Share

5

Nakatulala ako sa ginawang paghalik ni Rashid saakin. Para naman akong natuod doon. I pushed him hard at nilayo saakin, para saan pa yung halik na iyon? 

"I'm so sorry Yhra, nadala lang ako." Bumawi ito sa pag-kakatulak ko at niyakap ulit ako. Ramdam ko padin ang takot at kaba. Hindi ko alam papaano ako mag-papakalma. 

"Fuck, may meeting pa ako kay Dana." Naitampal ko ang kanang kamay ko sa noo ko at nag-mamadali na lumakad papalapit sa kotse ko at sandali na lumingon sa direksyon ni Rashid, this little man owe a reward from me. May naisip ako at mukang matutuwa naman sya sa reward ko mamaya. Mag-rereport din ako sa pulis mamaya. Hindi ko na alam ang gagawin kapag sa susunod ay sumulpot nanaman si Carlo at mas matindi pa ang magawa saakin. 

"Rashid, I'm really sorry but I have to go. Mag-usap nalang tayo mamaya sa unit ko. Mauna kana doon, I will be there after this meeting," ngumiti ako at bumaba sa kotse paa hagkan sa pisngi si Rashid, his face went red. Ang gwapo nyang tignan nung mamula ang muka nito. 

"You're blushing Rashid," I joked and he look away at tumalikod dahil nag-pipigil ng hiya. He look adorable. Ang sarap lamutakin at isama sa meeting ko. Pero dadaanan ko pa sila Mama at Papa. "I need to go, see you later," I look straight to his eyes and caress his cheeks. Tuluyan na akong sumakay sa kotse at nag-drive papunta sa office ni Dana. Sana hindi pa ako late, nakakahiya kasi. 

I check my self on the mirror. Baka kasi mamaya ang haggard ko nahaharap kay Dana. Dapat kahit saang parte ay mas malalamangan ko sya. Hindi ako papayag na magpatalbog sa kanya. I am a model at bukod sa pagiging model ay may maipag-mamalaki ako. Sana andoon din ang mga anak ko sa shop. Sana mahawakan ko ulit sila. Paunti-unti ko na ipapasok ang sarili ko mga buhay ng mga anak ko. Para malaman nila na ako ang tunay nilang ina

I parked my car at marahang lumabas at lumakad papunta sa entrance, kumunot ang noo ko habang napansin ko na nakatanaw sa malayo si Dana. May kapit na baso ng wine at nilalaro ito sa kamay nya at paminsang may pumatak na luha sa pisngi nya at pinahid ito ng mabilisan, muka ngang hindi padin nagtitino si Remon kahit ilang taon na ang nag-daan. 

I walk gracefully and open the door, sandali akong tinignan ni Dana at pinahid ang mga luha nya at lumapit sakin para makipag kamay at beso. I can feel a heavy baggage on my chest, nakaramdam ako ng awa at hindi ko alam kung yayakapin ko ba sya o tatanungin kung may problema ba. Pero ayoko naman na manghimasok sa buhay nila. Ang anak ko nalang ang gusto ko. Wala nang iba pa. 

"Hi Dana, I'm sorry kung late ako." Nakipag beso ako at ng tignan ko si Dana ay parang wala syang tulog at lasing pa. 

"No it's okay, konting review nalang naman na sa pinirmahan mo and after that we can plan about the future project," paliwanag nito saakin at napansin ko ang pag-pigil nya sa luha nya habang nakikipag-usap saakin. Hindi ako makuntento hanggang hindi ko nalalaman kung ano ang problema ng dalawa. 

"Are you okay Dana? Kanina ko pa napapansin na umiyak ka bago pa ako makapasok sa office mo." Pinahid ko ang luha nya gamit ang tissue na inabot ko sa gilid ko mismo. Kung ako ba ang pinakasalan ni Remon noon, ganto din ba ang gagawin at sasapitin ko sa piling nya? 

"I'm sorry, wala kasi ako gaanong kaibigan and my cousins are very busy on their own lives. That's why I don't have people where I can open up my problems, pero ang bigat-bigat na talaga," humagulgol ito at mabilis ko na niyakap si Dana. Nakaramdam naman ako ng labis na inis. I can see that she is a good woman. At hindi ko naman sya talaga kailangan na idamay sa galit ko kay Dave. 

"I have a problem with my family and I don't know what I'm going to do. Gusto ko magbakasyon lahat. Nagpatawad at paulit ulit akong nagbigay ng chance sa tao ng di nya alam na sya pala ang problema at pinoproblema ko," she said while wiping her tears away at nakayakap pa din saakin. 

"I'm really tired Yhra, paulit ulit nalang akong niloloko," napalunok ako sa sinabi ni Dana. Ano ang gusto nyang sabihin at iparating saakin? Ibig sabihin ay may iba na babae si Remon. This is getting interested. 

"Just let it out, do what you want Dana. Hindi naman masamang bigyan mo ng pahinga ang sarili mo. Rest until you feel okay." Humiwalay ito sa pagkakayakap saakin at inabutan ko ulit sya ng panyo na pinamahid nya sa luha nya. 

"Wala naman kasi talagang katapusan ang problema Dana. Nasa iyo lang ang sagot kung papaano mo ito lalampsan. Maging matatag ka para sa iyo at sa mga anak mo," I smile bitterly. Anak ko sila, ako naman talaga ang nanay ng mga bata na nasa piling nila. 

"Yes, you're an angel. Kaya pumayag din ako na maging businsess partner tayo since I already know your background." Kumunot ang noo ko at ang kaba ko ay ito nanaman, papaano na alam nya ang background ko. It means kahit si Remon at mga anak ko ay alam nya

"I mean your father have a good reputation. Ayoko naman nahingi ng tulong sa mga kamag-anak ko. Mas lalo lang nila ako titignan pababa, na hindi ko kayang tumayo sa sarili ko," I pity her now. Hindi din pala sya ganong kasaya sa buhay na tinatahak nya. Totoo na may pressure pa din kahit saan sya ilagay. 

Ngumisi ako at saka ko tinapik ang balikat nya. I look straight to her eyes and show my genuine smile. "Pahinga, wag ka matakot at mag-alala. Kung saan mo gusto ay naka-suporta lang ako sayo Dana." I grab her hand and hold it. 

Para masolo ko ang mga anak ko at makuha ko ang mga loob nila habang naka-vacation ka Dana. Madaling mapaikot ang taong subsob sa problema. Dana is barely living now. At ang kalokohan ni Remon ay talagang nakakasakit sa ulo. Soon, mag-oopen na saakin si Dana at malalaman ko ang mga tanong na gumugulo sa isipan ko noon pa lang. 

"I'm so lucky talaga Yhra. Salamat ng marami, but I don't have a bucket list or plan where i should start. Kahit sa pinas lang kasi di ako gaanong nakakagala. My parents are very strict." I tap her shoulder at eto nanaman. Ang bilis ko maawa at lumambot. Yes, hindi sya dapat na husgahan agad. Pero ayoko naman na mag-mukang interesado ako sa buhay nya noon. 

Kung mag-kwento sya, saka ako mag-tatanong. Kailangan ko pigilan ang sarili ko. Unahin na mapalapit ang mga anak ko sa akin. 

Binuksan ko ang phone ko at pinakita ang mga bucket list ko. The first is Cebu. Napaka-ganda nito at ang mga simbahan doon, talagang nakakamangha. "This is the first in my list. I believe that I must start my journey kung saan ako kumukuha ng lakas at nahingi ng kaligtasan. Maybe I am not that religious type of person. But I still do. Hindi naman masama na humingi ng basbas para sa pag-travel mo at hayaan kang mag-heal habang nag-travel ka," nakikinig ng mabuti si Dana at ang kamay ay humawak saakin. 

"Thank you so much. Pasensya kana kasi wala talaga akong ibang kaibigan o malalapitan. My parents say that I need to be independent, but they can't see that I'm trying. But it's not working.."

"I am not happy on my marriage...." sandali akong tumitig dito at mabilis nyang pinahid ang luha nya at tumingin sya saakin.

"Ayoko iwanan ang mga anak ko. But I am tired, ang gulo. Napaka-gulo ng mundo na pinasok ko. Nag-sisi ako sa ginawa ko. It makes me wonder, kung di ko ba pinilit, hindi ba ako mapapahamak at maiipit sa ganitong sitwasyon," she start sobbing and stand up. Pinahid ang luha at tinakpan ang muka. 

"I say too much, rest room muna ako. Drink some wine of you want Yhra." after she said it, lumakad ito palayo. Kumuha ako ng baso at nag-salin ng alak sa baso. Bumalik sa pag-kakaupo at sumandal. Wala naman nakalagay na bawal mag-smoke sa loob, but i went to balcony and light some cigarette. 

Mas lalo akong nag-taka. Ano yung mga sinasabi ni Dana. Kahit gusto ko na kumuha ng private investigator ay impossible na. Matagal na iyon at ang tao na papa-imbestigahan ko lang naman ay bigatin at napaka-yaman pa. My curiosity will kill me. Ayoko na kausapin pa si Remon dahil wala ako makukuhang sagot doon bukod sa susumbatan ako at bibigyan nanaman ako ng kikimkimin ko na galit sa loob ng ilang buwan. 

Sandali akong napaismid ng pumarada nanaman ang sasakyan ni Remon sa parking lot at papunta ito saakin. Holding a folder. Kanina matapos ako iligtas ni Rashid ay nasa kabilang part sya ng kalsada. Ngayon para naman akong sasampalin anytime, nakakasawa nang makita ang muka ni Remon. Hindi ko na maramdaman yung sakit dahil mahal ko padin sya. Ang sakit na nararanasan at nararamdaman ko ay puno ng galit, hinanakit at gigil. 

Bakit ko nga ba minahal ito, wala namang matinong ginawa saakin noon. Sinaktan ako, tinapon at binaboy. Tapos mahal ko noon. Ang laki kong tanga, kaya akala nya hanggang ngayon ay ganon padin ako. Pinapakita nya na napaka-baba ng tingin nya saakin. Kasi kung hindi mababa ang tingin nya saakin. Kahit na matagal na kaming hiwalay ay irerespeto nya ako bilang babae at tao na kinakausap sya ng maayos kahit na punyeta ito. 

Ang pagitan namin ay ang railings ng balcony, inabot nito ang folder saakin at tinitigan ko ito, ang kamay nya na may hawak na folder. "Anong gagawin ko dyan? I'm warning you Remon. Tigilan mo na pang-gugulo saakin at ibigay mo ang gusto ko." Hiniklat ko ang folder at muling sumulyap kay Remon. 

I look what's inside the folder. Nanlaki ang mata ko sa mga litrato na andito at papaano nakaplano ang ginawa ni carlo noon, nanindig ang balahibo ko dahil mula noong unang trabaho ko sa ospital at nag-aaral palang ako ay puro litrato ko ang nasa isang silid, at kay carlo iyon. 

He is fucking crazy. Papaano nya nagawa iyon, saan nag umpi at bakit sa dami ng tao ay ako pa. My heart beat drop for a second when a picture of mine. Nakahubad sa kwarto at mga litrato namin ni Remon sa bahay at lahat. Ibig sabihin ay naka-sunod ito hanggang sa lumayo na kami ni Remon. 

"That man is fucking insane. Actually I got that result after a year I broke up with you." He held my hand pero sinampal ko ito ng napaka-lakas at pinanlisikan ng tingin. How dare him to act like nothing happens, matapos nyang mag-pakasal kay Dana at sa mismong shop pa ng asawa nya. Anong gusto nya maging kabit nya ako. Hindi ako papayag na maging uto-uto nanaman ako. Noon nya papala alam, bakit pinahirapan nya padin ako? 

"Naririnig mo ba sarili mo Remon. Naiinis ako sayo lalo. Una palang alam mo nang wala pala akong kasalanan sa'yo. Pero bakit ginago at hinayaan mo ako mag-dusa ha?" I pushed him and slap his face again. Kahit nakakailang sampal na ako ay hindi gumagaan ang pakiramdam ko, it makes me crave for more. Slap him hard. 

"You can't understand Yhra. I made a mistake. Pero sana alam ko kung gaano ako nag-dusa at saan ako nag-kamali noon. I swear, naipit lang ako," he said and tried to touch my face, but i slap his hand again. 

"Hindi ko na kasalanan yan Remon. Did you know that I suffer too much, wala ang mga anak ko sa tabi ko. I sleep at night with this burden that I have since that day you left. Alam mo ba kung gaano ako nasaktan. Huwag ka mag-salita na ikaw ang pumasan ng lahat Remon kasi kung may ano man ang nang-yare habang buntis ako at wala ka sa bahay noon, handa ako makinig pero hindi mo ako pinapansin. But I stay, hinding hindi kita iniwan noong panahon na may problema. I stay even you keep hurting me." Hinagis ko ang folder sa muka ni Remon at tatalikod na sana dahil ubos na ang isang stick. 

He reach my hand at ang mga mata nito ng nag-susumamo saakin ngayon. Kapag maawa ako, talo ako. Gusto ko iparamdam  sa kanya ang sakit at mga hinanakit ko noon. 

"Yhra, please. Let's fix this," I chuckle and look at him. "How we can fix this Remon? Noong una palang na nasa iyo na ang kasagutan pero binalewala mo.." 

"I didn't open that folder because I believe that you're happy with him.." I took a deep breath and smile at him

"Do I look happy now, Remon? Saan sa reaksyon at part ng buhay ko ang kasiyahan?" Tanong ko rito at pinahid ang luha ko. Carlo ruin everything. His obsession broke everything that I had in my life. Pati buhay ko, sinira nya para sa pang-sarili nyang kaligayahan. 

"We cannot fix this Remon. Focus on the lofe you choose. Ang gusto ko lang ay makasama ang anak ko. Wala nang iba." tinalikuran ko ito at nag-umpisang maglakad palayo. 

"Ihahatid ko sila sa condo mo bukas," I smile widely pero hindi kita ni Remon dahil nakatalikod ako. 

"Aantayin ko sila.." 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Meriam
wla po ba free
goodnovel comment avatar
Femia Fremista
free reading prin po ba ito katulad ng book 1... di po kasi ma -unlock..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status