Share

Chapter Seven

Halos mag-uumaga narin kami nakauwi ni Eugene. Sa sobrang daming nangyari, hindi ko na nagawa pang tingnan ang oras. 

"Matulog ka muna, aayusin ko lang yung mga dadalhin natin bukas." sabi ko sakaniya at naglakad papalapit sa pintuan ng magiging kwarto ng kambal.

"I can do it, you can rest first." pilit ang ngiti niya at halatang pinipilit lang labanan ang pagod at antok. 

"Kaya ko na to, wag ka na nga papilit diyan. Sige na magpahinga ka na." isinenyas ko pa gamit ang kamay ko na umalis na siya. Pumasok ako sa kwarto at lumapit sa baby bags.

"Psh parang gusto lang naman tumu—"

"May sinasabi ka ba?" 

"Sabi ko okay po, matutulog na po Momma." dali-dali kong inabot ang baby powder na nakita ko at inambang ibabayo sakaniya. 

"Hoy masakit yan! Eto na nga eh, aalis na nga." kabadong sigaw niya, hindi ko inalis ang masama kong titig sakaniya kaya wala siyang magawa kundi ang lumabas ng kwarto at pumunta sa kwarto niya. 

" Hays... Pa-cute." naiiling kong sabi sabay irap sa kawalan. 

Ang totoo niyan kahit magpahinga ako ay alam kong hindi rin ako makakatulog. Sa sobrang daming tumatakbo sa isip ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. 

Kaya ko ba talagang tumayong Ina sa dalawang bata? Paano kung hindi ko sila maalagaan ng maayos? Paano kung magkasakit sila? Hindi ko pa naranasan mag-alaga ng sanggol, paano kapag nanghingi sila ng gatas na galing sa Mama nila? Wala naman akong maibibigay na ganon. 

"Argh! Laura! Kumalma ka, kailangan mong kumalma kung ayaw mong magkamali." kausap ko sa sarili ko, binagsak ko ang sarili ko sa kama at pagod na humiga roon. 

"Kaya ko to. Para kay Eugene... para kay Thor at Loki." pinakiramdaman ko ang puso ko habang nakapikit. 

Wala akong mga magulang na kinalakihan. Alam ko ang hirap ng lumaki na walang gumagabay sayo. Isipin ko palang na maramdaman yun ng mga batang yun ang naramdaman ko noon, parang nadudurog na ang puso ko. 

Hindi naman sa wala akong tiwala kay Eugene na aalagaan niya ang mga anak niya at mamahalin. Alam kong kayang-kaya niya yon, pero... kailangan niya parin ng katuwang. Kailangan niya ng makakasama sa pag-papalaki sa mga bata.

"Impokrita" bulong ko sa sarili ko. 

Ang dami kong sinabing dahilan pero sa loob-loob ko alam ko kung bakit ko ginagawa to. 

"Pagmamahal nga naman" 

Mahal ko na si Eugene. Kaya kahit hindi ko alam kung handa na ba ako o kaya ko na ba maging Ina ay pinili kong manatili dito. Ako na ang Mama ng kambal, ako na. 

~

"Ngayon niyo iuuwi yung kambal right?" tumango ako kay Anica na kalong ang baby girl niya, inabot ko ang matabang pisngi ni Denice at pinisil-pisil yun, cute.

"Anong oras?" tanong ulit niya, sumandal ako sa upuan matapos sumimsim ng kape sa tasa. 

"Mamayang lunch, may mga meeting pa kasi si Eugene at may mga papers pa akong kailangan tapusin para sa meeting." Sagot ko na ikinakunot ng noo niya, tinanong ko kung bakit at umiling lang siya.

"Sobrang busy niyong dalawa. Si Eugene ang presidente ng kumpaniya at Ikaw ang sekretarya ni Eugene. Ibig sabihin, kung busy si Eugene ay busy ka rin." 

"Ganon na nga. Bakit may problema ba sa ganon?. Ofcourse I need to be with him ang prepare his things because I'm his secretary." obvious na sabi ko na nakapag-palala lang ng busangot niya.

"Paano naman yung mga bata? Kung busy kayo, paano yung kambal? Busy ka, busy si Eugene... sino mag-aalaga sa kambal? You'll hire a nanny?" tanong niya' na nakapag-pabalik saakin sa tamang pag-iisip. 

"I—I didn't think of that...Ayoko namang ipalaaga sila sa iba lagi." naguguluhang sabi ko habang umiiling. 

Hindi ko naisip ang ganong sitwasyon. Halos magkarugtong ang schedule ng trabaho namin ni Eugene kaya kung busy siya ay busy ako, paano namin maalagaan ang kambal sa ganitong sitwasyon namin? 

"Quit your job." 

"No." maagap kong sabi. Napayuko ako kaagad ng magulat si Anica sa mabilis kong pagtanggi. 

"Ayaw mong mag-quit o ayaw mo sa idea na magkaroon siya ng bagong secretary? Besides lahat ng nagiging secretary ni Eugene nalilink sakaniya." kibit balikat niyang sabi at sinusubok ako ng tingin. Inirapan ko siya' at tumingin sa labas ng coffee shop.

"Hindi naman sa ganon." 

"Huwag mo ng itago saakin Gaga ka. Kaibigan kita, kilala kita. Mahal mo na no?" mabilis nag-init ang pisngi ko at dahan-dahang tumango. 

"Ang sama ko. Nagiging possessive na ba ako?" worried na tanong ko na tinawanan niya lang. 

"Pwede mo namang piliin pareho. Hire a Nanny, matutulungan ka nilang Mai-balance ang time mo." 

"Pero ayoko namang sa ibang pangangalaga sila lumaki." 

"Hindi naman yun sa ganon. Ikaw parin ang Mommy nila, nandiyan lang yung mga mag-aalaga sakanila kapag wala ka para mag-trabaho." paliwanag niya, napatango ako at pilit inintindi ang mga sinabi niya.

"Pero bakit Ikaw iniwan mo ang trabaho mo nung nagka-anak ka?" curious kong tanong at tumingin kay Denice na nakatulog na sa bisig niya. 

"Pinili kong maging Full time Mom and Wife." nakangiting sagot ni Anica habang nakatingin sa tulog niyang anak. Kumabog ang dibdib ko matapos marinig ang salitang Wife.

Mapakla akong napangiti. Kaya siguro hirap akong iwan ang trabaho ko dahil ayun lang ang tanging koneksiyon meron kami ni Eugene. We're bestfriend pero being his secretary is like being is wife, I can take care of him anytime. 

"Here they are!" sigaw ng lalaki, napalingon kami sa pintuan ng shop nang may dalawang nagtatangkarang lalaki ang pumasok.

"Let's go?" tumango ako kay Eugene. "Hi Anica, it's nice to see to again. Oh? is this Denice?" nakangiti niyang hinaplos ang buhok ng bata.

"Inaanak mo boss, lapit na pasko." Deon, Anica's husband. I heard Uge and him is friends at the same time Deon is working under Eugene so they're quite close. 

"Susunduin niyo na yung kambal?" nakangiting tanong ni Anica at ipinasa ang anak sa asawa na di na natigil ang bunganga sa kakadaldal. 

"Susunduin na ba natin? May mga meeting pa na—"

"Don't worry about that. Let's go?" Aya ni Eugene. Tumango lang ako at nag-ayos ng bag. 

"Pupunta kami sainyo to visit the twins ha?  We can't go right now kasi may vaccine sched ang baby namin." 

"It's okay, text me we you get home. Bye bye, thank you for the time." I sweetly said before hugging her. 

"Anytime no." sabi niya sabay kindat, natawa ako at umiling nalang bago hinila si Eugene papaalis ng coffee shop. 

~

"Okay lang ba talaga na hindi ka umattend ng meeting with Mr.Min ngayon? Importante yun, he's one of our VIP right?"  tanong ko habang nagkakabit ng seatbelt. 

"I ask him first. He's our VIP and also my Ninong, so it's fine." mayabang niyang sagot at sinimulan ng paandarin ang sasakyan. 

"Yabang mo na ah." biro ko at inirapan siya. 

"Pikon ka naman. So kamusta naman bonding niyo ng friend mo?" psh, halatang nagtatanong lang nang kung ano-ano.

"Okay lang, nag-usap lang kami." maikling sagot ko habang nakatingin sa labas ng sasakyan.

"Oh, that's good." sagot niya, napalingon ako sa pwesto niya. 

"Hindi mo itatanong ano pinag-usapan namin?." kunot noo kong tanong. 

"Nah, I think it's private." he said na nakapagpakunot lalo sa noo ko. 

"Sus kailan ka pa nag-isip tungkol sa private private na yan? Kilala kita, kating-kati ka ng magtanong kung ano pinag-usapan namin, chismoso ka diba? huwag kang mapag-panggap." inis kong sabi sakaniya. 

"Hahaha tsk. wala talaga akong kawala ano? Pero sasabihin mo ba kung matatanong ako?" he said, diretso lang ang tingin niya sa kalsada habang nagmamaneho kaya malaya akong nakatitig sa mukha niya.

"What if mag-resign ako?—Ah! Oh gosh Eugene that's too dangerous!" sigaw ko habang habol parin ang hininga. 

Biglaan niyang ipinreno at itinabi ang sasakyan sa gilid nang hindi manlang tinitingnan ang likuran at gilid kung may tatamaan ba siya'.

"Eugene?" tawag ko sakaniya nang manatili lang siyang nakatingin ng diretso sa labas, igting ang panga. Nataranta ako nang makita ang namumuti niyang kamay dahil sa higpit ng pagkakahawak sa manibela. 

"Hey, Uge... What's wrong?" tanong ko at hinawakan ang kamay niyang nasa manibela. 

"Aalis ka? Bakit ka magre-resign?" madilim ang mukha niya at bahagyang gumaralgal ang boses niya.

"Hindi, naitanong ko lang—"

"Hindi mo itatanong yan kung hindi mo binalak gawin."

"Ano bang sinasabi mo? Nagtanong lang talaga ako." 

"So naisip mong umalis? naisip mong iwan ako?...kami." nakayuko niyang sabi, matigas ang ekspresiyon pinipigilan ang galit. 

Napabuntong hininga ako at pilit hinawakan ang mukha niya at iniharap saakin. Nagkasalubong ang mata namin, nakita kong namumula na ang mga mata niya kaya napailing ako.

"Hindi sa ganon. Naisip ko kasi, Ikaw as a Boss ako as your secretary parehas tayong busy sa trabaho. Kung parehas tayong busy sa trabaho, paano yung kambal? Kaya naitanong ko paano kung mag-quit ako bilang secretary mo, para sa kambal? Maging full time, para maisakaso ko kayong tatlo ng mabuti..." pagkatapos kong sabihin yun ay nakahinga na ako ng maluwag, baka kung di ko pa ipinaliwanag umiyak nalang to bigla. 

"Oh..." tanging sagot niya at bigla nalang nagmamadaling magmabeho ulit. 

Nagtataka akong tumingin sa mukha niya nang nagsimula na muling umadar ang sasakyan. 

"S- stop staring at me Laura." mahina niyang sabi. Napatingin ako sa tainga niya na halos magkulay rosas na sa kapulahan. 

"Kinikilig ka ba?" 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status