Share

Chapter 5

MARA

"Kailangan ba talagang magsuot ng ganito? Para akong sinaunang pokpok dahil sa suot ko!" Hindi ko maiwasan ang mapakamot sa balat ko dahil sa kating dulot ng telang suot ko. Ilang linggo niya akong sinanay na magsuot ng ganitong klase ng damit at sandals na may matataas na takong. Pero gano'n pa rin, tila'y walang pagbabago. Hindi pa rin ako sanay, idagdag mo pa ang kabang kanina pa umaaligid sa kalooban ko.

"Tss," asik niya. Tanging pag-irap lang ang nagawa ko lalo na't papasok na kami sa loob ng malaking bahay. Bahay pa ba 'to? Doble ang laki nito kumpara sa bahay ng limang attorney. Cool! Pati pader parang may gintong nakatanim. Dahil sa pagkamangha ko, nagpalinga-linga na lang ang mata ko sa bawat parte ng bahay na madadaanan ko.

"Gawin mo kung anong tinuro nila sa'yo. Act like a professional, baby, please?" Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig kung gaano kalambing ang pagkakabigkas niya sa napagkasunduan naming endearment.

Baby....

"Okay, b-baby..." Tumikhim na lang ako para hindi niya mahalata ang kabang kanina pa sumasakop sa akin. Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok sa loob nang bigla niyang hinablot ang aking braso at isinukbit sa braso niyang nakaawang rin. Hindi ko maiwasan ang mapingiti dahil napaka-normal tignan kapag siya na ang gagalaw. Para bang walang pagkukunwari o napagkasunduan sa ginagawa namin. Malabo rin naman na magkatotoo 'to. Ilang minuto lang ay nakapasok na kami sa loob ng dining area nila at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang pamilya ni Saint sa mahabang lamesa.

“Saint?”

“Hmmm?”

“Kinilabutan ako sa pa-Baby mo.”

“Did you just call my name to say that? Tch.”

“Hindi. Kinakabahan ako ng mga one half.”

"Don't worry, it's just my family and lolo. Please, act like a professional, okay?" Ngumiti pa siya ng pagkatamis-tamis para hindi mahalata na peke ang lahat. Tanging pagtango na lang ang nagagawa ko dahil sa mapaglarong kaba.

"Emeee! Is she your wife?" Nag-aalangan man, lumapit pa rin ako sa kanila para pormal na makipag-beso-beso. Buti na lang may nagturo sa akin kung paano gawin 'to. Hindi naman ako sanay sa ganitong batian dahil sa probinsya, pagmano lang ay sapat na.

"Where's Sachi, mom?" usal ni Saint habang hinihila ang upuang para sa akin. Umupo ako roon. Katabi ko siya at kaharap ko naman ang mama niya habang nasa dulo naman ng lamesa ang tinutukoy niyang lolo. Nanlalamig na rin ang kamay ko dahil sa sobrang kaba. Gan'to pala 'yong kaba ng mga taong ipapakilala sa magulang ng kasintahan nila? I scoffed.

"So, you are the fiancé of Saint?" Huminga ako ulit ng malalim at ngumiti bago siya sinagot.

"Yes, I'm his fiancé and soon to be his wife, sir," diretsong saad ko ng may nakaukit na ngiti sa'king labi. Buti na lang tinuruan nila ako ng english dahil kung hindi, baka hindi pa nagsisimula 'to ay nasa labas na 'ko. Naramdaman ko ang pumatong na mainit na palad sa kamay kong nanlalamig. I don't know why, but I felt happy because of what he did.

"To tell you frankly, I don't like you." Sunod-sunod akong napamura sa aking isipan dahil sa'king narinig. Hindi ko alam kung ano ba ang isasagot at gagawin ko. Animo'y isang bala ang tumama sa'kin, pati utak ko ay hindi alam ang gagawin. Sungit-sungit mong tanda ka! Mabulunan ka sana!

"Uncle, please respect her. Nandito lang kami para ipakilala ang mapang-aasawa ng anak ko sa'yo, dahil iyon ang kinalakihan namin. Please respect her," saad ni Tito Santi. Dahil doon nagkaroon ako ng lakas na lingunin ang lalaking nasa dulo ng lamesa at buong tapang na sinagot.

"I don't care if you don't like me for your grandson, sir. Hindi naman ikaw ang papakasalan ko, kundi ang apo niyo." Hindi ko inalis ang ngiti sa labi ko para hindi lumabas ang mukha ng eskandalosa. Sanay ako makipag-away pero iba ang nararamdaman ko kapag ganitong tao ang nakakasagutan ko.

"See? She's not even respecting me! Is that what you really want to marry, Saint?! Disrespectful!" Sasagot pa sana ako nang unahan ako ng lalaking katabi ko, it was Saint.

"Because you are disrespectful, too. If you can't respect my fiancé, then we're leaving." Ni hindi na niya hinintay pa kung anong isasagot nito sa kaniya. Hinila niya ako palabas sa malaking bahay na iyon. Ramdam ko rin na nakasunod sa amin ang magulang ni Saint.

Halos magkandadapa-dapa ako dahil sa sobrang bilis ng lakad nito habang hinihila ang kamay ko. Binuksan niya ang isang pinto ng sasakyan para papasukin ako ngunit tumanggi ako.

"P-Pasensya na sa nasabi ko kanina sa lolo mo. Hindi ko naman inaasahan na gano'n pala iyon kaistrikto. Sorry..." Hindi ko alam pero tinitiklop ako ng kahihiyan ngayon.

"You shouldn't talk to him like that, Mara! Fuck! I hate this family!" Sinipa pa niya ang gulong ng sasakyan dahil sa inis. Hindi ko Alam kung anong gagawin ko. Ngayon ko lang na-realize na dapat pala ay hindi ako pumayag sa kasunduan. Wala sanang ganitong mangyayari. Pero paniguradong nasa lansangan ako ngayon kapag hindi ako pumayag. Hindi ko alam kung saan pa ako lugar o kung may lugar pa ba ako dito sa syudad.

"Saint, calm down honey. Kilala mo naman 'yang Abuelo mo, 'di ba? It's okay." Abuelo? Madalas ko iyon marinig sa kanila kahit kay Hezu. Niyakap siya ng kaniyang ina, bagay na ikinainggit ko nang makita ko kung gaano kahigpit ang yakap na iyon. Nay, miss na po kita. Kayo ni tatay. Sana po gabayan niyo ako dito sa Manila, hindi ko na po alam kung saan ako lulugar. Ni hindi ko makita ang pinsan ko.

"Iha, what's your name again?" Napansin kong wala na si Saint at kami na lang dalawa ang natitirang tao sa kinatatayuan namin ngayon. Nakaramdam ako ng hiya at kaunting tuwa. Hiya dahil hindi bagay sa akin na makipag-usap sa ganitong klaseng tao at tuwa dahil napaka-natural lang sa kaniya ang pakikipag-usap sa katulad ko, hindi tulad ng iba.

"I'm Margarette Leora, you can call me Mara." Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang aking pisngi kasabay ng pagsasalita niya habang nakatingin sa kabuuan ng aking mukha.

"Drop that act, Mara. Saint told us about your deal, except to his grandfather or abuelo. Let me tell you about my experience when I met his grandfather before. Hindi ako mayaman katulad nila, magkatulad lang tayo. Galing akong probinsya noon. Noong unang beses ako pinakilala ng ama ni Saint sa uncle niya or Saint's grandfather, hindi niya ako tanggap. Why? Because I'm just a promdi girl who fell inlove with the rich prince. Tutol siya sa amin pero walang nakapalag sa katigasan ng ulo ni Santi. At alam kong nagmana si Saint sa ugali ng ama niya. Hard-headed."

Naiilang ako dahil sa ginagawa niya. Hindi niya inaalis ang kamay niya sa aking mukha. Parang nag-aalangan ang mata ko kung haharap ba sa kaniya o hindi.

"Bakit po kailangang gawin ito kasama ang lolo ni Saint?" Tinanggal na niya ang kamay niya sa aking mukha at sumandal na rin sa sasakyang nasa likuran ko na sinasandalan ko kanina pa.

"Because Santi's father is already dead. Bilin ng ama niya na kapag may babae silang papakasalan ay dapat ipakilala sa mga kapatid niya. But how? Nasa ibang bansa ang ibang kapatid ng papa ni Santi, maliban kay uncle. Ipapakilala lang, hindi na kailangang gustuhin." May kaunting saya ang naramdaman ko dahil sa narinig ko.

"Pero alam niyo po ba kung bakit ito ginagawa ng anak niyo? Bakit may deal na ganito?" panguusisa ko. Hindi ko rin naman kasi talaga alam kung bakit 'to ginagawa ng anak niya.

"Dahil kapag hindi pa siya nakahanap ng mapapangasawa, ang lolo niya mismo ang maghahanap ng babaeng ipapakasal sa kaniya," seryosong tugon nito.

"Pero bakit po ako? Mas okay nga po kung ang lolo niya mismo ang maghahanap dahil paniguradong magaganda at mayayaman ang pipiliin niyon." Sumilay ang ngiti sa labi niya bago ako tuluyang sinagot.

"I don't know. Maybe he likes you or he already fell in love with you."

Maybe he likes you or he already fell in love with you

Maybe he likes you or he already fell in love with you

Maybe he likes you or he already fell in love with you

Maybe he likes you or he already fell in love with you

Hindi ko alam kung bakit, pero may parte sa akin na umaasang sana tama ang sinabi ng mama niya.

•••

RaineeeNeee

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status