagawa," reklamo ni Steph.

"True! Tsaka hindi ka ba nagugutom? Kumain kaya muna tayo, 'no! After natin kumain tsaka na tayo pumunta sa kaniya." segunda ni Nam.

Wala na akong nagawa. Ngumuso ako at bumuntong-hininga. Sige na nga! Nagugutom na rin naman na ako pero... gusto ko talaga siyang makita. Daya naman!

Sabay-sabay kaming naglakad palabas ng campus habang nag-uusap 'yong tatlo. Ako naman ay tahimik lang, nag-iisip dahil 'di ko alam kung makikita ko pa ba siya ngayong araw.

"Buffet tayo, 2 hours naman ang lunch break namin," sabi ni Ynna. Pumayag na kami dahil sa totoo lang, magaganda 'tong mga kaibigan ko pero ang lalakas kumain. Ako rin pala.

Binati kami ng crew pagkapasok ng restaurant. Si Steph ang unang naglalakad kaya sinundan namin siya. Sa dulo kami umupo dahil iyon ang paboritong pwesto namin.

"Kami muna ni Nam ang kukuha ng pagkain," Tumayo na si Steph at Nam para kumuha ng makakain nila. Pagkatapos nila ay kami naman ni Ynna.

"Anong plano this week? Iinom ba?" tanong ni Nam nang makumpleto kami sa table.

"KJ naman 'yong isa d'yan," parinig ko kay Ynna habang iniikot ang pasta sa tinidor.

"Stupid! You know that I'm not allowed to drink alcohol. I have to maintain my weight and figure. Sama na lang ako, pero I won't drink, okay lang?" she beamed.

"May choice ba? O sige, Saturday night. G?"

Sabay-sabay kaming tumango sa sinabi ni Steph. Si Ynna ang taga-bantay namin palagi dahil kaunti lang siya uminom, madalas ay hindi talaga dahil baka daw mahirapan siyang sumayaw kapag tumaba.

Nag-aya pa silang maglibot saglit sa mall dahil hindi pa kami nakakaubos ng isang oras. Kating-kati na akong bumalik sa school para makita ko na siya ulit.

"Wala ka man lang binili? Poor naman," tanong sa akin ni Ynna. Nakapila kami ngayon sa cashier dahil bumili sila ng lipstick sa MAC.

"Marami na ako niyan," sagot ko, naiinip na.

Pagkabayad nila ay naglakad na kami pabalik ng school. Walking distance lang naman 'to kaya keri na lakarin.

"Tara na sa Engineering," aya ni Nam.

"Bakit? Don't tell me may lalaki ka rin doon?" Nakataas pa ang kilay ni Steph.

"Tanga mo! Samahan natin 'tong kawawang 'to, baka umiyak kapag hindi nakita 'yong bebe niya," Inakbayan ako ni Nam at pinuwersang maglakad papunta sa building nila Calvin. Kinakabahan ako na na-eexcite.

"Anong floor ba? Baka wala 'yon doon dahil break time," si Ynna. Ang alam ko two hours din ang lunch break nila.

"2nd. Maayos ba itsura ko?" Humarap ako sa kanila at ngumiti. Sila naman ay nakangisi lang kaya nainis ako. "Ano nga kasi? Nakakahiya kung magmumukha akong basahan sa harapan niya." I pouted.

"Amara, kahit nga wala kang make-up ang ganda-ganda mo na, ngayon pa kayang nakaayos ka? Saan ba banda dito ang mukhang basahan?" Hinawakan pa ni Nam ang baba ko at pinakatitigan ang mukha. Napangiti tuloy ako.

"Tara na! Nakaharang tayo dito sa hagdan, o! Wala man lang guwapong nadaan," reklamo ni Steph at naunang umakyat.

"Alam mo ba kung anong room? Bida-bida 'to nangunguna pa." Hinawakan ako ni Nam at Ynna para sundan 'yong isa. Napaka-reklamador talaga.

Huminto kami sa 2nd floor at bumuga ako ng marahas na hangin para pakalmahin ang sarili. Makikita ko na siya at makakausap ulit. Nakakakaba pala lalo kapag malapitan na.

"Dito lang kayo, 'wag kayong susunod." Mahinang sambit ko sa tatlo bago dahan-dahang naglakad patungo sa room nila.

Pa-simple naman akong sumulyap para tingnan kung nandito ba siya. Inilibot ko ang aking paningin sa bawat sulok ng room.  Nandito nga siya... pero may katabing babae, masayang nag-uusap. Nawala tuloy ang ngiti sa labi ko dahil sa nakita. Agad akong tumalikod at naglakad paalis dahil baka makita pa niya ako.

Sana pala nagpa-late ako ng dating kaunti para hindi ko sila nakita. Crush ba niya 'yon? Ang tamis ng ngiti niya sa babae.

"Ano? Wala?" tanong ni Nam nang makabalik ako sa kanila. Tanging iling lang ang naisagot ko. Nakakainis naman, panira ng mood.

"Balikan na lang natin mamaya. Break time pa kasi, e! Baka gumala kasama ang tropa," si Ynna.

Hinawakan na ako ni Nam sa kamay. Sa kabilang braso ko naman ay nakapulupot ang kamay ni Steph sa 'kin. Ganoon din si Ynna kay Steph. Naging harang tuloy kami sa hagdan habang pababa.

"Gusto ko nang matapos 'tong hell week na 'to. Nakakasira ng ganda, palagi akong puyat," reklamo ni Nam.

"Normal na 'yan sa mga archi students, hindi ka pa ba sanay? Plates pa more," asar ni Steph, inirapan lang siya ni Nam at nagpatuloy sa paglalakad.

Humiwalay na ang dalawa sa amin dahil iba ang building nila. Si Steph na lang ang kasama ko ngayon pabalik sa room namin. Parang nagutom ako ulit kakalakad.

"May quiz pala ngayon kay Sir Anton, 'no? Ngayon ko lang naalala," sambit ni Steph nang makaupo kami.

"Oo, nagreview naman na ako. Pero tara, review ulit." Tumango siya sa sinabi ko kaya kinuha ko ang aking binder para basahin ang lessons kahapon sa Web Application 1.

Pagkatapos ng kalahating minutong pagre-review ay dumating na si Sir Anton, nakangiti pa sa amin. Close ng karamihan 'yan dahil mabait at parang tropa-tropa lang. Medyo bata pa kasi.

Pagkatapos ng quiz ay nag-discuss ulit si Sir. Madali lang kapag tinuturo niya ang codes pero kapag actual nang gagawin, sumasakit ang ulo ko.

"Idi-discuss ko sa inyo ang CSS next week. Pero kung nalilito pa rin kayo sa previous lesson natin, we'll stick to our topic muna." ani prof habang tahimik kaming nakikinig sa kaniya.

Hindi pa nga ako marunong sa HTML, madadagdagan pa ng CSS. Another sakit sa ulo, sarap mag-drop!

"Amara, nakikita mo ba ang nakikita ko?" tanong ni Steph habang naglalakad kami sa hallway dahil uwian na.

Kumunot ang noo. "Ang alin?"

Ngumuso siya. Tiningnan ko naman kung saan nakaturo ang nguso niyang 'yon. Biglang sumakit ang dibdib ko nang makita si Calvin na masayang naglalakad kasama ulit 'yong babae kanina na katabi niya.

Wala na! Hindi ko na kailangang pumila kasi mukhang may nanalo na.

"Kilala mo ba 'yan?" tanong ko.

Umiling siya. "Hindi. Wala naman akong kilalang babae sa Engineering."

Tumango ako. Mukha na tuloy akong zombie maglakad dahil tinamad ako bigla. Dalawang beses ko silang nakita ngayong araw na magkasama. Sign na ba 'to na 'wag munang isauli ang panyo?

"Una na ako sa 'yo, Steph! Ingat ka!" paalam ko sa kaniya nang makalabas kami ng gate. Kumaway muna ako bago naglakad patungo sa bus stop.

Ang gulo ng panahon. Kahapon lang ay umulan bigla ng malakas. Ngayon naman, nakakasunog sa balat 'yong sinag ng araw. Hindi pa naman uso sa 'kin ang magdala ng payong.

Maraming taong nakatayo sa bus stop dahil iilan pa lang ang dumadaang bus. Nang may dumating na ay unti-unti na silang sumakay.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita si Calvin na nakapila para maka-akyat sa bus... kasama ulit 'yong babae.

Olats!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status