Share

Chapter Three

"Nakakapagod naman." I sighed at yumuko  sa lamesa para pumikit at ipahinga ang utak ko. Inaantok narin ako, nakakasawa yung ginagawa ko. Type lang ng type.

Bakit ba kasi hindi niya pa ko tanggalin. Bakit kasi naniwala ako at naawa sa dahilan niya kung , bakit ayaw niyang kumuha ng ibang secretary eh.

"Trauma. My One and Only Secretary Break Up on me. Iniwan niya ko, alam mo naman yun diba? Kaya ngayon, parang hindi ko pa kaya magkaron ng ibang secretary. Ang sakit parin eh."

"Oh, bakit ako nandito kung ayaw mo pang kumuha ng secretary?"

"Cause' I know, your different. Hindi mo ko papabayaan katulad nung hindi mo pag-iwan sakin nung lasing akong sumugod sa coffee shop."

Bakit ba kase nagpadala ako sa cuteness niya? Buset talaga.

Ginulo-gulo ko yung buhok ko. Napapagod na talaga ako! Gusto ko nalang umuwi at humiga sa malambot kong kama. Hayy sarap matu..log.

"Ay kabayo!" napabalikwas ako ng tayo nung may bumagsak na malakas.

Hala nakatulog pala ako? Ano yung bumagsak?

Nakita kong takot na nakatingin ang ibang empleydo sa Opisina ni Eugene. Bakit kaya?

Sinenyasan ko si Irene na lumapit sakin, isa sa empleydo dito.

"Ano nangyari?" tanong ko. Lumapit pa siya sakin at bumulong.

"Yung ex ni Sir nandito kanina. Nag-away sila, buntis yung ex-secretary slash ex-girlfriend niya."

Nanlaki yung mata ko at agad na pumasok sa loob ng opisina ni Eugene.

Naawa naman ako sa itsura niya. Nakaupo siya sa sahig sa may gilid ng lamesa.

"Fvck. This can't be.." Umiiyak niyang sabi.

"Ayos ka lang?" kumuha ako ng tubig at umupo sa tabi niya.

Ininom ko yung tubig at tinapik ang likod niya.

"Akala ko ibibigay mo sakin yung tubig, abno ka." natawa ako nung tumingin siya sakin ng nakanguso, habang umiiyak parin.

"Hati nalang tayo, Hehe." binuksan ko yung bote at itinapat sa bibig niya. Masanay na kayo, gusto niya talagang ako ang nagpapakain at nagpapainom sakanya.

Ewan ko din, kaya wag niyo tanungin kung bakit.

Ilang minuto pa kaming nakaupo sa sahig. Lumingon ako sa glass window, pababa na ang araw. Ang ganda.

"I'm going to be a Father." tumango ako at nilingon siya.

"Oh dapat nga maging masaya ka. Blessing yun." siniglahan ko pa konti yung boses ko, baka mamaya umiyak nanaman to e.

"I'm not a fan of a Broken Family." napatitig ako sa mukha niya.

Nakakapanibago. Sobrang seryoso ng mukha niya, yung makulit niyang boses napalitan ng malalim. Sa isang iglap nawala yung pabebeng si Uge. Ito ba talaga ang tunay na siya?

"My Mom and Dad, Died. Suicide." Mapait ang pagkakabigkas niya.

Hindi ko naman pinahalata na nagulat ako, nakatingin lang ako sakanya, handang makinig.

Tumawa siya at tumingin sa papalubog na araw mula sa malayo.

"I'm just a fvcking ten years old, nung magpakamatay sila. Nakita ko, harap-harapan." Tuloy-tuloy yung luha niya. Kahit ako umiiyak na.

Paano ka nakakangiti kung may ganiyan ka palang dinadala?

"Paano ako magiging magulang? Hindi ko alam kung kaya ko. Hindi ko kayang lumaki siya na hindi kumpleto ang pamilya." hinawakan ko yung kamay niya, nag-angat siyang ng tingin sakin.

Tutal nag-share siya sakin, hindi naman siguro masama kung sasabihin ko din sakanya yung naging buhay ko.

"Alam mo Uge, Ako din Ulila na." malungkot akong ngumiti sakanya. Mabilis siyang napaharap sakin.

"Really? H-How?" nag-iwas ako ng tingin sakanya at pasimpleng nagpunas ng luha.

"Five years old palang ako nung namatay sila. Sakit ata? Hindi ako sure, bata pa kasi ako non. Lumaki ako sa ampunan, Pero nasunog yung ampunan kaya sa kalye ako tumira." nakangiti akong lumingon sakanya.

Medyo nabigla pa ko nung magkatitigan kami.

"Paano ka nakapag-aral? Paano ka nabuhay sa Kalye? Wow. Hindi halata." hindi sa pag-aano pero , sinabi niya yon ng may tonong pagka-mangha.

Kinuwento ko lahat sakanya. Haloa lumalim na yung gabi, nagkukwento parin ako. Ayaw ako patayuin hanggat hindi ko nakukwento lahat.

"Tapos.. Eto na ko ngayon. Secretary ng isang Isip batang tulad mo." tumayo ako at nag-unat. Kakangalay naman. Napa-tsk nga ko nung iabot niya yung kamay niya sakin.

"Tayo mo ko." pabebe nanamang sabi niya. Kinuha ko yung kamay niya, at buong pwersa siyang hinila patayo.

"Takte ka talaga. Mas mabigat ka pa sakin tapos magpapatayo ka pa-Ahh. Ayan!" nag-unat ulit ako ng braso.

"Thank you." tinaas baba niya pa yung kilay niya.

Pesteng to. Ang laki-laking tao, hindi na naawa sa sexy kong katawan. Tiningnan ko yung oras.

Eight na ng gabi. Kaya pala gutom na ko. Lumabas ako para ayusin yung gamit ko nung nagramble na talaga yung large at small worm ko sa tummy. Arte gago.

"Gutom na ko." banggit ko habang inaayos yung gamit ko. Nilingon ko yung pinto ng opisina nung lumabas si Eugene.

"I'm hungry." Nakasimagot niyanf sabi sakin at umakbay. Sanay narin ako, kahit mag-iisang buwan pAlang kaming magkasama.

Ganito kami lagi. Sabay uuwi at kakain ng Dinner. Saan? Malamang sa bahay ko. Pabebe nga kase siya, gusto lagi kong inaasikaso. Buti nalang mataas magpa-sweldo.

"Pa-deliver nalang tayo. Gutom narin ako, ayokong magluto." sabi ko at kinabit na yung seatbelt.

"Sa labas nalang tayo kumain." sabi niya habang naka-focus sa daan ang paningin.

"Ayoko. Doon nalang sa bahay." inaantok kong sagot at pumikit.

"Sabihin mo kuripot ka lang. Parehas lang naman bayad kapag  ganon. Tsaka hoy' sungit! Ako kaya lagi nagbabayad." nagmulat ako at tumingin sakanya.

Kung hindi lang ako pagod. Papayag akong kumain sa labas, kaso inaantok na talaga ako eh.

"Inaantok na kase ako Bata. Gusto ko pagkatapos kumain, tulog na. Wag kang madaldal, magmaneho ka ng maayos." kinurot ko yung nguso niya. Kakagigil talaga mukha na siyang pato kakanguso.

"Shakit."

"Pabebe."

"Sungit."

"Bata."

Blah.blah.blah. after so many dakdakan nakarating na kami sa Condo ko na kaharap lang ng Condo niya. Destiny? Hindi noh. Pwersahan niyang binili yung condo sa tapat, kawawa nga yung totoong nakatira. Wala, abnormal talaga siya eh.

Pagkapasok ko sa Unit ko dumiretao agad ako sa kwarto at nagbihis. Si Eugene naman nasa unit niya nagbibihis din, papasok nalang yan basta-basta mamaya. Alam niya pass code ko, alam ko din yung kanya.

Kung iisipin ko, hindi ko na matandaan paano kami naging ganito ka-close. Magkaibigan? Hindi. Amo ko siya, kaaway ko din. Kapitbahay ko din. Basta bahala na.

Nakahiga ako sa sofa nung pumasok si Eugene, na may dala ng bucket ng chicken at kung ano-ano pa na galing sa sikat na bubuyog.

Isip bata talaga.

"Kainan na!" Buti at kumain siya ng kusa at hindi na nagpasubo. Gutom na gutom lang? Haha.

Kumain narin ako at galit-galit muna. Wow, ganito pala ako kaguto. Apat na rice at tatlong chicken kulang pa sakin.

Nakita kong nagka-sauce yung bibig nung bata, authomatic namang kumilos yung kamay ko at pinunasan yon.

"Salamat. Ang sweet ni sungit ngayon ah." nilunok ko yung manok ng hindi pa nginunguya. Nung makabawi ako binato ko sa mukha niya yung tissue.

"Tsk." natawa lang siya at kumain na ulit.

Tsk. Sweet daw.

Nung matapos kaming kumain syempre ako ang nagligpit. Habang siya lumalaklak ng yakult. Maya-maya nakahiga na kami parehas sa sofa, magkahiwalay ah. Wag kayong issue. Doon siya sa maliit na sofa.

Nung may naalala ako, pinatay ko yung tv at umupo sa sahig kaharap niya.

"Bakit mo pinatay?" pinaupo ko siya.

"Seryoso ka muna dali. May pag-uusapan tayo. Hindi natin to naklaro kanina, nagdrama tayo agad eh." tuloy-tuloy kong sabi. Bumaba siya sa upuan kaya parehas na kaming nasa sahig.

"Ano yun?" tanong niya habang nahihikab.

"Buntis yung Ex-secretary slash Ex-girlfriend mo?" pagkukumpirma ko. Mabilis na nagbago yung expression niya, tumango siya.

"Sayo ba yun?" tumingin siya sakin at tumango ng dalawang beses.

"Babalikan ka ba niya? Imposibleng hindi dahil magkakaanak na kayo." kita ko ang pagtangis ng panga niya. Galit

"She's getting married sa Imported niyang boyfriend. Pumunta lang siya kanina para sabihing sa oras na manganak siya, iiwan niya sakin ang bata." mapaklang sabi niya.

Ano klaseng babae yun? Kaya niyang iwan yung anak niya para lang sa lalaki? Grabe naman.

"Alam mo.. Buti nalang at hiwalay na kayo. Sinong babae ang kayang gumawa ng ganon? Iiwan niya yung anak niya para lang sumama sa ibang lalaki? Hindi niya ba naisip kung paano yung anak niya? Lalaki ng walang Nanay? Gigil ako." tuloy-tuloy kong daldal. Nakakainis yung babaeng yun.

Nakita ko na siya sa picture eh. Maganda siya, walang duda at nabaliw ang isang to. Pero kahit gaano pa siya kaganda, kung ganon ang ugali niya? Mangangamoy b****a siya.

Hindi niya ba alam kung gaano kahirap sa isang bata ang mabuhay ng kulang ang pamilya? O kaya walang pamilya? Hindi niya inisip kung anong mararamdaman ng anak niya.

Hindi pa pinapanganak yung Baby, pinamimigay na siya. Ako yung nasasaktan para sa bata.

"Hey Laura. Wag ka ng umiyak." inakbayan niya ko at pinatahan. Buwisit umiiyak na pala ako.

"Kase naman. Hindi pa nga pinapanganak yung Baby, ginaganon na siya." naramdaman kong humigpit ang akbay niya sakin. Tiningala ko siya, bakas din ang lungkot sakanya.

Hinawakan ko yung mukha niya, iniharap ko sakin. Ngayon malaya ko ng nakikita ang tsokolate niyang mata, napakaganda.

"Wag mong panghinayangan ang tulad niya. Kung ayaw niya sa Bata, kukunin natin siya. Ililigtas natin siya sa Ina niyang walang kwenta." Gigil kong sabi. Natatawa siyang tumango.

"Ang tapang naman Laura." biro niya pero pinanatili kong seryoso ang tingin ko sakanya. Gusto kong maramdaman niyang seryoso ako.

"Tayo ang mag-aalaga sakanya. Gagawin natin ang lahat para hindi niya maramdaman na kulang siya. Wag ka ng mag-alala ha? Andito lang ako." Seryoso kong sabi sakanya at ngumiti.

Nakatitig lang siya sakin, seryoso ang tingin. Agad kong pinunasan yung luha niyang, bumabagsak.

"Thank you. Thank you for saying that." nabigla ako nung sugurin niya ako ng yakap.

Niyakap ko rin siya pabalik. Hindi na pinansin kung ano yung wirdong pakiramdam sa dibdib ko. Wag muna ngayon.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Merlie Ortinez-Tinte
nice story
goodnovel comment avatar
Paul Aldover
di pa mag kakantutan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status