Share

Chapter 5

     Parang wala sa sarili Ng naglalakad sa pasilyo Ng ospital si Esmeralda. Kanina hindi nya makayang titigan ang anak sa pagkakahiga nito sa hospital bed.

     Bilang ina nadudurog ang puso nyang makita ang kalunos lunos na itsura Ng pinakamamahal nyang si Gio. Kung pede nga lang siya ang pumalit sa kalagayan Ng anak.

     Sobrang sakit pala sa puso na makita mo sa ganung kalagayan ang murang katawan ng anak mo,Parang pinupunit ang puso mo. 

   Di namamalayan ni Esmeralda na tumutulo na luha nya, at bawat makasalubong nya sa pasilyo Ng ospital ay naaawang napapasulyap sa kanya.

  Tumigil si Esmeralda sa harap ng chapel Ng ospita at humakbang papasok na patuloy na pag agos Ng luha. Akala nya wala na siya mailuluha pa.

    Pero paulit ulit na nagsasalimbayan sa kanyang alaala ang isang masayahing Gio na tuwing umaga pumapasok sa silid Ng kanilang asawa at ginigising siya sa mga halik nto.

   Kusang napaluhod si Esmeralda pagkalapit sa altar ng chapel at napatingala sa nakasabit na crusifix na may imahen ni Jesus Christ.

"Panginoon, iligtas mo po ang anak ko, nagmamakaawa po ako, sobrang Mahal po namin si Gio,pls save my baby Gio..as a mother I cannot bear to see my child on that condition.. maawa ka po sa anak  ko Panginoon...Sana po magising na si Gio..nagmamakaawa po ako..Parang awa mo..hindi ko makakaya kung mawawala ang anak ko..panginoon lahat po gagawin ko, ilalaan ko buong buhay nya sa paglilingkod sayo makaligtas lang siya.nagsusumamo ako sayo..kahit ako na lang kunin mo kapalit ng anak ko..bulong ni Esmeralda na walang tigil ang agos Ng luha sa mga mata.

    Matagal sa ganung posisyon na nakaluhod na lumuluha si Esmeralda, hindi pa sana siya tatayo kung hindi sa hapding naramdaman sa isa nyang tuhod dahil sa isang bagay na hindi nya napansin na kanyang naluhuran sa panlalabo Ng mata dahil sa mga butil Ng luha umaagos sa kanyang mata.

    Wala sa loob na dinampot Ng kanang kanyang kamay ang bagay na kanyang naluhuran, isang kwentas pala na may pendat na metal.

    Binasa Niya ang nakasulat sa metal pendat ng kwentas. St. Thadeus Seminary.

.............................

Sa loob ng Pediatric ICU:

Panay ang tingin ni Nicolas sa relong relox sa kanyang bisig, alas nueve na Ng gabi pero di pa bumabalik ang asawa., 

Magdadalawang oras na ang nakararaan mula Ng magising siya ngunit di pa bumabalik ang asawa nya,nag aalala nitong bulong sa sarili habang nakaupo sa sofa.

"Yaya Celia!" Mahina nitong tawag sa yaya Ng anak, 

Agad lumapit si Aling Celiasa among lalaki.

"Susunduin ko muna asawa ko sa chapel, dito muna kayo ni mang Vener" may pag aalala nitong sabi.

"Sige anak at kanina pa siya umalis, hindi pa kumakain ang batang un" may pag aalala rin sabi nito.

"Kung kami na lang kaya ni mang Vener ang sumundo?" Suhesyon nito sa among lalaki.

"Ako na lang po yaya" babalik agad kami, pakibantayan na lang po si Gio, kung anuman mangyari, pindutin mo lang ang button direkta yan sa nurse station at sa dr ni Gio" paliwanag nito sa yaya Ng anak.

"Ako na bahala anak, sunduin mo na asawa mo at kung baka ano na nangyari dun, medyo mahina pa katawan ni Esmeralda" sagot ni Aling Celia.

Lumabas na Ng pediatric ICU room si Nicolas at binaybay ang pasilyo patungo sa chapel Ng ospital.

Nahabag siya sa nakita, nakahiga sa mahabang upuang kahoy ang asawa na nakabaluktot.hindi na Niya alam ang gagawin sa asawa. Alam nya na Mahal na Mahal nito ang aming anak pero hindi Naman siguro tama na pabayaan nito ang sarili.

Lumapit siya sa upuan kung saan ito nakahiga at naupo sa bandang ulunan nito.. mapatiimbagang si Nicolas Ng makita ang mga butil Ng luha nito na nasa pisngi na Ng asawa, Nadudurog ang puso nya sa itsura Nito

Marahan nyang pinahid ng palad nya na puno ng pagmamadali ang natirang luha nito sa pisngi Ng asawa.

Naramdaman ni Esmeralda ang may pagsuyong paghaplos sa kanyang pisngi, dahan dahan siyang nagmulat Ng mata at nabungaran Niya ang imahe Ng asawa na Makikita sa mata ang pag aalala sa kanya.

"H..hon?" Mahina nito sambit sa namamalat na boses.

"Tara na, bumalik na Tayo kay Gio, hindi ka pa kumakain Ng dinner" 

Inalalayan ni Nicolas na bumangon ang asawa at umayos ng pag nakaupo, pero hindi agad tumayo si Esmeralda.

"Hon, si Gio, hindi ko kaya kung mawawala si Gio, please do something to your son" at yumakap ito sa asawa.

Nicolas made a long sigh.."Gio will be fine, he will survive  and he will wake up soon" pang aalo nito sa asawa habang nakayakap at hinihimas ang likod upang pagaanin ang kalooban ng asawa.

  Tango ang sinagot ng asawa, at tumayo na sila.. Alalay ni Nicolas ang asawa na lumabas ng chapel pabalik ng ICU. 

Habang naglalakad, napansin ni Esmeralda ang kwentas na nakita nya sa loob ng chapel na hawak nya hangang sa makaidlip sa upuan, inilagay nya iyon sa bulsa Ng kanyang pants at nakahawak sa bewang ng asawa ipinagpatuloy ang paglalakad.

Malapit na sila sa silid Ng anak ng mapansin Nila ang mga nagmamadaling mga nurses Kasama ang nuero surgeon na naka assign sa anak na lumampas sa Kanila at pumasok sa silid Ng anak.. 

Nagkatinginan ang mag asawa na may pag aalala sa kanilang mga mata.

"Hon si Gio" baka kung ang nangyari sa anak natin,garalgal na boses ni Esmeralda.

Imbes na sagutin ang asawa, binilisan Nila ang paglakad,malapit na sila sa pinto Ng silid Ng makita Nila si mang Vener at Aling Celia na umiyak.

"Ma'am, sir si Gio",umiyak na sambit nitong sambit sa mag asawa ng makalapit.

"Bakit ano nangyari kay Gio yaya? Medyo hesterikal nitong tanong kay Aling Celia.

"B..Bigla po nagmulat Ng maya tapos nangilig buong katawan kaya pinindot ko agad ang button sa nurse station at doktor nya" umiyak nitong paliwanag.

"G..Gio," hysterical nitong sambit at akmang papasok Ng silid ang mag asawa ng harangin sila Ng nurse.

"Ma'am, sir I am sorry but you are not allowed to enter, the doktor is alreading attending your son, just wait for a moment" apologetic na sika Ng male nurse.

Walang nagawa ang mag asawa kung hindi mag antay sa labas Ng ICU.

"Hon, si Gio" iyak ni Esmeralda habang nakayakap sa asawa..

"Hush..he will be fine," at niyakap Ng mahigpit ang asawa sa pag aalalang muli itong mag collapse.

Makalipas ang ilang sandali lumabas na ang nuero-surgeon.

 "Dok what happen to my son?" Agad na taong ni Nicolas. 

"Your son has having some convulsion, it's a sudden, violent, irregular movement of a limb caused by involuntary contraction of muscles associated  with brain trauma he experienced."

"What do you mean dok? Tanong ni Nicolas sa doktor.Hindi nya maintindihan sinasabi nito, masyado na siya pre-occupied ng pangyayari, Parang hindi na nya kaya ang mangyayari pa sa anak.

"It's a good sign chairman. I don't want to give precise prognosis but if he wakes up tom or the day after tomorrow your son will surely survived." Let us hope for the best chairman Ricablanca"

"Is there anything you can do or precise prognosis to the condition of my son?" Sabay sulyap nito sa nakaratay na anak.

Napabuntung hininga ang doktor.

"Let's just wait for your son to wake up, thats the time I will give a precise and conclusive prognosis chairman" may simpatiya nitong turan.

"That's for now chairman, and if you'll excuse us., At tuluyan na ito lumabas Ng silid.

Impit na napaiyak sa pagkakayakap si Esmeralda sa asawa ng marinig ang tinuran Ng doktor.

Mahigpit na niyakap Ni Nicolas ang asawa,Buo na loob nya,dadalhin nya ang anak sa ibang bansa upang ipagamot.

Nang gabing iyon, tinawagan nya ang company  pilot upang ihanda ang private plane na pag aari Ng mga Ricablanca.,maging ang kanyang connections sa ibang bansa para ma expedite ang travel documents nilang mag anak.

"Baby,pls fight for mama and papa..pls wake up my baby..mahinang salita ni Esmeralda habang Impit na umiyak habang hawak ang kamay Ng anak. Kahit ayaw na nyang umiyak kusang nalalaglag ang mga luha sa mata Niya kapag nakikita nya kalagayan Ng anak.

Napabuntung hininga si Nicolas Ng makita ang asawa na nakasubsub sa kama Ng anak ang asawa na hawak ang kamay Ng anak.

Lumapit siya dito at inihiga sa katabing kama Ng anak., Na pinalagay Ng kanyang asawa upang malapit sa anak.

Pagtapos nya ito kumutan ay nahiga na rin siya sa Malaking sofa, Ayaw nya sa Malaking kama para sa Kanila dahil hindinsiya sanay na hindi katabi ang asawa. Pinauwi nya muna sina Aling Celia at mang Vener upang ihanda ang gagamitin Nila sa byahe kinabukasan.

   

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status