Share

Chapter 13

MARA

May iilan pa ring mga kalalakihan at kababaihan ang nakatampisaw sa tubig kahit hating-gabi na. It's already 2 am in the morning but I'm still awake, obviously. Hindi ako makatulog sa 'di malamang dahilan. Tatlong araw na rin kaming nandito sa Bohol, akala ko isang araw lang kami rito. Paniguradong malaki na rin ang nagastos ni Callip dito.

Napabuntong-hininga na lang ako at muling tumingala sa langit. Hindi ko gawaing tumitig sa kalangitan tuwing gabi pero parang pinagsisisihan ko na iyon. Namangha ako sa mga maliliit na bituing nakakalat at ang pagkalaking buwan na nagbibigay liwanag ngayon sa kapaligiran. Napakaganda. Ilang taon na akong namumuhay sa mundong ito ngunit ngayon lang sumagi sa isip ko ang titigan ang kalawakan.

"Ang ganda, 'di ba?" Kilala ko na kung kaninong boses iyon kahit hindi ko man lingunin. Umupo siya sa tabi ko at tumingala rin sa kalawakan na animo'y m

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status