Share

Chapter 2

MARA

"What's your address, Miss?" Hindi ko na alam kung sino ang haharapin ko sa kanilang lima. Idagdag mo pa ang batang babaeng kanina pa nakatingin sa akin. Ba't pa kasi kung kailan gusto ko magsaya, saka naman aandar ang sakit ko. Hindi 'to sakit, sumpa 'to.

"Hindi nga ako taga-rito sa Manila, dinala lang ako ng pinsan kong babae do'n sa bar kasi sabi niya may opening daw ng trabaho do'n." Sabay silang apat na napatampal ng noo dahil sa sinabi ko. Maliban sa isang lalaki na halos lamunin na ako ng buhay. Ganiyan ba 'ko kasarap, Attorney?

Yes, naalala ko pa ang nangyari no'ng araw na 'yon bago ako tuluyang nawalan ng malay. Naalala ko pa ang katarantaduhang sinabi ko—bagay na siyang ikinahihiya ko.

"Okay, Miss Mara, bakit ka napadpad dito sa siyudad?" Biglang sumagi sa isipan ko ang mga dahilan kung bakit ako nandito sa Manila. Halata ang interes sa mga mata ng apat na lalaki pati na rin ang batang babae, maliban sa lalaking kanina pa nakaekis ang kilay sa'kin. 'Yong totoo, pinaglihi ba 'to sa sama ng loob? Gwapo nga, tigre naman.

"Okay, mic test. One, two, thr—"

"We're not kidding. So stop that bullshit, Miss." Wala sa'kin ang tingin niya ngunit alam kong ako ang kausap niya. Nakita ko rin kung paano siya siniko ng katabi niyang kaibigan bilang pagsaway sa sinabi niya sa'kin.

Biktima 'to ng ghoster saka cheater. Mukhang pinaglihi na rin sa ampalaya at papaitan. Sarap sungalngalin ng sandok ang ganitong klaseng tao, walang pinagkaiba sa pinsan kong payaso.

"Napadpad ako dito sa Manila kasi kailangan ko ng trabaho. Kailangan kong magtrabaho sa edad na 19 para lang mabuhay. Pero hirap ako sa paghahanap dahil hindi ako nakapag-aral ng senior high school." Ramdam ko ang pag-init ng aking mata dahil sa emosyong naglalaro sa'kin.

"Kung itatanong niyo kung nasa'n ang mga magulang ko? Matagal na silang patay. Namatay sila nang hindi ko nalalaman. Dahil ilang buwan akong tulog, saktong naospital din si Nanay sa dengue na  dahilan ng stress ni Tatay. Pero sa huli, silang dalawa ang nawala sa'kin. Paggising ko, wala na sila. Dalawang kabaong na ang nakabungad sa'kin pagmulat ko." Tumalikod ako sa kanila para sana punasan ang luha ko nang biglang may sumulpot sa harap ko at nagbigay ng panyo. Kinuha ko ito at hindi na nagpaligoy-ligoy pa. Singa agad.

"Alam mo ba na kung sakaling hindi ka nahiwalay sa pinsan mo, paniguradong isa ka na sa mga babaeng halos nakahubo't-hubad sa harap ng maraming tao? Kasi sa pagkakaalam ko, bayarang babae ang hinahanap nila. And you're not suit for that kind of job Mara," simpleng ngiti at mahinhing sabi no'ng lalaki na may katabing batang baabe. Natuwa ako dahil sa narinig ko sa kaniya. Mayroon pa pa lang ganitong lalaki? Halatang edukado ang mga lalaking 'to, maliban sa isa.

"Ba't hindi ka na lang lumabas sa bahay na 'to at tuluyan nang umalis? I won't even believe what you've said earlier because we're not interested in you," sabat ng lalaking animo'y kanina pa talaga ako gustong palayasin. Dinuro niya pa ako na para akong isang maruming  tao na napulot sa tabi-tabi.

"Sinabi ko ba na dapat maniwala ka? Attorney ka pa man din pero hindi ka marunong makinig. Palibhasa hindi lang ako pumayag na ikama mo 'ko e! 'Kala mo nakalimutan ko 'yon?! Sabi mo gusto mo 'kong paligayahin sa kama mo! Bakit may pagkain ba sa kama mo—WAAAHHH!” Umalingawngaw ang napakalakas kong tili dahil sa ginawa niya. Lahat ay gulat, isama mo pa ang batang babae na sobrang tinis ng tili.

Hayop talaga 'tong lalaking 'to! Puputulan talaga kita ng puhunan, gago ka!

"Potangina mo, Attorney! Ibaba mo ako! B@ka malaglag ako tapos ulo ko ang mauna! Tapos....tapos baka mayupi ang bunbunan ko!" walang tigil na sigaw ko dahil sa ginawang pagbuhat nito sa akin na parang sako. Napatingin ako sa apat na lalaking nasa likuran. Baliktad pa rin ang paningin ko. “Anong tinitingin-tingin niyo diyan?! Baka itapon ako ng kaibigan niyo mga hunghang! Pigilan niyo siya!” Nanatili silang nakatingin sa akin na para bang walang narinig.  Ni hindi man lang ako tinulungan ng apat! Aba, pasalamat siya't hindi ko na matandaan ang pangalan niya! Basta natatandaan ko lang 'yong sinabi niyang Attorney sila.

"Hoy, ano na?! Hindi niyo man lang ba ako tutulungan?" Alam kong gusto nila akong lapitan pero hindi nila magawa dahil nakaharang ang payatot na lalaki sa gate. Yabang-yaba mong attorney ka! Akala mo kung sinong may malaking katawan, e tinalo pa nga kapayatan ng mga malnourished!

"At ikaw, payatot na Attorney! Gwapo ka lang pero hindi ka macho! Kapag ako talaga nakahanap ng matitirhan, who you ka sa'kin! Adios!" Padabog akong umalis sa harap ng gate nila at naglakad kahit nakapaa. May araw ka rin sa'kin, payatot!

Ilang oras na'kong naglalakad kaya ramdam ko ang sakit sa dalawang paa ko. Ikaw ba naman maglakad ng nakapaa. Paniguradong puro na kalyo ang mga paang 'to bukas.

"Hey, Miss! Wanna have some fun with me tonight?" Taas-kilay kong hinarap ang lalaking may kasamang dalawang babae na grabe kung makayapos, dinaig pa ang ahas at linta. Pati ba naman dito nakakalat pa rin lahi ng pinsan ko, puro payaso.

"Para malaman mo, Mister, wala akong balak pumatol sa lalaking hayok sa babae! Kung gusto mong magsaya, e 'di magsaya ka hanggang sa mamatay ka. Hayok kang gago ka!" I raised my middle finger before I turn my back. Nagawa niya pang mag-aya sa ganitong katulad kong mukhang nakatakas sa mental.

"Baliw yata 'yan."

"Saang mental hospital ba 'yan galing?"

"Legit. Mukha siyang babaeng nakatakas sa mental."

"Taga-saan kaya 'yang babaeng 'yan?"

Chismisan nilang apat.

“Excuse me, ate! Ang lakas mo manghusga sa'kin e tinalo pa ng blush on mo 'yong kulay ng floorwax namin!”

Ang tanong, may floorwax ba?

"Aba, may balak pang sumagot. Hindi niya yata alam kung sino tayo sa lugar na 'to." Nagsitawanan ang mga kasama niyang babae maging ang lalaking katabi ng isang babaeng kulay bronze ang buhok. Oh, 'di ba? Tinalo pa ng buhok niya ang kulay ng tanso sa kalakalan.

"Hindi ako interesado," singhal ko saka tumalikod mula sa gawi nila. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo nang biglang may humablot sa braso ko. Pagkatapos no'n ay inihagis ako ng babaeng mataba sa lalaki kanina kaya ganon na lamang kadali para pagsampal-sampalin nila ako. Napadaing ako nang hinigpitan ng lalaki ang pagkakahawak sa dalawa kong braso.  Hintayin niyo 'kong makawala dito, talagang kakalbuhin ko ang mga buhok niyo pati kilay! 

"TOUCH HER AGAIN, YOU’LL SURELY MEET ME IN THE COURT." Napabitiw ang lalaki sa pagkakahawak sa braso ko matapos marinig ang boses ng lakaking kinaiinisan ko. Ganoon din ang mga babaeng kanina lang ay grabe kung bugbugin ako. Seryoso?! Itong payatot na 'to lang ang magpapatigil sa kanila?!

Napalingon sila sa payatot. “Attorney Salvacheera...” sabay-sabay nilang saad sabay takbo. Ano bang mayroon sa mga taong 'to? Kung makatakbo sila akala mo kakainin ng buhay.

"Psh. Laos na nga ugali mo, laos pa linya mong pamatay."

Taas-kilay naman akong napatingin sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Dahil sa kaniya kaya ako nabugbog ng mga taong 'yon! "Kita mo na? Dahil sayo nabugbog ako! Buti na lang hindi masyadong masakit! Sana masaya ka nang nakikita akong ganito!" Tinalikuran ko siya't nilagpasan na parang wala lang.

"Tangina niya! Baka natatandaan niyang siya ang nagpalayas sa'kin sa bahay na 'yon! Ang damot-damot e hindi ko naman nanakawan bahay nil—" Hindi ko na natuloy ang pagdada dahil sa ginawang pagbuhat nito sa akin. "WAAAHH! PUNYETA KA TALAGANG PAYATOT KA!"

•••

RaineeeNeee

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mary Ann Petalver Oblanca
I haven't finish ti read this but I wish that have a nice ending
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status