MARA
Naiinis ako dahil sa nasabi ko kagabi. Pinagsisisihan ko na sinabi ko 'yon, natatakot ako na baka sabihin niya sa demonyong 'yon ang sinabi ko. Sinadya ko talaga gumising ng maaga para lang maabutan si Yoshi. Gusto ko siyang makausap.
Patayo-upo na ang ginagawa ko dahil hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko bakit ko nasabi 'yon. Umupo ako saglit para humigop ng mainit na kape. Maya-maya lang ay napag-isipan ko na tumayo na lang. Hindi ako mapakali. Natatakot ako na baka sabihin niya 'yon sa manyak slash demonyo na lalaking 'yon!
"Mara?" Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses na iyon. He's wearing a blue polo and black pants, donned by his luminous black shoes. Pormal na pormal siya kung titignan kahit saang anggulo.
"Good morning, Kal. Kape?" anyaya ko sa kaniya. Sinuklian niya ako ng pagkatamis-tamis na n
MARANaglalakad-lakad ako mag-isa sa mall habang bitbit ang shopping bag na may produktong nabili ko kanina. Komportable ako nag-ikot-ikot dahil sa suot ko. I'm wearing a peach one-shoulder tops and high-waist pants, donned by the cut-out heels.Hindi na ako masyadong nagmumukhang lola dahil tinuruan na rin naman ako ng designer nila Saint. That's why I'm very thankful with Saint's mom, her designer taught me how to dressed properly."Ang daming magaganda pero hindi ko alam kung anong bibilhin ko." Nagpalinga-linga ako habang nag-iisip kung ano talaga ang bibilhin ko. Hindi ko rin alam kung saan ako mag-uumpisang bumili. Balak ko rin kasi mag-grocery kasi wala ng stocks ang refrigerator nila Hezu. Wala rin naman akong gagawin kaya ako na lang ang nagkusa."Good morning, Ma'am. Ano pong sa'tin?" magalang na bati ng babaeng nakatayo sa gilid ko.
MARA"What happened to you and Yezhiah?" Iyan agad ang salubong ni Kal sa akin. Nakaupo silang apat sa mahabang sofa habang prenteng nakacrossed-arm. Mas lalo pa akong nairita nang maalala ang nangyari sa mall.Kompleto pa ang paper bags na dala ko bago umuwi, tapos ngayon paper bag na lang talaga ang naiuwi ko. Hindi ko na alam kung saan napunta ang mga laman nito. Kung hindi ba naman dahil sa Yezhiah na 'yan! E 'di sana nakauwi ako ng maayos at naiuwi ko ng kompleto ang mga binili ko!"Pwede bang 'wag muna ngayon? Mamaya na lang please," iritadong sabi ko. Ayaw ko naman na pati sila ay mapagbuntungan ko ng galit. Kanina pa talaga ako naiirita pero ayokong mag-alburuto sa taxi."At ano 'yang dala mo? Nagkandungis-dungis pa ang itsura mo, para kang batang gusgusin." Napairap na lang ako dahil sa pang-aasar ni Hezu. Talagang nagawa n
MARANaiiyak kong pinagmasdan ang CCTV footage ng mall no'ng isang araw. Gusto ko lang makita kung sino ang kumuha ng mga pinamili ko. Nakakapanlumo lang dahil hindi pamilyar sa akin ang mga mukha nila. Ni hindi ko pa nga nakita ang mga ito. "Kuya wala po bang ibang paraan para makuha ko pa 'yong mga item na nawala sa akin? Hindi po ba pwedeng ma-refund 'yon?" Sunod-sunod na pag-uusisa ko. Nanghihinayang ako sa pera at sa item na ninakaw."Ma'am, wala naman po kayo sa mga tiyangge-tiyangge, saka hindi po namin kasalanan na nawalan kayo." Humugot ako ng malalim na paghinga at kibit-balikat na umalis sa silid na iyon. Kahit anong gawin ko, hindi ko na maibabalik lahat ng nawala sa akin. Nakakapanghinayang kaya pilit ko itong isinasantabi.Hindi ko alam kung ilan na lang ang laman ng card na bigay ni Ma'am Salvacheera. Binigyan niya ako ng card na iyo
MARAIlang linggo na ang nakalipas matapos ang hindi magandang nangyari sa pagitan namin ni Hyacinth at Saint. Ilang linggo na rin akong hindi makatulog ng maayos. Mabuti na lang ay hindi na ako inaabutan ng ilang buwan bago magising. Nakakapagtaka lang. Wala akong ibang kasama ngayon dahil may mga trial silang apat. Kakahatid ko lang rin kay Ley sa school niya kani-kanina lang. Wala rin naman silang katulong sa bahay na'to kaya wala akong makausap. Ako lang mag-isa.Minsan sumasagi sa isip ko ang mga pag-amin ni Yoshi at Hezu sa akin. Ilang beses kong pilit na kinakalimutan ang mga 'yon kaya nililibang ko ang sarili na ituon ang atensyon sa iba. Pero madalas pa rin itong magpabalik-balik sa aking isipan. Minsan napapaisip rin ako kung totoo ba ang lahat? Totoo kaya na may gusto sila sa akin? Seryoso kaya sila? "Isang tao lang ang hinihintay ko na umamin sa totoo niyang na
MARA"May pasok kayo ngayon?" untag ko sa kanilang apat habang abala sa pagnguya ng pagkain. Nag-angat silang apat ng tingin sa akin at patanong na tumitig. Hindi ko rin sila masisisi kung ganiyan sila makatingin. Ngayon lang din naman kasi ako nagtanong ng gan'to."It's new. Why did you ask?" seryosong tanong ni Kal. Nakatingin siya sa akin at naghihintay na sasagutin ko ang tanong niya. Kapag talaga nakikita ko si Kal, pumapasok sa isip ko 'yong hipokrita at impakta niyang girl best friend kuno."Birthday ko bukas. Magluluto ako ng kaunti, 'yong tama lang para sa atin." Rumehistro ang gulat sa kanilang mukha, maging si Ley na kanina pa tahimik.Ano bang nakakagulat sa sinabi ko? Ang arte ng mga reaksyon nila."T-Tomorrow is your b-birthday?" nauutal na tanong ni Yoshi. Nabitawan niya pa nga ang ku
MARA"Kailan mo kaya ako mapagtutuunan ng pansin? Darating kaya ang araw na 'yan? When will you feel my love?" Nakapikit ang mga mata ko at nasa maayos na kalagayan ang sarili ko. Hindi pa ako agad na nakabangon dahil mga salita niya ang agad na sumalubong sa akin! Gustong-gusto ko na bumangon pero dinidiktahan ako ng isip ko na makinig na lang muna sa sasabihin ng lalaking nagsasalita. Sinusubukan ko rin na huwag mapaghahalataang gising dahil gusto ko marinig lahat ng sasabihin niya.Suminghap ito. "I don't have any intention to confess my feelings. But how? Ayokong itago 'to kung ang tanging intensyon ko lang ay ang kalimutan ka. Kung kakalimutan man kita, it could be I want to or I have to. How funny is it right, Mara? My friends like—love you and so do I. How did you do that? Paano mo nagawang paibigin ang mga kaibigan ko na dati lang ay kinain na ng bitterness?"
MARAMatalim na titig ang tinatapon ko sa lalaking kaharap ko ngayon sa lamesa. Sa katunayan nga ay kanina pa ako nagtitimpi na hindi umalis sa kinauupuan ko. Pangiti-ngiti lang ako sa kasama namin pero ang totoo ay kanina pa ako nagtitimpi lalo na kapag dumadapo ang tingin ko sa harap.Nandito kami sa mamahaling restaurant na ngayon ko lang din napuntahan. Hindi naman ako mahilig magpunta sa mga ganitong klaseng lugar."M-Mom..." Nilingon ko si Ley na ngayon ay katabi ni Hezu na nasa gilid ko."Bakit?" Napalunok ito ng paulit-ulit pero wala sa akin ang tingin niya kundi nasa pagkain ko.Nagtaka ako kaya agad kong tinignan iyon. Nagulat ako dahil sa nasaksihan ko. Hindi ko inaasahan na halos nadurog na ang pritong kanina lang ay nahihirapan akong kainin.Napangiwi ako pagkatapos ay nahihiyang nginitian sila. Bahagya
YOSHI"Help me to get out of here, Satoshami. I will pay you whenever you want," malamig na sabi ng lalaking kaharap ko. Napailing na lang ako dahil sa ugaling hindi ko kailanman nagustuhan dito."When will you change that shitty attitudes, Blade Del Moral? I already told you before that you can't tame me. What happened by the way? Why are you here?" He crossed his broad arms and give me a tedious look."Someone wants to steal my girl," he whined. I felt his anger while saying those words coming from his mouth. It's my first time to see how the first born Del Moral f.ell in love, huh."So?" I want to tease him."So? So I beat him until he couldn't be able to walk. He's just her ex but he act like a protective boyfriend. Damn!" He slammed the table kaya halos lahat ng mata ay nasa sa