Share

Kabanata 2

"Anak, tumawag pala ang Ate mo, nangangamusta," sabi ni Mama habang kumakain kami ng hapunan.

"Dapat tinawagan niya ako, hihingi sana akong pang-allowance," nagtatampong sagot ko.

Bahagyang tumawa si Mama. "Ikaw talaga masyado kang spoiled sa Ate mo. Hayaan mo, bibigyan ka rin no'n."

Paanong hindi mai-spoiled, e, ako lang naman ang kapatid niya. Maski rin naman si Mama ay spoiled sa kaniya. Nasa ibang bansa ngayon si Ate at doon nagta-trabaho.

"Oo nga pala, galing na naman dito si Adler. Kailan mo ba siya papansinin, anak? Boto naman ako do'n para sa 'yo," sabi ni Mama na ikinasira ng mukha ko.

"Ayoko nga sa seaman, Ma! Ayoko ng LDR," simpleng sagot ko. Quality time ang love language ko kaya ekis siya sa 'kin. 

"Puwede naman kayong magtext o tawag, e! Mabait na bata naman 'yon si Adler, habulin nga lang ng bakla."

Bahagya akong natawa sa sinabi ni Mama. Totoo 'yon. Kahit noong estudyante pa lang siya ay habulin na talaga siya ng babae at bakla dito sa amin. Matangkad kasi tsaka moreno.

"May iba akong gusto, Ma! Huwag kang makulit d'yan, hindi ko type 'yon," nakangusong saad ko.

"Sino? Iyong kinukwento mo na crush mo na Engineering?" Tumango ako. Alam 'yon ni Mama dahil open ako sa kaniya. Hindi naman siya nagagalit kaya naging komportable akong magkwento sa kaniya tungkol sa buhay pag-ibig ko.

"Hina mo naman, anak! Hanggang ngayon hindi ka pa rin pinapansin? Akala ko pa naman magaling na manligaw ang mga babae sa henerasyon na 'to," umiling-iling pa si Mama.

Napakamot ako ng ulo. "Mukhang may iba kasi yata siyang nagugustuhan, e! Ico-confirm ko muna bago magback-out." May bahid ng lungkot na sabi ko.

Naalala ko tuloy sila. Ilang araw ko na silang nakikitang magkasama palagi sa school. Sinusundan ko nga sila minsan ng palihim, e! Madalas sila sa library, sabay na nag-aaral.

Nainggit ako bigla.

Sana makasama ko rin siyang mag-aral.

Kinagabihan, payapa akong nanonood ng K-drama sa laptop ko dahil hindi pa ako inaantok. Ito talaga ang hilig kong gawin imbis na mag-aral. Minsan, nakaka-guilty rin maging tamad sa pag-aaral, pero kasi nakakatamad talaga, e! Kahit anong pilit ko sa sarili, kung wala ako sa mood mag-aral, wala talaga. Hindi na mapipilit.

Lunes ng umaga, maaga akong pumasok dala-dala ang isang pink na papel. Masaya akong naglalakad patungo sa building nila Calvin para iwan ulit itong sulat ko sa desk niya na palagi kong ginagawa. Simpleng tula lang naman ang palagi kong binibigay na sana ay nababasa niya.

"Ayan, sana mabasa ka ng baby ko na 'yon. D'yan ka lang, ha? Huwag mong hahayaan na liparin ka ng hangin." Para akong tanga dahil nakangiti ako habang masayang kinakausap 'yong papel na nilapag ko sa desk ni Calvin.

"Aalis na ako. Stay ka lang d'yan, ha? Magandang tula ang isinulat ko d'yan," dugtong ko pa bago mabilis na lumabas ng room nila dahil baka may makakita sa akin.

Pagkabalik ko sa room namin, naroon na ang iilang kaklase ko. Nakangiti akong umupo sa puwesto ko at nilabas ang phone para libangin ang sarili saglit dahil matagal pa naman magsisimula ang first subject.

"Hi, Amara! Natapos mo na ba 'yong activity natin?" Tanong ni Jackson nang tumabi siya sa 'kin.

Ngumiti ako. "Hindi pa. Salamat pala sa codes, huh! Gagayahin ko na lang tutal paulit-ulit lang naman ang codes no'n. Sana matapos ko na mamaya."

Ngumiti rin siya. "Tutulungan kita mamaya para matapos mo. Patapos na kasi ako doon, e! Nakakaantok naman kung wala akong gagawin sa lab, 3 hours pa naman tayo do'n."

Tumango ako at ngumiti. Nakakatuwa talaga 'tong lalaking 'to. Kapag kasi nahihirapan ako sa lessons at activity namin ay ready to rescue siya. Nakakahiya pero 'yon ang pag-asa para makaraos. Hindi naman siya nanghihingi ng kapalit sa mga tulong na binibigay niya.

"Nakita ko 'yon. Anong pinag-usapan niyo, ha?" Mapang-asar na tanong ni Steph nang makapasok siya ng room.

"Wala! Tsismosa!" singhal ko, umirap ako at ibinalik ang pagbabasa ng codes na puwedeng magamit mamaya.

"Ay sus, wala daw. Nanliligaw na ba?" Tanong niya ulit.

"Hindi," bored na sagot ko.

"Ganoon? Sabagay, okay na rin 'yon. Alam ko namang ire-reject mo lang dahil hulog na hulog ka doon sa nerd na 'yon," walang pakialam na sagot niya.

My brow shot up. "Excuse me! Hindi siya nerd, 'no! Naka-specs lang nerd kaagad? Bobo nito!"

Tumawa naman siya na parang may nakakatawa sa sinabi ko. Alam niya na ayokong sinasabihan niyang nerd si Calvin pero ginagawa pa rin para lang maasar ako.

"Hintayin natin sila Nam at Ynna mamaya. Samahan niyo ako ulit kay Calvin," dugtong ko.

Nalukot naman ang kaniyang mukha. "Naku, ayan na naman. Ano ba kasi 'yang ibibigay mo't kating-kati kang pumunta sa kanila?"

Isinara ko ang aking binder at hinarap siya. "Basta nga kasi. Sabihin mo lang kung ayaw mo akong samahan. Dami pang sinasabi, e!"

"Oo na, sasama naman ako. Drama mo!" nakangisi pa siya kaya umirap na lang ako. Ganyan 'yan, puro reklamo pero hindi rin naman niya kami matitiis. Of course, we're besties.

Lumabas na kami ng room para pumunta sa computer lab dahil iyon ang next subject. Pagkatapos nito ay uwian na, nabuhayan tuloy ako bigla.

"Nagugutom na ako," sabi ni Steph habang nakanguso.

"Takaw mo! 3 hours pa tayo sa lab," natatawang sagot ko.

"Bili muna tayo saglit. Palagi naman nale-late 'yon si Ma'am, e!" Hinatak niya ako bigla kaya pati ako ay napatakbo na rin. Pagkabili niya ay agad naman kaming bumalik sa lab. Buti na lang wala pa rin 'yong prof.

"See? I told you!" bulong ni Steph nang makaupo kami. Sinimulan na niyang kumain habang ako naman ay inaaral 'yong codes. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makabisado, ang dami kasi. Kada basa ko ay nagshu-shuffle lang ang mga letters sa utak ko.

Lord, bakit po ba kasi hindi niyo ako ginawang matalino? Ang hirap tuloy mag-aral.

"I'll give you one hour to finish our last activity. Make sure na matatapos niyo 'yan dahil may bago akong idi-discuss sa inyo." Sabi ng prof.

Sinimulan ko na kaagad ang pagco-code. Nakita kong may nag-email sa akin kaya in-open ko 'yong tab. It was sent by Jackson. Puro codes lang iyon kagaya ng palagi niyang ginagawa. Lumingon ako sa kaniya at nang magtama ang tingin namin ay ngumiti ako.

"Salamat!" I mouthed, he just smiled and gave me a thumbs up.

Wala pang isang oras ay sa wakas natapos na ako. Ganoon din si Steph dahil iisa lang naman ang code na ginawa namin. Tulungan lang. 

Matapos ang walang sawang activity sa lab ay dinismiss na kami. Tinext ko sina Ynna at Nam na nandito sa kami sa tapat ng building nila. Hindi naman kalayuan iyon sa building namin.

"Last na 'to, huh! Siguraduhin mo lang na mabibigay mo 'yang balak mong ibigay." sabi ni Ynna habang naglalakad kami papunta sa building nila Calvin.

Ngumuso ako. "Oo na."

Sa gilid kami naglakad para natatakpan kami ng mga nagtataasang puno. Hinawakan ako ni Nam sa braso kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Ano?" iritadong tanong ko.

"Ayun 'yong hinahanap mo, o!" Sinundan ko ang kaniyang tingin. May kasama si Calvin na tatlong lalaki at dalawang babae habang naglalakad. Siguro ay mga ka-blockmates niya.

"Ano? Lalapitan ba natin?" nag-aalangang tanong ni Ynna.

Agad akong umiling. "Huwag na, nakakahiya! Tara na uwi na lang tayo," Hinila ko si Ynna kaya sumunod 'yong dalawa.

Hay! Malas!

"Uuwi na ako. Sa Sabado, ha? G na tayo d'yan," paalala ni Nam.

Tumango kami sa kaniya. Ako naman ay humiwalay na sa kanila dahil iba ang way ko. I was secretly hoping na sana ay makita ko ulit si Calvin sa bus station. Gusto ko na ulit siyang makausap kahit saglit lang. Kahit isang minuto lang.

Sadyang mapaglaro ang tadhana.

Nandoon nga siya pero kasama niya pa rin mga kaklase niya. Nagtatawanan pa sila na halatang nag-eenjoy kasama ang isa't-isa. Bumuntong-hininga ako at bahagyang yumuko para hindi niya ako mapansin.

"Napakatinik mo talaga, Calvin. Share mo naman secret mo kung paano maging habulin ng babae," rinig kong sabi ng isang lalaki.

"It's not my fault if they find me attractive. Mababait naman sila pero ayoko pa talagang mag-girlfriend sa ngayon. Lisensya muna bago girlfriend," sagot niya.

Awts pain.

"Even Ashley? Todo deny ka pa d'yan, e, halata namang may gusto ka do'n. Make your move, pare! Mauunahan ka niyan," asar sa kaniya.

"How about the mysterious girl you told us? Ang dami-daming nagbibigay sa 'yo ng sulat pero sa kaniya ka nahulog? Siguro ay magandang dilag 'yon, ano?" Mapanudyong asar naman ng isang lalaki.

Humigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag. Sino 'yong Ashley at mysterious girl na 'yon? Anong year? Anong course? Maganda ba 'yon? Kasi kung oo, may panlaban ako. Pero kung matalino, wala, talo.

Alat naman!

"Hindi ako nahuhulog sa kaniya. Natutuwa lang ako sa mga sulat niya kasi napakahiwaga. Among all the letters I always received, RR's letter was my favorite." he was smiling while saying those words.

RR? Sounds familiar. Ayun ba ang nickname niya sa mysterious girl na tinutukoy ng lalaki?

Nang may dumating nang bus ay inunahan ko silang sumakay dahil naiinis ako sa narinig ko. Bakit pala ako naiinis? E, hindi naman kami close. Hindi ko nga rin alam kung naaalala pa niya itsura ko dahil sa dami ng babaeng nag-aadmire sa kaniya.

Sa bandang unahan lang ako umupo para mabilis ako makababa mamaya. Pa-simple ko naman silang sinilip kung saan sila uupo at sa kamalas-malasan, dito pa siya tumabi sa akin. And to make it worst, katabi niya 'yong babaeng palagi niyang kasama. Tuloy ay nasa bintana lang ang tingin ko buong byahe dahil ayokong makita niya ako.

"Punta na lang ako sa inyo sa Sabado. Wala talaga akong naintindihan sa mga tinuro ni Sir," rinig kong sabi no'ng babae.

"Sige! Wala rin naman akong gagawin sa araw na 'yon. Hindi mo kasi iniintindi ang mga tinuturo sa atin," natatawang sagot niya. Naiinis ako pero hindi ko mapigilang hindi kiligin sa boses niya. Puwede ba 'yon? Nababaliw na nga talaga yata ako.

"Gusto mo sa coffee shop na lang para gala tayo after review?"

"Hindi kita matuturuan ng maayos kapag doon tayo mag-aaral. Sa bahay na lang, mabilis ka pa naman ma-distract kapag may nakikitang guwapo," seryosong sagot nito, tumawa naman ang babae at narinig ko ang paghampas niya sa braso ni Calvin.

Parang nadurog ang puso ko sa sagot niyang 'yon. Ayaw niya sa crowded places dahil hindi niya daw matuturuan ng maayos ang babae. Kaya sa bahay na lang nila, gano'n? Bakit gusto niyang sa bahay pa nila mag-aral? Puwede namang sa Lunes na lang doon sa room nila.

"Gusto mo pala si Ashley?" biglang tanong ng babae.

"Not really. Type ko lang dahil matalino. You know I like brainy girls," diretsong sagot niya.

"Para may kwentang kausap? Ayaw mo ba ng nilalandi ka? Daming lumalandi sa 'yo, o! Hina mo naman kasi."

"I told you, Bea, no girlfriend first. Tsaka wala pa sa plano ko ang sumubok ulit."

"Minalas ka lang doon sa babaeng 'yon, pero hindi naman lahat ng babae kagaya ng ex mo. May makikilala ka ring magpapatiklop sa 'yo, Calvin!" sabi ng babae na ikinatahimik niya.

Napapikit ako ng mariin. Just by hearing his words, I conclude that he's completely not interested committing into a relationship again. Hindi ko alam kung study first ba talaga siya o natatakot lang sumubok ulit magmahal.

Malakas akong bumuga ng hangin nang makababa sila. Pakiramdam ko ay hindi ako nakahinga buong byahe dahil sa kaba. Dapat pala hindi ako sumabay sa kanila sa bus. Kung bakit ba naman kasi sa tabi ko pa siya umupo, e!

"O, anong mukha 'yan?" bungad sa akin ni Mama nang makapasok ako ng bahay.

"Wala, Ma! Akyat na ako," pagod na sagot ko.

"Baliw, kumain ka muna. Nagluto ako ng ampalaya,"

I sighed. Bitter na nga ako ngayon dahil sa narinig ko kanina tapos bitter pa ang ulam. Pambihira!

"Sige po. Magbibihis lang ako."

Umakyat na ako sa kwarto at pabagsak na umupo sa kama. Nawalan tuloy ako ng gana kumilos. Bakita kaya gano'n, 'no? Kapag may nalaman ka sa taong gusto mo na ikasasakit mo, tinatamad kang kumilos. Or ako lang?

Pagkababa ko ay mukhang kausap ni Mama si Ate dahil nakatingin siya sa cellphone niya. Ngumiti naman siya sa akin at sinalubong ako sa hagdan dala ang kaniyang phone.

"O, eto na ang pasaway mong kapatid. Kakauwi lang," sambit ni Mama. Tumingin ako sa screen at doon ay nakita ko si Ate, nakangiti ng malapad na halos nakapikit na.

"Ate," masayang bati ko. "Kumusta ka d'yan? Puwede bang mag-request?" malambing na sabi ko.

Bahagya siyang tumawa. "Alam ko na 'yan. Pera na naman, 'no? Ikaw talaga napaka-gastador mo,"

Napanguso ako. "Iniipon ko kaya 'yon. Pero kung wala kang mabibigay, okay lang naman. May pera pa naman ako, e! Nagbabaka sakali lang," I laughed a bit.

"Sus, arte-arte mo. O sige, papadalhan ko kayo d'yan. May pang-grocery ba kayo? Baka naman ginugutom niyo ang sarili niyo d'yan, huh! Pag-uuntugin ko kayo ni Mama," she joked.

Of course, it was just a joke. Ganoon lang talaga kaming tatlo ka-close.

"May stock pa naman dito, Shaine! Ikaw ang 'wag magpapagutom d'yan," si Mama.

"Sagana ako sa pagkain dito, Ma! Huwag kayong mag-alala sa akin." Ngumiti si Ate to assure us na she's really okay.

Nagpatuloy sila sa pag-uusap habang ako ay kumain na. Nae-excite tuloy ako kung kailan magpapadala si Ate. Balak ko kasing bilhin 'yong pink na shoulder bag na nakita ko sa department store noong nakaraang araw.

Kinabukasan, nakita kong nakangiti si Steph habang may ka-chat sa phone niya pagkapasok ko ng room. Bahagya ko naman siyang hinampas kaya napatingin siya sa 'kin.

"Ang aga mong lumandi," asar ko sa kaibigan, nilapag ko ang aking bag sa upuan bago umupo.

Ngumiti siya. "Tangi, fling lang 'to para iwas boring. Hindi naman ako magpapadala sa kaniya,"

Ngumiwi ako. "Sus, scam 'yan. Marami akong nakikita sa F******k na fling lang daw pero may nararamdaman na 'yong isa. Kadalasan nga ghosted pa, e!"

"Trust me on this, friend! I can handle myself." She winked and focused on her phone again.

Panay ang tingin ko sa kaniya habang nakangiti siyang nagta-type. I wonder kung ganiyan din ba ako kapag dumating 'yong time na magkaka-chat na kami Calvin. Siguro ay abot langit ang kilig ko no'n.

Pero hanggang pangarap lang 'yon.

Nang maglunch break ay sabay-sabay kaming kumain sa cafeteria. Um-order ako ng two rice, pork steak at cola dahil sa sobrang gutom. 

"Hala, sorry!" gulat na saad ko.

Nataranta ako bigla nang hindi ko sinasadyang nasiko ang nasa likuran ko. Hindi naman 'yon masyadong malakas but I have to say sorry. Pero agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang si Calvin 'yon. Hawak-hawak niya ang kanyang tagiliran na nasiko ko.

Mukhang napalakas yata.

"Bro, okay ka lang? Bakit kasi hindi ka nag-iingat, Miss?" Tanong ng lalaking nasa likuran niya.

"Hey, stop! Okay lang ako. Don't scold a girl in front of everyone," awat ni Calvin.

I pursed my lips. "Sorry! H-Hindi ko naman sinasadya," I looked at him and he's also looking at me. Napaiwas tuloy ako dahil sa hiya.

"It's okay! You can go now," he assured. Tipid akong ngumiti sa kaniya at umalis na sa harapan nila. How embarrassing!

Kumain na kami nang maka-order na kaming apat. Mabilis pa din ang pagtibok ng puso ko dahil sa nangyari kanina. Mukhang hindi naman iyon nakita ng mga kaibigan ko dahil hindi nila ako tinanong.

"Anong oras tayo sa Sabado?" tanong ko.

"Mga 8 PM. Hanggang alas dose lang tayo, huh! Ayokong mangyari 'yong nangyari noong nakaraang bar natin," she sounds embarrassed the moment she remembered what happened in the bar.

Paano kasi, noong huling punta namin ng bar ay nagpakalasing siya. Sa sobrang lasing ay hindi niya sinasadyang nasukahan ang damit noong nakausap niya. Pinagbayad pa siya ng lalaki dahil bago daw iyong damit at binili pa sa Japan.

Tumawa ako at pinagpatuloy ang pagkain. Pa-simple akong tumingin sa table nila Calvin. Wala doon 'yong babae na kahit papaano ay ipinagpapasalamat ko.

Pero kahit 'di niya kasama 'yon, naiinis pa rin ako dahil alam kong magsasama sila sa bahay nila Calvin sa Sabado.

Ang sarap pala magwalwal sa araw na 'yon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status