Share

Chapter 4

MARA

"Grabe naman kayo makatingin sa'kin! Hindi ko naman alam na paborito niyo pala 'yong chocolate cake na 'yon e! Saka hindi naman kasi sinabi ni Ley na 'yon nga..." Hindi ko alam kung sino ang haharapin ko. Hindi ko alam kung kaninong matatalim na mata ang sasalubungin ko. Halatang galit at inis sila sa'kin, nakikita ko sa mga mata nila. Sinabi ko naman na babayaran ko e! Hindi nga lang ngayon, baka next  next year.

"You can eat those ube cakes or whatever naman. Bakit 'yon pa? It's our only gift from Ate Leyvi. Hindi nga namin 'yon kinain para lang gawing remembrance e!" Napanguso pa ang lalaking may katangkaran din na katabi no'ng lalaking mukhang hapon. Mas lalong kumorte ang ganda ng labi nito nang ngumuso siya. Ba't ang cute niya? Gusto ko magkaroon ng ganiyan ka-cute na kapatid. Halata namang bata pa siya.

"Stop that childish act, Kal! It doesn't suit your age," asik naman ng lalaking mukhang hapon. Napatampal na lang ng noo ang lalaking katabi ni Ley dahil sa inasal ng dalawa. Hindi ko talaga kilala ang mga apat na 'to, isang tao lang naman ang kilala ko dito. Si payat! Saint Salvacheera.

"Kal and Callip, stop it. And please, stop mentioning her name." Umaksyon pa si Kal na animo'y may isasarang zipper sa bibig niya. Kahit si Callip at ang lalaking mukhang hapon ay napatahimik dahil sa seryosong tono ng pananalita ng lalaking katabi ni Ley. Ba't ba ang suplado ng mga 'to? Halatang pinaglihi sa ampalaya.

Wala na akong ibang magawa, bukod sa titigan silang lima. Si Saint na nakatingin pa rin sa'kin pero parang gusto na akong kainin ng buhay, si Kal at Callip na naghaharutan na para bang unggoy na ngayon lang pinakawalan, at 'yong lalaking mukhang hapon at ang lalaking katabi ni Ley na marahang nag-uusap. Tanging si Ley at Saint lang yata ang nakatutok sa bawat galaw ko. Tumikhim muna ako para kahit papaano ay maagaw ko ang atensyon ng iba sa kanila.

"Ahm... pwede ko bang malama—"

"Of course, I'm Atty. Kalister Savillan."

"I'm Atty. Yoshi Satoshami."

"And I'm Atty. Callipeigh Han Salvaro!"

Nagtaka ako maging ang iba naming kasama dahil sa mga pinagsasabi nilang tatlo. Hindi ko alam kung bakit sila nagpapakilala, hindi ko naman tinanong. Hindi ba talaga nagdodroga 'tong mga 'to?

"Nagpapakilala kayo because?" Sabay silang tatlong napakamot sa kani-kanilang batok. Astig. Marunong pala mahiya 'tong mga 'to?

"I thought you are going to ask 'pwede ko bang malaman ang mga pangalan niyo?''" Napahalakhak ako nang marinig ko ang panggagaya niya sa boses ko. Naging mas katawa-tawa at lalong pumangit tuloy pakinggan dahil sa ginawa niya. Mukha siyang kambing na naipit.

"HEHEHEHEHEHEHEHE! Omyghad!" Ganon-ganon na lang kaming lahat napalingon sa gawi ni Ley na bigla-bigla na lang humalakhak. Halakhak siya nang halakhak, ni hindi niya nga napansin na nakatingin na kaming lahat sa kaniya. May mga saltik siguro utak ng mga tao dito. Pati tuloy bata nahawaan.

"Ahm, hindi naman 'yon ang itatanong ko e. Itatanong ko lang sana kung saan ang Cr niyo rito. Kanina pa ako naiihi." Napahawak pa ako sa bandang tiyan ko dahil pakiramdam ko bumibigat ang matris ko. Kanina ko pa 'to pinipigilan!

"Alright. Hezian, ituro mo kay Mara kung saan ang Cr. Take your time, honey." Tinanguan muna ako ni Ley bago siya sumagot sa lalaking nag-utos na samahan ako.

"Yes, Dad. Come on, Mom!" Kitang-kita ko kung paano namilog ang mata nilang lima dahil sa huling sinabi ni Ley. Sa halip na ito ang makaramdam ng hiya, parang ako pa ang nakaramdam niyon. Halos maging pula ang mukha ko lalo na no'ng patanong nila akong tinignan.

"Hey! Let's go!" Hindi ko alam kung dapat na ba akong magpasalamat sa batang 'to o dapat na kainisan. Hindi ko naman kasi inaasahan na tatawagin niya akong Mom sa harap ng mga lalaking 'yon at sa harap mismo ng daddy niya. Ano na lang kaya ang iisipin ng mga 'yon? Baka isipin nilang pinilit ko ang bata na tawagin ako ng gano'n kahit ang totoo'y hindi naman talaga!

Hindi na pamilyar ang nadadaanan ko dahil hindi ko pa ito nadaanan kanina no'ng papunta kami sa kusina. Napakalaki at napakaganda ng bahay na ito. Halatang mga mayayaman ang may-ari.

"Diyan ka lang ah, 'wag ka aalis." Tumalikod na ako sa gawi niya at pumasok sa loob ng Cr. Mas lalo akong namangha nang makita ang loob nito. Nagkikinisan at nagkikintabang baldosa. Idagdag mo pa ang bangong kanina pa humahalimuyak.

Ilang minuto lang ay lumabas na agad ako ng Cr. Saktong pagsara ko ng pinto ay siya ring paghila ng kung sino sa braso ko. Napakabilis ng pangyayari, ni hindi ko nga nakikilala kung sino ang taong 'yon. Muli niya akong ipinasok sa Cr at agad na isinandal sa pader. Doon ko lang tuluyang nakilala kung sino ang taong humablot sa braso ko.

"Sinabi ko naman sa inyo e, babayaran ko 'yong cake na nakain ko kanina. Hindi naman ako tatakas kaya 'wag mong gawin 'to. Ayokong mawala ang virginity k—"

"What the hell! I'm not going to rape you or something. I'll give you a deal." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Deal? Or no deal?

"Anong deal ang pinagsasabi mo r'yan? Alam kong ginagawa mo lang 'yan para makaganti sa'kin! Sinabi ko na kanina pa na BABAYARAN.KO.ANG.CAKE.NA.KINAIN.KO. Hindi ako tatakas, Attorney, okay?" Gano'n na lang ang gulat ko nang bigla niyang pinitik ang noo ko. Aba! Tangina nitong payat na 'to ah! Lalo tuloy lalaki mga tigyawat ko!

"Can you please shut your mouth for a while? Just listen!" mariin niyang sermon. Wala na'kong ibang nagawa kundi ang tumango bilang pagsang-ayon.

"I'll pay the cake you ate. I will take care of your expenses or bills but in one condition..." May sumaging kakaiba sa isip ko dahil sa sinabi niya.

"Na ano?! Gagawin mo 'kong sex slave gaya ng nababasa ko sa W*****d?! Ayoko! Ako! At ayoko—" Hindi ko natapos ang dapat na sasabihin ko dahil sa ginawa niya.

"Hoooyy! Bakit mo ginawa 'yon! Gago ka talagang payatot ka! 'Yong first kiss ko huhuhu!" pagngawa ko. Paano ba naman kasi, 'yong pinakaiingatan kong first kiss ay bigla na lang nawala sa isang iglap dahil sa payatot na 'to! Muli niya akong isinandal sa pader na baldosa habang ang dalawang braso niya ay nakaharang sa magkabilang gilid ko.

"I'm here to give you a deal, Margarette Leora. Do you still remember the day you asked me to be your husband? I still remember that, Mara." Ginawa niyang mapanghibo ang kaniyang boses habang ibinubulong ang mga iyon sa akong tainga dahilan upang magsitayuan ang mga balahibo ko.

“Hey! May I know your name, Miss?” tanong ni Saint sa babaeng nakayapos sa kaniya. Napakaingay pa rin sa loob ng bar kaya sinadya niyang lakasan ang kaniyang boses para marinig siya nito.

“I’m Margarette Leora. Just call me Mara. Ikaw? Pwede ko bang malaman ang pangalan mo, Attorney?” Halos magputol-putol na nga ang mga salitang lumalabas sa kanilang bibig buhat ng sobrang kalasingan ngunit nagagawa pa rin nilang magkaintindihan.

Inilapit naman ni Saint ang kaniyang bibig sa tainga ni Mara. “I’m Atty. Saint Salvacheera...” sabay halik sa tainga nito. Tanging daing lang ang nagawa ni Mara hanggang sa may sumaging kalokohan sa kaniyang isipan. Kinuha niya ang dalawang kamay na nakayapos sa leeg nito at dahan-dahang pinagala sa dibdib nitong malapad.

“Oh, I like that Mara! Wanna have some fun on my bed?” Isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa bibig ni Mara dahil sa sinabi nito. Interesting.

“Of course. Pero bago ‘yan, kailangan mo munang sagutin ang itatanong ko. Game?”

“Game!” Ginaya niya ang ginawa ng binata sa kaniya kanina sabay halik sa tainga nito. Narinig niya pa ang mapanghibok na daing kaya saglit siyang napatawa.

“Can you be my husband, Attorney?” 

"H-Hindi ko alam ang pinagsasabi mo! Saka hindi ako 'yon!" pagdepensa ko. Doon ko lang napansing tuluyan na iba na pala ang suot ko na damit ngayon. Tangina sinong naghubad sa'kin?! Diyos ko lord!

"Do you want a proof?" Inilabas niya ang teleponong nasa bulsa niya at doon ipinakita sa akin ang CCTV footage nung gabing 'yon. Napakasegurista mo talagang payatot ka! Ang sarap mong tadyakan! Kasalanan 'to ng pinsan kong payaso e'! Kung hindi niya ako iniwan dun edi sana hindi ko makikilala 'tong mga lalaking 'to!

"Oo na! Ako na! Anong deal naman huh?! Sex slave sex slave?! Ayokong ibigay virginity ko sa gagong katulad mo, 'no!" Gumuhit ang nakakaloko niyang ngiti bago siya muling nagsalita.

"Be my wife." Halos matumba ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang mga katagang iyon galing sa kaniya.

•••

RaineeeNeee

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status