Share

CHAPTER 2- Where to go?

CHAPTER 2- Where to go?

NATHANIA's POV

"Tanya! Dalian mo!" Sigaw ni Manager Nora mula sa labas ng kwarto. 

"Saglit lang po!" Inis na sigaw ko. Sa tatlong sumayaw ngayong gabi, ako ang pinili nung VIP. Kaya ako naiinis ay kinakabahan rin kasi ako. Sa loob ng pitong taon, ngayon ko lang 'to gagawin. Ngayon lang ako mag e-entertain ng customer. Ang usapan kasi namin noon ni Manager Nora ay hanggang pagsayaw lang ako--- yun din naman ang gusto ko. Pero yung VIP raw ngayong gabi, mapilit at nag bayad pa ng malaking halaga para saakin. Iba talaga kapag mayaman, nadadaan sa pera lahat ng bagay.

Suot ang high waisted shorts at puting spaghetti strap sando, lumabas ako ng dressing room. Paglabas ko, wala na doon si manager kaya naman dumiretso na ako kung saan ang room ng VIP guests. Sa labas ng VIP room ay may tatlong men in black na nakabantay, kausap ni Manager yung isa.

"Pasensya na, wala naman akong magagawa kung ayaw niya eh." Nagka-kamot na sabi ni Manager sa isang bodyguard. Nang lapitan ko sila ay napatingin sila sa akin. "Oh, yan na pala." 

Hinila ko saglit si Manager para magtanong. "Anong gagawin ko? Hindi mo naman ako tinuruan!" Mahinang sigaw ko kaya natampal niya ako sa pwet.

"Umayos kang bata ka, malaki ang ibinayad saakin ha!" Pinanlakihan niya ako ng mata.

"Magkano?" Umiling siya. "Magkano nga? Para naman ganahan akong--"

"Five hundred thousand!" Napanganga ako. 

"S-seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "G-ganon ba kadalasang kinikita mo kapag may ikina-kwarto sa amin?"

"Gaga, ito pa lang ang pinaka-malaki kong kinita kaya umayos ka. Huwag mo akong ipahiya." Bumuntong hininga ako sabay ngumiti.

"Magkano sakin?" Kumikinang ang mga matang tanong ko.

"P*****a ka, mamaya na natin pag-usapan at baka mainip yon sa kaka-hintay sayo. Bawiin pa yung pera!" Itinulak niya ako nang bahagya papunta sa pinto. Nandoon pa rin yung tatlong men in black, sobrang yaman siguro nung lalaki kaya kailangan ng taong magba-bantay sakanya. "Ito na siya. Huwag na kayong mag sayang ng oras na kapkapan yan. Tignan niyo naman yung suot niya, tingin niyo may paglalagyan pa siya?" Tukoy niya sa mga patalim, lason, baril o ano pang bagay na makakapatay ng tao.

Hindi na nagsalita 'yung lalaki at pinagbuksan nalang ako ng pinto. Bago pumasok ay huminga muna ako ng malalim. Pagpasok ko, dim lights ang tumambad sa akin. Patay ang TV kaya tahimik ang kwarto. Hindi ko alam kung bakit kahit sobrang nanginginig na ako sa lamig ay nagawa ko pa ring mag pawis. Nakaka-kaba! Paano kung gawin niya sa akin lahat ng gusto niyang gawin dahil nagbayad siya ng malaking halaga? Paano kung babuyin niya ang katawan ko? Paano kung--

"Will you just stand there like a fool?" A-ano daw? Shit. Isa pa 'to sa dahilan kung bakit ayaw ko mag entertain ng mga mayayaman, Ingles ang gamit nilang lengwahe! 

Tinignan ko lang 'yung lalaki. Gaya kanina ay naka de-kwatro rin siya ngayon, may hawak na sigarilyo sa kanang kamay at goblet na naglalaman naman ng alak sa kaliwa. Tinitigan niya muna ako sa mukha pagkatapos ay bumaba ng dahan dahan ang tingin niya sa hinaharap ko. 

Napalunok ako. 

Iba ang paraan niya ng pagtingin sa mga 'yon, malalamig ang mga tingin niya pero pakiramdam ko, para akong napapaso.

"Come here.." Utos niya. Magdadabog sana ako pero naalala ko, five hundred thousand nga pala ang binayad nito. Katulad ng sabi niya, umupo ako isang dampa mula sakanya. Pag upo ko, nagulat nalang ako dahil malamig siyang nakatitig sa akin.

"B-bakit?" Matagal siyang tumitig sa akin. Tinitigan ko rin siya pero tumingin na siya sa ibang direksyon sabay inom ng natitirang alak sa goblet niya sabay sabing..

"I didn't pay you to sit there." Aniya na nakapag patuyo sa lalamunan ko. 

"Sa-saan ba dapat?"

"Ikaw, saan ba dapat?" Agad akong napatayo at umupo sa tabi niya. Pinagpapawisan ako bwiset! Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi naman ako tinuruan!

Kailangan may pag usapan kami kung hindi, masasayang ang five hundred thousand niya at ang masama pa, baka bawiin niya! Jusko 'wag naman sana. Pang tuition fee rin 'yon ng mga kapatid ko! 

"U-uh.. w-what's your favorite c-color?" Kinakabahang tanong ko. Matalim siyang tumingin sa akin. Pinaglihi ba 'to sa sama ng loob kaya laging masama rin ang tingin?

Tinitigan niya ulit ako sabay dahan dahang bumaba ang tingin niya sa... labi ko. 

Dahan dahan siyang lumapit at nang konting espasyo nalang ang natitira sa aming dalawa, bigla niya akong hinigit gamit ang kanang kamay. At hindi ko namalayan na-- n-nakapatong na pala ko sakanya habang siya, naka upo sa sofa.

"U-uh.." S-shit, bakit biglang uminit dito sa kwarto? Pinagpa-pawisan tuloy ako ng malagkit! 

Hindi ako makatingin sakanya ng diretso dahil nahihiya ako. Nararamdaman ko kasi sa gitna ko yung k*****a niya a-at.. gumagalaw, p-parang nanlalaban. Grabe naman!

"Look at me.." Mahinang sabi niya. Hindi ko alam kung anong meron saababang boses niya pero napasunod ako nito. Tinitigan ko siya. "I want you." Aniya ngunit wala akong naging sagot kung hindi ang pag lunok ng naipong laway sa bunganga ko. Ano raw? He wants me?

Ibig niya bang sabihin, gusto niyang---

Nagulat ako nang marahan niyang hawakan ang batok ko at inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Akala ko ay hahalikan niya ako ngunit..

"I want you.. on my bed.. naked." Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa sinabi niya. At nang makaipon ako ng lakas ng loob ay dali dali akong umalis sa ibabaw niya at tumayo.

Malalim ang paghinga ko habang nakatingin sakanya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko!

"P-pwede na bang umalis?" Tinignan niya lang ulit ako bago nagsindi ng sigarilyo.

"Nagbayad ako ng malaki."

"S-sayo na yung pera mo!" Sigaw ko sakanya. Hindi naman ako nagagalit, k-kinakabahan pa rin ako.

Fck, five hundred thousand rin yon pero... hindi ko ibibigay 'ito' kapalit ng pera lang!

"Nagbayad ako ng kalahating milyon, tapos aalis ka?" Huminga ako ng malalim.

"K-kunin mo na yung pera mo. Hinding hindi mo ako makukuha." Inis na sabi ko sabay alis.

Ganon ba talaga ang mga mayayaman? Dinadaan sa pera lahat ng bagay? Dapat patas huy!

Iiling iling akong bumalik sa dressing room kung saan nadatnan ko si Manager Nora at ang ibang babae dito sa bar na nagtatawanan. Nang magtagpo ang mga mata namin ni Manager ay sinimangutan ko siya.

"Bakit nandito ka?" Nilapitan niya ako.

"Ibalik mo na sakanya yung pera! Napakayabang! Porket nagbayad ng malaking halaga, akala niya ibibigay ko 'to?!" Sa una ay tahimik pa sila pero makalipas ang ilang segundo..

"BWAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAH"

"Gaga ka! Ganon talaga ang mga 'yon!" Tumatawang sabi ni Elise. "Syempre nagtatrabaho ka sa isang strip club, anong iisipin nilang ginagawa mo, diba?"

"Hay nako, Tanya. Bata ka pa nga." Sinimangutan ko silang lahat. Nang mapatingin ako kay Manager ay naka hawak siya sa kanyang sentido.

"Five hundred thousand na, magiging bato pa yata." Saad niya. Naawa naman ako sakanya. Alam kong malaking halaga na rin 'yon para sakanya pero ibang usapan na kasi kung yung 'ano' na ang pinag-uusapan.

Sa akin ay okay lang kahit maghubad ako gabi gabi sa harap ng mga lalaki, huwag lang iyong iba ibang lalaki ang umaangkin sa akin. Kahit papaano ay may hiya pa rin ako sa sarili ko. Kahit 'yon nalang din ang matira sa akin.

Matapos naming mag usap usap ay umuwi na ako. Alas tres na rin ng madaling araw at sobrang inaantok na ako. Ite-text ko mamaya si Manager Nora na hindi muna ako papasok bukas ng gabi dahil kailangan ko ng sapat na tulog.

Pero yun ang akala ko. Alas nuebe nang umaga ay tumawag sa akin si Manager Nora at siya ay umiiyak.

"Ano ba kasi yun? Kumalma ka muna." Sabi ko habang nagda-damit. Natulog kasi ako ng n*******d.

"N-nakausap ko si Mr. Tyson, ipapa-sara na raw ang club." Humahagulugol na sabi niya. Si Mr. Tyson ang may ari ng bar na pinagta-trabahuan namin.

"Ano?! Bakit daw?!"  

"Yun nga eh, hindi ko alam kung anong dahilan niya basta tumawag nalang siya sa akin at sinabing isasara na raw yung club ngayon. Inuumpisahan na rin yata nila nilang gibain ngayon."

"Ngayon agad?! Teka, asan ka ba Manager?" Nilakasan ko nalang ang volume ng phone ko dahil magbibihis ako at pupunta sa club. 

"Nag aayos, pupunta ako ng club. Hindi pwede yung ganito!" 

"Makiusap nalang tayo kay Mr. Tyson, Manager." Maging ako ay naiiyak na rin. Pitong taon rin akong nagtrabaho sa club kaya biglaan ang nangyayari ngayon. Kung sakaling ipapasara nga talaga nila yung club, hindi ko na alam kung saan ako maghahanap ng magandang trabaho na kayang tustusan ang pag-aaral ng tatlo kong kapatid. Lalo na't sa sitwasyon ko, mahirap akong makahanap ng trabaho dahil elementary lang ang natapos ko.

Nagkita kami ni Manager sa club at nanlumo sa nadatnan. Wala na ang club, nagiba na. Hindi rin namin nadatnan si Mr. Tyson doon kaya hindi parin namin alam kung bakit biglaan naman yata ang pagpapasara niya ng club. Nagsidatingan ang mga ka-trabaho ko at maging sila, nanlumo at naiyak sa nakita.

3rd Person's POV

Habang umiiyak ang mga taong nawalan ng trabaho, may isang tao sa loob ng mamahaling sasakyan na nakangiti at tuwang tuwa dahil alam niyang konti na lang, makukuha na niya si Tanya.

@TarynGrace

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
Ayan hindi lang pinasara ang club sinira na ng tuluyan para lang makuha ka tanya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status